15

1116 Words
Chapter 15 3rd Person's POV "Nasa 5th floor nga pala ang Ikigai," ani ni Elliseo. Nasabi nga nina Marco na duman sila doon. "Ngayon alam ko na kung bakit bumubuntot kayo sa akin," ani ni Bazile. Tumawa si Marco at sinabing hindi naman dahil sa miyembro ang kapatid niya ng TK. "Naiintindihan ka kasi namin. Celebrity din ang mom namin tapos manager ng Ikigai ang uncle namin. Mahirap makahanap ng kaibigan sa isang university para sa mga tulad natin at maka-adjust sa school," paliwanag ni Marco. Nagkibit-balikat lang si Bazile. Nakasundo naman agad nina Marco at Marcus sina Gaizer since nakikisabay din ang mga ito. Na-kuya na din ito kina Apollo. Imbis lumabas ay nag-hangout ba nga lang sila sa unit. May sariling court naman kasi ang TK sa palapag. Computer room at music room. Tinuruan nina Marcus sina Keehan at Jaxon kung paano ang online games. Tutok na tutok si Jaxon habang tinuturo ni Marcus ang tamang paglalaro. Natawa si Keehan matapos hindi mapansin ni Jaxon na nakapatong ang kamay ni Marcus sa kamay niya habang hawak ang mouse. — Sumilip si Gaizer sa computer room. Nakita niya doon ang mga binata na naglalaro. Sumilip din sina Miguel at Wax. "Atleast tahimik sila diba?" "Tangna— ito ba talaga unang beses na naglaro ka Bazile?" tanong ni Marco matapos ibaba ang headset. Nagulat din si Marcus na nakatingin sa nilalaro ni Jaxon. Namatay silang tatlo nina Keehan at Marco. Si Bazile at Jaxon na lang ang natitira and guess what nanalo pa sila. "Ganoon ba talaga kahina ang mga kalaban?" tanong ni Bazile. Binaba ang headset— nagtaka si Jaxon at nilingon si Marcus. "System pa din ba kalaban namin kanina?" Bago pa lang account nina Bazile, Keehan at Jaxon. Mga kalaban nila nasa level 65 na tapos natalo lang nila ang mga iyo nang hindi nababawasan HP nila. "Ayoko na ilang beses na ako natalo," ani ni Keehan. Sinabi ni Bazile na ayaw niya na din. "Tara laro pa tayo!" yaya ni Jaxon at natutuwang inakbayan si Marcus. Nagkatinginan sina Bazile at Keehan. Mukhang nagustuhan ni Jaxon ang game. Lumabas na ang dalawa sa computer room at hinayaan ang tatlo doon. "Ayos lang ba na iwan mo doon ang dalawa?" tanong ni Keehan kay Bazile. "Nandoon si Jaxon," ani ni Bazile. Nailing si Keehan. Lumipas ang mga araw nagtaka si Keehan dahil gabi na umuuwi si Bazile. As in nakikita niya pumapasok si Bazile sa room niya para dalhin siya doon. Hindi niya nakikita si Bazile kaya sinubukan ni Keehan kontakin si Marcus. Pag-alis kasi nito last time nagpalitan sila ng number. "Kuya Keehan. Napatawag ka?" ani ni Marcus at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. "Marcus, alam mo ba kung saan pumupunta si Bazile this past few days?" tanong ni Keehan. Agad na sinabi ni Marcus na hindi. "Pagtapos ng klase namin hiwa-hiwalay na kami since masyadong kj si Vergara," ani ni Marcus. Napatingin si Marco na papasok ng room ng kapatid. "Marco— may alam ka ba kung saan pumupunta si Bazile after ng class?" tanong ni Marcus. "Wala— pero diba sinusundo siya palagi 'nong magandang babae sa school? Baka nakikipag-date," biro ni Marco. Naibaba ni Keehan ang phone kaya napatingin doon si Marcus. "Kilala mo iyong babae?" tanong ni Marcus. Tumingin si Marco. "Oo naman. Celebrity din iyon galing Europe. Nakita ko din siya minsan sa t.v." Tumunog ang phone ni Marcus. Sinabi ni Marcus na hanapin niya address ng celebrity na iyon. Nakita ni Marcus sa caller ang pangalan ni Jaxon. Agad iyon sinagot ni Marcus. "Oy Esteban. Alam niyo ba address 'nong girl?" tanong ni Jaxon at tumingin kay Keehan na nakaupo sa sofa at mukhang iiyak na. "Hoy Revolledo! Pwede ba manahimik ka. Hindi ka nakakatulong!" sigaw ni Jaxon matapos nito sabihin na nagbibinata na si Bazile. "Shoot— nakita ko na ang address," ani ni Marco. Sinabi ni Marcus na alam nila ang address. Kinaladkad ni Jaxon si Keehan palabas. Sinabing ayaw niya pumunta. "Wala naman kami ni Bazile. Ano kung nakikipag-date na siya sa iba diba?" ani ni Keehan at hinila ang kamay nang nasa harap na sila ng elevator. "Pero diba gusto mo si Bazile?" tanong ni Jaxon. Sumama ang mukha ni Keehan at sinabing hindi siya sigurado. "Then ngayon mo malalaman kung gusto mo siya o hindi. Tara na," ani ni Jaxon. Hinila ni Jaxon ang kaibigan patungo sa elevator. Nang makababa sila. Mabilis na sinuot nina Jaxon at Keehan ang disguise nila. Hindi sila napansin ng mga fans na naghihintay sa labas ng building. May huminto na sasakyan sa harapan nila at agad sila doon sumakay. Nakita nila sa loob sina Marco at Marcus. "Hindi ba umuuwi si Bazile?" tanong ni Marcus. Si Jaxon ang sumagot. "Worried na ang buong grupo. Madaling araw kasi uuwi then aalis din para pumasok ng university." — "Maraming salamat talaga Bazile. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka dito," ani ng magandang babae habang hawak sa braso ang lalaki. "Bakit kasi ayaw pa sabihin kay kuya? Siguradong tutulungan ka niya kung malalaman niya ito," ani ni Bazile. Napayuko sandali ang babae. "Ayokong maging pabigat sa kanila. Nagi-guilty din ako. Kasalanan ko itong lahat," ani ng babae na parang naiiyak. Lumapit si Bazile at niyakap ang babae. "Gagawin ko lahat para makatulong." Napatigil si Bazile at bahagyang nagulat matapos makita si Keehan kasama sina Jaxon. Sinugod siya ni Jaxon at naisandal sa pader. "Ikaw! Alam mo kung anong nararamdaman sa iyo ni Keehan diba! Nag-usap na tayong dalawa na hindi ka gagawa ng kalokohan!" "Oh my god!" Naitulak ni Bazile si Jaxon at tinanong kung anong sinasabi nito. "Anong gusto mong isipin na lumabas ka sa isang hotel room na may kasamang babae Bazile?" malamig na sambit ni Jaxon na masama ang tingin kay Bazile. Tiningnan ni Bazile si Keehan na parang anytime iiyak na. Lumapit si Bazile kay Keehan at nagulat ang lalaki matapos ito hilahin ni Bazile palapit sa babae. Napatingin si Keehan sa babae na parang pamilyar sa kaniya. Sinapo ni Bazile ang noo. "Ate Gail, this is Keehan Alvarez. Miyembro ng TK. Siya ang reason bakita ako nagpapabalik- balik sa building at—" "The guy you like, right? Naalala ko— siya iyong reason bakit nag-insist ka na bumalik at tumakas ka kina dad," putol ng babae. Nagulat si Keehan dahil doon. Pinakilala ni Bazile sina Jaxom at sina Marcus. "And you idiot! She's my biological sister," may diin na sambit ni Bazile at tiningnan si Jaxon na nagulat din. "Ow, kaya pala pamilyar pangalan niya." Nabatukan ni Marcus ang kapatid dahil hindi nito sinabi na isang Vergara ang laging sumusundo kay Bazile at kapatid nito ang kasama sa hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD