17

1185 Words
Chapter 17 3rd Person's POV "Wait confession ba iyan?" Napamura si Bazile matapos siya suntukin ni Keehan sa sikmura at naiinis na tinanong kung kailan ba siya seseryosohin nito. Pilit na tumawa si Bazile at sinabing seryoso naman siya. "Natutuwa ako kasi gusto mo ako pero naiirita ako sa part na kinukumpara mo kay Jaxon. Bawat salita mo may Jaxon— naiinis ako," ani ni Bazile at umiwas ng tingin. "Nagseselos ka ba?" tanong ni Keehan. Nilapit ang mukha kay Bazile. Biglang humarap si Bazile at nagkatitigan silang dalawa. "Mukha mo nagseselos. Bakit ako magseselos?" Tumawa lang si Keehan then sinabi nito na maglinis na sila ng room. Sobrang kalat ng kwarto at kahit mga damit ni Peach nasa sahig. Dinampot ni Keehan ang damit ni Peach na may flower design. Hinawakan iyon mabuti ni Keehan at tinitigan. "Anong problema?" tanong ni Bazile. Napatingin si Keehan kay Bazile na may hawak na rattle. "Parang kahapon lang kasi iyong nagkaroon kami ng interview sa isang celebrity show like anong plano namin sa buhay. Bukod sa maging successful ang career namin ano pang goal namin ng TK." "Kung gusto ba daw namin magkaroon ng asawa at magkaroon ng anak katulad ng normal na mga tao. Wala akong naisagot," ani ni Keehan. Naalala ni Bazile ang show na iyon. Napagalitan si Keehan kasi hindi ito nagsalita 'nong bigla iyon itanong sa kaniya. "Kasi hindi ko naman alam ang pakiramdam na tunay na pamilya. Paano ba magmahal ang isang ina at ama. Paano sila mag-alaga— magagawa ko din ba maging mabuting ama?" "Napatanong nga ako 'non kina Grim kung naituturo ba iyon sa school," ani ni Keehan. Ngayon naalala ni Bazile. Lumaki si Keehan sa pangangalaga ng mga katulong. Naikwento ni Keehan na sa ilang taong existance niya wala siyang naalalang nakita niya ang ama at ina. Ni wala siyang litrato ng mga ito sa mansion at wala din maipakita ang mga katulong. "Then nalaman ko pa ang kondisyon ko. Naisip ko makakahanap kaya ako ng magiging asawa after malaman ang kondisyon ko at may tatanggap pa ba sa akin," ani ni Keehan. Tumawa si Keehan at lumingon ulit kay Bazile. "Then bigla kayong dumating ni Peach. Hindi ko akalain na darating ang araw gigising ako katabi kita sa kama then nasa gitna natin si Peach katulad kanina." Hindi nagawa ni Bazile makapagsalita. Lumapit siya kay Keehan at yumakap dito dahil iyon ang parehong nararamdaman niya noong nakita niya si Keehan. Inisip minsan ni Bazile na wala siyang lugar sa mundong iyon bukod sa maging anino ng kakambal niya. Walang titingin sa kaniya bilang siya hindi bilang Grim Vergara na miyembro ng TK. Wala siyang sariling identity hanggang sa makilala niya si Keehan. Noong una hindi naman siya interesado kay Keehan like iniisip niya katulad ito ng ibang tao. Nakikita siya as a Grim. 'Kambal naman sila. Siguradong pareho din ng kulay ang gusto nila pati style,' ani ni Teressa. May kumuha kasi kay Bazile at gusto ng producer na gawin si Bazile sa isa sa mga cast. Supporting character lang ang role ni Bazile doon. 'Bakit mo gagawin pareho? Magkaibang tao si Bazile at Grim kahit pa pareho sila ng personality, style, height at mukha.' 'Ayaw ni Bazile ng black bakit mo ipagpipilitan iyan. Gagawin mo bang doppelganger ni Grim si Bazile?' Iyon ang unang beses na may nakaalam ng ayaw niya at ang nagsalita 'non ay si Keehan. Lagi siyang nakablack na damit hindi dahil sa gusto niya kung hindi dahil nasanay siya dahil sa parents niya. Noong mawala si Grim nagpakilala siyang Grim sa maraming tao at hindi Bazile. Nagsalita at gumagalaw siya as a Grim. — "Kinuha ni Keehan si Peach?" tanong ni Bazile pag-uwi niya galing sa school. Nakatanggap siya ng text na may practice si Keehan at tapos nito ay 4pm. 4:30 pa lang 'nong nakauwi si Bazile at agad nito hinanap ang dalawa. Alam niya pagod si Keehan kaya binilin niya iyon kina Gaizer. Tumungo di Bazile sa room ni Keehan ngunit wala doon ang dalawa. Tinungo niya ang room niya at pagbukas niya ng pinto nakita niya si Keehan nakahiga sa kama niya at nakadapa sa dibdib niya si Peach. Parehong tulog ang dalawa. Lumambot ang expression ni Bazile matapos makita iyon. Walang ingay na pumasok si Bazile at binaba ang gamit niya sa sofa. Nilinis niya muli ang room niya. Gumawa ng gatas si Bazile at tumungo sa kusina niya. Napakamot sa ulo si Bazile. "Mag-start na din kaya ako bumili ng stock." Tiningnan niya si Keehan at si Peach. Lumapit si Bazile sa kama at hinalikan ang dalawa sa ulo bago lumabas muli ng kwarto. Tumungo siya sa room ni Grim at Gaizer. Nandoon ang TK at sina Gaizer. "Kuya," tawag ni Bazile. Napatingin si Grim at nawala ang pansin nito sa sinusulat. "Gusto ko mag-part time job. May alam ka ba na pwede ko maging trabaho? Any suggestion?" tanong ni Bazile. Napa-pokerface si Grim. "Kung kailangan mo ng pera pwede kang humingi sa akin," ani ni Grim at naglabas ng card. Pinatong iyon sa lamesa. Apat na card iyon at pinagpili na lang si Bazile kung anong card gusto niya. Sumandal ulit si Grim at pinagpatuloy ang ginagawa. "Kuya, kapag ba ako yumaman. Papayag kang ako magpakain sa pamilya mo?" tanong ni Bazile. Naibuga ni Elliseo ang iniinom at napatigil si Grim. "What the f**k are you saying?" tanong ni Grim at tiningnan ng masama ang kapatid. Pinigilan nina Jaxon matawa dahil doon. Napasapo sa noo si Gaizer na katabi lang din ni Grim. "Hindi allowance ang gusto ni Bazile. Gusto niya kumita— may anak na siya remember at nandiyan si Keehan," ani ni Gaizer. Napailing na lang sina Wax na nandoon din. Napa-pokerface si Grim. "Paalala ko lang kakambal mo siya Grim," ani ni Gaizer. Halatang napipikon kasi ang asawa matapos nga nito sabihin na pwede niyang suportahan si Peach at siya hanggang sa makatapos si Bazile ng pag-aaral. Tinakpan na ni Gaizer ang bibig ng asawa at sinaway nito na manahimik na. "Ganiyan ka din naman dati diba? Ayaw mo na nga ako pagtrabahuhin kasi sabi mo ikaw na dapat nagtatrabaho sa ating dalawa," banat ni Gaizer. Naitikom ni Grim ang bibig matapos marinig iyon. "Pwede kang gumawa ng school project ng mga kaklase mo Bazile at pagbayarin sila. Sumali sa mga contest na mag prize na pera at maging teacher's assistant," suhestyon ni Gaizer. Ngumiti si Gaizer at sinabing walang hindi kayang gawin si Bazile kaya alam niya na madali lang iyon. "Then tuwing weekend pwedeng ikaw na mamili ng stock natin lahat. Babayaran ka namin nina Miguel since nahihirapan kaming gawin iyon dahil may mga alaga kami," ani ni Gaizer. Napaisip doon si Bazile at tumango-tango. "Manager, kapag naisip mo ng makipag-divorce kay kuya in future. Hayaan mo din tulungan kita," ani ni Bazile. Dinampot ni Grim ang notebook at agad naman tumakbo si Bazile palabas na kinahagalpak ng tawa nina Elliseo. Tinanggal ni Gaizer ang kamay sa bibig ni Grim na agad pinagmumura si Bazile. "Nakakatuwa— mukhang nagma-mature na si Bazile at Keehan. Hindi na lang sarili nila iniisip nila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD