08

1072 Words
Chapter 08 3rd Person's POV "What the heck! Bazile at Jaxon!" Nasa magkabilang gilid ng sofa si Jaxon at Bazile. Putok ang labi ni Jaxon— gusot ang mukhang nilingon ni Grim ang kapatid. "Anong nangyari dito Bazile?" tanong ni Grim. Nagising siya kalampagan at boses ni Jaxon. Nakita niyang nagsusuntukan na ang dalawa. Kanina niya pa tinatanong ang dalawa ngunit hindi ito sumasagot. Maya-maya pumasok si Apollo— kasunod si Keehan na nagulat matapos narinig niyang nanenermon si Grim. "Gosh! Alas tres pa lang ng umaga," ani ni Wax na napasapo sa noo. Lumapit si Gaizer sa dalawa. "Ano bang nangyari at bigla na lang kayong nagsuntukan?" tanong ni Gaizer. Nagsalita ai Jaxon. "Nakita ko si Bazile na lumabas sa room ni Keehan at may pulang marka sa leeg. Gusot din ang suot niya kanina— sinita ko," sagot ni Jaxon. Napa-pokerface si Apollo at Grim— almost 1 hour na sila nagtatanong ngunit wala sa mga ito ang sumagot. Tapos noong si Gaizer na ang nagtanong agad sumagot si Jaxon. "100% ako na wala pa kayo sa level ng friendship ni Bazile para pakialaman ang business ng isa't isa," sabat ni Apollo. Napaismid si Jaxon. "Pumasok siya sa room ni Keehan at—" "At ano?" tanong ni Elliseo. Nilingon ni Jaxon si Keehan na nakahawak sa braso niya. "Iniisip mo ba na gagahasain ni Bazile si Keehan?" tanong ni Grim. Napatigil si Jaxon at Bazile. Tumingin si Grim sa kapatid. "Anong ginagawa mo sa room ni Keehan Bazile? Bakit may red mark ka? Ni-rape mo si Keehan?" tanong ni Grim. Agad siya sinaway ni Gaizer. "Kung iyon ang nangyari ako na agad ang tatawag ng police," ani ni Grim. Nag-dial si Grim— tiningnan ni Grim si Bazile na yumuko lang. Hindi niya pwede ihulog si Keehan. "Grim!" Tumakbo si Keehan at pinigilan si Grim. Hinawakan ang wrist ni Grim. "Walang ginawa si Bazile— ako ang nag-insist! May sexomania ako, Vergara," ani ni Keehan. Napatigil sina Apollo matapos marinig iyon. Nanginginig na binitawan ni Keehan ang wrist ni Grim. "Hindi gusto ni Bazile ang nangyari. Ako may kasalanan," sagot ni Keehan na nakayuko. Pinatong ni Grim ang palad ulo ni Keehan. Napatingin ang binata. "Hindi iyon ang point dito. Wala ka sa sarili mo. Ginalaw ka ba ni Bazile?" tanong ni Grim. Agad na umiling si Keehan. "Na-Nagkakabit ako ng CCTV sa room ko. Sigurado akong hindi niya ako nagalaw. Hindi iyon gagawin ni Bazile— pwede niyo tingnan ang CCTV." Hindi pa iyon nakikita ni Keehan ngunit alam niya sa sarili niya na hindi siya nagalaw kahit hubad pa siya 'nong nagising siya. Hindi gagawin iyon ni Bazile. "Bazile, anong ginagawa mo sa room ni Keehan?" tanong ni Gaizer. Bumuga ng hangin si Bazile at kinamot ang likod ng ulo. "Sinilip ko siya. Hindi siya lumabas— then nakita ko naka-handcuffs siya sa headboard ng kama. Inalis ko then inatake niya ako at nahulog kami sa kama." — Tahimik ang lahat habang si Keehan nakayuko lang. Hindi niya maintindihan kung bakit walang sinasabi ang mga kaibigan niya about sa kondisyon niya. "Actually, we don't mind it. Hindi iyan nakakahawa. Kilala namin ang tunay na Keehan," ani ni Gaizer. Napatingin si Keehan. Ngumiti sina Wax. "Hindi namin alam na ganoon kalala ang kondisyon mo— sorry," ani ni Miguel. Tumingin si Keehan kina Apollo na naka-pokerface lang. "Tinago niyo sa amin ito ni Jaxon. Dapat ba kami matuwa doon?" tanong ni Apollo. Sunod-sunod na nag-sorry si Keehan. Ngunit in some reason natutuwa si Keehan. Pakiramdam niya marami siyang kuya at parte siya ng isang pamilya. Pinagagalitan siya nina Grim ngunit imbis sumama ang loob natutuwa pa siya. "Ta-try ko maghanap ng magaling an doctor at mapagkakatiwalaan para kay Keehan. Hindi natin siya pwede pabayaan sa ganitong kondisyon," ani ni Grim. Bumuga ng hangin di Apollo at sinabing gagawa din siya ng paraan. Natutuwang yumakap si Wax at Miguel kay Keehan. Sinabing magiging ayos din ang lahat. Hindi nagugustuhan ni Jaxon ang nangyayari at halata iyon sa mukha ni Jaxon. Tiningnan ni Bazile si Jaxon na ngayon ay madilim ang anyong nakatingin kay Keehan. Hindi akalain ni Keehan na sa kabila ng sinabi niya hindi siya kinaawaan o nilayuan ng mga kaibigan niya. Sa halip nagsabi pa ang mga ito na tutulong. Nag-search sila about sa sexomania at binasa ang mga possible treatments para kay Keehan. Sa hallway— palapag ng apartment building. Nagsindi ng sigarilyo si Bazile at sumandal sa pader. Kinuha niya ang phone sa jeans niya at tiningnan iyon matapos sunod-sunod na magbi-vibrate. Nakita niya sa caller ang isang unregistered number. Pinatay iyon ng binata at pinasok muli sa bulsa ang phone. Maya-maya lumabas si Keehan. Napatingin si Bazile. "Hindi ko alam kung bakit mo sinuntok si Jaxon ngunit gusto ko mag-sorry at the same time magpasalamat," ani ni Keehan at napakamot sa pisngi. "Sorry kasi napagbintangan ka at—" Napatigil si Keehan dahil biglang yumuko si Bazile— nilapit ang mukha niya sa mukha ni Keehan. "Sapat na sa akin iyong nagawa mong tumayo para sa sarili mo at para sa ibang tao," ani ni Bazile. Hindi nakapagsalita si Keehan dahil naamoy niya ang pinaghalong mint at beer galing sa bibig ni Bazile— nakakaadik ang amoy na iyon. Biglang sininok si Keehan at napatakip ng bibig. "Nanadya ka*hic*" Natawa ng mahina si Bazile at tumayo ng maayos. Sinisinok kasi si Keehan tuwing ginagawa niya iyon in some reason. — Lumipas ang dalawang buwan Na-attend na ng klase si Bazile. Agad na kumalat ang picture nito dahil nga sa kakambal ito ni Grim ang sikat na second vocalist ng TK. Binagsak ni Bazile ang katawan sa sofa at tinanggal ang necktie ng suot nitong uniform. "Kumalat agad sa social media ang picture mo. Infairness gwapo mo sa picture," ani ni Gaizer na natatawa. Tangi lang nasabi ni Bazile ay tigilan nito ang pagbibiro. "Ilang beses ko ba sinabi sa iyo na ayaw ng kapatid ko! Nag-aaral siya!" Napatigil si Bazile at Gaizer matapos lumabas ng kwarto si Grim at binulyawan ang kausap sa phone. Napatingin si Grim sa kakambal at pinatay ang tawag. "Kamusta school?" tanong ni Grim. Nag-cross arm si Bazile at sinabi nga na napakamalan siyang miyembro ng TK. "Kung hindi ka nagpadala ng body guard sa school hindi ako makakauwi agad. Ang daming reporters," ani ni Bazile. Napahilot si Grim sa sentido dahil alam niyang mangyayari iyon. Kamukhang-kamukha niya si Bazile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD