07

1069 Words
Chapter 07 3rd Person's POV "Keehan, ano bang problema? Siyam na beses ka na umulit sa step na iyan," react ni Apollo. Medyo napayuko si Keehan dahil doon— nahihirapan siya makasabay sa step. Hindi naman siya ganoon katangkad katulad nina Apollo. "Masyadong mabilis ang step para sa kaniya. Masyadong maliit ang mga paa niya— hindi niya magawang umikot back and front," sabat ni Bazile— natawa si Gaizer at sinabing masyadong observant si Bazile. "Hindi ako maliit ah!" depensa ni Keehan at pinaglaruan ang mga daliri. "Dapat sinabi mo agad," ani ni Elliseo na napasapo sa noo. Agad na nag-sorry si Keehan. "Ayos kang iyon— magagawan natin ng paraan ang formation. Igigitna natin si Keehan." Napatanga si Keehan matapos marinig iyon kay Grim. Agad ito umapila. "Grim! Ayok—" Hindi naituloy ni Keehan ang sasabihin matapos mapatingin sa kaniya ang buong grupo. Kinakabahan siya. "Ayoko ipahiya ang grupo." Napayuko si Keehan. Tumawa si Elliseo at inakbayan si Keehan. "Whose care diba? Naalala mo sinabi ni manager sa atin. Tayo ang T.K playground natin ang stage— iisa tayo. Kung mag-tumbling ka doon gagayahin ka namin. Kasama mo kami." Napatigil si Keehan at lumingon kay Elliseo— agad na pinunasan ni Keehan ang mga mata at tinanong kung talaga. "Hindi mo kailangan i-preassure ang sarili mo sa team Keehan. Lagi mo lang gawin ang best mo," ani ni Grim at ginulo ang buhok ni Keehan na natawa lang at nagpasalamat. Katulad ng napag-usapan naging middle nga si Keehan. Karaniwan kasing nasa gitna si Apollo or si Grim pero sa pagkakataon na iyon si Keehan na. "Perfect!" Napapalakpak si Gaizer matapos makita iyon. Sumunod sina wax na napa-wow na lang dahil sa performance ng TK. "Polish mo na lang ang moves mo. Okay na tayo," ani ni Apollo at tinapik ang balikat ni Keehan na naghahabol ng hininga. Nag-abot ng tubig si Teressa para sa lahat ngunit hindi iyon kinuha ni Keehan. Umupo sa tabi niya si Teressa. "Huwag kang maarte at papansin. Anong gusto mo si Jaxon magbigay sa iyo?" Napatigil si Keehan at lumingon kay Teressa. May ngiti sa labi si Teressa. Naiyukom ni Keehan ang kamao at tumayo. Aalis ito nang biglang magsalita si Teressa. "Keehan galit ka pa din ba sa akin dahil sa nangyari dito? Iyong about sa allergy mo? I'm sorry." Sumama ang timpla ng mukha ni Keehan ngunit pilit nito pinakalma ang sarili at tiningnan ang babae. Kinuha nito ang bottled water at ngumiti. Sinabing hindi siya galit. Binuksan iyon ni Keehan— hanggang sa naalala nito iyong sa juice incident. May kumuha 'non kaya napatingin ang dalawa. May inabot si Bazile na juice— grape flavor at may bawas. "Ayoko ng lasa. Palit tayo," ani ni Bazile. Kinuha iyon ni Keehan at kinulong sa mga palad niya. "Teka!" Mabilis na kinuha ni Teressa ang bottled water sa pagkakahawak ni Bazile. "Para ito kay Keehan. May pangalan niya," ani ni Teressa. Napatingin sa kaniya si Bazile. "Ganoon ba? Then keep it. Huwag mong pilitin si Keehan kung ayaw niya," nakapamulsahan na sambit ni Bazile at umalis doon. Sumunod sa kaniya si Keehan na sandaling lumingon kay Teressa. "Anong nangyari?" tanong ni Gaizer at tiningnan si Teressa na naiiyak habang kausap si Jaxon. Hindi nakapagsalita si Keehan. Binuksan nito ang bottle na binigay sa kaniya ni Bazile at uminom ng juice. "Pilit na pinaiinom ni Teressa ng tubig si Keehan na hindi ko alam kung saan nanggaling," sagot ni Bazile. Kumuha siya ng tubig sa styro kung saan nilagay ni Gaizer ang tubig para sa TK. "Hindi talaga maganda feeling ko sa Teressa na iyan. Bakit niya ba lagi pinagdidiskitahan si Keehan," ani ni Wax matapos yakapin ang braso ni Keehan. Sinabi ni Keehan na huwag na lang pansinin. — "Ano iyan Keehan?" tanong ni Miguel matapos makitang may dalang kahon si Keehan. Binuksan iyon no Keehan at pinakita ang handcuffs. "Para saan iyan?" tanong ni Miguel. Tumawa si Keehan at sinabing para sa sarili niya. Sinabi niya na palagi siya nagi-sleepwalk at nahihiya na siya kay Bazile na laging to the rescue. "Kailangan ko pigilan ang sarili ko," may ngiti na sambit ni Keehan. Nagbago ang expression ni Miguel matapos marinig iyon. Nagpaalan na si Keehan na dadalhin nga iyon sa kwarto at aalis na siya. "Kung may magagawa lang talaga kami," bulong ni Miguel na may lungkot sa boses. Then kinagabihan— naglakad si Bazile sa hallway. Lumabas sa sariling kwarto. Tumungo siya sa pinto ng room ni Keehan at binuksan iyon. Nakita niya doon si Keehan na walang saplot at hinihila ang handcuffs na nakakabit sa headboard ng kama. Tiningnan ni Keehan si Bazile. Umiiyak si Keehan— bumuga ng hangin si Bazile at walang kaanu-anong hinila ang handcuffs at inalis sa kamay ni Keehan. Bigla siyang tinalunan ni Keehan kaya nahulog sila sa kama. Hindi nakagalaw si Bazile matapos siya nito biglang halikan sa leeg— nilayo niya si Keehan sa katawan niya at hinila ang kumot. Binalot iyon sa katawan ni Keehan na ngayon ay nakatingin sa kaniya. "Hindi ba ako maganda sa paningin mo?" tanong ni Keehan na may mababang boses. Medyo nagulat si Bazile sa pagsasalita ni Keehan. "Just shut up. Wala ka sa sarili mo." Tumayo si Bazile at kasabay ng pagbuhat nito kay Keehan. Hiniga niya ito sa kama ngunit niyakap ni Keehan ang leeg niya. Sinubukan siya nito halikan ngunit tinakpan ni Bazile ang labi niya. Tumulo ang luha ni Keehan. "Iyakin ka pa din kahit sa ganitong sitwasyon," ani ni Bazile nang hindi nilalayo ang mukha sa binata. Tiningnan siya ng lalaki na may pagmamakaawang expression. Yumuko ng kaunti si Bazile at hinalikan ang likod ng mga palad niya kung saan parte ang labi ni Keehan. "You need to sleep again Keehan," bulong ni Bazile. Unti-unti pumikit si Keehan at bumaba ang kamay. Nakahinga ng maluwang doon si Bazile at inalis nag mga kamay sa tapat ng labi ni Keehan. Binuksan ni Bazile ang tatlong butones ng suot niyang damit at tumalikod. Tinahak ang daan palabas ng kwarto at hindi na tinapunan pa ng tingin si Keehan. Pagbukas niya ng pinto. Nakita niya ulit si Jaxon. Nagulat ito sa tiyura niya at napako ang tingin sa pulang marka sa leeg ni Bazile. Ngumisi si Jaxon at nag-cross arm. "Nagmamalinis ka pa Bazile? Hindi ko akalain na madali ka lang magi-sway sa katulad lang ni Keehan. Masarap ba humalik si Keehan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD