Chapter 9
3rd Person's POV
"Sumali ka sa club?"
"Yes, napasali ako sa basketball team. Tuturuan naman daw ako ng coach doon then may dalawa din akong bagong kakilala. Hindi ko masasabing friends ko sila pero sa lahat— sila lang iyong hindi nagtanong about sa TK at tinanong ang pangalan ko," sagot ni Bazile. Napangiti si Gaizer at sinabing mabuti naman.
Medyo nakahinga ng maluwang si Grim dahil nagawa naman pala agad mag-adjust ng kapatid niya.
Tiningnan ni Gaizer si Grim na tumikhim at umiwas ng tingin. Napangiti si Gaizer dahil nawala na sa expression ng asawa ang pag-alala.
Hindi open si Bazile sa kapatid ngunit iba kay Gaizer. Sinabi din ni Bazile na tutuloy niya pa din ang pag-aaral niya at magiging doctor siya. Gustong-gusto ni Bazile ang school.
—
"Ayos ah! Pogi natin sa uniform," komento ni Keehan matapos makita si Bazile na papasok sa kwarto niya. Nakapagpalit na kasi ng room si Jaxon at Bazile.
Napalingon si Bazile nakita niya si Keehan at sa likod nito si Jaxon na nakangisi. Napa-pokerface si Bazile dahil kabuntot na naman ito ni Keehan.
"Keehan, may project kami sa anatomy. Pwede mo ba ako tulungan mag-drawing?" tanong ni Bazile. Agad na lumapit si Keehan at sinabing marunong siya mag-drawing.
Pinapasok niya sa room niya si Keehan— tiningnan ni Bazile si Jaxon at bumulong na back off.
Napipikon talaga si Bazile sa pagngisi ni Jaxon tuwing nakikita siya. Dinadamay pa nito si Keehan sa mga kalokohan niya.
Sinara ni Bazile ang pinto at tiningnan si Keehan na ginagala ang paningin sa kwarto.
"Ang ganda ng design ng room mo. Teka marunong ka ng sculpture? Paanong hindi ka marunong mag-drawing?" tanong ni Keehan. May nakita siyang scupture sa lamesa at mukhang hindi pa iyon tapos.
"Magkaiba naman ang sculpture sa drawing diba? Except sa pareho silang art."
Tumawa si Keehan at sumang-ayon na lang kahit hindi siya naniniwala dito. Imposible kasi iyon— isa pa matalino si Bazile. Nakapasok ito ng scholar at talagang na-perfect nito ang exam.
Nagkibit balikat si Keehan. Mahalaga nakapasok siya sa room ni Bazile. Dumapa ang lalaki sa kama at tinanong si Bazile kung saan ang ida-drawing niya.
"Kuhanin mo na lang sa bag ko iyong blue na notebook. Nandiyan na din iyong lapis— shower lang ako," ani ni Bazile matapos buksan ang closet niya at kumuha ng mga damit.
Kinuha nga ni Keehan ang bag ni Bazile. Umupo sa kama si Keehan at hinanap ang notebook.
"Ako ba pinagloloko ni Bazile? Pare-pareho naman kulay nito ah?" ani ni Keehan na nakataas ang kilay. Nilabas nito lahat ng notebook ni Bazile at binuklat. Nagulat si Keehan matapos may mahulog na mga letter.
Binuksan niya ang lahat at may mga nahuhulog na letter. In some reason naiinis si Keehan. Umiling-iling si Keehan at binuksan ang mg notebook isa-isa para hanapin ang assignment ni Bazile.
Napatigil si Keehan dahil napakaganda ng sulat ni Bazile. Mukhang effortless pa dahil may mga times na hindi pantay-pantay sa line.
Maya-maya lumabas is Bazile na nagpupunas ng buhok. Naka-t shirt na itong puti at pajama.
"Ang dami mong letter— remembrance?" tanong ni Keehan at ngumisi. Kahit ang totoo ay naiirita siya.
"Nakalimutan ko mga itapon kanina— may naiwan pala sa mga notebook ko," ani ni Bazile. Lumapit ito sa kama at umupo. Kinuha nito ang mga letter ngunit agad iyon kinuha ni Keehan.
"Ako na susuno— i mean magtatapon mamaya. Lalabas na ako after ko mag-drawing," ani ni Keehan. Natawa si Bazile at sinabing bahala siya.
Dumapa ulit si Keehan. Inipit niya sa katawan niya ang mga sulat at lumayo-layo kay Bazile. Bazile found it cute in some reason. Nag-start na mag-drawing si Keehan at ginawa naman ni Bazile ang mga assignment niya sa study table.
Tumingin si Keehan sa table ni Bazile. Seryoso ang binata sa pagsasagot kaya hindi na magawa ni Keehan maalis ang tingin kay Bazile.
Iisa lang naman ang mukha ni Bazile at Grim. Medyo nawi-wierduhan lang si Keehan sa sarili dahil sa tingin niya mas attractive si Bazile kay Grim.
"Alam mo ba ganiyan tingin sa akin ng mga kaklase kong babae sa school. Crush mo ba ako Keehan?" tanong ni Bazile at lumingon kay Keehan. Nasamid si Keehan sa sariling laway at sinabing umasa si Bazile.
"Babae mga iyon lalaki ako at hindi ako nakatingin sa iyo," pagde-deny ni Keehan at nilapit sa mukha ang notebook. Napangisi si Bazile matapos makitang namumula ang tenga ni Keehan hanggang sa batok.
Nag-start na ulit si Bazile sa pagsusulat. Gusto niya matapos agad matapos ang assignment na iyon para magawa niyang bwisitin si Keehan. Malayo naman sa gusto mangyari ni Keehan. Ayaw niya agad matapos ang ginagawa niya dahil gusto niya mag-stay pa doon sa kwarto at makasama si Bazile.
Boring na boring si Keehan maghapon dahil wala si Bazile. Nagte-text naman sila ni Bazile since kinukulit niya ito ngunit 20 or 30 minutes lang iyon dahil may klase na agad si Bazile.
Maya-maya may kumatok sa room ni Bazile. Bumukas iyon at nakita nila si Gaizer na napangiti— mukha kasing busy ang dalawa.
"Dinner na. Kumain na kayo," ani ni Gaizer. Agad naman umupo si Keehan at sinabi kay Bazile na mamaya na nila iyon ituloy dahil dinner na.
Sinara ni Bazile ang notebook niya at niligpit ang ilang gamit niya. Umalis na si Gaizer ngunit si Keehan ay hinintay siya sa may pintuan.
Sabay silang lumabas ng pintuan. Sinabi ni Keehan na paa at kamay na lang ang kulang sa drawing niya.
"Lagyan mo na din ng parts may kopyahan namam sa books."
"Okay!" sagot ni Keehan at tinaas ang braso.
"Kayang-kaya ko iyon. Tingnan mo lang din ang handwritting ko."
Ngumisi si Bazile at sinabing dapat lang ay maintindihan niya iyon. Sinamaan siya ng tingin ni Keehan. Maya-maya dumating si Jaxon at inakbayan ang dalawa.
"Papunta na kayo sa unit ni manager?"
Agad na lumayo si Bazile. Tumawa si Keehan at sinabing niyaya sila ni Gaizer. Nakalimutan na ni Keehan ang dinner.
"Iyong isa ka diyan. Hindi 'man lang ako pinameryenda," pagpaparinig ni Keehan kay Bazile. Nilingon pa nito si Bazile na naa likuran niya.
"Hindi ka pa ba nabusog sa pagtitig mo sa akin kanina."