06

1037 Words
Chapter 06 3rd Person's POV Nag-selfie si Keehan para i-post sa social media niya. Nahagip ng camera si Bazile na napatingin. Napalingon si Keehan at tumawa. Sinabihan na photogenic si Bazile. Napa-pokerface si Bazile. "Ano tingin mo kay kuya hindi?" Sinabi ni Keehan na selfie sila. Bago pa makasagot si Bazile nakakuha na ng mga picture si Keehan. Pinost niya iyon sa social media. Napatigil si Keehan tapos biglang sumabog ang notif niya. "Whoa— napagkamalang si Bazile si Grim," ani ni Keehan na natatawa. Pinakita niya kay Bazile iyong phone. "Hindi sila makapaniwala na may kakambal si Grim. Ayaw mo talaga mag-artista?" tanong ni Keehan. Iniabot ni Bazile ang phone kay Keehan. "Gusto ko maging doctor." "Ibig sabihin mag-aaral ka ng college? Kailan entrance exam niyo?" tanong ni Keehan. Nakatingin lang si Jaxon sa dalawa. Nakalatag ang kalahating katawan ni Keehan sa lamesa at nakadapa habang sinisilip ang ginagawa ni Bazile. "Pinayagan ba nina mama si Bazile?" tanong ni Gaizer sa asawa na nakatayo lang at pinanonood ang kapatid na nag-aaral. Pagkatanggap nito ng books na binili niya kanina ay agad ito binuksan ni Bazile. "Hindi— ngunit wala akong balak pigilan si Bazile sa gusto niya," ani ni Grim. Compare sa naging sitwasyon ni Grim masasabi ni Grim na mas komplikado ang naging buhay ni Bazile. Hindi nito na-experience pumasok sa normal na school dahil sa kaniya. Natatakot masyado ang parents nila dahil nga minsan nawala si Grim kaya ang ginawa ng mga ito ni-locked si Bazile sa mansion. Wala din naging kaibigan si Bazile kaya hindi ito marunong makisama. Either i-identify ang emotion nito dahil siguro mag-isa lang ito palagi at walang nakakasalamuha na tao. Noong nasabi nga ni Bazile na gusto niya maging doctor agad siya sinuportahan ni Grim. Sinabing pag-aaralin ito at susuportahan. Makakapag-aral si Bazile kahit walang suporta ang parents nila. Alam ni Grim na natuwa ito matapos malaman iyon. Agad nito tinanong kung saan siya papasok na school. — Nagsuot ng hood si Bazile, face mask at eye glasses. Kamukha pa din siya ni Grim kahit anong gawin niya kaya kahit hindi siya artista need niya mag-disguise. Maraming fans sa labas ng studio. Agad ito mga tumayo at tumakbo sa direksyon ng TK. Hinarangan sila ng mga gwardya. Sumisigaw ang mga ito ng TK. Ngumiti lang si Jaxon at halos mahimatay ang mga babae dahil doon. Katabi nito si Keehan na kumaway lang sa mga fans habang nakangiti. Napatigil si Keehan at napalingon matapos biglang mawala si Bazile sa unahan nila. Lumingon siya at nakita niya si Bazile nakatigil at napapalibutan ng fans. Lumapit si Keehan at nakita ni Keehan na may hawak na bata si Bazile. "Huhu mommy!" "Bazile anong nangyari?" tanong ni Keehan. Tumingin si Bazile na hindi alam ang gagawin matapos yumakap sa mga hita niya iyong bata. "Guard, may nawawalang bata dito," ani ni Keehan at lumunod. Pinantayan niya ang bata na napatigil matapos makita si Keehan. "Don't cry— gusto mo ng lollipop?" tanong ni Keehan at naglabas ng lollipop sa bulsa. Unti-unting bumitaw ang bata sa mga hita ni Bazile. Mukhang naitulak ito paunahan dahil sa dami ng mga tao kanina. Kinuha iyon ng bata. Ngumiti ito kahit wala ang dalawang ngipin nito sa unahan. "Thank you kuyang pretty!" Lumapit ang head guard at sinabing kailangan na pumasok nina Keehan. Dumadami ang fans at tinatawag nasila ni Apollo. "Ang anak ko! Michelle!" May dumating na babae at pilit na sumisiksik sa dami ng tao. Nagulat ang babae matapos makita si Keehan na agad naman pinalapit ng nga gwardya dahil sa bata. Hindi iyon tingin ng isang fans. Nagtaka si Keehan matapos mangilid ang luha ng babae. "Kailangan mo ng autograph?" tanong ni Keehan at ngumiti. Nakita niya kasi ang hawak nito na magazine. Nanginginig na inabot iyon ng babae kay Keehan. Kinuha iyon ni Keehan at agad na pinirmahan. May picture din siya doon at pinirmahan niya din ang likod 'non. "Here," ani ni Keehan na may ngiti sa labi. "Keehan!" Napalingon si Keehan matapos makita si Jaxon sa entrance. Nagpaalam na si Keehan sa babae. Hinila ni Keehan si Bazile. Marami ang fans na kinilig dahil doon. Para kasing pink rabbit si Keehan na may hila-hilang black leopard. Nang nasa entrance na sila nag-flying kiss si Keehan. Tumili ang mga babae na nasa labas at sinabing mahal nila si Keehan. "Anong nangyari?" tanong ni Grim. Naiwan kasi ang dalawa sa labas. "May nakita akong bata na naipit. Kinuha ko," sagot ni Bazile at binaba ang suot na hood. Nagkibit-balikat si Grim at tumalikod na— hindi ito sumunod kina Apollo dahil biglang nawala ang kakambal niya kanina. Lumapit si Bazile kay Grim at sumunod sina Keehan. "Kuya, may nabili ka ulit na mga books?" tanong ni Bazile at sinilip ang kapatid. "Yeah kuhanin mo mamaya kay Gaizer. Bumili na din ako ng ilang school supplies since need mo ng notebook at ballpen para mag-review," ani ni Grim. Natuwa si Bazile matapos marinig iyon— napatitig dito si Keehan. "Mahilig ka sa books?" tanong ni Keehan. Lumingon si Bazile sandaling huminto para pantayan si Keehan na katabi si Jaxon. "Medical books iyon. Gusto mo makita mamaya?" Hindi mahilig si Keehan sa books at ayaw niya ng study ngunit in some reason medyo nagkakainteres siya dahil kay Bazile. Masyado itong fond sa knowledge. "Okay patingin ako mamaya." "Kay practice tayo mamaya Keehan 2pm. Huwag kang mala-late," malamig na sambit ni Jaxon at nilampasan ang dalawa. Nakita nila sa hindi kalayuan si Teressa na siyang nilapitan ni Jaxon. Pinako ni Keehan ang tingin kay Jaxon na natatawang lumapit kay Teressa. Tumingin di Teressa sa direksyon nila at pinako ang tingin kay Bazile bago ngumiti. Biglang nainis si Keehan. Nilingon niya si Bazile na nakatingin pala sa kaniya. "Bakit ka natingin?" tanong ni Bazile. Kumunot noo ni Keehan. "Nakatingin ka din naman ah." "Tama na tinginan niyong dalawa. Nakahara kayo sa daanan," ani ni Gaizer na natatawa. Napalingon ang dalawa kay Gaizer kasunod sina Wax na parang kinikilig pa ang mga ito. "Kailangan mo ng tulong?" tanong ni Bazile. Kinuha nito ang hawak ni Gaizer na mga plastic bag na siguradong tubig nila ang laman. "Hindi pa ba nagi-start ang practice? Ano pang ginagawa mo dito Keehan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD