05

1059 Words
Chapter 05 3rd Person's POV "Sinong mas gwapo?" ulit ni Wax sa tanong ni Keehan. Tiningnan ng tatlo si Keehan na puno ng curiosity ang tingin sa kanila. "Teka seryoso ka ba sa tanong mo?" ani ni Gaizer na may pagtatakhang binaba ang tray sa table. "Seryoso ako sinong mas gwapo kay Bazile at Grim," ulit ni Keehan na nakaupo sa high chair. Napaubo si Elliseo na nakatayo sa harapan ng fridge at umiinom ng tubig. "Keehan, may sakit ka ba?" tanong ni Miguel at hinawakan ang noo ni Keehan. Wala naman lagnat ang binata. "Ang hirap ng tanong mo," komento ni Wax na natatawa at tinaas nag apple juice na hawak niya at apple na binalatan niya. "Para mo na din tinanong kung anong mas masarap. Apple juice o itong apple. Identical twin si Grim at Bazile— mula ulo hanggang paa magkapareho sila. Pati height at body build." "Naa-identify ko lang kung sino si Bazile at Grim kapag kasama ka o si Gaizer— laging kabuntot kasi ni Gaizer si Grim then si Bazile naman kabuntot mo," ani ni Wax at hinawakan ang baba niya. Tumawa si Miguel at sinabing same. Kapag nagtabi na kasi ang kambal nahihirapan na sila i-identify kung sino si Grim at Bazile kasi kahit ang natural expression ng mga ito pareho. — Kinausap ni Keehan si Jaxon about sa nangyari. Nag-sorry si Keehan. Agad siya niyakap ni Jaxon at sinabing alam niyang hindi siya matitiis nito. Hindi nagkomento si Keehan at bahagyang lumayo kay Jaxon. Ngumiti si Keehan at sinahing practice na sila. Hindi manhid si Jaxon para hindi niya mapansin na unti-unti ng lumalayo sa kaniya si Keehan. Nagkikipag- go along na din si Keehan kina Elliseo— kapag walang practice nakabuntot ito kina Gaizer. "Oh bakit pang-biyernes santo iyang mukha mo?" tanong ni Elliseo at inabutan ng can nh beer si Jaxon. "Pakiramdam ko iniiwasan ako ni Keehan," ani ni Jaxon at binuksan ang beer na hawak. "Ibig sabihin lang 'non nagma-mature na si Keehan. Nakakatuwa diba?" tanong ni Elliseo na natatawa. Actually, natutuwa sila sa nakikita nilang improvement kay Keehan this past few days. "Manager, paabot ng baso please," ani ni Keehan habang nagbabalat ng mangga. Dumaan si Bazile at aabutin ni Gaizer ang baso nang sumigaw si Keehan na huwag na tumayo. Siya na lang. "Kapag kaya mo gawin mo, Keehan. Huwag ka na mag-utos," malamig na sambit ni Bazile at nagsalin ng tubig sa baso. Sumimangot si Keehan at sinabing nasanay na siya. "Bazile gusto mo?" tanong ni Keehan at tinaas ang mangga na binalatan niya. "Hindi iyan maasim," ani ni Keehan at iniuwang ang mangga na hawak niya. "Tsk— naghinaw ka ba ng kamay?" Humawak si Bazile sa sandalan ng inuupuan ni Keehan at kumagat sa hawak ni Keehan na mangga. "Wax! Marami akong binalatan na mangga kain tayo!" Umalis na si Bazile at naglakad palabas ng unit. Tinanong ni Wax kung ano sa mga iyon ang matamis— inabutan siya ni Keehan ng mangga. Napa-pokerface si Jaxon habang nakatingin kay Keehan. In some reason naiinis siya— kanina pa siya sa unit na iyon ngunit hindi 'man lang siya nito tinapunan ng tingin matapos batiin. Binaba ni Jaxon ang hawak na beer matapos iyon maubos. Lumapit si Keehan sa kanila kaya napatingin si Jaxon. "Gumawa ako ng jam try niyo," ani ni Keehan at binaba iyon sa coffee table. Kumuha si Grim at Apollo ng sandwitch. Gusto kasi talaga nila ang jam ni Keehan. Kumagat si Keehan sa hawak nitong mangga na sigurado si Jaxon na kinainan ni Bazile. Kinuha ni Jaxon ang kamay ni Keehan. Napatigil si Keehan matapos kagatan ni Jaxon ang kinagatan ni Keehan. Ngumiti si Jaxon. "Meron ka pang mangga?" tanong ni Jaxon. Tinuro ni Keehan ang table nina Gaizer. "Nandoon pero kumain muna kayo. Hindi pa kayo nagbe-breakfast baka sumakit tiyan niyo." "Good morning." Napatingin sina Keehan sa pinto matapos marinig boses ni Teressa kasunod nito si Bazile na may dalang ilang paper bag. "Mr.Grimore— dinala ko lahat ng magazine at cards na kailangan pirmahan nang TK," ani ni Teressa. Nagpasalamat si Apollo at sinabing ibaba na lang iyon sa sofa. Nagpasalamat si Teressa kay Bazile at sandaling hianwakan ang kamay ni Bazile. Lumayo si Bazile kay Teressa at sinabing ayos lang. Nakita iyon ni Keehan. Napataas ang kilay ni Keehan dahil sa bagong manager nila. "Leader, wala bang breaktime. Pagod na ako," reklamo ni Keehan at napasubsob sa lamesa. Almost 4 hours na sila doon at halos hindi pa din nababawasan ang mga magazine, dvd's at card sa lamesa niya. "Kailangan mo ng tulong?" Napatingin si Keehan kay Jaxon. Patapos na ito at sobrang dami na ng natapos nito. Lumiwanag ang mukha ni Keehan. Kaya ni Jaxon gayahin ang pirma niya. Ibibigay ni Keehan ang magazine nang may maalala siya sa sinabi ni Bazile. Naibaba iyon ni Keehan. "Akin na," ani ni Jaxon at nilahad ang kamay. Napakamot sa likod ng ulo si Keehan at sinabing huwag na. Napatingin sina Grim doon. Tinanggihan ni Keehan ang tulong ni Jaxon. "Alam kong pagod ka na din kakayanin ko ito," ani ni Keehan at tinaas pa ang mga braso niya. Nag-iba ang expression ni Jaxon after 'non. Lumipas pa ang mga oras si Keehan na lang ang nasa table. Nag-offer din ng tulong sina Apollo ngunit tinanggihan ito ni Keehan. Napangiti na lang sina Gaizer dahil doon. Maya-maya dumating si Bazile. May hawak na books at umupo sa harapan ni Keehan. Napatingin si Keehan. "Ano iyan?" tanong ni Keehan kay Bazile at sinilip ang mga libro. "Medicine books," sagot ni Bazile. Nagulat si Keehan. "Magte-take ka ng exam?" tanong ni Keehan at bumalik muli sa upuan. "Yes, suggestion na din ni kuya since gusto ko talaga maging doctor," sagot ni Bazile at kinagat ang dulo ng ballpen. Tinanggal ang takip nito gamit ang nga ngipin. "Support kita! Good luck Bazile!" ani ni Keehan at sumuntok sa hangin. Napatingin si Bazile. "Good luck din sa iyo. Next year ka pa matatapos diyan." "Sinusumpa mo ba ako?" tanong ni Keehan. Habang nagawa si Bazile ng outline at nagsa-sign si Keehan nag-aasaran ang dalawa hanggang sa hindi na nga ni Keehan napansin na patapos na siya. "Yay! Bazile look! Nakatapos ako! Nagawa ko ng walang tulong ng iba! Natapos ko!" tuwang-tuwa na sambit ni Keehan at pinakita ang mga natapos niyang pirmahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD