Chapter 10
3rd Person's POV
"Anong nangyari sa inyong tatlo?"
Nakangisi si Bazile, sa gitna si Keehan na namumula ang tenga at si Jaxon na may pagkadisgusto sa mukha. Nagtataka na tiningnan nina Wax sina Bazile.
Lumapit si Keehan at nagsumbong sa manager nila na binu-bully na naman siya ni Bazile.
Tumawa si Gaizer at sinabing umupo na sila doon. Madami silang niluto at kumain na sila.
Mabilis na kumain si Keehan as ina nagmadali ito kaya agad siya sinaway ni Apollo.
"Pasensya na may nakalimutan ako eh. Tapos na ako kumain!"
Kumunot ang noo ni Grim at tiningnan si Bazile na mukhang walang pakialam. Maya-maya tumayo na din si Jaxon at umalis— hindi nito gaanong nagalaw ang pagkain.
"Anong nakalimutan? May pinagagawa ka ba kay Keehan?" tanong ni Grim. Sinabi ni Bazile na nagpapa-drawing siya kay Keehan. Nagtaka si Gaizer dahil alam niya marunong gumawa is Bazile ng sculpture at wala itong kayang hindi gawin. Hindi siya makapaniwala na humingi ito ng tulong kay Keehan.
"Patapos na siya doon. Mukhang iyong nakalimutan niya ay iyong mga love letter na nakaipit sa notebook ko. Itatapon niya daw iyon sabi ko ako na," dagdag ni Bazile. Tumawa si Miguel at sinabing binata na si Bazile.
"Possessive much— si Keehan magtatapon," natatawang komento ni Wax. Napalabi si Bazile matapos siya asarin ng mga asawa ng TK.
Kalaunan sa labas ng unit ni Bazile. Nagkatitigan si Keehan at Jaxon.
"Ano iyang mga iyan?" tanong ni Jaxon at tiningnan ang mga hawak ni Keehan na agad tinago sa likod niya.
"Love letter ni Bazile. Pinatatapon niya sa akin," sagot ni Keehan. Umabante si Jaxon— umatras si Keehan at napasandal sa pintuan.
Tinungkod ni Jaxon ang isang kamay sa gilid ng ulo ni Keehan.
"Keehan, may gusto ka ba kay Bazile?" tanong ni Jaxon na may pagkadisgusto sa mukha. Napatigil si Keehan matapos marinig iyon. Hindi nakasagot si Keehan.
"Halatang may gusto ka sa Bazile na iyon at kapag nalaman ito nina tita. Ano sa tingin mo ang sasabihin nila?" tanong ni Jaxon. Naiyukom ni Keehan ang kamao matapos marinig iyon.
Naguguluhan siya. Bakit hindi niya magawang i-deny. Pumasok sa isip niya ng expression at mukha ni Bazile sa mukha niya.
"Pwede ba tigilan mo kapapasok ng mga ka-talkshitan mo sa isip ni Keehan."
Napatigil si Keehan matapos itulak ni Bazile palayo si Jaxon at malamig itong tiningnan.
"Hindi pa ba sapat ang ilang taon mong pangbe-brainwash sa kaniya na lahat huhusgahan siya pati ang kondisyon niya?" tanong ni Bazile. Sumigaw si Jaxon at sinabing hindi niya bini-brainwash si Keehan.
"Ano pa lang tawag sa ginagawa mo? Sa mga sinasaksak mo sa isip ni Keehan," tanong ni Bazile. Niyukom ni Jaxon ang kamao.
Sinabi ni Keehan na tama na. Binuksan ni Keehan ang pinto ng room ni Bazile at inaya ito papasok. Tiningnan ni Keehan si Jaxon.
"Para sa friendship natin Jaxon. Kahit para doon lang— please huwag mo na ako pakialaman."
Nagulat si Jaxon dahil doon. Sinara ni Keehan ang pinto at hinawakan ng mahigpit ang doorknob. Kung hindi dumating si Bazile kanina para na naman siyang istupido na iikot sa mga salita ni Jaxon.
"Kung nagi-guilty ka ulit. Labas mag-sorry ka," bored na sambit ni Bazile habang nakaupo sa gilid ng kama at nakatungkod ang isang kamay sa kama.
Gusot ang mukha na nilingon ni Keehan ang lalaki at mabigat ang paa na lumapit kay Bazile. Nahulog ang mga love letter— hinablot nito ang kwelyo ni Bazile na hindi man lang nagbago ang expression.
"Ikaw may kasalanan nito. Kung nakasagot ako kanina agad tapos ang usapan. Hindi ako nainis!" sigaw ni Keehan na may pagkadisgusto sa mukha habang nakayuko at magkapantay ang mukha nila ni Bazile.
"Kasalanan ko palang may gusto ka sa akim at attracted ka? Dapat ba ako mag-sorry kasu masyado akong gwapo?" ani ni Bazile ma may pang-aasar. Nagulat si Keehan nang hablutim ni Bazile ang bewang niya at nagkadikit ang katawan niya.
Tinungkod ni Keehan ang tuhod gilid ng kama which is sa pagitan ng mga hita ni Bazile dahil muntikan na siya matumba kanina.
Halos umakyat lahat ng dugo sa mukha ni Keehan matapos may maramdaman na malambot sa tuhod niya.
"Mukhang natutuwa ka diyan ah."
Naitulak ni Keehan si Bazile. Natawa si Bazile matapos muntikan na mapaupo si Keehan sa sahig dahil sa panic.
"Pwede ba tigilan mo na nga mga pang-aasar sa akin! Hindi ka nakakatuwa," singhal ni Keehan. Nawawala siya talaga minsan sa poise kapag si Bazile ang kausap niya na mukhahg naging bagong habit ay asarin siya.
—
"Sino bang palagi mong ka-text? May girlfriend ka na ba Bazile?" tanong ng isa sa dalawang lalaki na nakaupo sa harapan niya.
"Wala," sagot ni Bazile na hindi inaalis nag tingin sa phone. Tumawa ang isa sa mga ito at sinabing hindi nito kailangan mag-sekreto.
"May mga nakuha ba kayong mga love letter sa table ko kanina?" tanong ni Bazile at tiningnan ang dalawa. Nagkatingin ang dalawang lalaki.
"Sabi mo itapon namin kapag may nakikita kami diyan. Ayaw mo ng makalat," sagit ng isa sa dalawang lalaki. Tinanong ni Bazile kung naitapon na nila.
"Hindi pa— nandito yata iyon sa ilalim ng table ko," ani ng lalaki at lumingon. Inabot nito ang ilalim ng table niya. Sobrang dami ng love letters na nilabas ng lalaki. Nagtaka iyong dalawa matapos kumuha ng notebook si Bazile at nilagay ang ilan sa mga iyon sa note book niya.
"Gagawin mong bookmark?" tanong ni Marcus Esteban. Tumawa ang kapatid nitong si Marco Esteban at sinabing minsan hindi niya maintindihan trip ni Bazile.
Maya-maya nag-bell na. Umayos na ng upo ang dalawa at dumating na din ang professor nila.
Pagkatapos ng klase may mga body guard na sumundo kay Bazile. May mga press pa din kasi sa gate at hindi tinatantanan si Bazile. May ilan ding mga producer ang sinusubukan kausapin si Bazile ngunit hindi iyon pinansin ng binata. Gusto niya maging doctor.
Pagkasakay niya ng van. Umupo na ang lalaki at kinuha ang phone. Maraming nag-text sa kaniya— ngunit ini-scroll niya iyon. Binuksan ang message ni Keehan.
'Punta kami mamaya sa studio. Punta ka dito after ng class mo— need namin ng driver.'
Napa-pokerface si Bazile. Tiningnan niya ang driver at sinabing dalhin siya sa studio.