Mom cooked something special for tonight. Dadalhin daw namin sa bahay nina Sancho.
After that "date" namin ay inaasar na ako lagi nung mga kaklaseng nakakita sa amin ni Sancho, well, except for my friends talaga.
I didn't mind them though. Hindi naman importante sa akin kung aasarin nila ako or what kasi hindi naman ako pikon. Baka sila pa ang mapikon kapag hindi ako ang nagsalita.
I really hate it when someone's trying to ask me about my personal affairs in life. Like, bakit? Do I owe you a story of my life? No!
I'm wearing a floral pink dress, I tie my long hair to a high ponytail. My Kuya Leon didn't join us kasi may kailangan pa itong i-finish na work from his internship sa company namin. Dad's wearing a blue button down sleeve at black pants, same sila ng color tone ng dress ni Mommy.
They really prepared for this day.
Habang ako, I only want this day to be over para mag-bukas na. I'm so excited for the swimming tomorrow. I even packed my things already tapos nag-order pa ako ng swimsuit for the three of us!
Mine's pink, Mica's black kasi she's so maputi, Chari's brown kasi she likes Earth tone. I even bought a swimming short for us para naman hindi kami mag-wa-walk sa seashore ng nakapanty like ng swimsuit.
Lola Esmeng's house was a bit far from our place. Hindi ko alam kung saan ito pero I really like the ambiance of her garden na madadaanan papunta sa old house niya. Parang sa amin lang.
It's a wooden type of house na kailangan pang akyatin thru stairs bago makapasok. The door opened and Sancho welcomed us. He's wearing a plain polo shirt and pants. He look so neat and fresh dahil halatang he just came out from shower dahil sa drip ng water from his hair.
"Good evening po, Tito, Tita." He politely said to my parents.
"Good evening, Sancho!" masayang sabi ni Mommy sa kanya.
Sancho turned to me, "Good evening, Liv." He said to me.
I just nodded at him. I actually don't have any plans na makita siya ng apat na beses sa isang linggo. Tomorrow, I will see him again and I don't have any control with that as well.
"Pasok po kayo. Abuela's in the kitchen po." He said to us.
Pag-apak pa lang namin sa loob ng bahay ay naamoy na namin kaagad ang mabangong amoy mula sa kitchen. I'm not hungry pero the smell of the food made me hungry.
"Hmm! Nakakagutom ang amoy ng food. Right, guys" Mom said.
Ngumiti naman si Sancho sa sinabi ni Mommy sa kanya. Hindi siya nagsalita at magalang na tinuro ang dining area lamang.
Mom and Dad went inside na kaya naiwan kami ni Sancho sa salas nila.
I turned to him and he's looking at me naman na rin.
We never talk about the food na dadalhin namin for tomorrow.
"What are we going to bring tomorrow?" I asked him.
Kasi sina Chari at Kuya Seb, Mica at Kuya Leon, mayroon na silang dadalhin for tomorrow. Alam ko na nga ang lahat ng dadalhin nila dahil kinukwento ni Chari lahat and she's so excited about it.
"Do you have any idea? Kung anong wala pa siguro?" He told to me.
I pouted my lips. Mayroon na actually lahat.
Chari and Kuya Seb will bring the utensils and everything needed for cooking and eating. May dala rin silang barbecue, hotdogs, drinks, snacks.
Mica and Kuya Leon will bring food for dinner kung aabutin man kami doon ng gabi. Kuya Leon bought a tent pa para daw doon magluto.
"Breakfast and in-between meals? We still don't have those kind of food," I told him.
"Magluluto na lang ako ng agahan para madala natin doon. Susunduin kita ng maaga bukas para makabili tayo ng ihahanda for in-between meals." He said.
"Gaano ka-early?" I asked him.
"What time is our call time anyway? 7 am, right? I'll pick you up at 5 am. Bibili tayo sa palengke tapos didiretso na tayo sa beach. Kaya maghanda ka ng maaga." Sabi niya sa akin before following my parents to the dining area.
Wait! That's so aga kaya!
I rolled my eyes before following him to the dining area.
Agad akong napatingin sa circular na table nila at punong-puno ng iba't ibang dishes ang table nila. Lola Esmeng and my parents are talking. They all look at me pagpasok ko.
Sancho's still standing dahil ang dalawang vacant seat na pwede naming upuan ay magkatabi.
One's on the left side of my mom and the other one is on the right side of Lola Esmeng.
"Here! Seat down guys." sabi ni Mommy.
Napatingin ako kay Sancho na umikot na papunta sa tabi ni Lola Esmeng. I have no choice kung hindi ang maupo sa tabi niya.
"Thank you for inviting us po talaga, Mrs. Ramirez," sabi ni Mommy kay Lola Esmeng.
Lola Esmeng shook her head, "I'm glad na nagpunta kayo dito. My grandson cooked all of these. Siya rin ang namili ng mga ingredients na ilalagay diyan." Pagmamalaki ni Lola Esmeng kay Sancho.
Pasimple akong tumingin kay Sancho. Hinanda niya lahat ito? Nakapaghanap pa siya ng time para magluto? I doubt kung masarap ang mga ito.
"Sana ay kasama niyo pala ang panganay niya. Ipagbalot ko na lang siya ng pagkain bago kayo umuwi ah?" Nakangiting sabi ni Lola Esmeng.
"Salamat po, Mrs. Ramirez. Busy po kasi talaga si Leandro sa internship niya. Third year na po kasi sa kolehiyo," sabi ng Mommy.
Napatingin naman si Lola Esmeng kay Sancho, "Same with Sancho. Busy na rin ito sa OJT nito sa isang malaking broadcasting network sa bansa. Pangarap nito talaga na maging news anchor ng CNN. Sana ay mangyari at pangarap ko iyon para sa kanya." proud na sabi ni Lola Esmeng.
I looked at him na nasa gilid ko. Siya magiging news anchor? Tinignan naman niya ako at tinaasan ng kilay.
"Sigurado po ako na kapag naabot ni Sancho iyon ay mag-asawa na sila ng bunso ko po." Nakangiting sabi ni Mommy.
Mabilis ang tingin na binigay ko kay Mommy. So expected niya kaagad na magiging kami ni Sancho at ikakasal kami kaagad?
No way!
"Let's eat now habang mainit pa ang pagkain." sabi ni Lola Esmeng.
There were lots of food on the table at hindi ko mapili kaagad ang gusto kong kainin. Inabot ko na lang ang fried rice at isang klase ng gulay at chicken doon.
Tinikman ko kaagad iyon at aaminin ko na nasarapan ako sa pagkain na natikman ko.
"These are so good, Sancho! You are a great when it comes to cooking." Sabi ni Daddy.
"Thank you po, Tito." magalang na sabi ni Sancho kay Daddy.
Busy na ako sa pagkain ng naglapag si Sancho ng peeled shrimp sa plate ko. Mukha namang wala sa kanya iyon dahil nung tinignan ko siya ay busy pa rin ito sa pagbabalat.
"I heard na may lakad kayo tomorrow, Sancho?" pagsisimula ni Mommy sa conversation.
"Yes po, Tita." sabi ni Sancho pagkatapos ay nilagyan ulit ako ng peeled shrimp sa plate ko.
Hindi pa siya nag-start na kumain.
"Hey, I'm good. Thanks." Awat ko sa kanya kasi nagbabalat na naman siya para sa akin.
He turned to me, "These are mine now." mahina pero malinaw na sabi niya sa akin.
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko sa biglaang pagkapahiya. This beast!
"What time ba ang alis ninyong dalawa bukas?" tanong ni Mommy.
"I'll pick her up po ng 5am para makapamili pa po sana kami. Maghahanda po sana ako ng agahan para sa mga kasama namin," sagot naman ni Sancho kay Mommy.
Tumango-tango si Mommy sa sinabi ni Sancho. "I'll make sure na gising na siya at nakaayos na siya ng 5am para you can collect her by that time."
Collect? Ano ako trash na kinukuha lang?
Napailing na lang ako at pinagtuunan na lang ang pansin ang pagkain na nasa harap. I admit na he cooks really well. In this time now ay rare na ang marunong mag-cook na guy and he's a one rare gem.
They talked about a lot of things and I stayed there na kumakain lang. I commend him na he's a good cook talaga!
Busog na busog ako pagkatapos kumain ng luto ni Sancho. It was my first time na nabusog ng ganun dahil sa niluto niya.
"We are so full, Sancho. Mukhang mahihiyang kami sa luto mo, hijo." Nakangiting sabi ni Mommy.
"I'm glad that you like it, Tita," sabi naman ni Sancho.
"Of course! Tignan mo nga si Liv. She didn't say any word against your food. Kung hindi masarap ang niluto mo ay hindi yan kakain," dagdag pa ni Mommy.
Namula naman ang mukha ko sa sinabi ni Mommy. Mukha ba akong patay-gutom para sabihan niya ng ganun? No naman ah!
Pasimple kong kinurot si Mommy para hindi na dumaldal pa.
They invited pa us for a coffee break kaya lang we need to go home bigla dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Sana naman ay hindi umulan bukas para hindi hassle yung trip namin.
Lola Esmeng packed us food para matikman daw ni Kuya Leon. Mom took it kasi nasarapan daw siya sa pagkain na iyon.
"He's a nice guy. I really like him for our daughter, Lena." Daddy said once we reached our car.
"Kaya nga. Ang bait pang bata bukod pa doon ay magaling magluto. Siguradong hindi ka magugutom kapag siya ang naging asawa mo, Liv." sagot naman ni Mommy.
Yeah, right. They were talking as if wala ako sa tabi nila. Hindi ba nila makitang nandito ako?
I know na hindi naman kami ikakasal pero really? They're talking as if iyon na talaga ang naka-plan sa future.
I have nothing against Sancho or what. Pero I still don't like the idea na pwede kaming ikasal sooner or later.
Hindi na lang ako nagsalita hanggang makarating kami sa bahay. I excused myself immediately para ihanda yung gamit yung isusuot ko for tomorrow.
Mommy and Daddy didn't disturb me naman. Siguro alam nila na need ko ng rest and alone time.
Marami pa akong gustong i-achieve sa buhay. Mga goals na hindi ko kaagad nagawa dahil sa naging sakit ko.
Hindi naman siguro masama na abutin ko rin muna yung pangarap ko bago ko sundin sila?
Hindi naman kasi ako ang dapat na nasa sitwasyon na ito kung hindi si Althea. Pumalit lang ako sa kanya. And I hate the fact that my parents didn't do anything to stop this tradition.
Sino bang magiging masaya kapag kinasal ka sa taong hindi mo naman gusto?
I have never been in love or had a crush to anyone. I love taking care of myself first before anyone else.
Gusto ko kasi na kapag nagmahal ako ay buo ko na yung sarili ko. That I have explored the beauty of the world. I want to discover the things that I have missed before.
I want to take care of myself first before ko maibigay ang sarili ko sa iba o kaya ay bago ko gawin ang tradisyon na hindi naman para sa akin talaga.
I slept with a heavy heart that night.
Hindi ko alam pero tinatamad na tuloy akong tumuloy sa lakad kinabukasan. Thinking na makikita ko ulit si Sancho at pwedeng hindi lang iyon ang maging una o huli naming pagkikita.
No, I don't need to see him again after this day.
I took a quick shower and pick up my floral pink summer dress. If only weren't for my friends ay hindi ko gagawin ito.
But, no! I won't make my day bad just because of him.
I took my duffel bag and hang it onto my shoulder. Hindi pa rin gising si Mommy kaya sure ako na nawala sa isip niya na may lakad kami ni Kuya Leon today.
Speaking of which, I saw him at the dining area drinking his cup of coffee. I waved my hand on him. Makikita ko naman siya later kaya okay lang na hindi na kami mag-usap.
His chemistry with Mica was really undeniable. I like him for her and vice versa as well.
Pagbaba ko sa bahay ay nakita ko na kaagad ang car ni Sancho na nakapark sa tapat ng bahay. Mabuti na lang din at hindi na umuulan. Marami na ring stars sa sky kaya sure na maganda ang weather for today.
I opened the door and saw his car light blinking. I went straight there.
Hindi naman ako makakaangal kung sa harapan ako uupo. He would look like a driver kapag nasa back seat ako. I knocked at his window bago ako pumasok.
Masyadong tinted kasi ang car niya akala mo naman celebrity siya talaga.
The scent of mix masculine and nature went immediately to my nostrils. Napatikhim pa ako pagkakita sa ayos niya.
He's wearing a button down light pink polo shirt na fit na fit sa body niya lalo na sa arms niya. I don't know kung shorts or pants ang suot niya pero I don't care na rin
"Why are you wearing pink?" tanong ko kaagad sa kanya pagkaupo sa passenger seat.
His brow furrowed pagkakita sa itsura ko. "Good morning din naman, Olivia." sarkastikong bati niya sa akin.
"Why are you wearing pink?" ulit ko sa kanya pagkatapos kong isuot ang seatbelt ko.
"Ikaw lang ba ang pwedeng magsuot ng pink?" tanong niya sa akin tapos ay pinaandar na ang car.
"No! Pero they would think na pinag-usapan natin ito! " I told him.
"Stop shouting, Olivia," sabi niya sa akin.
"I am not! Hindi ko lang gusto na same yung color ng damit natin na like we talked about it!" I know na I should not fret over this little thing.
Kaya lang ayoko talaga!
"Edi magpalit ka ng damit," seryosong sabi niya sa akin.
"Why would I change my clothe? Alam mo bang buong night ko inisip kung ito or yung other na damit ang isusuot ko? If only I knew, sana hindi na lang pink ang sinuot ko." I frowned after saying that.
Sino ba naman kasi makakaisip na magsuot ng pink ngayon? Siguro nagsuot siya ng pink para lang asarin ako and yeah, he won on that part.
"You are over reacting over a simple color of shirt." aniya sa akin.
I didn't say any word at all hanggang sa ma-reach namin yung market.
"Sasama ka ba?" tanong niya sa akin pagka park ng pick-up niya sa parking area.
Hindi ako sumagot sa kanya. Kinalas ko lang yung seatbelt ko at naunang bumaba ng car niya. I crossed my arms over my chest while waiting for him. Bukod pa roon ay naramdaman ko rin kasi ang lamig ng morning air.
Pagbaba ni Sancho sa car niya ay nauna na rin akong maglakad kaysa sa kanya pero hindi pa man ako nakakalayo ay sinabit na niya sa balikat ko ang isang jacket.
Magagalit na sana ako kaya lang hindi na niya ako binigyan ng chance. He walked away from me, leaving a meter space between us.
Isa pa ay mukhang need ko rin ang jacket. Kung bakit naman kasi na backless ang summer dress na suot ko. I'm wearing a two piece lang naman and I'm sure na nakita niya ang back ko.
Pero I don't care rin naman kasi kung nakita niya or hindi.
I didn't walk near him. Hinayaan ko rin siya na mag-buy ng fruits and other things na need namin.
Hindi niya ako binigyan ng kahit anong bubuhatin kahit yung magagaan na fruits man lang.
"I can carry those." I told him while pointing the plastic with banana in it.
Hindi man lang siya lumingon sa akin at nagbayad na kaagad sa vendor. Hindi rin niya ako pinagbabayad! I have my own money for this one naman yet ayaw niya ako pagbayarin ni isa man lang.
His hands were so full from the plastic bags and I'm sure na heavy iyon. Maaga pa naman sa market kaya hindi pa kami naiinitan pero may bullet of sweats na siya kaagad.
We stop to buy some pasta na iluluto ata niya later. "Miss, may isang kilo po ba kayo ng flat noodles?" tanong niya sa babae.
"Anong brand pogi?" tanong ng babae naman.
"Kahit ano po basta flat noodles." sagot niya.
Tumango naman yung babae tapos kumuha ng kailangan. Nilapag ko na agad yung one hundred peso bill sa lalagyan ng bayad.
Tumingin siya kaagad sa akin. "Get your money. I'll pay for it."
Tinaasan ko siya ng kilay tsaka umiling. "Half-half, Sancho. I can pay as well." sagot ko sa kanya. "And wipe your sweats. You look gross." Nakairap na sabi ko sa kanya.
"My hands are full. Can you wipe it for me?" tanong niya sa akin.
Bigla akong napalingon sa kanya. "Do I look like your yaya ba?" mataray na tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang nakakakita kaya pwede naman sigurong ikaw ang magpunas. Let's not make it a big deal,"
Tinignan ko siyang mabuti. Sabagay kawawa naman kasi kanina ko pa siya naaalila sa pagbubuhat. Pero I didn't say naman na siya ang mag-carry ng lahat. He insisted it!
"I don't have panyo here. It's in the car." I told him.
"I have one in my left pocket." He said.
My eyes widen sa sinabi niya. Ako ang kukuha ng panyo from him?
"Why me?!" tanong ko sa kanya.
Masyado naman kasing nakaka-eskandalo kung ako mismop ang kukuha sa bulsa niya. Mamaya ay may iba pa akong mahawakan na hindi naman dapat.
Argh! So green, Olivia.
"Kasi wala kang hawak?" patanong na sabi niya sa akin.
Point taken. Pero bakit ako pa rin?
Nagpakawala ako ng buntong hininga at lumapit sa kanya. Maingat kong pinasok ang kamay ko sa bulsa niya para makuha ang handkerchief niya.
"Naku! Ninanakawan ka, hijo!" malakas na sabi ng tindera.
Napalayo ako kaagad kay Sancho habang hawak ang panyo niya.
Ako magnanakaw?
Mukha ba akong thief? Ang gandang thief ko naman.
Sancho chuckled before looking at me, "Hindi po. Girlfriend ko po yan." sabi niya sa tindera.
I can feel the heat rushing through my face sa sinabi niya. Ako girlfriend niya? No way!
"Ah---n--" Atubili kong sabi pero hindi rin natapos.
"Ah! Bagay kayong dalawa. Pasensya na ganda napagbintangan pa kita. Eto na yung noodles andyan na rin sa loob yung sukli." sabi sa amin.
Masama kong tinignan yung vendor matapos ay kinuha ko ang plastic bag.
Wala naman siyang alam sa kung anong mayroon kami ni Sancho kaya hindi ko siya masisisi.
"Thank you, Miss." pasalamat na sabi ni Sancho sa vendor bago humarap sa akin. "Help me wipe my sweat, beauty." sabi sa akin ni Sancho.
Matalim ang tingin na pinukol ko sa kanya. Gusto ko sanang ibato yung panyo sa kanya kaya lang alam kong napagod siya kaagad sa ginawa niyang pamimili.
This is the least thing that I could do for him.
I wipe his sweat from his forehead to his neck. Basa na rin ng pawis ang damit niya
"Next time, ask for an help. Hindi naman masamang mag-ask ng tulong." Bago ko kinuha yung ibang plastic bags sa kanya tsaka lumakad palayo.