"Sancho!" sigaw ni Chari pagkakita kay Sancho.
Nagtatakang tinignan ko silang dalawa dahil nakangiti rin na lumapit si Sancho kay Chari. Do they know each other?
Tinignan ko si Micaela para makahanap ng answer. "Magkakilala sila. Yan yung pinagseselosan ni Sebastian." She even pointed Kuya Seb na masama ang tingin sa dalawa.
Yumakap si Chari kay Sancho pagkatapos ay binitawan ito tsaka malakas na hinampas sa balikat. "Bakit nandito ka? Miss mo na naman ako?" tanong ni Chari dito.
Sancho smiled and that was the first time I saw him smiling! At hindi siya sa akin nag-smile kundi kay Chari. Sa ibang girl pa!
"Medyo makapal din talaga mukha mo, Cha-cha." Natatawang sabi ni Sancho kay Chari.
Humarap sa amin si Chari na malaki ang ngiti sa mukha. Sancho even draped his arm over Chari's shoulder. Tumikhim naman si Kuya Seb tsaka nilapitan si Chari at hinila ito palapit sa kanya.
"Opps! I didn't know na may boyfriend ka na, Cha," sabi ni Sancho dito.
"Wala noh! Kaibigan ko lang ito." Inakbayan naman ni Chari si Kuya Seb.
Sancho's eyes drifted to me naman. Para tuloy akong napatalon sa ginawa niyang pagtingin sa akin. He grinned before looking back to Chari.
"Bakit ka nga pala nandito? Ngayon na lang kita nakita kasi ulit," sabi ni Chari kay Sancho.
I tried to ignore them para naman kunwari ay hindi ako interested sa pinag-uusapan nila. Pero hindi naman talaga ako interested. Pakialam ko ba doon.
"I'm visiting my girlfriend." I heard he replied.
"May girlfriend ka?" Tanong ni Chari dito.
Pasimple akong tumingin sa kanya at nakitang nakatingin na siya sa akin.
"Yeah," sagot ni Sancho dito.
"Sino?" Tanong naman ni Chari.
"Her." Sancho pointed me and my heart almost dropped sa sinabi niya.
"Si Olivia?!" Sabay na sabi ni Chari at Mica, gulat na gulat sa sinabi ni Sancho.
Sancho nodded before pulling me from the crowd. Nakasunod naman ang tingin ni Kuya Seb sa akin. I think he knew it already. Sino ba sa pamilya namin ang hindi nakakaalam ng pangyayaring ito?
Ang family lang naman ni Kuya Seb anb hindi naniniwala sa mga arranged marriage na yan kaya they were so lucky. They will never be a sacrificial lamb of our tradition.
"H...hindi namin alam." Natatawa pa rin i Chari pero I know na she was so shocked sa sinabi ni Sancho.
This man and his big mouth!
I shook my head and tried to step away from him but he pulled me again to his side.
"Ano...Ah...Allow me to explain?" I asked to them.
Mica smiled like Chari, "Okay lang. Hindi mo naman kailangan i-kwento kapag hindi ka pa ready. Tsaka ayaw mo yun may nagpapatibok na sa cold heart mo. Ayieee!" Mapang-asar na sabi ni Chari sa akin.
I think na namula ako sa sinabi niya. Wala kaming relationship ni Sancho. Feeling naman kasi masyado ang isang ito. I don't even like him at all.
"Aalis ba kayo?" Tanong ni Sancho sa akin.
I rolled my eyes before crossing my arms over my chest. "Yes." Tipid na sagot ko sa kanya.
Sancho nodded, "Can I join?" Tanong niyo ulit.
"No!"
"Yes!"
Makapanabay na sabi namin ni Chari. Tinignan naman ako ni Sancho bago kay Chari at nag-smile.
"Ayaw ng girlfriend ko na isama ako." He said to us.
The nerve of this man! Feel na fee naman niya ang pagiging boyfriend ko kahit hindi naman!
"Isama mo na, Olive. Sayang naman at nandito na rin yan tsaka para may kotse tayo—"
"I have my own car, Charlotte. We can use that." Maagap na sagot naman ni Kuya Seb.
Hindi naman siya pinansin ni Chari at inirapan lang ito. "May libre na nga na nandito. Yung iyo nasa bahay niyo pa. Gagabihin tayo kapag hinintay natin iyon." Paliwanag ni Chari dito.
"I'm more than willing to become the group's service." Presenta naman ni Sancho na nasa gilid ko.
Medyo bida-bida rin kasi talaga! Nakakaasar.
"Ayun naman pala. Tara na. Huwag ka na mag-ambag. Maraming foods na dala si Seb. Ikaw na lang sa kotse!" Chari said to him.
Tumango naman si Sancho bago naunang maglakad sa trunk ng car niya para i-open iyon. Hinatak naman ni Chari si Kuya Seb para madala yung food doon.
"Boyfriend mo pala yung kaibigan ni Chari," sabi ni Mica sa akin.
I sighed before looking at her. It seems like pati siya ay inaakalang boyfriend ko si Sancho. We are not in a relationship. Delusion lang ni Sancho lahat iyon.
"Okay lang yan. Gwapo naman tsaka bagay kayo." Sabi ni Mica sa akin bago niya ako tinap at iwan para sundan ang tatlo.
I ignored her. Kami bagay dalawa? No way!
"I'll sit at the back na lang," anunsyo ko sa kanila. I don't want to sit beside or near him.
Yun ngang nasa loob na ako ng car kasama siya ay nakakaloka na. What more pa yung katabi ko siya?
Nagkatinginan sina Chari at Mica, sa back seat na kasi sana sila sasakay pero mukhang uunahan ko pa ata.
"Di ba dapat tabi kayo ng boyfriend mo?" tanong ni Chari tapos tumingin siya kay Sancho before sa akin.
Sancho didn't say a word naman. Umikot na ito sa driver's seat at pumasok doon to start the engine.
"I get dizzy agad so I prefer back seat over front seat. I'm sure that he would understand it naman." I tried to smile while explaining my side to them.
Nagkatinginan sina Chari at Mica ulit. "Sa front set na lang ako?" patanong na sabi ni Chari.
"Yes, go ahead." Sabi ko sa kanya.
"Dito ka na sa tabi ko Charlotte. Lilipat ka pa doon?" tanong naman ni Kuya Seb kay Chari.
Chari looked at Kuya Seb, "Hindi naman kilala ni Mica si Santino. Okay na ako doon. Ito naman, magtabi na ulit kayong dalawa ni Mics. Malay mo-- Hoy! Ang pikon naman!" sigaw ni Chari kay Kuya Seb ng pumasok na ito sa loob ng sasakyan.
"Inasar mo na naman siya." Mica told Chari then she looked at me. "Ikaw na sa tabi ng pinsan mo?" tanong ni Mica sa akin.
I pouted my lips before nodding at her. I went inside and sat beside Kuya Seb na naka-frown na. Saglit na tinignan lang ako ni Kuya Seb bago tumingin ulit sa labas ng bintana.
Mica went inside afterwards. Si Chari naman ang naman sa front seat.
"Okay na kayo diyan?" Chari asked us.
"Oo." si Mica yung sumagot para sa amin ni Kuya Seb.
Sancho started manuevering the car. Hindi ko rin alam kung saan yung sinasabi nila na Puerto Honares. I heard that but I have never been in that place naman. All I know ay some kind of hills iyon then may mga picnic table on top.
"Kumanan ka kasi!" sigaw ni Chari kay Sancho while driving.
Sancho laughed and his laugh echoed inside the car. It was so manly and pleasant to hear. "Ang ingay naman ng GPS ko. May itatahimik ba ito?" Sancho asked.
I accidentally met his eyes at the rearview mirror kaya tinaasan ko siya ng kilay. Anong tinitingin niya? Does he think na kakausapin ko siya? Never! Pabida lang naman kasi siya kaya nakasama siya sa picnic namin.
"Diyan sa susunod na kanto may gate diyan pasok ka doon tapos magbayad ka ng sampung piso kay Kuya PJ para makaparada ka." Chari said again.
"Buo pera ko, Cha. Pahiram ng ten na lang." sinabi pa ni Sancho kay Chari.
Kumuha naman si Chari ng ten pesos sa pocket ng skirt niya tapos binigay kay Sancho. "Doble na mamaya yang ibabayad mo."
"Sure." sabi nito kay Chari.
Hindi naman ako nagseselos kasi ano bang reason ko para magselos? Chari is a good friend of mine and besides she has Kuya Seb na. I'm sure that Kuya Seb will never let her go.
We reached the Puerto Honares and from the parking lot pa lang ay kita ko na yung mga hills na sinasabi ni Chari. They were not that tall or what, may stairs pa nga sa gilid para lang marating yung peak ng hindi mahirap.
The cold breeze of the afternoon air welcomed us. This is what I love about Trinidad. The scenery and the freshness of everything around it. I will never trade it to any place at all. It has a space in my heart already.
"Kanya-kanyang buhat tayo!" masayang sabi ni Chari sa amin matapos i-open ni Sancho ang trunk.
Hindi naman nagsasalita si Kuya Seb habang inaabot ang magagaan na paper bag sa amin. I know na he's in foul mood already. Naririnig niya kasi kung paano tumawa yung crush niya sa ibang lalaki.
Sancho went out of his car tapos ay lumapit sa akin. "I'll carry your things," He offered to me.
Tinaasan ko siya ng kilay. Do I look like walang hands to carry these paper bags?
"I can carry it--"
Pero he didn't listened. He snatched the paper bags to me tsaka kinuha ang ilang gamit pa sa trunk. He followed Kuya Seb na naglalakad na papunta sa picnic area kasama si Chari.
I was left with Mica na tumatawa naman sa gilid. "Fifth wheel ata ako ngayon dito. Lahat kayo may bitbit." She said while laughing.
I looked at her after pulling down the trunk door to close it. "Do you want me to call Kuya Leon?" I asked her.
Her eyes widen bago ako nilagpasan. "Sandali lang! Sabay na ako!" She ran after them leaving me alone.
I know her secrets too. Kuya Leon and her...they're in some kind of unexplainaible type of relationship. I like her though kasi never niyang jinudge si Kuya from his past. I actually don't even know kung alam nga ba niya ang past ni Kuya Leon.
I scanned the whole place, there were trees around us and a souvenir shop which is open at the side. I think, I'll buy something from there bago umuwi later.
I walked slowly while following them. I really want to see the whole place dahil ngayon pa lang ako nakapunta here. I didn't lose my path going up naman kasi there's a trail na I have to follow naman and that leads to our area on top of one of the hill.
Hindi lang kami ang guest ng area. I saw a lot of cars kanina sa parking area. Maybe ginawan lang talaga nila Chari na makapag-reserve ng site for us.
They were already placing foods on top of the wooden table under a big mango tree. Pagdating ko sa peak ay malamig na hangin ulit ang nag-welcome sa akin pero ang mas nagpatuwa sa akin ay ang view ng dagat from afar.
The pristine blue sea calls us even from here. Parang ang sarap niyang languyan. I know na sa other barangay pa iyon pero from our location ay kita na iyon. Mukha siyang malapit pero I know na malayo pa iyon ng kaunti sa amin.
"Can we go there next time?" I asked them while pointing the sea from afar.
Si Mica ang lumapit sa akin habang may hawak ng fruits. "Sa Estrella yan. Punta tayo diyan kapag hindi kayo busy." She said.
I'm not busy naman pero Mica and Chari, they were always busy. They have part time jobs para makapag-continue sila sa living. They were struggling in life habang ako ay nakahiga lang pagdating sa bahay, waiting for the food to be ready after doing my homework.
We are worlds apart and have a different kind of life that we are trying to live in. Ngayon nga lang sila talaga nagkaroo ng time para lumabas and I appreciate that.
Sina Mica and Chari, they're scholars of the Velasquez family. They both study so hard para hindi mawalan ng scholarship samantalang ako ay binabayaran nina Mommy ng full ang tuition ko without expecting any return from me.
"Sa Linggo? Swimming tayo? Wala naman dumadayo diyan kahit napakaganda ng lugar na iyan." sabi ni Chari naman.
"Sure! I'm free ng Sunday!" masayang sabi ko sa kanila. "I'll invite Kuya Leon para makita niya rin yan." Then I look at Mica na nag-blush kaagad.
Nakatingin din si Chari kay Mica. I think she knows what I'm talking about naman. Masyado lang talagang tahimik si Mica and we can't read her mind so easily.
She's one of the most beautiful person here in Trinidad. Noong first ko nga rin siyang nakita ay nagandahan ako sa kanya. She's not only beautiful but super kind as well.
"Si Seb matic na kasama na yan basta kasama ako...Ikaw, Santi?" tanong ni Chari kay Sancho.
Pasimple akong tumingin sa kanya. Abala siya sa pag-aayos ng snacks sa ibabaw ng table. He stop when Chari asked him. Tumingin muna siya sa akin bago sagutin si Chari.
"Yeah sure. I'll be here in Trinidad until next week pa naman kaya sasama ako...kung okay lang?" tanong niya alam kong hindi kay Chari kundi sa akin.
Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya. "Oo naman! Bakit hindi? Basta may dalang foods ah! Toka-toka na lang tayo. Pag-usapan niyo na lang ng mga partner niyo yung foods ay teka walang partner si Mica!" sigaw ni Chari.
Namula naman kaagad ang mukha ni Mica sa sinabi ni Chari. Siniko naman siya ni Kuya Seb sa sinabi nito. Chari and her big mouth talaga. Bagay sila ni Sancho parehas noisy.
"Uh no! I will tell my Kuya Leon na sila na ang mag-talk na dalawa. " I answere quickly.
Chari pouted her lips before nodding. Mica looked at me naman tsaka siya nag-nod din sa akin.
Actually excited ako sa swimming na iyon! I'll bring a lot of sunscreen for us. "Mayroon bang villa or something similar to that doon para we can place our things and left it in there?" tanong ko sa kanila.
Napatingin naman sa akin si Chari na parang iniitindi yung sinabi ko. "Cottage?" tanong ni Kuya Seb.
I clapped my hand and pointed him. "Yeah, that one. Mayroon doon?" tanong ko sa kanila.
"Mayroon." si Mica ang sumagot sa akin.
They are familiar in that place naman. Sana hindi mag-rain sa Sunday para we can swim there. I helped them din sa picnic table. Nanginginain na si Chari ng hatakin niya si Santi malayo sa amin.
I can't help but look at them naman. We can't hear anything from their conversation kaya curious ako sa topic nila. May mga exaggerated reactions kasi si Chari kaya gusto kong malaman yung pinag-uusapan nila.
"Hindi mo siya pupuntahan?" tanong ko kay Kuya Seb.
Nilingon ko siya and nakatingin din siya sa dalawa na nag-uusap sa hindi kalayuan. Kuya Seb shrugged off his shoulders before looking back at me.
"I trust her. Ikaw, kunin mo na yung boyfriend mo. Walang lalaki na hindi nagkakagusto kay Charlotte," He said as a matter of fact.
I raised my brow after eating the last piece of brownies on my hand. "They can talk until night and I still won't care at all,"
"Bakit naman Boyfriend mo siya di ba?" Mica said naman na nasa side ko.
I sighed. Hindi kasi niya pa alam ang real na connection namin ni Sancho. I just can't tell them na we are soon getting married. No! Hindi naman kami magpapakasal talaga. As much as possible nga ay hindi namin pinag-uusapan iyon.
We are just doing this to satisfy our parents want over this freaki'n tradition. In the end naman ay we will not get married.
"We are at war. Mamaya isipin niya na nakikipag bati ako sa kanya," Excuse ko kay Mica.
Narinig ko si Kuya Seb na tumawa sa side. Alam naman niya mabuti na lang at hindi siya nag-talk sa iba about my relationship with Sancho.
"Ganun ba? Sana magkabati na kayong dalawa." sabi ni Mica sa akin.
I took a glance on her. She's so innocent talaga kaya siguro nagustuhan siya ni Kuya Leon.
"Anyway, what are you going to bring on Sunday? I'm so excited!" I told them.
Kuya Seb pointed Chari, "Siya ang magdedecide para sa aming dalawa. Taga-bayad lang ako."
I rolled my eyes to him. "You are so whipped on her, Kuya Seb. Admit your feelings na nga!" I even hit his arm bago ako humarap kay Mica na nakangiti rin.
"Ikaw? What are you going to bring on Sunday? Ay! No na pala! I'll tell Kuya Leon to talk with you na lang." sabi ko kay Mica.
"Close ba kayo ni Kuya Leon, Mics?" curious na tanong ni Kuya Seb kay Mica.
I tilt my head to the side, "You have no idea, Kuya Seb," I giggled afterwards.
"Olive..." bulong ni Mica. She's shy about it talaga. I understand her din naman.
Kahit ako at first ay hindi ko alam yung tungkol sa mayroon sa kanila until I heard it directly from Kuya Leon. I like them both naman kaya nakakatuwa lang.
"Ikaw? Anong dadalhin mo?" tanong naman ni Kuya Seb sa akin.
Humarap ako sa kanya at sasagutin na sana siya when I saw Chari and Sancho coming back to us, laughing together.
I made a face instantly pagkakita kay Sancho na nakatingin sa akin. The two sat across us. Si Chari katapat ni Kuya Seb habang ako naman ay katapat si Sancho.
"Dito ka Charlotte." utos ni Kuya Seb kay Chari. Tumayo pa ito sa kinauupuan bago pinalipat si Chari sa old place niya. Siya now yung pumalit sa pwesto ni Chari sa tabi ni Sancho.
"Seb, anong dadalhin natin sa Sunday? Hindi ako pupunta sa karinderya para mag-swimming ah! May extra swimsuit ka ba, Liv? Pahiramin mo kami ni Mica---"
"Swimsuit ka diyan? T-shirt at shorts lang ayos na. Huwag kang maghangad na naka swimsuit ka Charlotte. Sinasabi ko sa'yo na bubuhatin kita pauwi sa inyo." Masungit na sabi ni Kuya Seb sa kanya.
"Ang KJ mo Sebastian. Saan ka naman nakakita ng nag-su-swimming na naka- attire ha?" sagot naman ni Chari dito.
"Basta. Huwag mong isipin man lang at mag-aaway talaga tayo." pinal na sagot ni Kuya Seb kay Chari.
"Opo, Daddy!" Dumampot pa si Chari ng saradong snack at binato kay Kuya Seb.
I'm looking at them pero I know na ang mata ni Sancho ay nakatingin sa akin. Now...kapag nagkita kami ulit sa Sunday magiging apat na beses ko na siyang makikita for this week?
They invited us sa kanila for dinner on Saturday tapos magsasama pa rin kami sa Sunday? Ano ba naman yan!
"Kanya-kanyang punta na lang doon ah. Sabay na kami ni Seb, tapos ikaw Santi sunduin mo na lang si Olivia. Tapos ikaw Mics baka sunduin ka na lang ni Kuya Leon. Para kung may bibilhin pa kayo mabili niyo na." Suggestion ni Chari.
I nodded at her. Afterall ay wala naman akong choice kung hindi sundin ang sinabi niya. Ganun din naman talaga ang mangyayari.
We spend three hours at the Puerto Hermano. Napakaganda sa place na ito and I want to go back here soon. Hopefully, I could comeback here again.
"Ako na magdadala niyan." Inagaw ulit ni Sancho yung dala ko.
For three hours ay hindi man lang kami nag-usap. Kung ano-anong laro na ang pinasimulan ni Chari pero hindi kami nag-talk na dalawa.
I cleared my throat after handling my basket to him. Nauuna na yung tatlo pababa kaya nahuli kaming dalawa.
"T...Thank you nga pala." I told him.
He raised his gaze to me, "For what?" he asked.
"For offering us a ride here. And for Sunday as well. I know na you don't want to go with us. If you really wish na huwag sumama I can tell them," I told him.
The end of his lips rose up again, "Hindi ako napipilitan, Olivia. I want to see the beauty of this place with your friends. And besides magandang paraan na rin ito para mapakita natin sa mga magulang natin na we are both trying to work on this relationship." He replied.
I match the way his eyes looked at me, deep and serious. "Yeah, right. May point ka nga doon. So you have met my friends already and kapag nag-break tayo you have no rights to look at them as well. I'm very territorial, Sancho. What's mine is mine lang. My friends, they're mine," I said seriously to him.
The cold wind of sunset suddenly turned thick around us. "I'm not taking away anything from you, Olivia. I'm still yours right now kaya wala akong planong kunin ang meron ka. All I want is you and your full attention to stop this wedding." sagot niya sa akin.
"Beast."
He grinned, "I have heard that a lot of times. Let's go home now, Beauty." Tapos ay nauna siyang maglakad palayo sa akin.