DIVA's POV
Nagulat ako nang makita kong naroon sa living room ng aming bahay ang aking best friend na si Bianca. Alas siyete pa lamang ng umaga ay narito na siya sa aming bahay.
Himala.
Usually kasi ay mga tanghali na pumupunta si Bianca sa bahay namin ng aking ina kung gusto niyang magpasama sa akin sa kung saan-saang lugar para mag-shopping, manood ng movies, kumain sa labas, at kung anu-ano pa.
Hindi kasi nagagawa ni Bianca ang mga bagay na iyon with her boyfriend, Bryce, dahil sobrang workaholic nito. Pero kapag nagkakaroon sila ni Bryce ng time para makapag-bonding at mag-relax together ay talaga namang sinusulit nilang dalawa. Tipong hindi ko na natatawagan si Bianca o nakaka-chat man lang dahil "babe time" daw nila ni Bryce.
Every time na tatanungin ko si Bianca kung ano ang ginagawa nila ni Bryce sa kanilang "babe time" ay humahagikgik ng malakas si Bianca na para bang kinikiliti siya at sasabihin sa aking gumagawa sila ng bata ni Bryce sa tuwing magkasama silang dalawa.
Maliban sa napakaaga pa para makita ko si Bianca sa loob ng aming bahay, ang isa pang dahilan kung bakit nagulat ako sa kanyang presensya ngayon ay dahil hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap ngunit heto siya at nakapaskil sa kanyang mga labi ang isang malaking ngiti.
Diva: Bianca?
Agad na tumayo si Bianca mula sa pagkakaupo sa aming mahabang sofa at nilapitan ako para makipagbeso-beso.
Bianca: Good morning, best friend. Gutom ka na ba? May binili akong breakfast meals for us. Naroon na sa kitchen ninyo ni Tita Remedios. Sabay-sabay ba tayong kumain.
Kumunot ang aking noo rahil hindi ko inaasahang dadalhan kami ni Nanay Remedios ng breakfast meals ni Bianca matapos ang naging sagutan naming dalawa sa loob ng kanyang condominium unit.
Kung umasta si Bianca ngayon ay para bang wala akong natuklasang sikreto niya.
Bianca: O, best friend, bakit parang naestatwa ka na riyan? Halika. Ihanda na natin 'yong mga pagkain para pagpasok ni Tita Remedios ay kakain na lang siya. Busy pa siya sa labas.
Lalong kumunot ang aking noo nang sabihin ni Bianca na busy ang aking ina sa labas.
Ano naman ang pagkakaabalahan ng aking ina nang ganitong oras? Madalas ngang tanghali na itong gumigising.
Diva: Wait, Bianca. Saan pumunta si Nanay?
Nagningning ang mga mata ng aking best friend bago sinagot ang aking tanong.
Bianca: Sa labas ng bahay ninyo. Kasama ni Tita Remedios ang ilang mga taong dinala ko para asikasuhin ang inyong e-loading at sari-sari store business. Surprise, best friend!
Itinaas pa ni Bianca ang kanyang dalawang kamay at malakas na pumalakpak bago ako niyakap ng mahigpit.
Halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa sinabing iyon ni Bianca. Kami? May e-loading business? Sari-sari store?
Nang humiwalay ang katawan ni Bianca mula sa mahigpit na pagkakayakap sa akin ay agad akong lumakad papunta sa aming main entrance door at binuksan iyon.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang aming mga kapitbahay na nag-uumpukan habang nakikiusyuso sa laman ng malaking truck na nasa harap ng aming bahay habang ang aking ina ay may kinakausap na mga taong nagtuturo rito ng may kinalaman sa e-loading business.
Nang makita ako ng aking ina ay tumango lang ito sa akin at muling ibinalik ang atensyon sa mga taong kausap nito. Ako naman ay naguguluhang tiningnan ang mga taong nasa loob ng bakanteng unit sa tabi ng aming bahay.
Nagulat ako nang marinig kong nagsalita si Bianca mula sa aking likuran. Nakasunod pala siya sa akin.
Bianca: Nakapag-usap na kami ni Tita Remedios noong isang araw. Ganitong business pala ang pangarap niya, so g-in-rant ko lang ang wish ng mother ng nag-iisa kong best friend.
Hinarap ko si Bianca at nananantiyang tiningnan siya habang nagsasalita.
Bianca: Nabanggit ni Tita na vacant pala 'yong katabi ninyong unit kaya I suggested na roon na lang ang location para sa sari-sari store ninyo. About sa pagkuha ng business permit, may sinabihan na akong tao na mag-a-assist kay Tita.
Nakita kong may kinawayan si Bianca sa aking likuran at nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko ang nakangiting mukha ng aking ina.
Walang dudang masayang-masaya ang aking ina nang mga sandaling iyon. Natupad ng aking best friend na si Bianca ang isa sa mga kahilingan ng aking ina.
Sa kaisipang iyon ay bigla akong nakaramdam ng pangamba. Agad kong isinara ang main entrance door at muling hinarap si Bianca.
Diva: Bakit?
Nakit kong kumunot ang noo ni Bianca habang nakatitig siya sa akin.
Bianca: Anong bakit, Diva?
Malalim akong nagbuntung-hininga bago muling nagsalita.
Diva: Bakit mo ito ginagawa? Parang biglaan naman yata.
Nagkibit-balikat si Bianca at umiwas ng tingin sa akin.
Bianca: Why? Is it a crime to make my best friend's mother happy? Naisip ko lang na mag-share ng blessings and kanino ko pa ba unang ishi-share ang mga iyon kundi sa pamilyang itinuring ko nang my second family.
May halong pagdududa kong tinitigan si Bianca.
Diva: Hindi ko lang maiwasang magtaka rahil hindi naging maganda ang huli nating pag-uusap pero nakuha mo pang i-grant ang wish ni Nanay at may pa-breakfast meal ka pa.
Humalukipkip ako sa harapan ni Bianca.
Diva: Hindi ko gustong isiping may kapalit ang lahat ng ito, Bianca.
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Bianca at matiim niya akong tinitigan.
Bianca: Okay, sabihin na lang natin na isang, uhm, maybe reward itong ginawa ko para sa inyo ni Tita Remedios. Reward para sa gagawin mong pabor para sa akin.
Agad na tumirik ang aking mga mata pagkasabi niyon ni Bianca.
Diva: See? Sabi ko na nga ba. Hindi mo gagawin ang lahat ng ito ng walang kapalit.
Matagal ko nang best friend si Bianca kaya kilalang-kilala ko na siya.
Hindi gumagawa ng magandang bagay sa ibang tao si Bianca ng walang hinihinging kapalit. Ngunit never pumasok sa aking isipan na isasama niya ako sa listahan ng mga taong gagawan niya ng kabutihan at hihingian ng kapalit.
Bianca: Diva, please, sa lahat ng mga magandang bagay na ginawa ko para sa iyo ay wala akong hininging anumang kapalit. Ngayon lang. At siguro naman ay may ideya ka na kung ano ang hihingiin kong kapalit.
Nakita ko ang pagsusumamo sa mga mata ni Bianca habang binabanggit ang mga katagang iyon ngunit naroon din ang panunumbat.
Diva: Bianca, kusang-loob mong--
Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil biglang nagsalita si Bianca.
Bianca: Exactly. Kusang-loob kong ibinigay ang lahat ng iyon sa 'yo. Ano lang ba ang isang bagay na hihingiin kong kapalit para sa magandang regalong ibinigay ko sa iyong ina? Walang mawawala sa 'yo kung mananahimik ka, Diva.
Bigla akong nakaramdam ng guilt nang makita kong unti-unting nangilid ang luha sa mga mata ni Bianca.
Bianca: Walang mawawala sa 'yo. Pero ako, marami ang mawawala sa akin oras na ipaalam mo sa kanila ang totoo, Diva. Kaya please lang, nagmamakaawa ako sa 'yo.
Hindi ko na alam.
Nahahati ang aking damdamin habang nakikita kong umiiyak ang aking best friend sa aking harapan. Gustung-gusto kong gawin ang tama para sa isa naming kaibigan pero si Bianca ay kaibigan ko rin, my best friend.
Bianca: Pero sige, kung hindi na kita mapipigil pa ay mapipilitan akong muling gawin sa aking sarili ang ginawa ko noon nang matuklasan kong may babae ang aking ama.
Nanlaki ang aking mga mata rahil sa sinabing iyon ni Bianca.
Hindi.
Bakit?
Bakit ako inilalagay ni Bianca sa ganitong sitwasyon?
----------
MISHA's POV
Hindi ko pinansin ang aking magaling na asawang si Gino nang makita ko siyang bumababa ng hagdan patungo sa kusina ng aming bahay.
Mula nang magwala si Gino sa labas ng gate ng aming bahay ay napilitan akong muli siyang patuluyin sa aming bahay kahit na nga ba nagpupuyos pa rin ang aking damdamin dahil sa ginawa niyang pangangaliwa.
Kung ako lang naman ang masusunod ay hindi ko pa gustong pabalikin dito sa aming bahay si Gino lalo na nga at alam ko namang may condominium unit siya na maaari niyang tirhan kahit hanggang kailan niya gusto. Ngunit naisip ko ang aming mga anak. Hindi ko gustong mabalitaan nilang nakita ng aming mga kapitbahay ang pagwawala ng kanilang ama sa labas ng aming tahanan.
Hindi ko gustong maging tampulan ng tukso ang aking mga anak dahil lamang sa kanilang amang hindi inisip ang magiging consequences ng mga desisyong kanyang ginawa.
Mabuti na lamang ay walang mga kapitbahay ang nakakita sa pagtatalo namin ni Gino sa labas ng gate kaya bago pa lumala ang sitwasyon ay pikit-mata kong muling tinanggap si Gino sa aming pamamahay.
Sa tuwing tulog na ang aming mga anak ni Gino ay pumupunta na siya sa loob ng guest bedroom para roon matulog. Naroon na ang kanyang mga gamit at naglagay lamang ng iilan sa aming kwarto para hindi magtaka ang aming mga anak.
Isa iyon sa mga pinag-usapan namin ni Gino. Hindi na kami muling magtatabi sa kama lalo pa nga at hindi mawala sa aking isipan ang ideyang ilang beses siyang nakipagtalik sa kanyang naging kalaguyo.
Ang babae ni Gino na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala.
Kailangang makaisip ako ng paraan para malaman kung sino ang naging babaeng iyon ng aking asawa.
----------
GINO's POV
Marahan akong nag-inat ng likod matapos isara ang aking laptop. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa swivel chair at nakapamulsang tumingin sa labas ng bintana ng guest bedroom.
Simula nang bumalik ako rito sa malaking bahay naming mag-asawa ay damang-dama ko ang pagpaparusang ginagawa sa akin ng aking misis na si Misha. Hindi na kami nagtatabi sa master's bedroom at dito na ako sa guest bedroom natutulog.
Pagdating sa pagkain ay hindi rin ako kabilang sa mga pagkaing kanyang iniluluto kaya naman minsan ay nag-o-order na lang ako ng food online. Hindi rin ako pinapansin at kinakausap ng aking asawa at halatang ayaw niya rin akong tingnan sa tuwing nasa paligid lamang ako.
Nagwo-work-from-home ako ngayon para ipakita at ipadama kay Misha na gusto kong bumawi sa kanya at nais ko siyang makasama pero pakiramdam ko ay parang balewala na lamang ako sa kanya.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang marinig kong pumihit ang doorknob ng pintuan ng guest bedroom. Agad kong nilingon kung sino ang pumasok sa loob ng kwarto.
Napalunok ako ng laway nang makitang ang aking hipag palang si Marie ang pumasok sa loob ng guest bedroom. Pasimple kong hinagod ng tingin ang maputi at makinis na mga binti at mga hita ni Marie na litaw na litaw dahil nakasuot lamang ito ng maikling shorts na halos makita na ang mga singit nito rahil sa sobrang ikli habang inilalapag nito sa bedside table ang isang tasa ng kape.
Narinig kong tumikhim si Marie. Nang tingnan ko ito ay nakangisi si Marie sa akin. Bigla akong nahiya rahil siguradong nahuli ako nitong nakatingin sa makinis nitong legs.
Marie: Dinalhan kita ng kape, Kuya Gino. Alam kong kanina ka pa nagwo-work.
Hindi ko alam pero parang nang-aakit ang tinig ng boses ng aking hipag ngayon.
Nang tingnan ko ang mga mata ni Marie ay para itong nang-aakit.
Marie: Kung gusto mong mag-relax, you know where to find me. Laging nakabukas ang pinto para sa 'yo.
Alam ko ang gustong ipahiwatig ni Marie pero ang ikinagugulat ko ay kung bakit umaakto ito ng ganito sa aking harapan ngayon.
Kahit kailan ay hindi ko naramdamang lumagpas sa parang isang kapatid ang turing sa akin ng aking hipag.
Marie: I thought you were so unattainable, Kuya Gino. Very faithful husband. Sobrang loyal. Pero nagkamali ako. Maling-mali.
Matiim akong tinitigan ni Marie.
Marie: At masaya akong mali ang aking akala. Because I also want to have a taste.
Sa sinabing iyon ni Marie ay malinaw na kung ano ang gusto nitong mangyari sa aming dalawa.
Nakapagdesisyon na si Marie at ako na lamang ang hinihintay nito.
The decision is in my hands.
Muli ko bang sasaktan si Misha o magtutuloy-tuloy na ang aking paghakbang patungo sa tamang landas?
----------
BIANCA's POV
Narito ako sa loob ng isang bar ngayon at nagpapakalasing. Kanina pa ako sumasayaw at kitang-kita ko sa mga mata ng bawat lalaking narito ang kagustuhang maisayaw ako ngunit hindi nila magawa rahil sa mga kasama nilang girlfriend o asawa.
Well, wala akong pakialam. I just want to feel numb. Free from all the pains and heartaches that man has been causing me.
Iniiwasan na niya ako ngayon. He chose his family over me. Hindi na rin siya pumapasok ng office.
How am I supposed to see him if he's intentionally avoiding me?
Life has been unfair to me.
My father hurt me and his wife when he cheated on my mother. Hindi inisip ng aking ama kung masasaktan kami ng aking ina o hindi when he chose to cheat over and over again with that homewrecker.
I thought my father loved our family, but no. He chose to betray us. He chose to hurt his wife and his daughter.
And now, this guy who told me he loves me so much, nasaan siya? Ha? Nasaan siya?
Wala.
He's nowhere in sight dahil nandoon, nandoon siya kasama ang kanyang asawa.
Okay lang naman sana kung hindi niya ako pinili. Ayos lang naman sa akin kung bigla na lang niyang tinapos ang lahat sa amin.
Okay lang, okay lang talaga.
Hindi ako maaapektuhan ng ganito kung hindi lang sana niya ipinaramdam na mahalaga rin ako sa kanya. Na mahal niya rin ako.
Pero hindi. He made me feel like I was the missing piece in his puzzle. That I was the woman who filled the void in his life.
Pero ano?
Ano ang ginawa niya sa akin ngayon?
I feel so miserable right now.
I feel so lost.
Why?
Why?!
Tuloy-tuloy lang ang aking pagsayaw sa gitna ng dancefloor ng bar na iyon. Paminsan-minsan ay humihiyaw ako. Na para bang sa paghiyaw na iyon ay mailalabas ko ang lahat ng sakit na aking nadarama.
I hate you!
I hate you, Mister G!
----------
RAFAEL's POV
Ilang baso na ang aking naiinom sa loob ng bar na aking pinuntahan pagkatapos ang oras ng aking trabaho. I don't want to go home yet. I don't want to see my wife, Ayla, yet.
Gusto kong lunurin sa kalasingan ang aking buong sistema para hindi na maalala how I failed as a husband. Due to my selfishness ay sinaktan ko ang aking asawa.
But who can blame me?
Ilang beses kong inintindi si Ayla simula nang mawala sa sinapupunan nito ang aming anak. I did all my best to be on her side all throughout her grieving process. Dinamayan at sinuportahan ko ang aking asawa rahil sa trauma na naranasan nito kahit mismong ako ay nangangailangan din ng kalinga mula rito.
Pero tao lang din ako. Marunong mapagod. Siguro ay napagod na lang din ako sa kahihintay at kakaunawa kay Ayla. Kaya naman nang maramdaman ko ang atensyon na aking hinahanap mula sa iba ay agad akong bumigay.
Bumigay ako sa tuksong hatid ng kaibigan ng aking asawa.
Natukso ako kay Trina.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang maagaw ang aking atensyon ng babaeng humihiyaw at sumasayaw sa gitna ng dancefloor ng bar na iyon.
Oh, wow.
Is that Bianca?
I don't know what happened pero parang nag-iba ang aking tingin sa aking kaibigang si Bianca habang pinapanood ang maharot niyang pagsasayaw sa dancefloor. Hindi ko masisisi ang mga lalaking nakatuon ang atensyon sa kanya nang mga oras na iyon.
Wow.
I haven't realized how hot and sexy Bianca is until now.
Fudge.
What the hell am I thinking?
Bianca is one of my friends. But, hell, I didn't realize na may ganito siyang kalaking pang-upo.
Nagulat ako nang biglang sumikip ang aking suot na pantalon at mas sumikip pa iyon nang magtama ang mga mata namin ni Bianca.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari but I just found myself dancing flirtatiously with Bianca in the middle of the dancefloor.
Oh, what is wrong with me?
Where does this sudden urge to kiss Bianca come from?
No.
Ayla.
Hindi pwede.
Pilit iniiwasan ng aking isipan ang tukso pero hindi ng aking katawan.
There in the middle of the dancefloor, Bianca and I are kissing torridly.
----------
to be continued...