bc

You Are Not Alone...

book_age18+
30
FOLLOW
1K
READ
drama
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

Paninira. Pagsisinungaling. Pagnanasa. Pagtataksil.

Ang magiging ugat ng pagkakawatak-watak ng dating matibay na samahan.

Mabubuo pa kaya ang dating pagkakaibigan?

Samahan sina STEVEN, AYLA, BIANCA, DIVA, GABRIEL, GINO, MISHA, RAFAEL, TRINA, at ZANDER sa isang kwentong punung-puno ng panlilinlang.

----------

This work contains themes of cheating and miscarriage that may be considered profane, vulgar, or offensive to some readers and/or inappropriate for children. Reader discretion is advised.

The thoughts, actions, and/or beliefs of characters in this story do not portray the thoughts, actions, and/or beliefs of the author.

This story is all fiction and in accordance with the wide imagination of the author. The names of the characters, places, and each scene, if there is any resemblance to the real events, are unintentional.

chap-preview
Free preview
CHARACTERS
Sabi nila, bihira lang tayong makahanap ng totoong kaibigan. Sa kaso ko, masasabi kong kasama ako sa iilang taong sinuwerte pagdating sa pagkakaroon ng mga maaasahang kaibigan. Pero tulad ng ibang samahan, hindi perpekto ang barkada namin. Humaharap din kami sa mga matitinding pagsubok na madalas ay aming nalalampasan. Nang maka-graduate kami, akala namin ay wala ng susubok ng katatagan ng aming pagkakaibigan. Pero ang buhay sa labas ng campus ang magmumulat sa amin sa totoong kalakaran ng buhay. Mas maraming problema at mas maraming pagsubok. Si AYLA. Siya ang babaeng matagal ko nang hinahangaan. Simple, mabait, at mapagmahal sa pamilya. Ang kaso, hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Saklap. Si BIANCA. The seductive one. Lahat ng pinapasukang relasyon ay gusto niyang may challenge at may thrill. Kapag nawala ang excitement, exit na siya. Siya rin ang pinakamayaman sa aming lahat. Afford daw niya ang mga kaluluwa namin. Si TRINA. Ang madiskarte naming kaibigan. Lahat ng pwedeng pasukang trabaho, papatusin para sa kanyang pamilya. Siya rin ang pinakaprangka sa amin at very opinionated. Sa lahat ng bagay ay may nasasabi siya. Si ZANDER. Napakababaero. Hindi tumatagal sa isang relasyon. Ang maganda naman sa kanya ay hindi siya nagsasabay ng dalawang girlfriends. Ang rason niya, bakit pa patatagalin ang relasyon kung isa na lang ang nagmamahal. Si MISHA. Our very weird friend, pero sobrang mapagmahal na ina sa kanyang anak at sa asawa niyang miyembro rin ng tropa. Laging nakikita ang kabutihan sa mga tao. Si GINO. Ang butihing asawa ni Misha na sobrang hilig sa alam niyo na, basta kabastusan. Habulin ng chicks dahil sa kagwapuhan at kakisigan. Pero hanggang tingin na lang sila. Sana talaga ay magtuluy-tuloy ang pag-iwas niya sa tukso. Si DIVA. Our gay friend na mahal na mahal ko rahil sobrang supportive sa aming mga kaibigan niya. Mahal na mahal ng isa pa naming kaibigan, pero hindi niya ito napapansin dahil tutok ang atensyon niya sa jowang nasa ibang bansa. Si GABRIEL. Gwapo, mabait, matalino, at mayaman. Almost perfect. Maraming gustong makipag-date sa kanya, pero mukhang inialay na niya ang buhay para sa kaibigan naming si Diva. Mahal na mahal niya ito kahit naman alam niyang hindi siya napapansin nito bilang isang lalaking mamahalin. Si RAFAEL. Ang karibal ko sa puso ni Ayla. Well, wala naman akong laban dahil siya ang mahal ni Ayla. At wala rin talaga akong balak kalabanin siya rahil hindi ko ugaling manira ng relasyon. Ako si STEVEN at alamin ninyo ang kwento ko at ng aking barkada.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
976.1K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
10.3K
bc

The Real About My Husband

read
25.2K
bc

Lady Boss

read
2.0K
bc

Wife For A Year

read
46.3K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
64.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook