CHAPTER 15

2643 Words
STEVEN's POV Sinusubukan kong hindi mainis pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi gusto ni Rafael na makipagkita sa akin para pag-usapan ang nangyaring hindi pagkakaintindihan sa pagitan naming dalawa noong isang araw. Kaibigan ko si Rafael kaya hindi ko gustong hindi kami nagkakaayos nang dahil lamang sa maling hinala nito tungkol sa akin at kay Ayla. Mali ang hinala ni Steven na may bawal na relasyon kami ni Ayla. Mapakla akong tumawa pagkatapos ay umiling. Paano kaming magkakaroon ng relasyong higit pa sa matalik na magkaibigan ni Ayla kung hindi naman ako nagtatapat ng aking totoong damdamin para sa kanya? Eh, kahit nga yata sa hinagap ay hindi man lang naisip ni Ayla na may lihim akong pagtingin sa kanya. Na noong mga bata pa lamang kami ay hinahangaan ko na siya at ilang love letters na ang aking naisulat na hindi man lamang nakaabot sa kanya. Dahil nga isa lamang akong matalik na kaibigan para kay Ayla. Her guy best friend with a capital letter B. Tapos ngayon ay pag-iisipan kaming dalawa ni Ayla ng masama ng kanyang asawa. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Rafael ang ideyang may lihim kaming relasyon ng asawa nito. Nagseselos ba si Rafael sa aming closeness ni Ayla? Pero sobrang close na kami ni Ayla kahit noong mga bata pa lamang kami at bago pa namin makilala ni Ayla ang mga taong parte ng aming barkada ay kaming dalawa na ang palaging magkasama noon. Isa pa, kahit noong mga estudyante pa lamang kami ay saksi na si Rafael sa closeness naming dalawa ni Ayla ngunit kahit kailan ay hindi naman ito nagselos noon. Naintindihan ni Rafael ang katotohanang ako ang pinakamatalik na kaibigang lalaki ni Ayla at naunawaan nitong mas nauna akong dumating sa buhay ni Ayla kaysa rito at malaki na ang aking parte sa buhay ni Ayla. Nirespeto ni Rafael ang relasyon namin ni Ayla bilang matalik na magkaibigan at ganoon din naman ako kay Rafael noong naging magkasintahan na silang dalawa ni Ayla lalong-lalo na noong naging mag-asawa na sila. Lalaki ako kaya alam ko ang mararamdaman ni Rafael kung makikita nitong may ibang lalaking dumidikit sa asawa nito kahit pa ang lalaking iyon ay kaibigan ng asawa nito. Nang maging magkarelasyon na sina Ayla at Rafael ay binawas-bawasan ko ng kaunti ang pagiging close namin ni Ayla ngunit sinigurado ko pa rin sa kanya na always available ako sa tuwing kakailanganin niya ng taong makakausap at mapaglalabasan ng sama ng loob at mga hinaing sa buhay. Kahit magkarelasyon na sina Ayla at Rafael noon at dumidistansya ako kay Ayla bilang respeto na rin kay Rafael na boyfriend ni Ayla that time at isa rin naman sa aking mga kaibigan ay ipinadama ko pa rin kay Ayla sa pamamagitan ng aking mga munting paraan na hindi tuluyang mawawala ang aking presenya sa kanyang buhay. Paminsan-minsan kong kinukumusta si Ayla sa tuwing nakikita kong mag-isa siya sa school noong High School kami at sa university nang tumuntong na kami sa College. Minsan naman ay nililibre ko siya ng pagkain sa canteen pero syempre palagi kong dinadamay si Trina na pinakamatalik na kaibigang babae ni Ayla sa aming barkada para hindi magmukhang obvious na gusto ko lang talagang i-treat si Ayla. Ngunit tumigil sa pag-aaral si Trina nang magkasunud-sunod ang problemang dumating sa pamilya nito kaya umisip ako ng ibang paraan kung paano ko maililibre ng pagkain si Ayla nang hindi nagmumukhang parang gusto ko lang siyang makasama. Ang una kong naisip ay si Misha rahil ito ang pangalawang pinaka-close na female friend ni Ayla pero hassle sa part ko rahil sa ibang university pumapasok si Misha noon dahil wala sa university na pinasukan naming halos lahat na barkada ang kursong gusto nitong i-take. Pero kahit ganoon ay alam kong lihim na inuutusan ni Misha si Ayla na bantayan ang boyfriend nitong si Gino nang panahong iyon kung mambababae ito o hindi. Ang sunod kong naisip ay si Bianca pero rahil mayaman si Bianca at allergic ito sa mga taong gustong manlibre rito ay alam kong ito pa ang magkukusang mag-treat sa amin ni Ayla at baka hindi lang sa university canteen kundi sa isa pang mamahaling restaurant kami pakainin nito at hindi ganoon ang gusto kong mangyari. Kaya naman no choice ako at sa tuwing gusto kong ilibre si Ayla ay isinasama ko ang isa sa aking dalawang matalik na kaibigang si Gabriel. Palagi ko nga lang itong binabalaan noon na huwag madudulas ang bibig nito sa harapan ni Ayla rahil kung may nakakaalam man ng aking pagsinta kay Ayla mula noong High School hanggang ngayon ay iyon ay walang iba kundi sina Gabriel at Zander. Tandang-tanda ko pa kung paanong bumaha ng aking mga luha sa loob ng malaking kwarto ni Gabriel noon nang formal na sabihin ni Rafael sa barkada na girlfriend na nito si Ayla. Nang marinig ko iyon ay para akong hindi mapakali sa aking kinauupuan. Gusto kong umiyak ngunit pinigilan ko ang aking sarili rahil hindi ko naman gustong sirain ang moment na iyon nina Ayla at Rafael. Tandang-tanda ko pang pilit na pilit ang pagsabi ko ng salitang "congratulations" kay Rafael habang kinakamayan ito. Hindi nga ako sigurado kung napansin ni Rafael ang panginginig ng aking kanang kamay nang batiin ko ito. Nang araw na iyon na umiyak ako sa harapan nina Gabriel at Zander ay nangako silang dalawa sa akin na wala silang pagsasabihan na sinuman tungkol sa aking lihim na pagsinta para kay Ayla. Noong College din ay palagi akong uma-attend sa events na alam kong kasali si Ayla. Active kasi sa extra-curricular activities ang aking babaeng minamahal kaya sa pamamagitan ng pagsuporta ko sa kanya noon ay naiparamdam ko pa ring kahit may boyfriend na siya ay palagi pa ring naroon sa kanyang tabi ang kanyang male best friend. Na walang magbabago sa aming pagkakaibigan ni Ayla kahit ilang tao pa ang dumating sa buhay naming dalawa. Gusto kong palaging maramdaman ni Ayla na ako pa rin iyong kaibigang tinatakbuhan niya noon sa tuwing may nang-aapi sa kanya. Na ako pa rin iyong lalaking laging umuunawa sa kanya. Na ako pa rin iyong lalaking kahit iwanan na siya ng lahat ay mananatili pa rin sa kanyang tabi rahil mananatili akong kaibigan niya. Hindi man ako mahalin ni Ayla sa paraang gusto ko, at least ako naman ang pinakamatalik niyang kaibigang lalaki at iyon ang aking pinanghahawakan para manatili pa rin ako sa tabi ni Ayla. Hanggang matalik na kaibigan ang turing sa akin ni Ayla ay hindi ako mawawala sa kanyang buhay. Hindi ko siya iiwang mag-isa. With me by her side, Ayla will never be alone. Steven Ponteverde will always be Ayla's guy best friend. Guy best friend. Best friend. Kaya naman litong-lito ako kung saan nagmula ang mga salitang binitiwan ni Rafael noong nakaraan. Pinalabas nitong magkikita kami ng palihim ni Ayla para pagtaksilan ito. Bakit bigla na lang nahaluan ng malisya sa mga mata ni Rafael ang pagkakaibigan naming dalawa ni Ayla? Wala akong natatandaang may ginawa akong isang bagay para magduda si Rafael sa akin. Palagi akong nag-iingat sa aking mga kilos dahil nga nirerespeto ko ang relasyon at pagsasama nina Ayla at Rafael. Oo, mahal ko si Ayla pero wala akong balak na manira ng relasyon. Hindi ako ganoon pinalaki ng aking mga magulang. Kaya nga natutuwa ako sa kaibigan kong si Gino kahit papaano rahil ang pamilya ang pinili nito sa huli at hindi ang naging babae nito rahil iyon ang tama sa mata ng batas, sa mata ng lipunan, at sa mata sa Itaas. Alam kong mahirap para kay Gino ang ginawa nitong desisyon dahil sinabi nitong mahal nito ang naging kalaguyo ngunit mabuti na lamang at sa huli ay ginawa nito kung ano ang tama para rito at sa asawa nitong si Misha at sa kanilang dalawang anak. Para sa akin ay sagrado ang kasal ng bawat mag-asawang nanumpa sa Kanyang harapan at walang sinuman ang dapat na sumubok sirain ang pagkakabuklod ng dalawang taong may basbas mula sa Itaas. Kaya naman ni sa panaginip ay hindi ko hinangad na masira o sirain ang pagsasama nina Ayla at Rafael kahit gaano ko pa kamahal si Ayla. Ang aking pagmamahal para kay Ayla ay hindi ko kailanman gagamitin para i-justify ang isang kasalanan. Sapat na sa aking minamahal ko ng lihim si Ayla at kahit masakit ay handa akong maging isang matalik na kaibigan lamang para sa kanya hanggang sa ako ay nabubuhay. Kaya naman walang dapat na ipag-alala sa akin si Rafael. Wala akong balak na sirain ang relasyon nilang dalawa ni Ayla. Iyon ang gusto kong ipaunawa kay Rafael. Na wala kaming lihim na relasyon ng misis nito at tanging pagkakaibigan lamang ang mayroon sa aming dalawa ni Ayla. Gusto kong ipaintindi kay Rafael na wala itong dapat na ipagselos sa akin dahil alam na alam ko kung gaano ito kamahal ni Ayla. Saksi ako kung gaano kamahal ni Ayla si Rafael. Ilang beses kong narinig mula sa bibig ni Ayla mismo na si Rafael ang kanyang buhay at wala na siyang ibang lalaking iibigin pa kundi ito lamang. Nasasaktan ako sa tuwing maririnig ang mga salitang iyon mula kay Ayla pero sa maniwala kayo o hindi ay masaya ako para kay Ayla rahil nakikita ko ang kagalakan sa kanyang mga mata sa tuwing binabanggit niya si Rafael. Iyon lang naman ang hinihiling ko para kay Ayla. Ang sumaya siya sa piling ng kanyang taong minamahal. Makita ko lamang na masaya si Ayla ay gumagaan na rin ang aking pakiramdam. As long as Ayla is happy, then I'm a happy man too. Labis ang pagmamahal ni Ayla para kay Rafael kaya naman masakit na makita at marinig na pinaghihinalaan ni Rafael na may ibang lalaki si Ayla at ang masama pa ay iniisip ni Rafael na ako ang kalaguyo ng asawa nito. Kailangang magkausap kami ni Rafael. Hindi ako papayag na lumala pa ang masamang hinala nito tungkol sa akin at kay Ayla. Malalim akong nagbuntung-hininga para mabawasan ang bigat sa aking dibdib. Iniisip ko pa rin kung paanong humantong si Rafael sa ideyang may lihim na relasyon kami ni Ayla nang bigla kong marinig ang pagtunog ng aking phone. Napailing na lamang ako nang makitang ang aking matalik na kaibigang si Zander ang tumatawag sa aking cellphone. Mukhang may ideya na ako kung tungkol saan ang pag-uusapan naming dalawa. Noong isang araw ay nagpadala ng mensahe sa akin si Zander at pagkatapos ay tinawagan ako nito. Ikinuwento nito sa akin ang ginagawang pang-aakit dito ng babysitter ng kanilang anak. Mabuti na lamang daw at marunong nang tumanggi ito sa pang-aakit ng mga babae mula nang magpakasal sila ni Trina. Pinakiusapan ako ni Zander kung pwedeng ligawan ko raw ang babysitter ng kanilang anak ni Trina para mabaling sa iba ang atensyon ng babae at tigilan na nito si Zander. Idinagdag pa ni Zander na single naman daw ako kaya walang magiging problema kung makikipagrelasyon ako sa babysitter nilang si Hayley. Tandang-tanda ko pa ang pag-uusap namin ni Zander noong isang araw. Napaubo ako ng sunud-sunod nang marinig ang sinabi ni Zander. Steven: Hindi pwede, bro. Alam mo namang loyal ako kay Ayla kahit tayong tatlo lang ni Gabriel ang nakakaalam ng aking feelings for her. Narinig ko pang pumalatak si Zander mula sa kabilang linya. Zander: Alam mo, kung katabi lang kita ay binigwasan na kita ngayon, bro. Kita mo na ngang may asawa na si Ayla. Mag-move on ka na, bro. Isang malalim na buntung-hininga ang aking pinakawalan. Zander: At saka kaibigan pa natin ang asawa ni Ayla kaya ibaling mo na sa ibang babae ang atensyon mo, bro. Madali lang sabihin para kay Zander ang bagay na iyon dahil wala ito sa aking posisyon at napangasawa pa nito ang babaeng mahal nito. Steven: Alam mong hindi ganoon kadali 'yon, bro. Halos buong buhay ko ay si Ayla lang ang nag-iisang babaeng minahal ko kaya never pumasok sa isip ko ang magkakagusto pa ako sa ibang babae. Narinig ko ang pagbuntung-hininga ni Zander mula sa kabilang linya. Zander: Alam mo, bro, kung naging babaero kang katulad ko noon ay malamang mas marami ka pang naikamang babae kaysa akin. Sa gandang lalaki mong 'yan, paniguradong walang babae ang tatanggi sa 'yo. Napailing na lamang ako sa sinabing iyon ni Zander. Kahit kailan ay hindi ko pinansin ang pagpaparamdam sa akin ng ibang babae na may gusto sa akin ang mga ito rahil para sa akin ay nagtataksil ako kay Ayla kung papatulan ko ang atensyong ipinupukol sa akin ng mga ito. Isa na nga sa mga babaeng iyon ay ang aking kaibigang si Bianca. Mahilig maghanap ng thrill sa pakikipagrelasyon ang kaibigan kong iyon kaya naisipan nitong alukin akong makipagrelasyon dito rahil para rito ay may thrill ang makipagrelasyon sa isang katulad kong NGSB o No Girlfriend Since Birth. Katulad sa kung paano kong hindi pinapansin ang pagpapakita ng interes sa akin ng ibang babae ay hindi ko rin sineryoso ang sinabing iyon ni Bianca. Alam ko namang thrill lang ang hinahanap nito sa isang relasyon at hindi ko gustong isama ako nito sa listahan nito ng mga sinasabi nitong "conquest" at baka maging awkward pa sa amin ang lahat at masira ang aming pagkakaibigan. Alam kong tinamaan ang ego ni Bianca rahil doon dahil wala pang kahit sinong lalaki ang tumatanggi rito ngunit sa huli ay binalewala na lamang nito ang aking ginawa. Zander: Eh, kahit nga mature na mga babae ay nagkakandarapa sa 'yo, bro. Naalala mo noong nag-sleepover tayo sa bahay nila Gabriel noong College tayo? Alam ko na ang sasabihin nitong si Zander. Zander: Grabe, bro. Akala mo tulog na ako pero gising pa ako niyon nang makita kong sinisilipan ka ni Tita Eleonor habang nagsha-shower ka sa loob ng banyo nila sa ibaba. Tama ang aking hinala na ito ang sasabihin ni Zander. Zander: Nahuli mo pa nga siya, 'di ba? Sabi niya ay hindi raw niya sinasadya at akala niya ay walang tao sa loob. Pero huwag kang maniwala, bro. Limang minuto ko siyang nakitang binobosahan ka sa loob ng banyo bago mo na-realize na may ibang tao sa loob ng banyo. Hindi ko na sinabi kay Gabriel ang tungkol sa bagay na iyon dahil ayokong magkaroon ng awkwardness sa pagitan naming dalawa at isa pa ay humingi naman ng paumanhin sa akin ang ina nito. Zander: Kahit si Tita Remedios na ina ng kaibigan nating si Diva ay nahulog din sa charm mo. Akala mo siguro ay hindi ko napapansin ang mga pasimpleng pagpisil ni Tita Remedios sa katawan mo sa tuwing pumupunta tayo kina Diva, ano? Totoo naman ang sinabi ni Zander pero hindi ko na pinalaki ang tungkol sa bagay na iyon para hindi rin kami magkailangan ni Diva lalo pa nga at hindi naman ako sigurado kung may malisya ang ginagawang iyon ni Tita Remedios. Steven: Ikaw, ah. Napapansin mo lahat. Baka ikaw talaga ang may gusto sa akin, bro? Narinig ko ang malakas na halakhak ni Zander mula sa kabilang linya. Zander: Kung sa akin lang nagpakita ng interes sina Tita Eleonor at Tita Remedios noon ay baka hindi na ako nakapagpigil pa at nasira ko na ang tiwala ng mga kaibigan natin. Hindi mo ba alam na mainit sa kama ang mature women? Iyon na ang aking signal na hinihintay para tapusin ang pag-uusap naming iyon ni Zander. Zander: Sabihin mo nga sa akin, bro. Wala ka pa bang experience--- Bago pa matapos ni Zander ang sasabihin nito ay nagpaalam na ako rito. Hindi ako komportableng pag-usapan ang tungkol sa aking buhay pagdating sa pakikipagtalik. Muli kong narinig ang pagtunog ng aking cellphone. Hindi ko nasagot ang unang tawag ni Zander kaya muli itong tumatawag ngayon. Napailing na lamang ako bago sagutin ang tawag nito. At hindi nga ako nagkamali sa aking naisip na sasabihin ni Zander. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD