CHAPTER 13

2353 Words
STEVEN's POV Muli kong tiningnan ang aking mukha sa salamin at medyo gumaan na ang aking pakiramdam dahil tuluyan nang nawala ang pasa sa aking mukha rahil sa ginawang pagsuntok sa akin ng aking kaibigang si Rafael. Noong isang araw ay pumunta ako sa bahay ng mag-asawang Rafael at Ayla para sana kumustahin ang aking best friend na si Ayla rahil hindi nito sinasagot ang aking mga tawag at messages para rito. Ang kaso ay biglang dumating si Rafael mula sa trabaho at nagulat na lamang ako nang bigla niya akong suntukin matapos niya akong makita sa labas ng gate ng kanilang bahay. Nagulat ako sa ginawang pagsuntok sa akin ni Rafael at hindi ko napaghandaan iyon na naging sanhi para bumalandra ako sa sementadong lupa. Nang tanungin ko si Rafael kung bakit nito ginawa iyon ay sinabi lamang nitong layuan ko na si Ayla. Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas ang gate ng kanilang bahay at lumabas mula roon ang babaeng aking lihim na iniibig na si Ayla. Agad na nataranta si Ayla nang makita ang bakas ng suntok sa aking mukha at akma ako nitong lalapitan nang bigla itong pigilan ni Rafael. Binalaan ni Rafael si Ayla na kung lalapitan ako nito ay madadagdagan pa ang pasa sa aking mukha. Nakita ko ang kaba sa mga mata ni Ayla pagkasabi niyon ni Rafael kaya naman nagsalita na ako. Steven: Hindi ko alam kung ano ang problema mo, Rafael, pero nandito lang ako para kumustahin si Ayla. Wala naman sigurong masamang bisitahin ko ang aking kaibigan. Nakita kong lalong nagdilim ang mukha ni Rafael. Rafael: Kumustahin? Bisitahin? Bakit? May sakit ba si Ayla? At kung may sakit man siya, nandito ako para alagaan siya. Hindi mo kailangang pumunta pa rito para lamang makita siya. Kumunot ang aking noo rahil sa sinabing iyon ni Rafael. Steven: Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Raf? Dati naman akong pumupunta rito sa bahay ninyo para bisitahin si Ayla kahit nasa trabaho ka, pero hindi ka naman nagagalit. Tumiim-bagang si Rafael at nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin. Rafael: Never ka namang pumuntang mag-isa rito sa bahay noon. Madalas ay may kasama kang barkada natin. Pero ngayon ay mag-isa ka lang. Ano? Umaasa ka na baka makasalisi ka?! Nanlaki ang aking mga mata rahil sa ibig ipahiwatig ni Rafael. Narinig ko rin ang malakas na pagsinghap ni Ayla. Ayla: Rafael! Tiningnan ni Rafael si Ayla at nakita ko sa kanyang mga mata ang labis na galit. Rafael: Ano?! Dismayado kang umuwi ako nang maaga?! Nanghihinayang ka ba rahil hindi kayo nagkatikiman ni Steven sa mismong pamamahay at kwarto natin?! Biglang nagdilim ang aking paningin dahil sa sinabing iyon ni Rafael. Ikinuyom ko ang aking dalawang palad at handa na sana akong suntukin si Rafael nang mabigla ako sa ginawa ni Ayla sa asawa nito. Biglang umigkas ang kanang kamay ni Ayla at dumapo iyon sa kaliwang pisngi ni Rafael. Ayla: Huwag mo akong bastusin! Napatigil ako sa aking paglapit kay Rafael at nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha rahil sa ginawang pagsampal sa kanya ni Ayla. Ayla: Nang sabihin mong layuan ko si Steven, sinunod kita. Hindi ko sinagot ang mga tawag at mga mensahe niya para sa akin. Dahil ayokong sirain ang tiwala mo. Nang tingnan ko ang mukha ni Ayla ay nakita ko ang pamamasa ng mga mata nito. Nakakuyom ang mga palad ni Ayla at base sa aking nakikita sa mukha nito ay pinipigilan nito ang sariling umiyak sa harapan ng asawa nito. Ayla: Kahit ang ibig sabihin niyon ay pag-iwas sa taong ang gusto lang naman ay damayan ako rahil iyon naman ang kanyang ginagawa simula noong mga bata pa kami ay ginawa ko. Kasi nga mahal kita. Kasi nga iniisip ko ang mararamdaman mo. Parang dinudurog ang aking puso rahil sa naririnig kong lumalabas na mga salita mula sa bibig ni Ayla. Nakita ko ang panginginig ng mga labi ni Ayla at ang ilang beses nitong paglunok. Marahil ay pinipigilan pa rin nito na tuluyang bumagsak ang mga luha nito. Ayla: Pagkatapos ay ganito ang maririnig ko mula sa 'yo. Na iniisip mo pa ring pinagtataksilan kita. Raf, naman! Kaibigan natin si Steven. Asawa mo ko! Talaga bang iniisip mong magkakaroon kami ng lihim na relasyon? Sa puntong iyon ay yumuko na ako rahil hindi ko na makayanan pa ang nakikita kong sakit sa mga mata ni Ayla. Nasasaktan si Ayla rahil sa lalaking iniibig nito. Sa lalaking sa umpisa pa lamang ay wala na akong laban. Nakayuko na ako nang marinig kong may umiiyak at sigurado ako kung sino ang taong iyon. Kahit ang pagluha nito ay kilalang-kilala ko rahil sa ilang taong pinagsamahan namin. Umiiyak si Ayla at gustung-gusto ko itong yakapin at sabihin ditong magiging maayos din ang lahat. Ngunit wala akong karapatan. Wala akong karapatang yakapin si Ayla sa mga oras na ito lalo na nga at naroon si Rafael na siyang dapat na umaalo sa kanyang asawa. Parang gusto ko ring sabayan si Ayla sa pagluha nito rahil sa kirot na aking nararamdaman sa aking puso pero alam kong magtataka ito. Nahagip ng aking peripheral vision ang paglakad ni Rafael papasok ng gate ng kanilang bahay. Nang mag-angat ako ng ulo ay nakita kong nakatingin sa akin si Ayla. Ayla: Umuwi ka na, Steven. Please. Huwag mo nang palalain ang sitwasyon. Nakita ko ang pagmamakaawa sa mukha ni Ayla. Gusto kong abutin ang mga braso ni Ayla at isandal ito sa aking dibdib habang niyayakap ko ng mahigpit. Pero alam kong tatanggi si Ayla. Kaya kahit labag sa aking kalooban ay marahan akong tumango kay Ayla at malungkot na nagpaalam dito. Sa loob ng aking kotse ay hinintay kong makapasok si Ayla sa loob ng gate ng kanilang bahay at nang masiguro kong nakapasok na ito sa loob ng bahay ay hinayaan ko ang aking sariling ilabas ang bigat na aking nararamdaman sa loob ng aking sasakyan. Muli kong tinitigan ang aking mukha sa salamin at malalim na nagbuntung-hininga. Mahal na mahal ni Ayla si Rafael. At ganoon din si Rafael kay Ayla. Pero base sa aking mga nakita noong isang gabi ay may malalim na hindi pagkakaintindihan sina Ayla at Rafael ngayon. Kung may magagawa lamang sana ako para hindi na mahirapan pa ang kalooban ni Ayla. Kung ako ang isa sa mga rason ng hindi pagkakaintindihan nina Ayla at Rafael, tama nga bang iwasan ko na rin ang babaeng aking minamahal? ---------- AYLA's POV Dumadalas ang sobrang late na pag-uwi ni Rafael nitong mga nakalipas na gabi. Lalong lumalala ang cold treatment sa akin ni Rafael matapos ang naging encounter sa pagitan nilang dalawa ng aking best friend na si Steven. Siguro ay kailangang may gawin ako para muling bumalik ang init sa pagsasama namin ni Rafael. Ngunit handa na ba ako? Inaamin kong hindi pa rin ako tuluyang nakakalimot sa nangyari sa akin noon. Iniinda ko pa rin ang sakit na mawalan ng anak. Pero kung iyon ang magpapasaya sa aking asawa, kakayanin ko bang harapin ang trauma na aking nararamdaman para lamang muling bumalik ang masayang pagsasama namin ni Rafael? ---------- TRINA's POV Nakahinga ako nang maluwang nang masigurong walang bakas ng mga kagat ni Rafael sa aking leeg matapos kong sipatin ang parteng iyon ng aking katawan sa harap ng salamin. Sinabihan ko na si Rafael na itigil ang madiing pagkagat sa aking leeg tuwing nagtatalik kami pero ayon sa kanya ay lagi niyang nakakalimutan. Ang sunod kong sinipat sa harap ng salamin ay ang pasa na nasa aking kaliwang braso. Napailing ako. Minsan ay hindi napipigilan ni Rafael ang kanyang sariling diinan ang pagkakahawak sa aking braso sa tuwing nagtatalik kami. Kung palaging magiging marahas sa akin si Rafael pagdating sa pakikipagtalik ay baka makita ko na lamang ang aking sariling pinaglalamayan na isang araw dahil sa mga pasang aking nakukuha mula sa kanya. Malalagot ako sa aking asawang si Zander kung makikita nito ang aking pasa sa braso. Hindi pa ito ang tamang panahon na malaman ni Zander na may kalaguyo ako habang wala pang nabubuo sa aking sinapupunan. ---------- ZANDER's POV Maaga akong gumarahe ngayon dahil gagamitin ng may-ari ang aking ipinapasadang tricycle kaya naman maaga rin akong umuwi ng bahay namin ng aking asawang si Trina. Pupuntahan ko sana si Trina sa aming karinderya para tulungan ito kaso ay bigla akong nakaramdam ng pagod kaya dumiretso na ako ng aming bahay para sandaling makapagpahinga bago umuwi ang aking misis at para na rin maaga kong makasama ang aming anak na si Clarence. Inihahatid ko na ang kinuha naming babysitter ni Trina na si Hayley palabas ng aming bahay nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako. Hayley: Kuya Zander, hindi mo po ba naisip? Sandali akong naguluhan sa tanong na iyon ni Hayley. Kumunot ang aking noo. Zander: Naisip ang alin? Nabigla ako sa pagngisi ni Hayley sa akin dahil ngayon ko lamang nakitang ngumisi siya sa akin ng ganoon. Hayley: 'Di ba parang sinasadya ng pagkakataon na maaga kang gumarahe ngayon at makaramdam ng pagod para dito ka na sa bahay dumiretso at hindi na sa karinderya ninyo? Hindi ko pa rin maintindihan ang gustong ipakahulugan ni Hayley at nabigla pa ako nang paglandasin niya ang kanyang daliri sa aking malapad na dibdib. Agad akong napaatras dahil sa ginawang iyon ni Hayley. Zander: Ano ba 'yang ginagawa mo, Hayley? Ngumiti lang sa akin si Hayley at tinitigan ako na parang nang-aakit. Hayley: Matagal na kitang gustong masolo, Kuya Zander. Kaso kapag hindi ka pumapasada ay nandoon ka naman sa karinderya. Eh, may mas masarap namang pagkain dito sa bahay ninyo kapag nandito ako. Lumapit sa akin si Hayley at ngayon ay pinisil niya ang aking kanang braso. Hayley: Tagal ko na 'tong gustong pisilin. Tama nga ako. Matigas kahit malaman. Sarap lawayan ng katawan mo, Kuya Zander. Malakas kong binawi mula sa pagkakahawak ni Hayley ang aking kanang braso. Zander: Ano ba, Hayley? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? May asawa akong tao. Mahiya ka naman sa taong nagpapasahod sa 'yo. Pigil na pigil ko ang aking sariling magtaas ng tono ng boses kay Hayley dahil baka magising ang aking anak na si Clarence na mahimbing na natutulog sa loob ng crib nito. Hindi ko sana gustong isumbat kay Hayley ang pagbibigay namin ni Trina ng trabaho sa kanya ngunit iyon lamang ang aking naisip na paraan para makapag-isip-isip siya sa kanyang ginagawa sa akin ngayon. Hayley: Sus. Alam ko na 'yan. Galit-galitan para hindi halatang galit na galit na ang matigas na batuta sa ibaba. Kagat-labing pinasadahan ng tingin ni Hayley ang aking katawan. Pakiramdam ko ay parang wala akong suot na kahit anong saplot sa paraan ng pagkakatitig ni Hayley sa aking katawan. Tumigil ang mga mata ni Hayley sa harapan ng aking suot na maong pants. Hayley: Sayang. Makapal ang tela ng suot mong pantalon. Pero sigurado akong naninigas na sa init ang alaga mo, Kuya Zander. Nanginginig ka na sa iyong libog sa akin. Pinasadahan ng dila ni Hayley ang kanyang mga labi at pagkatapos ay sinipsip niya ang isa niyang daliri. Sinundan ng aking mga mata ang ilang beses na paglabas-masok ng daliri ni Hayley sa loob ng kanyang bibig. Para akong nahihipnotismo sa bawat galaw ni Hayley. Tumirik pa ang mga mata ni Hayley nang madiin niyang sinipsip ang kanyang daliri. Tumingin si Hayley sa wall clock na nakasabit sa dingding ng sala at wala sa loob na tumingin din ako sa orasang iyon. Itinigil na ni Hayley ang pagsipsip sa kanyang daliri at mapupungay ang kanyang mga matang tumingin sa akin. Hayley: Forty-five minutes pa bago makauwi si Ate Trina. Pwedeng-pwede mo pa akong maputukan, Kuya Zander. Napalunok ako sa sinabing iyon ni Hayley. Hayley: Game? ---------- GABRIEL's POV I'm shocked when Steven told me what happened between him and our friend, Rafael. Gabriel: No way. Rafael punched you? Seriously, bro? Nagkibit-balikat si Steven habang ako naman ay matamang nag-iisip. Gabriel: I think Rafael already figured it out that you like Ayla. Nakita kong nag-eye-roll si Steven. Steven: Hindi naman siguro ako ganoon ka-obvious. Inabot na nga ng dekada ang nararamdaman ko para kay Ayla pero hindi man lang niya napansin. Ipinatong ko ang aking baba sa aking magkasalikop na mga daliri habang nakatukod sa aking magkabilang hita ang aking dalawang siko. Gabriel: Well, siguro si Ayla ay hindi, pero lalaki si Rafael, bro. Nararamdaman natin kapag may gusto ang lalaki sa gusto nating babae. I smiled and shrugged my shoulders. Gabriel: Well, on my end, hindi babae ang gusto ko. Malalim na nagbuntung-hininga si Steven at tumingin sa akin. Steven: Dahil naikwento ko na ang nangyari sa amin nina Ayla at Rafael noong isang gabi, ikaw naman ang magkwento. Kumusta si Diva? Natakot ba sa 'yo after mo mag-confess? Humalukipkip ako and held my head up high. Gabriel: I'm so proud of myself, bro. Finally, alam na ni Diva na mahal ko siya. Well, I thought iiwas siya. But no. Normal pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Maya-maya ay parang nahahapong isinandal ko ang aking likod at ang aking mga braso at mga bisig sa sandalan ng couch sa loob ng sala ng apartment unit ni Steven at malalim na nagbuntung-hininga. Gabriel: Ang kaso nga lang ay sa sobrang normal ay parang wala man lang akong sinabi sa kanya. It felt like Diva couldn't remember what I had confessed to him. Napakamot ako sa aking batok. Gabriel: Diva hasn't mentioned anything about my soulful confession mula nang magkausap kami after that night. Malungkot akong yumuko at nagulat pa ako nang marinig kong malakas na tumawa si Steven. Kunot-noong umangat ang aking tingin kay Steven. Gabriel: Don't tell me you're laughing at my misery. I'm gonna punch you harder than what Rafael gave to you, bro, I swear. Agad na tumigil si Steven sa pagtawa at sandali kaming nagkatitigan bago sabay na malakas na tumawa. Gabriel: Poor us. We are fools. Tumango si Steven bilang pagsang-ayon sa aking sinabi. Steven: Yeah. Fools for being in love. Muli ay sabay kaming nagtawanan ni Steven at maya-maya ay bigla na lamang siyang umiyak. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD