THIRD PERSON POV
Tuloy pa rin ang paghimas ng lalaki sa tiyan ng babae.
Lalaki: Sana may laman na itong tiyan mo. Excited na ako sa magiging baby natin.
Kinikilig na tumawa ang babae.
Babae: Excited ka naman masyado, love. Ilang araw pa lang naman na sinimulan natin ang pagbuo kay baby.
Malakas na tumawa ang lalaki.
Napangiti ang babae. Gustung-gusto nitong naririnig ang tawa ng lalaki. Buhay na buhay iyon.
Lalaki: Ilang araw pa nga lang, pero halos oras-oras naman tayong nagtatalik.
Muling tumawa ang babae.
Masiglang-masigla ang pakiramdam ng babae nang mga oras na iyon dahil kasama na naman nito ang lalaki.
Babae: Ikaw, eh. Masyado kang mahilig.
Umangat ang kanang kamay ng babae para haplusin ang kanang pisngi ng lalaki.
Nakatingin pa rin ang lalaki at ang babae sa kanilang reflection sa salamin ng banyo.
Lumingon ang babae sa lalaki at sinalubong naman ng lalaki ang mga titig ng babae sa kanya.
Babae: Mahal na mahal kita, love.
Nangingilid ang mga luha sa mga mata ng babae.
Masaya ang pakiramdam ng babae ngayong kasama nito ang lalaki ngunit hindi nito mapigilang mag-alala para sa kanilang sitwasyon.
Kung maaari lamang ay gusto na ng babae na magpakalayo-layo sila ng lalaki ngunit hindi iyon ganoon kadali.
Marami silang masasaktan kung magpapakalayo-layo silang dalawa.
Sa ngayon ay sapat na muna sa kanila ang nagkikita sila ng palihim sa araw-araw at nakakasama at nakakaulayaw nila ang isa't isa sa loob ng ilang oras.
Kung hindi nila gustong maputol ang kanilang mga masasayang araw ay kailangang mag-ingat silang dalawa.
Lalaki: Mahal na mahal din kita, love. Kung pwede nga lang ay ikaw na ang aking maging bagong misis na lagi kong uuwian sa aking bahay sa araw-araw.
Ngumiti ang babae ngunit may lungkot sa mga mata nito.
Babae: Iyon din ang aking gusto, love. Ang mayakap ka sa araw-araw at ang masilayan ang iyong mukha sa aking paggising sa bawat umaga.
Hinawakan ng lalaki ang baba ng babae at marahang itiningala ang mukha nito palapit sa kanyang mukha para gawaran ng munting halik ang mga labi ng babae.
Tumagal nang ilang segundo ang halik na iyon bago pinakawalan ng mga labi ng lalaki ang mga labi ng babae.
Lalaki: Pangako, love, sa susunod ay mas mahabang oras na ang ating gugugulin sa ating mga nakaw na sandali.
Tumango at matamis na ngumiti ang babae.
Mga ilang sandali pa ay tumili ang babae nang bigla itong buhatin ng lalaki at pabirong inihagis sa ibabaw ng kama.
Lalaki: Time for another round, love.
----------
GINO's POV
Nagsalin ako ng wine sa kopitang nasa harapan ni Steven.
Alam kong mababa ang kanyang alcohol tolerance kaya kaunti lang ang aking isinalin.
Nandito kami ni Steven sa loob ng aking condominium unit ngayon. Dito ako tumuloy matapos akong palayasin ng aking misis na si Misha sa aming malaking bahay.
Malaking bahay na ako ang nagpundar.
Mapakla akong tumawa.
Ano ang aking magagawa? My wife already found out I had a mistress.
Had, dahil tatapusin ko na ang bawal na relasyon naming dalawa ng aking pangalawang babae.
Na-realize kong mas matimbang pa rin pala ang aking pamilya kapag dumating na sa puntong ito.
Puntong kailangan kong mamili sa pagitan ng aking asawa at mga anak at ng aking pangalawang babae.
Tiningnan ko si Steven. Nakatingin lang din siya sa akin.
Paniguradong kung hindi lang ako kaibigan nina Steven, Gabriel, Rafael, at Zander ay malamang pinagsusuntok na nila ako kagabi.
Gino: Thanks for coming, Steven. I really appreciate it.
Si Steven ang maituturing kong pinaka-close ko sa barkada besides my wife, of course.
I know Steven isn't a judgmental person. He's always been fair sa aming lahat na kanyang mga kaibigan. He always listens to us without making any judgment.
Nagbuntung-hininga muna si Steven bago sumimsim ng wine mula sa kopita.
Steven: I'm not going to tolerate you, dude.
Nakakaunawang tumango ako kay Steven.
Gino: I don't expect you to, honestly.
Nanatiling tahimik si Steven.
Gino: Look, I know I messed up. I messed up big time. I thought I've fully changed. That I wouldn't cheat anymore. But I was wrong.
Mapakla akong tumawa.
Sumimsim muna ako ng wine bago muling nagpatuloy.
Gino: Akala ko masaya na ako, na ayos na ako sa pagsasama namin ni Misha. May asawa ako, may mga anak, buong pamilya. May mga tunay na kaibigan na katulad ninyo.
Inilahad ko pa ang aking kamay kay Steven.
Tumigil muna ako sa pagsasalita at ilang beses na umiling.
Gino: And then this woman made me realize that there was an empty void in me that needed to be filled.
Nakita kong nag-iwas ng tingin sa akin si Steven.
Gino: This woman made me realize that my family wasn't enough to fill that void.
Sandali akong tumitig sa kawalan bago muling umiling.
Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha sa aking mga mata.
Gino: I was a cheater back in High School and all of you, my friends, witnessed how I changed because of Misha.
Muling tumingin sa akin si Steven at tumango.
Gino: Hanggang ikasal kami ni Misha ay wala kayong nabalitaan na nambabae ako. I did my best to stay faithful to Misha, to stay faithful to my wedding vow, to stay faithful to my marriage.
Tumingala ako sa kisame ng aking condominium unit para pigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Gino: But because of this woman, lahat ng mayroon ako ay ilang beses kong nakalimutan every time I was with her.
Muli akong sumimsim ng wine.
Nakita kong tumingin si Steven sa wedding photo namin ni Misha na naka-display sa isang divider sa loob ng aking condominium unit.
Gino: Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Naiintindihan niya ako at naiintindihan ko rin siya. I felt complete every single time I was with her. I couldn't feel that void in me every time I was with this woman.
Suminghot ako nang aking maramdaman ang pagtulo ng isang butil ng luha sa aking pisngi.
Marahas kong pinunasan ang luhang naglandas sa aking pisngi gamit ang aking bisig at muling tumingala sa kisame.
Gino: I thought it was just in bed. That we were just satisfying our primal needs as a man and a woman. But no, Steven. I was so wrong.
Tiningnan ko si Steven at marahan siyang tumango.
Gino: Maling-mali ako nang isipin ko noong una na ang void na pinupunan niya sa akin ay ang pangangailangan ko lamang sa kama. Na kaya gusto ko siyang kasama ay dahil nasa-satisfy niya ang aking alaga.
Nakakaloko akong tumawa pero ilang sandali pa ay muling tumulo ang isang butil ng luha sa aking pisngi.
Gino: Pero habang tumatagal ang aming mga palihim na pagkikita ay mas nare-realize kong hindi lang basta pagtatalik ang namamagitan sa aming dalawa. I felt like I finally found my soulmate.
Tumikhim ako at pinunasan ang mga luhang nag-uunahang maglandas sa aking magkabilang pisngi.
Gino: Alam mo 'yong nakakainis, Steven? Ha? Alam mo ba?
Nanatili lang na nakatitig sa akin si Steven.
Gino: Na naramdaman ko ang ganoong bagay sa ibang babae kung kailan may asawa at mga anak na ako.
Malalim akong nagbuntung-hininga.
Gino: Hanggang sa naramdaman ko na lamang na gusto ko siyang makapiling oras-oras. Na mas nag-e-enjoy na akong kasama siya kaysa sa aking asawa at sa aming mga anak. Na hindi na lang siya isang babaeng nagpapainit sa aking kama.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin ni Steven bago ko siya narinig na magsalita.
Steven: Do you love her?
Hindi ko kailangang pag-isipan ang tanong na iyon ni Steven.
Alam na alam ko ang aking isasagot doon.
Marahan akong tumango bago nagsalita.
Gino: Yes, Steven. Aminin ko man o hindi ay alam kong mahal ko rin siya.
Pumikit ako ng mariin at nagbuntung-hininga.
Gino: Mas lumalim pa ang aking nararamdaman para sa kanya these past few months kaya mas napadalas ang aming mga pagkikita.
Sumimsim muna ako ng wine bago muling nagpatuloy.
Gino: Kung anu-anong excuses na ang aking mga sinasabi kay Misha para lang makasama ang aking isa pang babae. I felt guilty every time I did that, pero kapag naiisip ko kung bakit ako nagsisinungaling ay biglang nawawala ang aking guilt.
Nagbuntung-hininga ako bago tumayo sa tabi ng malaking bintana ng aking condominium unit.
Gino: Naging pabaya ako every time we would plan to see each other, Steven. Dahil lang sa aking pagka-miss sa kanya ay hindi ko na naisip kung normal pa ba ang aking mga ginagawa.
Nagkibit-balikat ako.
Gino: Kaya, hayun, naghinala si Misha. Ang mga sunud-sunod na overtime, pag-uwi ng madaling-araw, pag-alis tuwing weekend, and those suspicious calls at night. Hindi ako nag-ingat, dude.
Umiling ako at mapaklang tumawa.
Gino: I even totally forgot about that burner phone.
Namulsa ako sa harap ng bintana.
Gino: Just because she filled the once empty void in me ay hinayaan ko na siyang i-consume ang aking buong sistema.
Yumuko ako at tumitig sa sahig na nasa aking paanan.
Gino: I failed as a husband and as a father, dude.
----------
to be continued...