THIRD PERSON POV
Nakangiting nakaharap sa kanilang reflection sa salamin ng banyo ng hotel room na iyon ang magkalaguyo habang nakayakap mula sa likuran ng babae ang lalaki at nakapatong naman sa kanang balikat ng babae ang baba ng lalaki.
Hinihimas ng lalaki ang tiyan ng babae. Umaasang may laman na iyon na bunga ng kanilang kataksilan.
----------
MISHA's POV
May lungkot sa aking mga mata habang pinapanood ang pag-akyat sa hagdan ng aking kambal na anak.
They have no idea.
Ako na nga ang niloko ng kanilang ama pero kailangan ko pa ring pagtakpan ang kawalanghiyaan nito sa aming mga anak para lamang hindi mag-alala ang mga ito.
Hindi ganoon kadaling ipaliwanag sa aming mga anak ni Gino na nambababae ang kanilang ama nang halos tatlong taon, na halos tatlong taon na akong pinagmumukhang mangmang ng kanilang ama, na halos tatlong taon nang may nakikihati sa atensyon ng kanilang ama mula sa amin.
I still can't believe that Gino did this to me.
Wala na 'yong Gino na nakilala ko when we were in High School.
Yes, he was a playboy and a cheater back then, pero nagbago na ito nang maging magkarelasyon kami. Witness ang aming buong barkada sa malaking pagbabago kay Gino.
Mula nang maging kami ni Gino ay iniwasan na nito ang advances ng ibang babae. Mula High School hanggang College ay wala akong nabalitaang naging babae nito.
Hanggang sa magkaroon kami ng trabaho at magpakasal ay wala akong nakitang signs na nagloloko si Gino sa akin.
Nang magbuntis ako sa aming kambal ni Gino na sina Riyo at Riya ay hindi ko ito nakitaan ng mga senyales na may babae ito. Laging nakaalalay sa akin si Gino sa buong panahon na ako ay nagbubuntis.
Kaya naman naguguluhan ako kung bakit sa lahat ng panahong mambababae si Gino ay bakit ngayon pa kung kailan nag-aaral na ang mga anak namin at marunong nang makaintindi.
Well, in the first place, Gino shouldn't have cheated on me. That isn't what husbands should do once they get married.
Married men are supposed to be faithful and loyal to their wives. They made vows in front of Him na kailangan nilang tuparin.
But maybe not all men are cut to be faithful to their wives. And Gino is one of them.
That bastard Gino. I trusted him.
Maybe I was too gullible to fall for Gino's lies. I was too naive to believe that I could change a cheater.
But thank goodness woman intuition never fails married women.
Nagsimula akong maghinala na may kakaibang ginagawa si Gino rahil sa kanyang mga sunud-sunod na overtime sa trabaho at madalas na pag-alis tuwing weekend dahil din sa trabaho. Maliban doon ay madalas pa siyang umuwi ng madaling-araw.
Hindi ko sana gustong pagdudahan ang mga iyon pero nahuhuli ko rin si Gino na may kausap sa phone nito nang dis-oras ng gabi at madalas ay sa kusina ng aming malaking bahay ko itong nahuhuling may kausap.
Ang mali ko lang siguro ay hindi ko inaksyunan ang aking pagdududa. Because there still was a small part in me that believed Gino would never cheat on me.
Thank goodness at nakasalubong ko ang isa sa mga staff ni Gino last week at hindi na napatagal pa ang panloloko nito sa akin.
Salamat kay Bryce at aking nalaman na may basehan ang aking mga pagdududa kay Gino.
Hindi nag-o-overtime sa trabaho si Gino at lalong hindi rin ito pumupunta sa office tuwing weekend.
When I accidentally found Gino's burner phone yesterday at makita ang conversation nito with his mistress ay parang nanlamig ako. Nagtayuan ang mga balahibo sa aking katawan.
Shock was an understatement.
I was flabbergasted.
May babae si Gino.
My husband has a mistress and based on their conversation ay halos tatlong taon na ang bawal na relasyon ni Gino sa kabit nito.
Ang ipinagtataka ko lang ay almost three years na ang bawal na relasyon ni Gino sa kalaguyo nito ngunit nitong mga nakaraang buwan lang ito nagpakita ng mga senyales na may babae ito.
Was I too dumb for not noticing the signs?
O talagang naging pabaya lang si Gino lately?
Well, at least, alam ko na ngayon. Pero masakit pa rin.
Ilang taon ng aming relasyon ang sinayang ni Gino nang dahil lang sa panandaliang sarap. Hindi man lang ba ito nakokonsensya sa tuwing may katalik na ibang babae?
Naramdaman kong tumulo ang aking mga luha sa aking magkabilang pisngi. I thought naubos nang lahat ang aking mga luha kagabi.
I cried and cried in front of my friends last night. I'm very lucky to have friends like my barkada.
Gino and I are part of that barkada but thankfully no one sided with him last night. I got all the sympathy from our friends.
Hinayaan lang din ako ng aking mga kaibigan na ihagis ang lahat ng mga gamit ni Gino palabas ng aming bahay. Nang mapagod ako ay nagpatulong ako sa kanila.
Alanganin pang tumulong sa akin ang aking mga kaibigan noong una but eventually ay tinulungan din nila akong ilabas ang mga gamit ni Gino. Hindi nga lang nila itinapon ang mga gamit ni Gino bilang pagrespeto sa aking asawa.
Habang inilalabas ng aming mga kaibigan ang mga gamit ni Gino mula sa loob ng aming bahay ay sunud-sunod din ang paghingi nila ng sorry kay Gino.
Alam kong mahirap din para sa aking mga kaibigan na gawin iyon kay Gino ngunit alam kong alam nilang ako ang agrabyado nang mga oras na iyon kaya nasa akin ang simpatya nilang lahat.
Sinubukan pang lumuhod at magmakaawa ni Gino sa aking harapan ngunit hindi ko ito pinakinggan. Ilang beses ko pa itong sinampal dahil sa sakit na aking nararamdaman.
Umiiyak ako sa balikat ng aking kaibigang si Ayla habang pinapanood ang paghahakot ni Gino ng mga gamit nito pasakay sa loob ng kotse nito.
Nakita ko pa ang aming mga kaibigan na tumingin sa akin at parang nanghihingi ng permiso na tulungan nilang maghakot si Gino ngunit nang makita nilang tuloy-tuloy ako sa pag-iyak ay nanatili lang silang nakatayo.
Nakita kong nakakaunawang tumango si Gino sa aming mga kaibigan. Mabuti na lamang at hindi ito nagpaawa sa aming mga kaibigan. Hindi rin naman nito sinubukang itanggi ang pangangaliwa nito.
Ano pa ba ang itatanggi ni Gino? Eh, huling-huli sa conversation nila ng kabit nito ang ilang beses nilang pagkikita at kitang-kita rin doon na pinag-uusapan pa nila ang mga ginagawa nilang kahalayan sa tuwing nagkikita sila.
Nandidiri ako sa tuwing iisipin kung ilang beses na nakipagtalik si Gino sa babae nito habang tuloy pa rin ang pakikipagtalik sa akin.
Ngayon nga ay hindi ko pa alam ang gagawin. Gusto ko muna ng space kaya pinalayas ko ng aming bahay si Gino. Sigurado naman akong sa condominium unit nito ito tumuloy.
Kagabi ay pinasamahan ko ang aking kambal na anak sa aking kapatid na si Marie na mamasyal sa mall para hindi nila makita ang aking pagpapalayas sa kanilang ama.
Ang alam ng aking mga anak ay out of the country ang kanilang ama bilang parte ng trabaho ni Gino. Hindi pa ako handang ipaalam ang totoo sa aking mga anak.
My twins love their father so much at hindi ko gustong malungkot ang mga ito oras na malaman nila ang ginawa ng kanilang ama sa akin.
Nahahati rin ang aking kalooban kung makikipaghiwalay ba ako kay Gino o ilalaban ang aming pagsasama.
Kagabi ay sinubukan kong alamin kung sino ang babae nito. Natigilan si Gino bago nito sinabing hindi mahalagang malaman ko kung sino ang babae nito rahil wala lang naman daw iyong namagitan sa kanila.
Namagitan. Iyan ang sinabi ni Gino rahil tatapusin na raw nito ang pakikipagrelasyon sa babae nito.
Ang kapal ng mukha. Kung hindi pa mahuhuli ay hindi pa ito titigil.
Tumigil ako sa pag-iisip ng aking sariling problema nang mapatingin ako sa aking kaibigang si Ayla. Lumuluha siya.
Naritong muli sa aming bahay ni Gino ang aming kaibigang si Ayla para damayan ako. Siya ang aking pinaka-close sa aming barkada.
Bigla akong nag-alala. Pareho na pala kaming lumuluha ni Ayla.
Agad kong tinabihan si Ayla na nakaupo sa gitna ng couch sa aming living room at kinausap siya habang pinapahid ang mga luha sa aking magkabilang pisngi gamit ang mga tissue paper na nasa loob ng tissue box sa ibabaw ng center table.
Misha: Hey, Ayla. What happened?
Umiling si Ayla at dahan-dahang pinahid ang kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi gamit ang tissue paper.
Ayla: I-I'm sorry, Misha. Hindi ko gustong dagdagan ang iyong pag-aalala.
Kumunot ang aking noo.
Misha: No, Ayla. Tell me what happened.
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Ayla.
Ayla: I-itong nangyayari sa inyo ni Gino ngayon, hi-hindi ko lang mapigilang isipin ang aking sariling marriage.
Naguluhan ako sa sinabi ni Ayla rahil ang alam ko ay ayos naman sila ni Rafael, ang asawa ni Ayla na parte rin ng barkada.
Misha: Don't tell me Rafael is having an affair too, Ayla.
Umiling si Ayla.
Ayla: No, Misha. Rafael is accusing me that I-I'm having an affair wi-with my best friend, Steven.
Napasinghap ako sa aking narinig.
Oh no!
----------
to be continued...