CHAPTER 16

2535 Words
AYLA's POV Ngumiti at nagpasalamat ako sa aking kaibigang si Misha matapos niyang ilapag sa ibabaw ng maliit na coffee table sa kanilang garden ang isang baso ng lemon juice at isang plato na may mga empanada bago siya umupo sa katapat na rattan wicker chair ng aking inuupuan. Narito ako sa bahay ng mag-asawang Misha at Gino ngayon para kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam dahil kung magpapatuloy ako sa pagmumukmok sa aming bahay ng aking asawang si Rafael ay baka hindi na kayanin ng aking mental health. Kahit saan ako tumingin sa bawat sulok ng aming bahay ni Rafael ay naaalala ko lamang ang cold treatment na aking natatanggap mula rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinikibo ni Rafael na mas lumala pa rahil sa nangyaring gulo sa pagitan nilang dalawa ng aking best friend na si Steven. Kakausapin lamang ako ni Rafael kapag may itatanong ito tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa bahay namin o hindi kaya ay tungkol sa mga bill na kailangang bayaran at kung minsan ay pagalit pa ang paraan ng pakikipag-usap nito sa akin. At bago pumasok sa trabaho ay laging ipinapaalala sa akin ni Rafael na hindi rapat ako makipagkita kay Steven kung gusto kong huwag itong magalit at baka muli raw nitong masaktan ang aking matalik na kaibigan. Hindi ko pa rin maintindihan kung saan nanggaling ang akusasyon ni Rafael na may affair kami ni Steven gayong kahit kailan ay hindi naman ako nagkaroon ng romantic feelings for Steven and I'm sure na kahit si Steven ay walang anumang nararamdaman para sa akin na higit pa sa pagiging isang kaibigan. What Steven and I have is only a platonic relationship. Dati pa naman kaming sobrang close ni Steven sa isa't isa kahit bago ko pa makilala si Rafael dahil si Steven ang aking nag-iisang guy best friend. Pinagkakatiwalaan ko si Steven sa lahat ng bagay at ganoon din ito sa akin. Nagkaroon man kami ng mga bagong kaibigan at kakilala ni Steven ay hindi nabawasan ang aming closeness maliban na lamang noong naging boyfriend ko na si Rafael. Na-appreciate ko na nirespeto ni Steven ang aking boyfriend sa pamamagitan nang pagbibigay ng oras at space na para sa aming dalawa lamang ni Rafael. Ngunit kahit may mga araw na hindi kami nagkikita ni Steven dati ay hindi pa rin nawala iyong pakiramdam na palagi itong nariyan para sa akin. Sinusulit ni Steven ang mga oras na pwede kaming magkasama kasama ang aming barkada sa pamamagitan ng panlilibre nito sa akin ng mga pagkain at kadalasan ay naroon ito sa mga sinasalihan kong event sa university namin para magpakita ng suporta. Dahil doon kaya kahit may mga araw na hindi ko nakikita ng personal si Steven ay nararamdaman ko pa rin ang presence nito. Siguro rahil alam ko sa aking sarili na kahit wala si Steven sa aking tabi personally ay alam kong hindi ako nawawala sa isipan nito. Dahil ganoon naman ang matalik na magkaibigan. Hindi man madalas magkita ng personal, but deep inside they care for each other. At minsan sapat na ang kaalamang someone cares for us para maramdamang nasa tabi natin ang taong iyon. At hindi nagbago ang pakiramdam kong iyon sa aking kaibigang si Steven kahit naging asawa ko na si Rafael. Alam kong nandiyan lang palagi si Steven para sa akin kahit anong mangyari at hinding-hindi ako nito iiwan. And all throughout these past few years ay hindi naman nagparamdam si Rafael na may issue ito sa pagkakaibigan naming dalawa ni Steven. That's why I don't have any idea where Rafael's accusation of me having an affair with Steven came from. Walang ibang nakakaalam ng problema naming ito ni Rafael except Steven and Misha. Well, nalaman lang naman ni Steven dahil nga sa nangyaring gulo sa pagitan nilang dalawa ni Rafael. Si Misha naman ay nalaman noong bigla na lamang akong umiyak sa kanyang tabi while she was having her own emotional moment while thinking about her husband's affair. Habang nakikita kong nasasaktan si Misha rahil sa nalaman niya tungkol sa kanyang asawa ay hindi ko napigilang isipin ang sarili kong pinagdadaanan sa buhay mag-asawa namin ni Rafael. That's why I ended up crying and eventually I told Misha everything. Kaya naman narito ako sa bahay nina Misha at Gino ngayon dahil hindi ko na kailangan pang magkwento ngayong alam na ni Misha ang aking pinagdadaanan. Ayla: I'm sorry kung nakaabala ako, Misha. I know you're also dealing with your own problems. I guess I just wanted to breathe some fresh air. Ngumiti sa akin si Misha reassuringly. Misha: Ano ka ba? It's fine. Don't worry. Mamaya pa naman uuwi ang mga bata galing school. And, you know, my husband is working in his room. Nagkibit-balikat si Misha nang banggitin ang asawa. Ayla: N-nag-usap na ba kayo? Sandaling tumahimik si Misha bago sinagot ang aking tanong tungkol sa kanila ng asawang si Gino. Misha: Alam mo, Ayla, kung ako lang din naman ang tatanungin, hindi ko na gustong tanggapin pang muli si Gino rito sa bahay. Nakita ko ang galit sa mga mata ni Misha. Misha: After what my husband had done to our family, cheating on me, prioritizing his mistress over our children, lying to me for I don't know how many times he did, argh! I can't believe I'm still calling him as my husband. Umiling-iling si Misha sa aking harapan habang ako naman ay uminom ng lemon juice mula sa baso sa aking harapan. Misha: Kung iisipin ko lang ang sarili ko, I badly want to file for an annulment. Pero hindi pala ganoon kadali kapag may mga anak na involved. Biglang nabalot ng frustration ang mukha ni Misha at pakiramdam ko ay parang maiiyak siya anumang oras. Misha: Hindi ko alam kung paano i-explain sa mga bata ang nangyari. You know I grew up in a broken family, Ayla, and I know how hard it was living without a father by my side and having an abusive mother. Marahang pinahid ni Misha ang isang butil ng luha na naglandas sa kanyang pisngi. Misha: I don't want my children to go through the same traumatic experience that I went through when I was growing up. I want Riyo and Riya to live a normal life. Gusto kong magsabi ng comforting words para kay Misha pero alam kong mahirap para sa akin ang pagaanin ang kanyang loob gayong hindi ko pa nararanasan ang magsilang ng bata. Anak. Yes, nagkaroon ako ng anak, but I wasn't able to give birth to that child. Parang biglang nanikip ang aking dibdib nang muling maalala ang nangyari sa aming anak ni Rafael. Ang dahilan kung bakit ako nakararamdam ng trauma sa tuwing sisimulan ni Rafael ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng anak. A child. Lagi kong sinisisi ang aking sarili rahil sa nangyaring iyon sa aking anak. I wasn't able to protect my baby and I always silently blaming myself for that. Please forgive Mommy Ayla, baby. ---------- TRINA's POV Narinig ko ang pagsipol-sipol ng ibang lalaking customer na kumakain sa aming karinderya ng aking asawang si Zander nang dumating na ako sa aming pwesto dala ang cash box nang araw na iyon. Hindi ko pinansin ang mga lalaking customer. Sanay na ako sa mga ganoon at minsan pa ay may mga kasamang pahaging na para bang wala pa akong asawa. Hindi naman sa pagmamayabang pero kahit may asawa at anak na ako at may pinapatakbo pang karinderya ay hindi ko pa rin nakakalimutang alagaan ang aking sarili. Hindi ko hinahayaang mawala ang aking ganda at kaseksihan o 'yong sinasabi ng iba na malosyang. Naniniwala akong ang isang babae kahit may asawa't anak na ay kailangan pa ring magkaroon ng oras para sa sarili na mag-ayos at magmukhang presentable sa lahat ng oras. Marami ang nagsasabi na isa akong hot mama na tinatawanan ko na lamang at marami rin ang nagtatanong kung bakit hindi raw ako sumasali sa mga beauty pageant for mommies. Panigurado na mananalo raw ako. Hindi naman umaabot sa aking ulo ang mga papuring iyon at madalas ay nagpapasalamat na lamang ako sa mga taong nakaka-appreciate sa aking ganda. Nakangiti ang aking tatlong tauhan sa karinderya na sina Becca, Daryll, at Fatima nang makita nila akong isinuot na ang apron at ang hairnet para sa pagsisimula ng panibagong araw ng pagtatrabaho sa karinderya. Si Daryll ang pumi-pick up ng mga iniluto kong pagkain mula sa bahay namin ni Zander gamit ang tricycle ng ama ni Daryll na si Domeng na kasamahan ng aking asawa sa pila ng tricycle sa bungad ng aming barangay. Pagkatapos ay dadalhin ni Daryll ang mga pagkain sa pwesto ng aking karinderya kung saan doon maghihintay sina Becca at Fatima para ilagay ang mga pagkain sa stainless steel food trays. Becca: Blooming naman ni Ate Trina ngayon. Parang nadiligan ni Kuya Zander kagabi. Ngumiti na lamang ako sa sinabing iyon ni Becca na siyang pinakamadaldal sa tatlo kong tauhan. Ang hindi nila alam ay hindi ang aking asawa ang nagdidilig sa aking hiyas nitong mga nakalipas na linggo kundi ang aking kalaguyong si Rafael na aking mahal na mahal. Daryll: Kung ako rin ang may asawang katulad ni Ate Trina ay paniguradong aaraw-arawin ko rin. Hindi na ako nagulat sa sinabing iyon ni Daryll. Araw-araw ay pinupuri ako ni Daryll at minsan ay inappropriate na ang ibang sinasabi nito para sa isang babaeng may asawa't anak na pero aaminin kong masarap sa pakiramdam ang purihin ng isang lalaking katulad ni Daryll na gwapo at makisig at hindi halatang twenty-one years old pa lamang. Minsan pa ay pasimpleng kumukurot sa aking tagiliran si Daryll na hinahayaan ko lamang. Ayos lang sa akin ang ganoon. Alam ko namang hindi ko ito papatulan dahil para na lamang kay Rafael ang aking katawan. Kahit nga si Zander ay tinatanggihan ko na sa tuwing nag-aaya itong may mangyari sa amin nitong mga nakalipas na linggo rahil sapat na ang kaligayahang natatamasa ko sa tuwing nagsisiping kaming dalawa ni Rafael. Sinasabi ko na lamang sa aking asawa na pagod ako rahil sa pagtatrabaho na alam kong naiintindihan nito. Maya-maya ay nagtilian ang dalawa kong babaeng tauhan at nang sundan ko ang hinahayon ng tingin ng mga ito ay nakita kong ang aking kaibigang si Steven ang dumating sa aking karinderya. Hindi na ako nagulat nang makita si Steven dahil minsan ay kumakain naman talaga siya rito sa aking karinderya bago pumasok sa kanyang pinagtatrabahuang kompanya. Matagal ng hinahangaan nina Becca at Fatima si Steven at sa tuwing dito sa aking karinderya kumakain si Steven ay nag-aagawan silang dalawa kung sino ang magsi-serve ng in-order na pagkain ng aking kaibigan. Ngumiti ako kay Steven at agad siyang nilapitan at itinuro ang isang bakanteng mesa para roon siya maupo. Trina: Usual order pa rin ba? Ang madalas na order na pagkain ni Steven sa aking karinderya ay ang oxtail stew in peanut sauce at ang marinated meat stew. Steven: Syempre naman at two cups of rice. Gutom na gutom talaga ako ngayon. Pabiro pang hinimas ni Steven ang kanyang tiyan na ikinatawa ko. Pagkabalik ko sa likod ng counter at sabihin kina Becca at Fatima ang order ni Steven ay nag-unahan na kumuha ng mangkok at plato ang dalawa na aking ikinainis. Trina: Sige. Mag-unahan kayo. Kapag may tumapon diyan ay ibabawas ko talaga sa mga sahod ninyo. Biglang nagsalita si Daryll para patigilin sina Becca at Fatima sa pag-uunahang makapag-serve ng pagkain kay Steven. Daryll: Ako na ang magsi-serve kay Steven para hindi na kayo magtalong dalawa. Nag-aagawan pa kayo, eh, mas gwapo naman ako riyan. Umangat lang ang mga kilay nina Becca at Fatima bilang sagot sa sinabi ni Daryll. Maya-maya pa ay kumakain na si Steven at katulad ng aking palaging ginagawa sa tuwing sa aking karinderya siya kumakain ay tinabihan ko siya sa mesa para makipagkwentuhan. Steven: Wala bang naikukwento sa 'yo si Ayla, Trina? Bigla akong napalunok ng laway nang marinig ang pangalan ng aking kaibigan na ang asawa ay siyang aking kalaguyo. Trina: W-wala naman. Bakit? Napansin kong umiwas ng tingin sa akin si Steven at uminom ng tubig mula sa basong nasa kanyang harapan. Steven: Naitanong ko lang. M-matagal na kasi kaming hindi nagkikita. Eh, alam ko namang close kayong dalawa. Napayuko ako sa sinabi ni Steven. Oo, close kami ni Ayla. Pero mas close na kami ng asawa niya ngayon. ---------- ZANDER's POV Grabe! Ang tindi ng init ng araw ngayon. Ang sakit sa balat. Pagkatapos ay naiwan ko pa iyong aking water bottle sa bahay kaya naman matapos kong maihatid ng tricycle iyong isang pasaherong nakatira lang malapit sa aming bahay ay naisipan ko nang kuhain ang aking water bottle at para makaihi na rin. Mabuti na lamang ay nasa loob ng kwarto ni baby Clarence ang babysitter naming si Hayley dahil paniguradong masisira lamang ang araw ko kapag nakita ko ito. Pagkatapos akong subukang akitin ni Hayley ay ginawa ko na ang lahat ng paraan para umiwas dito. Sinisigurado kong nakaalis na ito ng bahay bago ako umuwi at sa mga araw na hindi ako namamasada ng tricycle ay sinisigurado kong sabay kaming umuuwi ni Trina sa bahay mula sa karinderya. Sinabi ko sa aking asawang si Trina na sa mga araw na wala akong pasada tuwing weekdays ay maaaring ako na ang mag-alaga kay baby Clarence para hindi na limang beses sa isang linggo namin pinapasahod si Hayley at mas makatitipid kami kung ganoon. Ngunit tumanggi si Trina at sinabing kailangan niya ako sa karinderya lalo na kapag maraming customers. Gusto kong ipagpilitan ang nais kong mangyari pero paniguradong magtataka si Trina kung bakit ko iyon ipagpipilitan at hindi ko alam kung maganda bang sabihin ko sa kanya na sinubukan akong akitin ni Hayley. Iniisip ko na maaaring baligtarin ako ni Hayley at palabasing ito ang inakit ko at dahil sa history ko pagdating sa babae ay walang dudang si Hayley ang papanigan ni Trina kahit pa napatunayan ko na sa kanyang hindi na ako ang lalaking Zander na nakilala niya noon. Kaya naman isang pakiusap ang aking ginawa sa aking kaibigang si Steven at umaasa akong gagawin nito ang aking ipinakiusap pagkatapos nito iyong pag-isipan. Palabas na ako ng banyo nang may mapansin ako sa bathroom trash bin. Kumunot ang aking noo nang makita iyon. Sa mabilis na paraan ay kinuha ko mula sa trash bin ang bagay na iyon at wala akong pakialam kung marumihan ang aking kamay. Nanlaki ang aking mga mata nang makumpirmang pregnancy test kit ang bagay na aking hawak. Iisa lang ang ibig sabihin niyon. Malakas ang aking pakiramdam na hindi galing kay Hayley ang bagay na ito. Si Trina lang ang maaaring gumamit ng pregnancy test kit sa bahay na ito maliban kay Hayley. Ngunit bakit gagamit si Trina ng pregnancy test kit kung ilang linggo na kaming hindi nagsisiping? Bigla ay parang nagdilim ang aking paningin at humigpit ang aking kapit sa pregnancy test kit na iyon. Nanginginig ang aking buong sistema. Parang gusto kong itama ang aking kamao sa isang matigas na bagay. Nakita ko sa salamin ng banyo ang pamumula ng aking buong mukha. Nangingilid ang aking mga luha. Pinagtataksilan ba ako ni Trina? ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD