HINDI alam ni Adam kung matatawa o mababahala nang parang estatwang nakatayo lamang si Ginny pagkatapos niyang ihayag sa dalaga ang kanyang intensiyon. Well, in a subtle way perhaps. Bagay na hindi siya sanay gawin. Sanay siya sa Amerika na walang pasakalye. Ngunit may kung ano rito na hindi niya magawang derektahin ang gusto niya sa dalaga. He didn’t want her to keep on walking out on him whenever he talked to women the way he usually did.
Sa totoo lang ay nagtataka na siya. Ilang taon na si Ginny sa Amerika kaya sigurado siyang hindi na bago rito ang kalakarang iyon. Oo nga at sa loob ng mga taon ay hindi siya nakarinig kahit isang beses lang na na-involve ito at ang mga kabanda sa kahit na sinong lalaki pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi iyon nangyari.
Subalit nang napakatagal na nitong nakamaang lang sa kanya ay bahagya siyang nagduda. “Hey, are you okay?”
Kumurap si Ginny at mabilis na nag-iwas ng tingin. “May pupuntahan pa ako. Puwede sigurong next week na tayo magtrabaho. Next week ang deadline naming lahat para sa lyrics at hangga’t wala kaming nagagawa ay hindi pa tayo makakapagtrabaho nang husto,” mailap na sabi nito.
Mabilis na hinawakan ni Adam sa braso ang dalaga. “Next week would be too late. I want you here tomorrow,” wika niya.
“Fine. Ipapakita ko sa `yo ang iba sa mga naisulat ko na. Now if you’ll excuse me, I have to go somewhere,” wika ni Ginny na nanatiling nakaiwas ang tingin sa kanya. Nagpumiglas ito pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak.
Napikon na naman siya sa biglang pagbabago ng mood nito. Whenever he tried to make a pass at her, she always acted like this. Nakakababa na ng ego. She should be flattered, not scared.
“You know, I wonder if I said something to offend you. Last night and today. Bakit ba palagi mong gustong tumakas sa akin ha?” napipikon nang tanong niya.
Noon lumingon si Ginny. Masama ang tingin nito sa kanya. “Because you are rude.”
Namangha siya. “Rude? How so?”
Namula ang mukha nito at nagpumiglas subalit hindi niya binitiwan ang braso nito.
“Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi mo nililinaw ang ibig mong sabihin. I’m not a freaking psychic. Hindi ko mahuhulaan kung ano ang tumatakbo sa isip mo, okay? At ayokong tumatakbo ka nang ganito nang hindi ko alam. I hate it.”
Lumapat nang mariin ang mga labi nito. “At ikaw pa ang may ganang mainis nang ganyan, samantalang ikaw ang may kasalanan! Well, I hate it when you talk to me like I’m one of those… those models you date! I’m not cheap. And now, when you said you wanted me to… to go wild, I felt offended,” bulalas ni Ginny na tila hirap na hirap pang sabihin ang mga iyon.
Napatitig si Adam dito. “Don’t tell me— are you still a virgin?” namamanghang tanong niya.
Lalong namula ang mukha ni Ginny saka pumiglas uli. Sa pagkakataong iyon ay pinakawalan na niya ito dahil gulat pa rin siya.
“No s**t,” usal niya.
Tiningnan siya nito nang masama. “Well, sorry if I’m not what you think I am,” sarkastikong wika ni Ginny.
Hindi siya makapaniwala. She was what? Twenty-nine? At ilang taon na ito sa Amerika at nasa Hollywood ang dalaga. And she was so voluptuously sexy and so breathtakingly beautiful that it amazed him to know she was still innocent.
Bigla ay gusto niyang humagalpak ng tawa sa labis na pagkamangha. Kasabay niyon ay tumunog ang warning bells sa kanyang isip. Siya ang gustong tumakbo ngayon. Hell, he didn’t do virgins. Masyadong komplikado. He preferred an escapade with women who knew how to please their man and who knew what to do. Virgins tended to get emotionally involved and it was difficult to get rid of them. And he knew he will end up getting rid of her after he’d had his fill of her. Dahil kahit kailan ay hindi pa niya naranasang nagtagal ang interes niya sa isang babae.
Si Ginny pa lang ang pinakamatagal. Umabot nang isang taon ang interes ni Adam sa dalaga. Pero iyon ay dahil hindi naman siya nakakalapit dito. Naisip niya na kapag nakuha na niya kay Ginny ang tingin niyang kailangan niya rito ay magsasawa na rin siya sa dalaga .
Pero ngayong nakatingin siya kay Ginny, gusto niyang iuntog ang sarili sa pader. Because he failed to notice that the reason he’d been drawn to her from the first time their eyes met was because of that innocent air around her.
Dahil nang magtama ang mga mata nila noong gabing nakita siya ni Ginny sa verandah ay nakita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito na hindi pa niya nakikita sa mga mata ng kahit na sinong babaeng nakilala niya.
He should have realized sooner that she was the last woman he wanted to get involved with.
Napaatras si Adam at marahas na nahawi ang buhok. “Hindi ako makapaniwala,” bulalas niya.
“See? You are so rude!” sikmat ni Ginny.
Nakahalukipkip na tiningnan niya ang dalaga. “Malay ko bang sa edad mong `yan ay pinangha-hawakan mo pa rin `yang chastity mo,” magaspang na wika niya.
Isa iyong malaking kalokohan. Isang pagsasayang ng oras. Because there was no way he will touch someone like her. Isa itong threat sa kalayaan niya.
Kumunot ang noo ni Ginny. “Wala ka nang pakialam do’n,” sikmat nito at tuluyan nang tumalikod. Nasa pinto na si Ginny nang muli itong lumingon. “Dadalhin ko sa `yo ang mga isinulat kong lyrics bukas. `Bye.” Pagkasabi niyon ay pabagsak nitong isinara ang pinto.
Marahas na napabuntong-hininga si Adam.
Kapag minamalas nga naman.
ANG PAGKAINIS ni Ginny sa naging engkuwentro nila ni Adam ay bahagyang nawala nang sa wakas ay makarating siya sa ancestral house ng kanyang mga magulang. Masaya siyang sinalubong ng kanyang mga magulang at mangiyak-ngiyak pa siya nang yakapin niya ang mga ito. Ilang beses man sa isang taon siyang dinadalaw ng mga magulang sa Amerika at regular silang nagtatawagan ay na-miss pa rin niya ang mga ito.
“Nagpahanda ako ng mga paborito mong pagkain, hija,” masayang sabi ng mommy niya.
Nginitian niya ito. “Mom, kailangan kong bantayan ang diet ko,” biro niya.
“Nonsense. Minsan lang naman ito.”
“Oo nga naman, hija. Pagbigyan mo na kami ng mommy mo,” sabi naman ng daddy niya na inakbayan siya.
Tiningala niya ito at nginitian. Ang daddy niya ang pinaka-cool na lalaki sa buhay niya. Ito ang nagturo sa kanya na maggitara at ang daddy rin niya ang bumili ng kanyang unang bass guitar.
Suportado siya ng mga magulang niya, lalo na ng daddy niya, sa hilig niya sa musika. Cool lang ito palagi at halos hindi halata na isa itong shrewd businessman.
“Oo nga pala. Nakauwi na rin ba si Anje sa kanila? Tumawag lang sa akin kahapon ang mama niya para itanong kung dumating na kayo sa Pilipinas. Hindi ba niya sinabi sa kanila?” tanong ng mommy niya.
“Nauna pa ngang umalis sa akin si Anje sa hotel, Mom. Bakit?”
Ang pinsan niyang si Anje ay miyembro rin ng Wildflowers. Ito ang keyboardist at main composer nila.
“Well, sa pagkakaalam ko ay parang kinailangan nilang lumipad na mag-asawa sa Europe kahapon. Hindi ko alam kung may maaabutan si Anje sa kanila. Kung wala sana, dito na lang siya tumuloy para makakain siya,” nag-aalalang sagot nito.
Pumalatak ang daddy niya. “Ang dalawang `yon talaga, noon pa man ay halos wala nang oras sa anak nila. Hija, why don’t you call your cousin?”
“Yes, dad.” Kinuha niya ang kanyang cell phone at tinawagan si Anje habang patungo sila sa dining area. Ngunit nagri-ring lang ang cell phone nito at hindi sumasagot. Nagtaka siya. “Hindi niya sinasagot,” malakas na sabi niya.
“Baka naman nandoon pa sila at kumakain din?” sabi ng daddy niya.
“Well, maybe. Tara na nga at kumain na rin tayo,” yaya ng kanyang mommy.
Napangiti na si Ginny at muling inilagay ang cell phone sa kanyang bag niya. Pagkatapos ay sumunod na siya sa mga magulang.