CHAPTER 4

2462 Words
NAPAKAPIT si Ginny sa balustre ng verandah ng suite nang manlambot ang mga tuhod niya sa labis na gulat sa biglang pagsasalita ng lalaki. At halos mahulog ang puso niya nang sa kabila ng dilim ay makilala niya kung sino ang lalaking nakatayo sa katabing verandah. Si Adam Cervantes. “A-ano’ng ginagawa mo riyan?” tanong niya nang makahuma sa pagkabigla. Sa kabila ng dilim ay nakita niyang ngumiti si Adam dahil nakita niya ang pantay-pantay at mapuputing ngipin ng binata. Humawak ito sa balustreng nakaharap sa kanya. “Well, for starters, this is my verandah and I am in my suite.” Umawang ang mga labi ni Ginny. Presidential suite ang katabi ng silid niya. Hindi siya makapaniwalang hindi sinabi ni Rob na si Adam ang umookupa roon. Hindi siya handang makita ang binata ngayong gabi. Huminga si Ginny nang malalim. “Ah, okay. Sige, goodnight.” Papasok na sana siya sa silid niya nang magsalita si Adam. “You know, it’s no use running away from me. `Mula bukas, you’re stuck with me. You might as well get used to me as early as now.” Napahinto siya ngunit hindi ito nilingon. “Isa pa, hindi ko maintindihan kung bakit parang takot na takot ka sa akin. I’m not going to do anything you wouldn’t like, you know. I can assure you of that.” Bumaba ang tono nito. It sounded husky. Nanayo ang mga balahibo ni Ginny sa batok. Malayo si Adam sa kanya at nakatalikod siya, subalit damang-dama niya ang intensidad ng titig nito sa kanya. Hindi ito maganda, Ginny. Huwag kang magpapadala sa karisma niya. Huminga siya nang malalim. “Matutulog na ako,” wika niya. “Hindi mo man lang ako titingnan?” May himig ng pagkainis ang tinig nito. Naikuyom niya ang kamay at hindi kumilos upang lingunin ito. “You know, I think alam ko kung bakit ka umiiwas sa akin.” Nais niyang yakapin ang sarili dahil pati mga balahibo sa kanyang braso ay tumatayo na. Subalit nagpigil siya. “You’re attracted to me.” Nanlaki ang mga mata ni Ginny at marahas na nilingon si Adam. There was a sexy and confident smile on his lips. “Hindi totoo `yan!” nanggigigil na bulalas niya. Lumuwang ang pagkakangiti nito. “I don’t think so. Aminin mo, mula nang makita mo ako sa isang intimate moment, nagkaganyan ka na. You were interested, weren’t you? At night, you wonder how it would feel if you were the woman in my arms,” mapang-akit na sabi ni Adam. Nag-init ang mga pisngi niya dahil ayaw man niyang aminin kahit sa sarili niya ay may katotohanan ang sinabi ni Adam. Sa loob ng halos isang taon ay maraming gabi na ito ang napapanaginipan niya. Most of those dreams were too erotic to even mention to her friends. Hindi siya ang tipo ng babaeng nag-i-imagine ng ganoon. Subalit mula nang gabing iyon ay palagi na siyang nagigising sa gitna ng gabi dahil sa panaginip niya ay hinahalikan siya nito, hinahaplos sa paraang nagpapatayo sa lahat ng mga balahibo niya sa katawan habang titig na titig ito sa kanya. At kaya siya kumakanta kani-kanina lang ay upang alisin ang binata sa isip niya. Dahil ayaw niyang ito na naman ang maging laman ng panaginip niya. Ngunit hayun ito, totoong-totoo sa harap niya. Lumuwang ang pagkakangiti ni Adam. Lalong nag-init ang mga pisngi niya. May hinala siyang nababasa nito ang tumatakbo sa isip niya. At mas malakas ang pakiramdam niya na pinaglalaruan siya nito. Na-bore na ba ito sa mga modelo nito kaya pinagti-trip-an siya nito ngayon? Dahil ba siya ang nakatakdang makasama nito sa proyektong iyon kaya lantaran siyang inaakit nito? Napaka-unprofessional! “Why are you so afraid of your own attraction, Ginny? You are a woman and you must enjoy your womanhood to the fullest. I can give you so much more than what the previous men in your life have given you, I can assure you,” mapang-akit na sabi ni Adam. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ginny sa sinabi ni Adam. Iniisip nito na marami nang dumaang lalaki sa kanyang buhay. Ano ang tingin nito sa kanya, kagaya ng mga modelong nakasama na nito sa kama? She had never felt so insulted in all her life. Nagtagis ang kanyang mga bagang. “Alam mo, pasalamat ka hindi kita abot. Kung hindi ay sinampal na kita. Kung gusto mo ng kalaro, humanap ka ng iba dahil hindi ako interesado. Hindi lahat ng babae ay may gusto sa `yo!” nanggigigil na sikmat niya rito. Pagkatapos ay mabilis na siyang pumasok sa suite niya at isinara ang glass door ng verandah. Gigil na gigil na nagparoo’t parito siya at paminsan-minsan ay tinatapunan ng matalim na tingin ang pader na nakapagitan sa suite nilang dalawa ni Adam. Napakasama talaga ng ugali ng lalaking iyon. Napakawalang-modo. At makakatrabaho niya ito. “Argh! Bakit ba ako binigyan ni Mr. Gallante ng ganito katinding torture?” himutok niya. Subalit kahit ano ang gawin niya ay alam niyang hindi na magbabago pa ang isip ng kanilang producer. She was stuck with him in the coming months. Kung paano siya magsu-survive, hindi niya alam.   HINDI maganda ang gising ni Ginny kinabukasan. Bukod sa nalaman niyang wala na ang mga kabanda niya sa hotel at pumunta na sa kanya-kanyang lakad ay napanaginipan na naman niya ang bagay na ayaw niyang mapanaginipan. Ang lalaking umookupa ng presidential suite ng hotel na iyon at nakatakda uli niyang makaharap sa araw na iyon. “Rob, bakit sila, nakabakasyon, bakit ako, magtatrabaho na agad?” reklamo ni Ginny sa manager niya nang nasa harap na sila ng pinto ng suite ni Adam. “You are not going to work yet. I just want you to meet him first. Then you can get to know each other and talk so that you will have a good working relationship later,” paliwanag nito. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong sabihin dito na malabo yata silang magkaroon ng magandang working relationship ni Adam dahil kumatok na ito sa pinto. Mayamaya ay bumukas na ang pinto at bumungad sa kanya ang amoy-bagong paligong si Adam. Sumikdo ang puso niya nang sumulyap ito sa kanya at nagtama ang mga mata nila. Ngunit saglit lang iyon na tila iyon ang unang pagkakataon na nagkita sila. Pagkatapos ay agad nitong binalingan si Rob. “Come in,” sabi nito, saka niluwangan ang pagkakabukas ng pinto saka nagpatiunang pumasok sa loob. Nagtaka siya sa inasal nito ngunit hindi na niya iyon masyadong pinag-isipan dahil iminuwestra na siya ni Rob na pumasok. Malaki ang suite ni Adam kompara sa silid niya. Ngunit ang interior ay kapareho lamang ng sa kanya. “Do you want us to talk here or do you want to see my working area?” tanong nito na kay Rob pa rin nakatingin. “You already set up your studio here?” namamanghang tanong ni Rob. Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Adam. “It was the very first thing I did when I got here. Follow me.” Naglakad ito patungo sa isang nakapinid na pinto. Sumunod sila ni Rob. Na-curious din siya kung paano ito nag-set up doon. Binuksan nito ang silid at pinapasok sila. Nauna si Rob. nang si Ginny na ang pumasok sa pinto ay napakislot siya nang bahagya nang maramdaman niya ang marahan at pasimpleng haplos ng kamay ni Adam sa likod niya. Napalingon siya rito. Sa pagkakataong iyon ay nakangiti na ito habang nakatitig sa mga mata niya, na para bang may ibinabahagi itong sekreto sa kanya. Pagkatapos ay itinulak siya nito nang marahan papasok sa silid habang nakasunod sa likuran niya. “Look,” sabi ni Adam. Napakurap si Ginny at noon lang ibinaling ang tingin sa silid na pinasok nila. Umawang ang mga labi niya nang makita ang hitsura niyon. Sa isang panig ay may mga high tech na electrical equipment—computer monitors, console, electric keyboards at iba pang gamit na madalas niyang makita sa studio kapag nagre-recording sila. Sa isang panig naman ay may gitara at bass. “Impressive,” namamanghang komento ni Rob. “It’s only the basics. Actually, as long as I have my computers, keyboards, and console, I can already compose music,” sagot ni Adam. Napatingin siya. “Para saan ang gitara at bass?” nagtatakang tanong niya. Tumingin ito sa kanya at pilyong ngumisi. “Ah, that. That’s to impress someone. I heard I was going to work with a bassist so I brought along these two.” May kakaibang kislap sa mga mata nito na nagpalipad ng mga paruparo sa sikmura niya, na para bang inaakit siya. Kagabi lang ay inis na inis si Ginny kay Adam. Ngunit hayun siya, naamoy lang ito at nakita ang ngiti ay nakalimutan na niya ang pagkainis sa binata. At ngayon ay hindi niya maialis ang tingin sa mga mata nito. Nakakainis! You are a walking temptation, Adam Cervantes. You’re bad for a woman’s heart. “Well, everything seems okay here. You can start working as soon as your schedules are free,” sabi ni Rob. Napakurap si Ginny at mabilis na inalis ang tingin kay Adam. Naipagpasalamat niya na noon lang lumingon ang manager niya sa kanya, dahil kung hindi ay baka nakita nito kung paano siya mukhang tangang nakatitig kay Adam. “We can start now if you want to,” suhestiyon ni Adam. Napatingin siya rito. “Hindi puwede. May kailangan akong puntahan ngayon,” pagkontra niya. Napalis ang ngiti ni Adam nang marahil ay mapansin ang paglamig ng kanyang tinig. Pero wala siyang pakialam. Sinasabi ng instinct niya na hindi magandang ma-involve nang husto rito at naniniwala siya roon. Habang maaga ay mas dapat niyang ipakita rito na nilalagyan niya ng linya ang trabaho at personal sa pagitan nila. “Kailan tayo magsisimula kung ganoon? I have already come up with several compositions. Lyrics na lang ang kailangan ko.” “Agad? Kailan ba sinabi sa `yo na makikipag-collaborate ka sa amin?” namamanghang tanong ni Ginny rito. “The other day,” matipid na sagot nito. Umawang ang mga labi niya. Noong isang araw lang nasabihan si Adam tungkol sa collaboration pero may mga na-compose na agad ito? Mukhang napansin ni Adam ang pagkamangha sa mukha niya dahil tumaas uli ang isang sulok ng mga labi nito. “Do you want to hear it?” tanong nito. Bakit ba kahit ganoong simpleng pag-uusap ay parang nang-aakit ang tinig ni Adam? Sinikap niyang kalmahin ang sarili bago tumango. “Well, I have to leave the two of you. I have an online meeting to attend to in five minutes,” singit ni Rob. Lumapit ito sa kanya. “If you need a ride to your parents’ house later, just tell me. All the drivers I hired are already with your bandmates.” Tumango na lamang si Ginny. Mabilis na nagpaalam din ito kay Adam bago lumabas ng silid. Nang silang dalawa na lamang ni Adam ang naiwan ay biglang nailang si Ginny. Hindi siya makapagsalita at ni hindi niya magawang tingnan si Adam. Mayamaya ay huminga siya nang malalim saka tumikhim. “Papakinggan ko na ang mga na-compose mo.” “Are you sure? Hindi ba, may pupuntahan ka?” tanong ni Adam. “Hindi naman siguro ako aabutin ng ilang oras sa pakikinig.” Ngumiti ito. “Not if you don’t intend to listen to everything,” sagot nito na lumapit sa computer doon. Napasunod siya rito. “Ano’ng ibig mong sabihin? Ilan ba `yan?” “A lot,” matipid na sagot nito. Kinuha nito ang isang headset pagkatapos ay humarap sa kanya. Akmang kukunin niya iyon pero nabitin sa ere ang mga kamay nang si Adam mismo ang naglagay ng headset sa kanyang mga tainga. Katulad kanina noong itulak siya nito papasok sa silid na iyon, tumagal ang mga kamay ng binata sa buhok, pagkatapos ay magaan pang humaplos sa magkabilang gilid ng kanyang mukha. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Maluwang ang pagkakangiti ni Adam nang bawiin ang mga kamay. Naningkit ang mga mata ni Ginny at wala sa loob na nahawakan ang bahagi ng mukha niyang nadaanan ng mga daliri ni Adam. Halos nadarama pa rin niya ang init ng balat nito roon. “Tsinatsansingan mo ba ako?” pang-aakusa ni Ginny. Lalo lang lumuwang ang pagkakangiti nito saka hinaplos nang marahan ang kanyang baba. “Mabuti at alam mo.”  Umawang ang mga labi niya at akmang sisikmatan ito nang may pindutin ito sa console. Pagkatapos ay pumailanlang ang isang tugtugin. Natigilan siya at napigil ang kanyang paghinga. Unang nota pa lamang ay nakuha na niyon ang kanyang atensiyon. Nagsimula iyon nang mabagal, mapang-akit. Hanggang sa unti-unti iyong bumilis, naging maharot at mapang-akit ngunit kahit na ganoon ay may hatid iyong kakaibang kirot sa puso. Hanggang sa tumatayo na ang balahibo niya at nag-iinit ang mga mata niya kahit wala pang lyrics iyon. Nang matapos ang tugtog ay hindi pa rin siya nakakilos. Para pa rin niyang naririnig iyon. “So, how is it?” mayamaya ay tanong ni Adam. Napatingin si Ginny sa binata. Hindi na niya itinago ang paghanga. “Paano mo nagawa `yon?” Ngumiti ito. “Should I take that as a compliment?” “Kailan ka nagsimulang mag-compose para sa amin?” “The day your producer asked me to collaborate with your band.” “Ilan?” “At least ten. Depende pa kasi kung alin ang magugustuhan ninyo at ang babagay sa mga isusulat ninyong kanta.” Nanlaki ang mga mata ni Ginny. Kaya pala kinikilala itong genius composer. “Paano ka nakagawa ng ganoon karami na ganito kaganda?” tanong niya bago pa mapigilan ang sarili. “At sa loob lang ng dalawang araw!” Kumislap ang magkahalong amusement at kapilyuhan sa mga mata ni Adam. Sumandal ito sa gilid ng mesa, humalukipkip at pinakatitigan siya. “Dahil gusto ko ang konsepto ng album ninyo. ‘Good Girls Gone Wild.’” Then he smiled sexily at her. “Every time I imagine you going wild, music suddenly rings in my ear.” “What?” garalgal na tanong niya. Pakiramdam ni Ginny ay may mga nagliparang paruparo sa kanyang sikmura nang iangat nito ang isang kamay at inabot ang dulo ng hibla ng kanyang buhok. Hindi siya nakakilos nang magtama ang mga mata nila. There was a sensual promise in his eyes that made her body feel warm all over. “I want to see you go wild,” halos pabulong na anas nito. Umawang ang mga labi niya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD