MALAPIT nang makumbinsi si Adam na ang mga babae sa Pilipinas ay unti-unti nang nagiging kasingmoderno ng mga babae sa Amerika.
Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang dumating siya sa Pilipinas sakay ng kanyang private jet. Dahil gabi at naka-disguise siya, nakalusot siya sa NAIA nang hindi gaanong napapansin ng mga tao.
Mas gusto niya iyon dahil ayaw niyang may makaalam na nasa Pilipinas siya. Hindi siya nagpunta roon para magbakasyon. Naroon siya para sa isang trabahong hinding-hindi niya tatanggihan kahit magunaw pa ang mundo.
Na-distract si Adam nang maramdaman uli ang pagdikit ng dibdib ng babae sa kanyang braso. Nagpunta siya sa bar area ng five-star hotel kung saan siya mananatili habang nasa Pilipinas siya. He was not planning to get laid tonight, not when his job was starting tomorrow. Subalit kanina pa nakadikit ang babaeng ito sa kanya at noon pa man ay hindi niya ugaling tumanggi sa babae; especially if the woman was totally his type and very much willing to have s*x without commitment.
“Up to what time are you staying here, gorgeous? There are other, more wonderful things to do than get drunk,” sabi nito sa mapang-akit na tinig kasabay nang paghaplos sa braso niya.
Hindi alam ni Adam kung nakikilala siya nito o hindi. Ang tanging sigurado lang niya ay ang kislap ng walang inhibisyong pagnanasa sa mga mata ng babae.
Mother, you will be very disappointed once you learn that this is what Filipinas have become.
Gusto niyang matawa na habang may babaeng halos gusto siyang hubaran sa tingin ay ang kanyang ina ang naaalala. Surely, this was a bad sign. Inalis niya sa isip ang kanyang ina at ang katotohanang hindi niya ito sinabihang nasa Pilipinas siya.
Ibinaba ni Adam sa counter ang basong hawak niya at binalingan ang babaeng katabi. Tinitigan niya ito at pinadaan ang mga daliri sa slim na leeg ng babae. Kumislap ang antisipasyon sa mga mata nito. When she licked her lips, he knew it was time to give her what she wanted.
Let’s get this over and done with.
Bumababa na ang mukha niya sa mukha ng babae nang maulinigan niya ang usapan ng mga waiter doon.
“Totoo, nandito sa hotel ang Wildflowers. Sayang, hindi ako nakalapit kanina. Ang gaganda talaga nila sa personal. Ang sabi ni Joey, nakamayan pa raw niya.”
Napahinto si Adam nang gahibla na lang ang layo ng mga labi niya sa mga labi ng babaeng ngayon ay nakapikit na. Awtomatikong tumalas ang pandinig niya.
“O, talaga? Nakakainggit. Sino’ng pinaka-maganda?” tanong ng isa.
“Lahat sila, magaganda. Pero, pare, natulala ako ro’n sa isa. Iyong pinakamalaki ang…”
Napasulyap siya sa nagsalita at nakita niyang iminuwestra nito ang tinutukoy pagkatapos ay nagngisihan.
Boobs. Can’t you even say that aloud?
“Si Ginny `yon. At tama ka, pare. Ang sarap pisilin—”
Marahas na itinuktok ni Adam ang baso niya sa counter. Napapitlag ang babae sa kanyang tabi at gulat na napatingin sa kanila ang mga nag-uusap na waiter.
Puno ng disgustong tiningnan niya ang mga ito. “If I am right, you are all in the middle of your shifts. Why are you gossiping?” malamig na tanong niya.
Bumakas ang guilt sa mukha ng mga waiter at nagsipulasan. Naiinis pa ring sinundan niya ng tingin ang mga ito bago nagdesisyong umakyat na sa suite niya. Tumayo siya at napayuko nang maramdaman niya ang pagkapit ng babae sa braso niya.
“Where are you going?” tanong nito.
Wala siyang ganang pagbigyan ang babae. “Look babe, I have work early tomorrow so I need to catch up on sleep,” sabi ni Adam.
Bumakas ang pagkadismaya sa mukha ng babae. “You’re not going to change your mind?”
“I’m afraid not.”
Lumabi ito. Pagkatapos ay ngumiti nang masuyo. “How about a kiss?”
Pinigilan niyang mapabuntong-hininga ngunit sa halip ay ngumiti siya at yumuko. Nasasabik na pumikit ang babae. Nang malapit na ang mga labi niya sa mga labi nito ay hinipan niya iyon sa halip na halikan. Gulat na dumilat ang babae.
“I don’t kiss just anyone, babe.” Pagkasabi niyon ay kinalas niya ang kamay nito sa braso niya at iniwan ito.
Nang nasa loob na siya ng presidential suite na tinutuluyan niya ay napapailing na ibinagsak niya ang sarili sa sofa.
Ang totoo, kasinungalingan lang ang sinabi ni Adam. He loved beautiful women and he took pleasure in kissing them, hell, he’d even had the pleasure of having s*x with them. At least, bago may isang partikular na babaeng kumuha ng interes niya. Siya pa naman ang tipo ng taong obsessive sa bagong pinag-iinteresan at hindi siya matatahimik hangga’t hindi napupunan ang kuryosidad niya.
Mula nang mapukaw ni Ginny ang interes niya ay nahihirapan na siyang ituon ang buong atensiyon niya sa ibang babae. At hindi niya iyon gusto. He hated it whenever someone monopolized him. Gusto niya ng kalayaan sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay.
Subalit hindi rin siya matatahimik hangga’t hindi siya nakakalapit kay Ginny at hindi niya natutuklasan ang dahilan kung bakit palagi niya itong hinahanap kahit saang lugar siya magpunta. And discover why he always felt a very strong sense of awareness everytime he found her.
Ngunit masyadong mailap ang dalaga. Hindi miminsan na nasa isang lugar lang sila, kung hindi sa restaurant o sa recording studio ay sa mga event sila nagkikita. Pero sa tuwina ay panay ang iwas nito sa kanya na tila hinahabol ito ng demonyo.
Which is the right move to make, naisip niya.
Subalit si Adam ang tipo ng taong mas mahirap makuha ay mas natutuwa siyang habulin. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. It was like playing tug-of-war and he enjoyed the thrill. Alam niyang kapag nakuha na niya ang gusto niya kay Ginny ay magsasawa na rin siya. He always felt that way. By that time, he could go on with his life again, find someone new who will make his blood boil with excitement.
“Para ka talagang ama mo, Adam. Kailan ka ba titino?” parang naririnig na naman niyang sermon ng kanyang ina.
Napapalatak siya at tumayo. “s**t, Mama, buhay ka pa pero para mo akong laging minumulto sa mga oras na ayaw kitang maalala,” sarkastikong wika niya.
Binuksan niya ang glass door sa verandah para makapasok ang malamig na hangin. Pabalik na siya sa living room ng suite nang makarinig siya ng mahinang pag-awit mula sa labas. Napahinto siya at pinatalas ang pandinig.
It began with a soft hum. Para lamang iyong tunog ng hangin at kung hindi lang likas na matalas ang pandinig niya sa musika ay hindi niya iyon papansinin. Ngunit kahit mahina lamang iyon, may kung ano roon na nagpakilos sa kanya palabas ng verandah. Walang tao sa mga kanugnog na verandah ng suite niya. Subalit napansin niyang bukas ang glass door sa katabi niyang suite at bukas ang ilaw roon. Hindi tulad ng suite niya na hindi niya inabalang buksan ang ilaw. Lumapit siya roon at mas naging malinaw na ang pag-awit ng kung sino mang iyon.
“I’m not looking for someone to talk to, I’ve got my friend, I’m more than okay. I’ve got more than a girl could wish for, I live my dreams but it’s not all they say…”
Napaderetso siya ng tayo nang lumabas ang babae sa verandah.
There she was, the woman who had unknowingly been tormenting him for nearly a year.
Ginny.
May munting ngiti sa mga labi ng dalaga ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang kung anong lungkot sa mga mata nito at sa ekspresyon sa mukha. Inililipad ng hangin ang alon-along buhok ni Ginny; nakasuot ng isang pares ng pajamas. Niyakap nito ang sarili at tila hindi napapansin ang presensiya niya na ipinagpatuloy ang pagkanta.
“Still I believe I’m missing something real. I need someone who really sees me....” Bumuntong-hininga pa si Ginny at tumingala sa langit na para bang talagang may inaalala.
Nakaramdam ng disgusto si Adam sa isiping iyon. Namaywang siya at pinakatitigan ito. “That is very… romantic. Or shall I say, delusional?” sarkastikong wika niya.
Napapitlag si Ginny at marahas na napalingon sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito at muli ay nakaramdam siya ng inis na tila ba noon lang talaga nito napansin ang presensiya niya. Ganoong-ganoon ang dalaga sa loob ng halos isang taong pagkikita nila sa halos lahat ng event sa New York. Darating si Ginny, o mauuna itong dumating sa kanya, at kahit na lahat ng tao ay nasa kanya na ang atensiyon ay para pa ring walang pakialam ang dalaga sa kanyang presensiya. At tuwing kikilos siya upang lumapit at makikita siya nito, kulang na lang ay tumakbo ito palayo sa kanya. Just like what she did that night… the night she got him so interested he could not calm down.
Subalit kung dati ay hinahayaan ni Adam na takbuhan siya, ngayon ay hindi na.
Ah, Ginny Vivien. I wonder kung ano’ng dahilan ng interes kong ito sa `yo. But I will find out. Whether you like it or not. And then I will be done with you and my life will get back to normal.