CHAPTER 2

803 Words
Manila, one year later   PAKIRAMDAM ni Ginny ay may sumabog na bomba sa harap niya nang sabihin ni Rob na gusto ng producer nilang si Mr. Gallante na makipag-collaborate ang banda nila—partikular na siya—kay Adam Cervantes para sa kanilang fifth anniversary album. Kasalukuyan silang nasa sasakyan patungo sa hotel kung saan sila mananatili habang nasa Maynila ang banda niya nang sabihin ni Rob ang magiging agenda habang nasa Pilipinas sila. Isang buwan silang magbabakasyon at magtatrabaho roon. “Good Girls Gone Wild” ang magiging pamagat ng susunod na album nila. At sa pagkakataong iyon, inatasan silang lahat na gumawa ng sarili nilang lyrics at sila mismo ang kakanta ng gagawin nila. At dahil siya ang main lyricist ng banda, siya ang inatasang makatrabaho ni Adam na magiging composer ng kanilang mga kanta, na labis na tinututulan ng kanyang kalooban. Sa loob ng isang taon ay nagawa ni Ginny na iwasan saan man niya ito makita. Laking tuwa niya nang mapagdesisyunang uuwi sila sa Pilipinas. Ibig sabihin niyon ay mapapalayo siya kay Adam. Pero sino ang mag-aakala na nasa Pilipinas din pala ito at makakatrabaho niya ito? Kahit paano ay nabawasan ang pagmamaktol niya nang pagdating nila sa parking lot ng hotel na tutuluyan nila ay sinalubong sila ng kaibigan nilang si Cham. Si Cham ang dating vocalist nila at ilang taon na ang nakalilipas mula nang huli nila itong makita. Umalis ito sa banda dahil mas pinili nitong manatili sa Pilipinas kasama ang lalaking mahal nito. “Sabay-sabay na tayong mag-dinner ngayong gabi. Excited na akong maka-chika-han kayo,” masayang bulalas ni Cham. “Sure!” masayang pagsang-ayon nilang lahat. Lumapit kay Rob ang asawa ni Cham na si Rick. Saglit na nag-usap ang mga ito bago tumango ang manager nila at lumingon sa kanila. “Rick promised me that he will take responsibility for all of you while you’re having dinner. We need to have a meeting later so don’t get drunk, okay?” sabi ni Rob sa kanila. Natawa sila. “Rob, we never get drunk,” wika ni Ginny. Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. “I know. But just in case. Oh, by the way, Ginny, we will meet Adam tomorrow morning, okay?” Nakangiwing tumango siya. Mukhang nabasa nito ang pag-aalangan sa mukha niya dahil tumawa ito at tinapik siya. “Don’t worry. He will not do anything to you. Remember, he only dates models.” Hindi alam ni Ginny kung maiinsulto o makakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito. Alam niya na malayo siya sa mga modelong tinutukoy nito. Kahit gutumin niya ang sarili sa loob ng isang buwan ay hindi siya papayat gaya ng mga modelong idine-date ni Adam. Tumawa na lang siya. “Alam ko `yon. Anxious lang ako dahil sa reputasyon niya. Hindi ko alam kung magkakasundo kami.” “Adam? Adam Cervantes? Nandito siya sa Pilipinas?” tanong ni Rick nang papunta na sila sa restaurant. “Oo. At balak ng producer namin na makipag-collaborate kami sa kanya para sa album namin. Rick, kahit ikaw ang may-ari ng Diamond Records hindi mo puwedeng gamitin ang impormasyong ito para sa kompanya mo, ha? Sekreto lang ito,” sabi ng leader at drummer nilang si Yu. Tumawa si Rick. “Fine. Ang takot ko lang na galitin ka, Yu,” biro nito, saka tumingin sa kanya. “So, good luck, Ginny. Kapag may ginawa siya sa `yo—that is kapag may ginawa siya sa `yo na hindi mo gusto—sabihin mo lang sa akin. But if you liked it, please there’s no need to tell me,” biro nito. Nag-init ang mga pisngi niya. Siniko ni Cham si Rick na tinawanan lang nito, halatang nagbibiro lang. “Huwag ka ngang ganyan. Mukha lang pilya `yang si Ginny pero `yan ang pinaka-conservative sa aming lahat,” sabi pa ni Cham. Tumawa ang mga kaibigan niya at nagsipagsang-ayon. Lalo lang tuloy nag-init ang mga pisngi niya. “Sorry naman kung ganito ako pinalaki ng mga magulang ko,” sabi niya. Tiningnan siya ng mga ito at nagtawanan. Ngumiti nang maluwang si Rick at inakbayan siya. “Don’t worry, Ginny. just stay the way you are. Hindi lang halata, pero deep inside, worldly men tend to get attracted to women like you.” “Thanks. But I don’t like worldly men.” Tumawa ito. “Good. You are safer that way.” Mayamaya ay ilang customer ang nakapansin sa kanila. Nilapitan sila ng mga ito at nagsimulang magpa-picture at magpa-autograph. Nakahinga siya nang maluwag nang mawala sa kanya ang atensiyon ng mga kabanda niya. Subalit mabilis pa rin ang t***k ng kanyang puso. Nahiling na lang niya sana ay mas kalmado na siya kapag nagkaharap na sila ni Adam Cervantes bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD