CHAPTER 9

1081 Words
MAY NANGYARING nakapagpagulat kay Ginny sa araw na iyon. Nalaman nila na sa pagbabakasyon ni Stephanie ay may nakilala itong lalaki at kanina nang bumaba sila sa hotel lobby upang magtungo sa restaurant ay nakita nila ang lalaking iyon at hinila nito si Stephanie patungo sa elevator. Kinahapunan nang muli nilang makasama si Stephanie ay inamin nito sa kanila ni Anje ang mga nangyari dito at kay Oliver noong nasa resort ang dalawa. Bahagya tuloy nawala ang guilt niya sa sarili na nakipaghalikan siya kay Adam dahil kahit pala si Stephanie na pinaka-levelheaded sa kanila ay nawawala sa sarili kapag nasa presensiya na ng lalaking gusto nito. Kaya nang makabalik siya sa suite niya ay mas magaan na ang pakiramdam niya. Binuksan niya ang ilaw at impit siyang napatili nang makita ang lalaking kampanteng nakaupo sa couch niya. “A-ano’ng ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?” tanong niya habang nakatingin kay Adam. Tumayo ito saka ngumiti nang matipid. Mas malambot ang ekspresyon sa mukha, katulad noong kausap nito ang ina sa telepono. Namulsa ito at hindi gumawa ng paraan upang lumapit sa kanya. “Bukas ang glass door ng verandah mo. You should always lock it. Paano kung may kung sino’ng pumasok dito at gawan ka ng masama?” “Ikaw lang ang luko-lukong mag-iisip na tumawid sa verandah ko. Ang taas kaya ng floor na ito! Paano kung nahulog ka? That’s dangerous,” bulalas ni Ginny. Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. “Thank you for worrying.” Nakagat niya ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. “Bakit ka ba nandito?” pag-iiba niya sa usapan. Bumuntong-hininga ito. “I want to… apologize.” Natigilan siya at gulat na napalingon ditong muli. Seryoso ang mukha nito. “Humihingi ka ng tawad… sa p-paghalik mo sa akin?” Amused na ngumiti ito. Why did he have to be so gorgeous? Dapat ay hindi ganoon kalakas ang appeal ni Adam para mas matagal siyang magagalit dito. Ang kaso, tuwing nakikita niya ang mukha ng binata ay parang bulang nawawala ang kanyang inis. “No. I will never apologize for that. Because frankly, I might do it again.” Nagsimula itong maglakad palapit sa kanya. “Ang inihihingi ko ng tawad ay ang mga nasabi ko na hindi mo nagustuhan. You see, I am used to saying things without a care for anybody’s feelings. This is the first time I’ve ever felt so guilty about all the things I said. So, I apologize,” mahinang sabi nito. Huminto si Adam sa harap niya. Napatingala si Ginny. “Hindi ko gusto ang isiping galit ka sa akin. Ginny, can we have a truce?” Nakagat niya ang ibabang labi ngunit agad din niyang inalis ang pagkakagat niyon nang mapansin niyang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. “Ginny?” untag nito. Huminga siya nang malalim saka tumango. Bumuga si Adam ng hangin na tila nakahinga nang maluwag. Saka ngumiti nang maluwang. Paano pa ba siya tatanggi sa hinihiling nitong truce kung ginagawaran siya nito ng ganoon kagandang ngiti? “But you must not offend me anymore, okay? Huwag mo akong ikompara sa mga babaeng nakasalamuha mo na dahil hindi ako gaya nila,” sabi niya rito. Naging masuyo ang pagkakangiti nito. Mayamaya ay napaderetso siya ng tayo nang umangat ang kamay nito at nilaro ang dulo ng buhok niya. Napansin niya na palagi nitong ginagawa iyon. “Alam ko. Ibang-iba ka sa kanila. Dahil hindi pa ako naging ganito katuliro dahil sa kanila. Because I have never felt so uncool in front of them like I feel everytime I am with you. Dahil pagdating sa `yo para akong hindi si Adam Cervantes. Nawawala ang tiwala ko sa sarili at pakiramdam ko ay palagi na lang mali ang ginagawa ko. Ginny, you are not the only one who’s new to this. Kung ano man ang mayroon sa pagitan natin, bago rin iyon sa akin. So please, help me out here and stop rejecting me,” pakiusap ni Adam. Hindi pa rin nakasagot si Ginny dahil sa totoo lang ay natatakot siya. Pero tama ito, mayroong namamagitan sa kanila. It was too strong she didn’t know how long she could resist it. “Mapapanatag ba ang loob mo kapag sinabi ko sa `yo na hindi kita mamadaliin? That I am willing to take one step at a time with you?” marahang tanong nito. Napamaang siya. “Really?” Hindi niya naisip na may kakayahan itong gawin iyon. Subalit hindi ba at naging masuyo at maingat ang unang halik na iginawad nito sa kanya? Ngumiti ito. “Hindi kita pupuwersahing gawin ang mga bagay na hindi ka pa handang gawin. Mas gusto kong maghintay kaysa palagi kang parang takot na takot sa akin.” “I’m sorry.” “Don’t be. Kasalanan ko na hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko kapag nasa malapit ka. It’s just that, habang lumilipas ang mga araw ay lalo kong gustong mapalapit sa `yo. Kahit sinabi ko na sa sarili ko na off-limits ka. That I didn’t want to get involved with someone as innocent and as pure as you. That I didn’t know how to handle someone like you. Pero hindi ko kaya. Ginny, hindi ko na kayang pigilan ang sarili kong magkunwaring hindi apektado sa presensiya mo. I want you so much, more than I thought,” bulong nito. Ang kamay nitong naglalaro sa dulo ng buhok niya ay umangat patungo sa pisngi niya at hinaplos iyon nang marahan. Napapikit siya. Hindi na rin yata niya kaya. Adam had too much power over her. At bakit ba niya pinipigilan ang sarili niya dahil natatakot siyang iiwan din siya nito sa huli? Bakit ba iniisip agad niya ang maaaring mangyari hindi pa man nagsisimula. Baka mag-work sila. After all, sa loob ng ilang araw na kasama niya ito, pakiramdam niya ay hindi ito kasinsama gaya ng mga tsismis tungkol dito. “Ginny?” Huminga siya nang malalim at pinakatitigan ito. Bahala na. Nginitian niya ito. “Okay.” Ngumiti rin si Adam at hinapit siya sa baywang. Nang halikan siya nito ay tuluyan nang inilipad ang lahat ng pag-aalinlangan niya. Being kissed by him felt so right. Maybe this will really work. Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg nito at buong pusong tumugon sa halik nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD