BUONG buhay ni Ginny, naniniwala siya na masakit ang makoryente. Ngunit nagkamali pala siya. Dahil sa mga oras na iyon, habang nakalapat ang mga labi ni Adam sa mga labi niya ay nakakaramdam siya ng kakaibang uri ng koryente. Hindi iyon masakit, bagkus ay nakakakiliti iyon habang kumakalat sa bawat himaymay ng katawan niya.
Bukod doon ay nabigla siya sa paraan ng paghalik ni Adam sa kanya. Base sa pagkakakilala niya sa binata ay inaasahan niyang magaspang at mariin ang magiging paghalik nito. But he was kissing her slowly, lingeringly, as if he had an eternity to do so. His lips brushed against hers as if he was savoring the moment.
Nanlambot ang mga tuhod ni Ginny sa epekto ng marahang paggalaw ng mainit at malambot na mga labi nito sa kanya. Muntik pa siyang dumausdos kung hindi naging maagap ang isang kamay nito na pumaikot sa baywang niya. Napasinghap siya nang hapitin siya nito palapit sa katawan nito. And when she felt his strong and hard body, she could not help the sigh that came from her lips.
Naramdaman ni Ginny ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Adam na nakalapat pa rin sa kanyang mga labi.
“This is how your song should make you feel, Ginny.”
Napakapit siya sa mga balikat ni Adam nang ang ibabang labi naman niya ang paglaruan ng mga labi nito at bahagyang dumiin ang paghalik nito.
He groaned and crushed her body against his, if that was even possible. “I told myself I will not do this. I know you will be nothing but trouble to my normal way of life. But damn, I can’t take this any longer.” Garalgal na ang tinig nito.
Napaungol si Ginny nang dumiin ang halik nito. Her insides melted when his tongue skimmed her lips. And when he finally gained access into her mouth she felt like all the strength in her flew away. It was an exhilarating feeling, him kissing her that way. Nawala na sa isip niya kung gaano katagal siya nitong hinalikan, o kung gaano siya katagal nagpaubaya at gumanti sa halik nito.
Pinutol nito ang halik at lumayo nang bahagya sa kanya upang tingnan siya. Nahihirapang sinalubong niya ang mga mata nito. She was still dazed from what he was making her feel. Sumikdo ang puso niya nang makita niya ang intensidad sa mga mata nito. It was the same look she saw in his eyes that night… when he was kissing someone else.
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Ginny nang maalala iyon. Bigla ay para siyang natauhan mula sa isang malalim na panaginip. Ang imahen nitong humahalik ng ibang babae ay nagdulot ng kakaibang kirot sa puso niya kahit alam niyang hindi dapat. My God, nagseselos ba siya sa lahat ng babaeng nahalikan na ni Adam?
No! Hindi puwede.
Marahas na itinulak niya ito. “This is not right!” bulalas ni Ginny.
Halatang nabigla si Adam at napatitig sa kanya. “Why? You know as well as I do that we will end up together. I’m not that stupid to not know that you are attracted to me, Ginny. At ganoon din ako sa `yo. We are both adults so, why do we have to make this hard for us?”
Kailangan na niyang umalis doon bago pa siya maakit sa gustong mangyari ni Adam. “Hindi `yon ganoon kadali para sa akin,” wika niya.
“Oh, I get it. It’s because you are new to this. Honey, it’s time for you to let down your hair. You are old enough for this.”
Nainis na naman siya sa bale-walang reaksiyon nito tungkol sa bagay na iyon. Lalo lang niyang napagtatantong hindi ito ang lalaking nais niya. Iiwan lang siya ni Adam na luhaan pagkatapos nitong makuha ang gusto sa kanya at kapag nagsawa na sa kanya.
“Madali sa `yong sabihin `yan dahil sanay ka sa ganito. Because you are too experienced. Ako, hindi. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay sa mga ipinaparamdam mo sa akin,” sabi ni Ginny.
Nalukot ang mukha ni Adam. “You sound like a hysterical virgin.”
Tuluyan na siyang nagalit. “Well I am!” nanggigigil na sigaw niya. Pagkatapos ay mabilis na nagmartsa palabas ng suite nito.
Sa halip na magtungo sa sarili niyang silid ay nag-doorbell siya sa suite ni Anje. Nang walang sumagot ay lumapit naman siya sa pinto ni Stephanie at doon sunod-sunod na nag-doorbell.
“Let’s eat lunch. I need something to relieve my stress,” agad na sabi niya nang buksan nito ang pinto.
“Ano’ng nangyayari sa `yo?” nagtatakang tanong ni Stephanie.
Humalukipkip siya at tumingin sa nakapinid na pinto ng suite ni Adam. “Mauubos ang dugo ko sa lalaking `yon. Bakit ba kasi ako ang dapat magtrabaho kasama siya? Nasaan ba sina Carli at Yu?” reklamo niya. Ang tinutukoy niya ay ang dalawa pang kabanda nila. Si Carli ay ang vocalist nila, ang pumalit kay Cham.
“Busy sa kung ano-ano ang dalawang `yon. Kumain na nga lang tayo bago ka pa magwala riyan,” sabi ni Anje na nasa likuran ni Stephanie. Kaya pala wala ito sa suite nito ay dahil naroon ito sa kuwarto ni Stephanie. “Tara, sa ibaba na lang tayo kumain.”
Napabuntong-hininga siya at sumang-ayon. Nang papunta na sila sa elevator ay muli siyang lumingon sa suite ni Adam. Nahigit niya ang hininga nang makitang nakabukas ang pinto niyon at nakahalukipkip na nakatingin sa kanya si Adam.
Nag-init ang mga pisngi niya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Hindi niya alam kung paano pa makikisalamuha nang normal dito pagkatapos niyang mapagtantong mahina siya pagdating sa mga halik nito.
MARAHAS na ginulo ni Adam ang kanyang buhok sa labis na frustration nang mawala na sa paningin niya si Ginny. Alam niya na may mali na naman sa mga sinabi niya kaya nagalit ito. Hell, alam niyang mali na halikan ito. Sinabi na niya sa sariling off-limits ito. Na wala siyang oras sa mga inosenteng babae na gaya nito.
Ngunit araw-araw at gabi-gabi naman itong hindi naaalis sa kanyang isip. Tuwing nakikita niya ito, labis na kontrol sa sarili na hindi niya ginamit sa buong buhay niya ang kinakailangan niya upang umaktong indifferent sa binata. Kung alam lang nito na kahit mukha siyang abala sa pagtatrabaho sa harap ng computer niya ay alertong-alerto ang buong sistema niya kay Adam na kahit ang paghawi nito sa buhok ay alam na alam niya.
And today, he wanted to curse himself for losing control, for allowing himself to hold her and kiss her. Dahil ngayon ay lalo niyang nalaman na hinding-hindi na niya maiiwasang halikan uli ito. Dahil ngayon ay alam na niya ang pakiramdam ng malambot na mga labi nito. Because now he knew how she tasted, how heady the feeling was when she responded to his kisses, how it made him feel a soft emotion he had never felt before with any of the women he had been with.
Worst of all, nang makita ni Adam ang takot at pagkalito sa mukha ni Ginny, nang maramdaman ang pagtulak nito sa kanya na para bang nire-reject siya ay nagdulot ng tila suntok sa kanyang sikmura. Napagtanto niya na talagang mapanganib si Adam para sa kanya. Sanay siyang walang pakialam sa iniisip ng ibang tao sa kanya. Makasakit man siya o hindi ay hindi siya nakaramdam ng guilt kahit minsan. Magalit man ang mga tao sa kanya ay wala siyang pakialam. Ngunit ngayon ay wala siyang ibang gustong gawin kundi ang habulin si Ginny at humingi ng tawad sa mga nasabi niya, mangakong hindi na niya uulitin. At para siguruhing hindi ito galit sa kanya. Because the thought of her hating him made his gut clench in a very painful way.
Marahas siyang umiling saka pabagsak na isinara ang pinto ng suite niya.
Damn. I don’t like this, naiinis na naisip niya.