gaya ng ipinangako ni Adam kay Ginny, naging propesyonal lang talaga ang naging relasyon nila nang mga sumunod na araw. At sa loob ng ilang araw ay wala pa rin itong gusto sa lahat ng mga isinulat niya. Napu-frustrate na siya. Pati tuloy si Rob na walang kamalay-malay ay nasikmatan na niya nang kulitin siya nito tungkol sa lyrics niya na labis na ikinagulat nito.
Mabuti na lamang at dumating si Anje at ang guitarist ng Wildflowers na si Stephanie sa hotel. Kahit paano ay may pinagsabihan siya ng mga frustration niya.
Pinuntahan niya si Anje. Natigil siya sa pagdaldal dahil parang hindi ito nakikinig at mas tahimik pa kaysa dati.
“Anje? Are you okay?” tanong ni Ginny.
Kumurap ito at tumingin sa kanya. Pagkatapos ay marahas na umiling. “Oo. I’m sorry. May naalala lang ako. Ano na nga `yong sinasabi mo?”
Bumuntong-hininga siya at umiling. “Wala. Teka, may natapos ka na bang lyrics? Ipapakita ko lang sa lalaking `yon, baka sakaling magustuhan na niya `yong sa `yo. Nire-reject kasi niya ang lahat ng ipinapabasa ko,” sabi niya.
May hinalungkat si Anje sa bag at iniabot sa kanya ang notepad nito. Kinuha niya iyon at tumayo na. “Sige, aalis na ako. Sa tingin ko, kailangan mo ng pahinga.”
Alanganin itong tumango. “I’m sorry about this, cuz.”
“Okay lang.” Pagkasabi niyon ay lumabas na siya ng suite nito. Huminto siya sa tapat ng pinto ng suite ni Adam. Huminga muna siya nang malalim bago kumatok.
“ANJE wrote this?”
“Oo. So, how is it?” tanong ni Ginny kay Adam.
Tumingin ito sa kanya. “This is good. Unlike you, it seems like your cousin knows how it feels to be passionate about someone,” sagot nito pagkatapos nitong mabasa ang ginawa ni Anje. Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. “Ang akala ko, lahat ng kabanda mo ay kagaya mo. Hindi pala.”
Nanlaki ang kanyang mga mata. “Patingin nga,” aniya at kinuha ang notepad ni Anje. Nag-init ang kanyang mga pisngi pagkabasa niyon.
Tama si Adam. May quality nga ang awiting iyon na wala sa mga isinulat niya. Hindi nag-iinit ang mukha niya o tumatayo ang mga balahibo niya kapag binabasa niya ang mga isinusulat niya. At least… maliban sa lyrics na isinusulat niya ngayon. Pero hindi ko iyon ipapabasa kay Adam kahit ano’ng mangyari.
“Ano’ng masasabi mo?” tanong nito.
Kumurap siya at tumingin dito. “Sa tingin ko, bagay ito roon sa unang ipinarinig mo sa akin,” sagot niya.
Hindi niya naiwasang lumipad ang isip kay Anje. Kailangan niya itong tanungin kung paano ito nakapagsulat ng ganoon. Ano ang nangyari? O mas tamang sabihing… sino ang lalaking tinutukoy nito sa awiting iyon?
Tumango si Adam. “Sa tingin ko rin. Akin na `yan, ia-arrange ko na. At ikaw, stay here and try to make something like that. Though I think it will be impossible for you. Unless you go out there and find someone who will teach you the sensuality you lack,” nakangising pambubuska nito.
Nanggigigil na tiningnan na lang ni Ginny nang masama si Adam. Ngunit tumawa lang ito, pagkatapos ay humarap na sa computer at console nito.
Napayuko siya sa hawak niyang notepad. Pero wala siyang maisip na lyrics na papasa sa panlasa ng binata.
Wala sa loob na inilipat niya ang pahina ng kanyang notepad, partikular sa pahina kung saan niya isinulat ang isang stanza ng lyrics na hinding-hindi niya ipapabasa kay Adam. Pagkatapos ay napatitig siya sa profile nito na nakikita niya mula sa kanyang kinauupuan. Seryosong-seryoso ang mukha nito habang nagtatrabaho. Sa halos isang linggong pagtatrabaho kasama ito, napansin na niya kung gaano ito ka-passionate sa musika. Kapag wala ito sa harap ng computer at console nito ay mukha itong lalaking walang pakialam sa buhay at walang pinagkakaabalahan ng oras.
To be honest, she thought he looked more handsome and gorgeous while he was serious at work, just like that. Tuwing nagtatrabaho si Adam, ang mga mata nito ay halos katulad noong unang beses na nagtama ang kanilang mga mata, when his eyes were filled with intense passion.
Nakatitig pa rin siya kay Adam nang bigla na lamang itong dumeretso ng upo at marahas na lumingon sa kanya. Sumikdo ang kanyang puso nang magtama ang mga mata nila.
“Ginny, if you keep on staring at me like that, I might forget my promise that I will not make a pass at you.”
Nag-init ang mga pisngi niya sa kaseryosuhan sa mga mata niAdam. Bago pa siya makaapuhap ng sasabihin ay biglang tumunog ang telepono sa living room ng suite nito. Nagbawi ito ng tingin at tumayo.
“I’ll get that.”
Lumabas ito at hindi inabalang isara ang pinto. Pagkatapos ay iniangat nito ang awditibo. Wala talaga siyang balak makinig kung hindi lamang niya nahagip ang sinabi nitong nakasundot sa kuryosidad niya. Tumayo siya at bahagyang lumapit sa pinto upang lalo niyang marinig ang pakikipag-usap nito sa telepono.
“`Ma, how did you know I was here? Oh, no wait, you don’t have to tell me. Alam kong kayang-kaya mo akong hanapin.”
Tumaas ang isang kilay niya habang pinagma-masdan si Adam. Magaspang ang paraan nito ng pagsasalita subalit nakikita niya ang pigil na ngiti sa mga labi. Bahagya pa siyang nagulat nang mapansing lumambot din ang ekspresyon sa mukha nito.
Wow, nanay lang niya ang dahilan para lumambot nang ganyan ang mukha niya? Interesting.
Ano kaya ang magiging reaksiyon ng lahat ng mga tao sa hollywood kapag nalaman ng mga ito na ang infamous rock star-s***h-genius composer-s***h-womanizer na si Adam Cervantes ay may soft spot sa ina nito? Napangiti tuloy siya at naaliw na panoorin ang binata.
Napasulyap si Adam kay Ginny. Nalukot ang mukha nito nang mahuli siyang nakikinig.
Nginisihan niya ito. Parang bulang nawala ang takot at pag-aalangan niya rito. Dahil sino ang matatakot sa isang lalaking bumabait kapag kausap ang ina nito?
Hindi pa rin nawawala ang pagkakangisi ni Ginny kahit na tapos nang makipag-usap si Adam sa ina nito.
“Ano’ng inginingisi mo riyan?” paasik na tanong nito.
“Hindi ko lang akalaing malapit ka sa mother mo,” komento niya.
Umismid si Adam. “Iyon ay dahil siya lang ang babaeng puwede kong makasama at makausap na hindi magbibigay ng malisya sa bawat kilos ko.”
Hindi niya naisip na nababahala pala ito tungkol sa atraksiyon ng mga babae rito. “That’s because you’ve been hanging out with the wrong women.”
Natigilan si Adam at napatitig sa kanya. “And what about you? Are you wrong for me too?”
Si Ginny naman ang natigilan sa kakaibang emosyong nabasa sa mga mata nito. Na tila ba napakahalaga para dito ng isasagot niya. Napalunok siya at kinalma ang sarili. “Kung itinatanong mo ako kung pinagnanasaan kita, rest assured, I don’t desire you,” sagot niya.
Nagsisinungaling ka, pambubuska ng isang bahagi ng kanyang isip.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Adam at kahit na halatang itinatago nito ay tila natuwa ito sa sagot niya. “I might take that as a challenge,” nanunudyong wika nito.
“Oh, no. Pinagnanasaan kita araw-araw. So, don’t take it as a challenge,” bulalas niya.
Bigla itong tumawa.
Napatulala siya dahil pakiramdam niya iyon ang unang beses na narinig niya itong tumawa nang totoo. Nagdulot iyon ng mainit na haplos sa dibdib niya at napangiti na rin siya.
Nginitian siya nito. “You’re interesting,” usal nito at hinaplos ang buhok niya.
Itinirik niya ang mga mata. “Sabi ng taong kailan lang ay sinabing boring ang banda ko,” biro niya.
Lumuwang ang pagkakangiti nito saka bumaba ang mga daliri sa dulo ng buhok niya at nilaro-laro iyon. Bumilis ang t***k ng puso niya sa sensasyong dulot niyon ngunit nagkunwari siyang hindi apektado.
“Exactly. Your band is what I find boring. Your packaging is too sweet and safe for my taste. But you, Ginny Vivien, are interesting,” patuloy ni Adam sa mas mababang tinig.
Nagliparan ang mga paruparo sa sikmura niya nang ang kamay nitong naglalaro sa buhok niya ay lumapat sa batok niya. Pagkatapos ay nagsimula itong yumuko. Nanuyo ang mga labi niya. “You said you will never make a pass at me,” mahinang wika ni Ginny.
He smiled sexily as he stared at her. She licked her lips nervously. Bumaba roon ang mga mata nito. “I changed my mind,” bulong nito.
Sa isang iglap ay nakalapat na ang mga labi nito sa mga labi niya.