CHAPTER 16

1352 Words
NAKANGITING pinagmamasdan ni Ginny ang natutulog na si Adam. Nakadapa ito sa kama ngunit nakatagilid paharap sa kanya ang mukha nito. Ang isang braso nito ay nakapatong sa baywang niya. Naalala tuloy niya ang sinabi nito bago sila nakatulog kanina. “I want to make sure that you are still by my side when I wake up. Dahil gusto ko sa pagdilat ko, ikaw ang una kong makikita.” Marahan siyang bumuntong-hininga at bahagyang bumangon. Hindi ito tuminag kaya nakangiti pa rin niyang pinagmasdan ang binata. Kahit tulog ito ay napakaguwapo nito. Binale-wala niya ang p*******t ng ilang bahagi ng katawan niya. She felt a new sense of satisfaction and contentment she never felt before. Making love with him for the first time was the most wonderful experience she ever had. Higit pa noong nanalo silang banda sa music contest na naging susi sa kanilang professional debut. Higit pa sa pagkakapirma nila ng kontrata sa Warner Music USA o sa naglalakihan nilang mga concert sa iba’t ibang panig ng mundo. May kumislap na ideya sa isip niya kaya agad na nilingon niya ang bedside table niya at hinalungkat ang notepad niya roon. Muli niya itong sinulyapan bago nagsulat doon. You never give back. Especially your heart… So, why do you smile at me differently? Why do you touch me so tenderly? They said you didn’t give your heart. But every time I catch you sneaking a glance at me. What is it that I see in the twinkle in your eyes? Isn’t that… love? Napahinto si Ginny at napatitig uli kay Adam. Wala sa loob na pinadaan niya ang mga daliri niya sa matigas at well-toned na likod nito patungo sa kanang balikat nito na may tattoo ng isang tribal design na hindi niya malaman kung ano. Naka-extend iyon hanggang sa kanang braso nito at sinundan din iyon ng mga daliri niya. She was in love with a rock star. Hihimatayin ang mga magulang niya kapag nakita ang mga tattoo ni Adam. Pero dahil mahal niya ito, gagawin niya ang lahat para kumbinsihin ang mga magulang niya na si Adam ang lalaking para sa kanya. Nag-iisip ka na ng ganyan, samantalang hindi pa naman sinasabi sa `yo ni Adam kung mahal ka niya o kung gusto niyang makilala ang mga magulang mo, pambubuska ng isang bahagi ng isip niya. Napalis ang ngiti ni Ginny. Oo nga pala, wala itong sinasabi. Paano kung imahinasyon lang pala niya ang nakikita niya sa mga mata nito kapag nakatingin ito sa kanya? Paano kung normal lang talaga itong mabait at masuyo sa mga babaeng nakakarelasyon nito pero sa huli ay nagsasawa rin ito? At ano ang gagawin niya kapag nagsawa na ito sa kanya? Napakagat-labi siya. Don’t go there, Ginny. Not yet. Inalis niya ang tingin kay Adam at itinuon uli ang atensiyon sa isinusulat niya. You’re dangerous, you’re bad for my heart. But you make me feel things like I’m love struck. Like the taste of the sweetest kiss. Or the hot sensation of your fingertips… You tempt me to give everything… Especially my heart... Will you keep it? Or will you break it? Napatitig si Ginny sa huling dalawang pangungusap. Huminga siya nang malalim upang pawiin ang agam-agam at bahagyang kirot sa puso niya. “Hindi mo pa rin ba tapos isulat `yang lyrics na `yan tungkol sa akin?” Napaigtad siya at awtomatikong naisara ang notepad bago nilingon si Adam. Namumungay pa ang mga mata nito mula sa pagkakatulog. He was so sinfully sexy. “Paano mo naman naisip na tungkol ito sa `yo?” tanong niya nang makabawi. Mabilis na ibinalik niya ang notepad sa pinaglalagyan niyon at nilingon uli niya si Adam. When he smiled slowly at her she felt her insides melt. Umangat ang kamay nito at hinila siya pahiga sa tabi nito. Pagkatapos ay niyakap siya nito sa baywang at isinubsob ang mukha sa leeg niya. Awtomatikong kumalat ang init sa buong katawan niya nang mapaglarong hinalikan nito ang leeg niya paakyat sa tainga niya. “Dahil ayaw mong ipabasa sa akin,” bulong ni Adam bago tumaas ang mga labi sa pisngi niya patungo sa kanyang mga labi. Napakapit siya sa balikat nito at gumanti ng halik. Naging mapusok na ang mga halik at haplos nito nang biglang tumunog ang cell phone ng binata na katabi lang ng cell phone niya sa mesa. Napahinto sila at sabay pang napatingin doon. Ayaw niyong huminto. “Damn, what time is it?” anas ni Adam nang abutin ang cell phone. Nang mabasa nito kung sino ang tumatawag ay umupo ito at marahas na bumuga ng hangin bago iyon sinagot. “Hey, Mike! Yes, of course I’m ready… I will be there asap… Of course, I haven’t forgotten about that. `Bye. See yah.” Kumunot ang noo ni Ginny at napaupo na rin nang matapos makipag-usap ni Adam sa tumawag dito. Ginulo nito ang buhok na para bang frustrated ito sa kung ano. “What’s wrong?” nagtatakang tanong niya. Tumingin ito sa kanya at kinabahan siya nang mapatitig sa mga mata nito. Hindi pa man ito nagsasalita ay alam na niyang hindi niya magugustuhan ang sasabihin nito. “I forgot to tell you last night… I have to go back to the US ahead of all of you. May mga commitment ako roon na nawala sa isip ko at kahapon pa ako kinukulit ng agent ko. Kaya ako nagpunta sa shoot ninyo kahapon para sabihin sa `yo pero nawala sa isip ko.” Parang may mabigat na bagay na dumagan sa puso ni Ginny na hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Adam. Mukhang nabasa nito iyon dahil lumambot ang ekspresyon at hinigit siya palapit. Pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang noo. “Hindi mo ako kailangang tingnan nang ganyan. Babalik din naman kayo sa Amerika, hindi ba? We’ll see each other there,” pag-aalo nito sa kanya. Alam niya iyon. Pero hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Siguro ay dahil sa Amerika, kahit na pareho silang nasa industriya, pakiramdam niya ay magkaibang-magkaiba ang mundo nilang dalawa. Hindi tulad kapag nasa Pilipinas sila na napakalapit nila sa isa’t isa. Pero hindi niya maaaring sabihin iyon dito dahil baka isipin nito na napaka-paranoid niya. “Kailan ang alis mo?” tanong niya. Sinilip ni Adam ang oras sa cell phone nito at bumuntong-hininga. “My flight is in five hours.” Gulat na napalayo siya rito. “Agad?” Huminga ito nang malalim at tumango. “In fact, as much as I want to stay with you, I must go back to my room now. Ano mang oras, darating na ang kinuha kong mga taong magdadala ng mga equipment ko patungo sa airport. Hindi na ako makakapagpaalam sa mga kabanda mo, pero tatawagan ko mamaya ang manager mo. I’m sorry if this is too sudden, Ginny.” Naiintindihan niya ito. May commitment itong hindi nito maaaring hindi puntahan. Ang bilis lang talaga. Pilit siyang ngumiti. “Naiintindihan ko. Sige na at baka mahuli ka pa sa flight mo.” Tila nakahinga ito nang maluwag. Mabilis siya nitong hinalikan sa mga labi bago ito bumangon. Itinaas niya ang mga tuhod at niyakap iyon ng mga braso niya. Pinagmasdan niya itong magbihis. Nami-miss na niya ito hindi pa man umaalis si Adam. Nang matapos magbihis ay muling lumapit si Adam sa kama. Umupo ito sa tabi niya at pinakatitigan siya. “Come here and give me a hug,” wika nito. Hindi alam ni Ginny kung imahinasyon lang ba niya, ngunit ang tingin niya ay nakita rin niya sa kislap ng mga mata nito ang pangungulilang nararamdaman niya sa pag-alis nito. Tumalima siya at niyakap ito nang mahigpit. Matagal silang nagyakap, parehong tila walang gustong bumitiw. “I’ll see you soon,” wika niya. “Yeah.” Niyakap siya nito nang mahigpit bago ito bantulot na kumalas. He kissed her and then he was gone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD