CHAPTER 14

1483 Words
“HINDI ako makahinga sa outfit na ito,” wika ni Ginny nang maisuot niya ang full-leather outfit na ipinasuot sa kanya ng isa sa mga stylist ng Exposed. Naroon sila sa studio para sa photo shoot nila. Ipit na ipit ang dibdib niya sa suot niyang tube na hanggang ibabaw lang ng balakang niya dahilan kaya halos lumuwa ang puno ng mga dibdib niya. Napangiwi siya nang makita ang sarili sa salamin. “Hindi ba masyadong daring ang suot ko?” Nang hindi niya narinig ang sagot ng mga kabanda niya ay nagtatakang nilingon niya ang mga ito. Nakamaang lang ang mga ito sa kanya. Maging ang ibang staff na naroon para tulungan silang magbihis. “Bakit? Ang sagwa?” alanganing tanong niya. “Ginny, ang hot mo,” bulalas ni Anje. Nag-init ang mga pisngi niya nang sumang-ayon ang mga tao roon. “Kayo rin naman, ah,” sagot niya. Umiling si Stephanie. “Wala kami niyan.” Inginuso nito ang dibdib niya kaya lalo siyang nahiya. “Tama na nga. Gawin na natin ang shoot na ito para makapagbihis na tayo,” wika niya sa mga ito. Naipagpasalamat niya na wala si Adam doon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag nalaman niya kung ano ang opinyon nito sa ayos niya. “He will die once he sees you looking like that,” bulong ni Carli sa kanya bago sumunod kina Stephanie na nagtungo na sa bahagi ng studio kung saan sila kukunan ng larawan. The image of Adam’s dark gaze materialized in her mind. His eyes that seemed full of hunger and passion lately whenever she looked at them. Titingnan ba uli siya ni Adam nang ganoon kapag nakita siyang sa ganoong ayos? Ang isiping iyon ay nagdulot ng pagliliparan ng mga paruparo sa kanyang sikmura at nagpakapos sa paghinga niya. She took a deep breath to calm herself. Bago sumunod sa mga kabanda niya.   SHIT. Am I turning into a stalker or what? Naiiling na paulit-ulit na minumura ni Adam ang sarili habang naglalakad sa lobby ng Matias Media and Publishing Company. Ni hindi niya alintana ang mga nakasunod na tingin sa kanya ng mga taong nadaraanan niya o ang tulalang mukha ng receptionist na pinagtanungan niya kung nasaan ang studio ng Exposed. Alam niya na para siyang hangal sa pagpunta roon. Subalit hindi na niya matiis na hindi makita si Ginny. Nakatanggap kasi siya ng tawag mula sa agent niya sa Amerika upang ipaalala ang nakalimutan na niyang commitments doon at kailangan na niyang bumalik sa Amerika bukas. Nakausap na raw nito ang producer ng Wildflowers at pumayag na itong ipagpatuloy ang trabaho nila sa New York kung saan sila nakabase. Pakiramdam ni Adam ay napakaimportante ng iilang oras na natitira para makasama niya si Ginny. Alam niya na magkikita uli sila sa Amerika, but it didn’t put him at ease, not one bit. Gusto niya itong makita. Period. Pagdating niya sa floor na sinabi ng receptionist na kinaroroonan ng studio kung saan nagsu-shoot ang Wildflowers ay agad na nahagip niya ng tingin ang manager ng mga ito na lumabas ng pinto ng nasa dulong silid. Knowing that he will stop him from visiting Ginny, mabilis siyang gumilid at nagtungo sa pinakasulok at tumalikod para hindi siya mapansin nito. Narinig niya ang papalapit na yabag nito at ang boses nito habang nakikipag-usap sa cell phone nito. Bahagya siyang sumulyap at nakita niyang tumayo ito sa harap ng elevator. Ilang segundo itong naroon bago bumukas ang pinto ng elevator at lumulan ito roon. Napangiti si Ginny. Good. Umalis ang bantay. Nagsimula siyang lumakad patungo sa nilabasan nito kanina at nais niyang matawa sa sarili. Para siyang college student na pumupuslit sa dorm room ng isang babae na hindi napapansin ng landlady. Napailing na lang siya sa mga pinaggagawa niya para lang makita si Ginny. Ngunit awtomatikong nawala ang lahat ng iyon nang makapasok siya sa studio at agad na nakita niya ito kasama ang mga kabanda nito sa isang panig. Napaderetso siya ng tayo at napatitig dito. For a moment he was mesmerized and breathless. She was too beautiful and voluptuously sexy with that leather tube top and leather jeans that hugged every curve of her body and emphasized her ample chest. Subalit nang mapansin ni Adam na halos lahat ng lalaki roon ay nakatitig kay Ginny, partikular sa dibdib nito ay nagdilim ang paningin niya at parang gusto niyang magwala. Nais din niyang humablot ng kahit na anong maaaring ipantakip sa katawan ni Ginny. Damn, ilalabas sa buong Pilipinas ang larawan ng dalaga na ganoon ang hitsura? Siya nga ay noon lang ito nakitang ganoon. Nahigit niya ang kanyang hininga nang mapagtanto kung gaano siya ka-possesive kay Ginny. Dati naman ay hindi siya nag-aalala kung halos walang saplot sa mga larawan sa billboard at magazines ang mga babaeng napapaugnay sa kanya. So why did he feel so agitated knowing that millions of men will see her like that? Bakit parang gusto niyang sumigaw ng “She’s mine!” para lang tigilan na ng mga lalaking naroroon ang pagpiyestahan ang katawan nito? Nahagip ng mga mata ni Adam ang isang lalaki na nakatayo di-kalayuan sa kanya at titig na titig din sa banda. Tahimik niya itong nilapitan upang sana ay sawayin sa pag-aakalang kay Ginny rin ito nakatingin ngunit nang makalapit siya rito ay napansin niyang kay Stephanie ito nakatingin. And he had the same hunger in his eyes na alam niyang makikita rin ng kahit na sino sa mga mata niya kapag nakatingin siya kay Ginny. This must be Oliver. Palagi kasing naikukuwento sa kanya ni Ginny ang tungkol dito at kay Stephanie. He felt a sense of kinship with him. Lalo na at alam niya kung gaano kahirap lusutan ang manager ng Wildflowers. “It’s difficult to date a celebrity. You’ve gotta have more courage than that,” wika niya, saka namaywang. Lumingon ito sa kanya at agad niyang nakita ang rekognisyon sa mukha nito. Napangisi siya. “You’re interested in Stephanie, right?” “What?” defensive na tanong nito. Natawa siya. “I can see the signs. I’ve seen you ogling her ever since I came here. I tell you, if you like her, don’t be a chicken and drag her off somewhere. There are so many men who want to have those girls you know. You have to stake your claim.” “It’s not as easy as you say. I don’t want to be the one to create a scandal in their name,” sikmat nito. Ah, he had had enough of reputations and scandals and crap like that. Gusto lang niyang makasama si Ginny at ang lalaking ito ay gusto ring makasama si Stephanie. Why the hell were they making it so difficult? “It is in fact, very easy. Watch me,” puno ng kumpiyansang sabi niya. Pagkatapos ay naglakad si Adam patungo sa direksiyon ng Wildflowers. Deretso ang tingin niya kay Ginny na napansin na ang presensiya niya. Nang magtama ang mga mata niya ay parang may kung anong lumamutak sa sikmura niya. Bigla ay para din siyang pangangapusan ng hininga. God, how did he end up like this? How did he end up so weak when it came to her? Bakit para siyang masasakal sa possessiveness niya rito? At that moment, all he wanted to do was to stake his claim on her, to let everyone in that room know that she belonged to him. At iyon mismo ang ginawa niya. Nang makalapit siya kay Ginny ay walang pagdadalawang-isip na hinawakan niya ang baba nito at siniil ito ng halik sa mga labi. He kissed her deeply, sensuously, possessively, hungrily, as if it had been so long since he last kissed her. Pagkatapos ay pinakawalan niya ang mga labi nito. Nang makita ni Adam ang gulat na mukha ni Ginny at mapatitig sa mga mata nitong may kislap ng emosyong alam na alam niya ay napangiti siya. Pinahid niya ng hinlalaki ang lumampas na lipstick sa gilid ng mga labi nito. Alam niya na magagalit si Ginny sa kanya mamaya. Still he felt satisfied now that he had kissed her. Pagkatapos ay dumeretso siya ng tayo at bumaling sa mga kaibigan nitong nakatulala lang sa kanila. “See you around, ladies,” paalam niya at tumalikod na. Nakita niya ang gulat na mukha ni Oliver at muntik na siyang matawa. Napangisi siya saka tinapik ito sa balikat. “See? It’s easy. And now you will not be the first one to create a scandal in their name. I did,” nakangisi pa ring sabi niya bago tuluyang lumabas ng studio. Ngayon, kaya na siguro niyang maghintay sa suite niya para kay Ginny. Mamaya na lang niya ito kakausapin tungkol sa nakaambang pag-alis niya bukas.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD