CHAPTER 18

1629 Words
HINDI nakahuma si Adam sa labis na pagkagulat na hanggang sa makasara na ang pinto ng elevator kung saan lulan si Ginny ay hindi pa rin niya alam kung ano ang gagawin. What was that? Halos limang oras na siyang naghihintay sa pagdating nito. Katakot-takot na panggigisa ni Mr. Gallante ang tiniis niya para lamang huwag nitong pigilan ang relasyon nila ni Ginny at mahingi na rin dito ang address ng dalaga pero hayun ang isasalubong ni Ginny sa kanya. “Bakit ka ba kasi nandito?” sikmat ni Yu sa kanya. Kumunot ang noo ni Adam nang mapansin ang masamang tingin ng mga ito sa kanya. “Because I’ve been waiting for her for five freaking hours that’s why! And why are you all looking at me like that? What did I do?” nainis na ring tanong niya sa mga ito. Nagkatingnan ang mga ito at sabay-sabay pang humalukipkip. “Nagmamaang-maangan ka pa? Eh, larawan mo na kasama ang ibang babae ang bumulaga sa amin kanina sa LCD screen ng Manhattan! Nakita iyon ni Ginny at umiyak siya nang umiyak. Hindi ka namin mapapatawad sa pagpapaiyak mo sa kanya!” paasik na wika ni Carli. Saglit na naguluhan siya sa sinasabi ng mga ito. “I don’t know what you are talking about.” Umismid si Anje. “Huling-huli ka na, nagde-deny ka pa. Malinaw ang mga litrato ninyo ng babaeng nasa beach, `no? Pati `yong larawan ninyo na lumabas ng hotel. Hindi mo natatandaan? Nakakalimutan mo agad kung sino ang mga babaeng kasama mo gan’on?” Napikon na siya sa mga ito. “Ano ba’ng mga problema ninyo?” Pagkatapos ay biglang tumimo sa kanya ang mga sinasabi ng mga ito at nalinawan siya. “It was not like that. It was a photo shoot for a clothing company’s summer collection. Makita n’yo lang na may kasama akong babae sa isang picture, iniisip n’yo na may relasyon kami? What the f**k! Hindi ko lolokohin si Ginny. I even talked to your f*****g producer just so he would allow me to date her,” galit na sikmat niya sa mga ito. Kung hindi lang mga kaibigan at kabanda ni Ginny ang mga ito, hindi na niya alam kung ano ang nagawa niya sa mga ito. Mukha namang nagulat ang mga ito sa sinabi niya pagkatapos ay nagkatingnan. Nang muling tumingin ang mga ito sa kanya ay hindi na galit ang mga ito. “Ginawa mo `yon? You are… really serious about her?” paniniyak ni Stephanie. “Of course. I love her dammit,” naiinis pa ring sagot niya. Muling nagkatinginan ang mga ito. “Well, iba ang paniwala niya. Hindi mo siguro sinabi sa kanya `yan kaya umiiyak siya ngayon,” sabi ni Carli. “At hindi mo man lang ba siya balak sundan? Baka kung ano’ng mangyari sa kanya kapag nakilala siya ng mga tao,” sabi ni Yu. Natigilan si Adam. Pagkatapos ay marahas siyang napamura at patakbong nagtungo sa elevator. Kailangan niyang makausap nang masinsinan si Ginny. My God, woman, you are really driving me crazy.   MARAHAS na pinahid ni Ginny ang mga luha niya nang mapansin na niya ang mga taong napapatingin sa kanya. Gusto niyang pagalitan ang sarili na naisip pa niyang lumabas ng building nila. Hayun tuloy siya, sa kalagitnaan ng maraming tao habang abot-tanaw ang malaking LCD screen sa di-kalayuan na ngayon ay para siyang inaasar na pinapakita na naman ang balitang iyon tungkol kay Adam at sa kung sino mang modelo na iyon. “Mukha akong tanga,” bulalas ni Ginny. Malakas ang loob niyang magsalita nang mag-isa dahil alam naman niyang hindi siya naiintindihan ng mga tao sa paligid niya. Hindi na rin niya alintana ang pangilan-ngilang pag-flash ng camera. Malamang nasa Internet na ang mga larawang iyon bukas. O baka nga mamaya lang. Malalagot siya kay Rob at lalo na kay Mr. Gallante. I’m pathetic. Dapat na yata akong bumalik. Sana wala na siya roon. Huminga siya nang malalim at kumilos upang bumalik sa pinanggalingan niya. Ngunit napasinghap siya sa kamay na biglang humablot sa braso niya at buong puwersang hinarap siya. Napasandig siya sa matigas na katawan ng lalaking kilalang-kilala niya. Awtomatikong nagrigodon ang puso niya nang sa pagtingala niya ay nasalubong niya ang mga mata nito. Adam. Bakit ba kahit nasasaktan siya sa mga oras na iyon ay nag-uumapaw pa rin ang pagmamahal niya para dito? Bakit ba sa kabila ng katotohanang alam niyang habang wala siya ay nasa piling ito ng iba, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang ipaikot ang mga braso sa leeg nito at kusa itong halikan sa mga labi? Just why, why did she have to fall deeply in love with him? “Why did you run away without even trying to talk to me? Ganoon lang ba kababa ang tingin mo sa akin? Ganoon lang ba kababaw ang tingin mo sa namagitan sa atin sa Pilipinas? Na sa tingin mo, basta-basta ko na lang iyon makakalimutan? Do you think that after what happened between us, after what you made me feel, I will just go and hop into bed with somebody else? I thought you knew the real me!” nanggigigil na singhal ni Adam. Mukhang kahit ito ay walang pakialam sa mga taong nasa paligid nila na tuluyan nang huminto para makiusyoso sa kanila. Nag-init na naman ang mga mata niya. “Ang akala ko rin. Pero bigla kong naisip paano kung hindi pala talaga kita kilala? Paano kung isa na naman ako sa mga babaeng dumaan sa buhay mo? Nang makita ko ang mga iyon.” Itinuro niya ang LCD screen. “Pakiramdam ko, para akong sinaksak at ginising sa katotohanan. Adam, ganoong mga babae ang gustong-gusto mo, ang mga nakasama mo noon. At pinagsawaan mo silang lahat. Paano ako makakasiguro na hindi ka rin magsasawa sa akin kung mas maganda silang lahat kaysa sa akin? How could I be so sure when I don’t even know how you feel about me?” “I love you, damn you!” nanggigigil na sigaw ni Adam at hinawakan siya sa magkabilang balikat na para bang ano mang oras ay yuyugyugin na siya sa labis na frustration. Napamaang lang si Ginny nang magtama ang mga mata nila at makita ang sinseridad sa mga mata ni Adam sa kabila ng inis nito. “I love you. For the first time in my life, I fell in love with someone. What happened between us is very special to me. You are very special to me, Ginny. Hindi kita pagsasawaan dahil kapag nawala ka sa akin, malaki rin ang mawawala sa akin at ayokong mangyari `yon. Ikaw lang ang tanging babaeng nagpasaya sa akin nang ganito, ang tanging babaeng ilang oras ko pa lang hindi nakikita ay nami-miss ko na agad, the only woman I want to kiss forever, the only woman I want to sleep with and wake up next to. The only woman I don’t want to share with anyone else and the only woman I want to be with for the rest of my life. You are the only woman who could make me create so many songs just by thinking of you. You are my muse and I can no longer live without you. “Alam ko na marami akong kagaguhang ginawa sa buhay ko. Alam ko na hindi maganda ang reputasyon ko at matagal bago ko mapapaniwala ang lahat ng tao sa buong mundo na nagbago na ako. But at least, I want you to believe me, Ginny,” seryosong sabi ni Adam. Lumambong ang mukha nito at nawala na ang inis. Ang isang kamay nito ay umangat at humaplos sa pisngi niya. “I love you,” sinserong usal nito na tumagos sa puso niya. Tumulo ang mga luha ni Ginny. “Kung ganoon, ano `yon?” aniyang hindi inaalis ang tingin dito. Subalit mukhang alam ni Adam kung ano ang tinutukoy niya. Bumuntong-hininga ito. “Silly, that was just from a photo shoot for a clothing company. Iyong larawan na lumabas kami ng hotel, hindi lang kami ang magkasama ro’n. The whole crew was with us. Believe me,” wika nito. Huminga siya nang malalim saka tumango. “Naniniwala ako sa `yo. I’m sorry if I doubted you. Nag-panic lang ako. I… I just love you so much that it scared me. I cannot bear the thought of you not loving me,” bulong niya. Hiyang-hiya sa kagagahan niya. Hinapit siya nito at siniil siya ng halik sa mga labi. Nagkaingay sa paligid at kumislap ang mga flash ng camera. Saglit na gumanti siya ng halik bago siya kumalas. “Mababalita tayo bukas.” He smiled devilishly. “Oh, I am excited to be involved in a scandal with you,” usal nito at muli siyang hinalikan. Muli ay pinigilan niya ito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. “Magagalit sa akin sina Mr. Gallante at Rob.” Kumislap ang mga mata nito. “Don’t worry about them. I already took care of them.” Kumunot ang noo niya. “Paano?” “I talked to your producer about you. I asked for his permission to be with you, and after hours of talking to him and promising to have a collaboration with your music label, he said ‘yes.’” Namilog ang mga mata niya at napangiti na rin. “That’s great.” “Yes. Great,” bulong nito at muli siyang hinalikan sa mga labi. “It’s great that I have found you.” Napangiti siya at sa pagkakataong iyon ay buong puso siyang tumugon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD