EPILOGUE

750 Words
One year later   WALANG natatandaan si Adam na kinabahan siya nang ganoon sa buong buhay niya. Ngayon lang. At pakiramdam niya kapag hindi pa natapos ang tensiyon na iyon ay babaligtad na ang sikmura niya. Pakiramdam din niya ay nasasakal na siya sa kuwelyo ng polo na isinuot niya para sa araw na iyon. He was missing his typical shirt already. Napalingon siya kay Ginny nang maramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. Nang magtama ang mga mata nila ay bumakas ang amusement sa mga mata nito. Pinagtatawanan pa yata siya nito. “Relax ka lang, they are cool,” panunudyo nito. Bumuga siya ng hangin. “Are you trying to torture me? Wala naman akong ginawang hindi mo gusto, `di ba? I’ve been good,” bulong niya rito. Ngumiti nang matamis si Ginny at humilig sa balikat niya. Bahagya siyang nakalma nang maramdaman ang katawan nito sa tagiliran niya. It had been a year but she still had that effect in him. Katunayan habang lumilipas ang mga araw ay lalong tumitindi ang epekto nito sa kanya. And he didn’t mind. Mahal niya ito. He never thought it would feel this good to love someone. “What?” tanong nito nang marahil ay mapansin ang pagkakatitig niya sa mukha nito. Ngumiti siya at akmang hahalikan ito nang makarinig sila ng tikhim. Sabay silang napalingon at nang makita niya ang may-edad na mag-asawa ay napaderetso siya ng tayo. Bumalik na naman ang tensiyon niya. “Dad, Mom,” masayang bati ni Ginny sa mga magulang nito. Kumalas ito sa kanya at yumakap sa mga magulang nito. Siya naman ay hindi alam kung ano ang gagawin kaya nanatili lamang na nakatayo roon. “I would like you to meet Adam,” masayang sabi ni Ginny. Bumaling ito sa kanya at ngumiti nang matamis. Lumapit siya sa mga ito. “How do you do, Sir, Ma’am,” magalang na bati niya at kinamayan ang mga ito. “We have heard so much about you,” nakangiting sabi ng ama ni Ginny. Ngumiti siya nang matipid. “Nasabi nga ho ni Ginny na madalas siyang magkuwento sa inyo,” magalang na sagot niya. “Actually, sa Internet kami mas maraming nalaman tungkol sa `yo,” sagot ng mommy nito. “Mom,” saway ni Ginny sa mommy nito. He smiled guiltily. “Nagbago na ho ako,” sagot niya. Humalukipkip ang ginang. “Hindi ako magiging kumbinsido hangga’t hindi mo pinakakasalan ang anak ko.” “Mom!” muling saway ni Ginny. Nang sulyapan niya ito ay mapulang-mapula na ang mukha. Nanghihingi ng paumanhing tiningnan siya. Napangiti siya. “It’s okay, honey. I really plan to marry you this year,” sabi niya. Nanlaki ang mga mata nito at napamaang sa kanya. “Ano?” Inakbayan ni Adam si Ginny at sa halip na sagutin ito ay hinarap niya ang mga magulang ni Ginny na gulat ding nakatingin sa kanila. “Pasensiya na ho kung ganito ang naging pagpapaalam ko. Ang balak ko sana, liligawan ko muna kayo ng mga… thirty minutes bago ko sabihin na gusto kong pakasalan ang anak ninyo,” sabi niya sa mga magulang ni Ginny. Nagkatinginan ang mga ito pagkatapos ay muling tumingin sa kanila. Bigla ay sabay na tumawa ang mga ito na tila ba aliw na aliw. Pagkatapos ay nakangiti na siyang tiningnan ng ina nito. “Mabuti naman. Sandali at magpapadagdag ako ng pagkain. We have to celebrate. Sa wakas maaasikaso ko na rin ang kasal ng unica hija ko,” usal nitong lumakad patungo sa kusina. “Susundan ko lang siya dahil baka sumobra ang ipahanda niya, aapat lang naman tayo,” wika ng ama nito na kinindatan pa siya. Napangisi na siya habang nakasunod ng tingin sa mga ito. Pagkatapos ay niyuko niya si Ginny na tahimik pa rin at nakamaang lang sa kanya. Hinaplos niya ang mukha nito. “Honey, do you have any objections?” tanong niya. Kumurap ito. “Well, nothing. Nakakainis ka naman. Ganoon ka lang magpo-propose sa akin?” tanong nito. Tumawa siya at hinalikan ito sa mga labi. “Then forget I asked. Magpe-prepare ako para sa proposal ko,” biro niya. Napangiti na rin ito at yumakap sa kanya. “Nah. Okay na ito. I love you, Adam Cervantes.” “And I will always love you, my soon-to-be Mrs. Cervantes,” bulong niya. Nagngitian sila at kahit walang salita alam niyang nagkaintindihan sila.         •••wakas•••  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD