HALOS maligo ng pabango si Micah. Hanggang hindi pa siya nakaganti sa mga lalaking gumahasa at pumatay sa kaniyang stepsister. Hindi pa siya dapat makilala ni Liam Montemayor. Maging sagabal ito sa plano niya. Kaya sa ngayon kailangan muna niyang tiisin ang sarili. Kahit miss na miss niya ang binata pero hindi pa oras.
“Ano ba yan ang baho! Alam mo na ayaw ko ng pabango tapos parang nananadya ka?” inis na sigaw ni Lady Monster sa kaniya.
“Sino ba ang nagsabi sayo na pumunta ka dito sa penthouse ko?” singhal niya kay Princess Maxine Raccia.
“Baliw ka, ang sabi mo may misyon tayo tapos tatanungin mo ako ng ganyan?”
“Oo nga kaya lang bakit ka ba nagpunta dito? Ganito na lang lumayo ka sa akin ng hindi mo maamoy ang pabango ko. Kailangan ko lang talaga itong gawin, dahil last time muntik na niya akong nakilala.”
“Bakit ba kasi ayaw mo pang lumantad?”
“Kailangan ba paulit-ulit? Nasabi ko na sa inyong lahat ang dahilan ‘di ba?”
“Eh, kung sabihin ko sayo na meron umaaligid sa mahal mo na hot, sexy and beautiful. Ano sa akala mo ang mangyayari sayo. Kapag nabaling ang atensyon ng lalaking yon sa iba? Sigurado iiyak ka at malamang pa ay magpakamatay dahil sa kabiguan.”
“Sino ang babaeng yon at kailan mo pa alam ang tungkol doon?”
“Anak ng politician kaya sigurado mahihirapan kang bawiin ang mahal mo kapag nakuha siya ng babaeng yon.”
“Halika na at baka makaalis pa ang mga tarantadong yon.” ayaw muna niyang isipin ang tungkol sa babaeng yon.
“Kasama ba nagin ang buong tropa?” tanong ni Lady Monster.
“Oo, except Lady Red, dinala siya ni Levi, sa ibang bansa.”
“Okay, let’s go!”
Pagdating sa baba ay nagkanya kanya silang sakay ng big bike. Sumisigaw pa talaga itong si Lady Monster. Kakaiba talaga, basta misyon masayang masaya ito. At sa totoo lang hindi na mabilang sa mga kamay nila ang buhay na kinitil. Ang nagbibigay na lang ng konswelo sa kanila ay mga kriminal ang pinatay nila. Ganun pa man kasalanan sa Diyos ang pumatay. Pero kung hindi nila yon gagawin. Mas maraming inosenteng tao ang mapapahamak.
Eleven ng gabi sa pambisig niyang orasan. At thirty minutes na lang ang natitira. Habang mabilis ang takbo niya sa kadiliman ng gabi. Bumalik sa isipan ang araw na pinagsamantalahan ng tatlong lalaki ang stepsister niya. At kasama sana siya kundi siya tinulak ng kapatid sa ilalim ng kama. Nasa high school siya noon habang ang kapatid niya ay nasa colegio.
At kahit may kadiliman ang kwarto ay aninag niya kung paano walang awa na ginahasa ang Ate niya. Pagkatapos ay brutal pa na pinatay.
Nais niyang sumigaw at lumabas sa pinagtataguan. Hindi niya magawa, nangako siya sa kapatid na mananatili doon at ligtas. At upang hindi lumabas ang impit niyang iyak ay tinakpan niya ng dalawang palad ang kaniyang bibig. Ang tangi niyang nagawa ay panoorin ang mga demonyo.
Hanggang hindi niya makayanan ang ginawang pagpapahirap sa kapatid at nagdilim sa kaniya ang lahat. Nang magising siya ay wala ng buhay ang kapatid. Saka pa lamang siya nakatawag ng tulong ngunit huli na.
Simula ng gabing yon sumumpa siya sa sarili na maghihiganti upang makuha ang hustisya. Dahil ang kaso ng kapatid ay binasura lang ng korte. Ang tatlong lalaking gumahasa at pumatay sa kapatid ay anak ng mga politician. Mataas ang pwesto sa gobyerno kaya na balewala ang kaso.
Kundi pa nanlalabo ang paningin niya dahil sa luha hindi siya babalik sa realidad. Bahagya siyang nag minor at binuksan ang salamin ng helmet niya. Pinunasan ang luha at saka muling sinara ang helmet.
Naramdaman niya na nag-vibrate ang kaniyang cellphone. Kaya pinindot niya ang accept call, sa mismong gilid ng helmet niya. Lahat ng helmet nila na magkakaibigan ay customize. Pinasadya nilang lagyan ng bluetooth at speaker. Sa mismong tapat ng taenga. Upang kahit nasa highway sila kagaya ngayon. Nakakapag-usap sila ng buong tropa.
“Ten minutes more, pagdating namin diyan diretso na agad tayo sa target.
“Copy, Lady Frozen.”
Agad niyang pinindot nag end call. Pagkatapos ay bahagyang lumingon kay Lady Monster. nag-thumbs up naman ito sa kaniya. Kita sa maliwanag na ilaw ng mga poste sa highway. At ilang minuto pa ay lumiko na sila sa pinakahuling kanto.
May kumislap na ilaw, signal na nasa gilid ng kalye ang buong tropa. Huminto sila at tahimik na bumaba ng big bike. Pagkatapos ay hinubad ang helmet. Kinuha sa bulsa ng jacket ang night vision eyeglasses. Saka yon sinuot at nakita niya ang mga kaibigan nakatayo ang mga ito sa tabi ng mga motor.
“Let’s go!” anunsyo niya sa lahat bago nag kanya kanyang nawala sa dilim. Ang usapan nila ay sampung minuto lang dapat clear lahat ang hideout ng mga kriminal. Wala siyang pakialam kung anak ng mga politician ang mga ito. Matagal niyang pinaghandaan ang mga yon. Kinapa pa niya sa bulsa ang tatlong litrato ng kapatid habang duguan ito. Lahat sila ay may kopya ng mga litrato. Magkakaiba lang pero lahat yon ay eksena ng panggagahasa at pagpatay sa kapatid niya.
Nang masiguro na naroon ay muling ipinagpatuloy ang mabilis na lakad. Bawat madaanan niya ay laslas ang lalamunan.
Subalit biglang may sumigaw--- “Assassin!” ganun pa man agad na bumugta iyon sa semento. Alam niya si Lady Samurai, ang pumutol sa ulo ng lalaki. Ang kilos nito ay kilala niya sa suot na night vision eyeglasses.
Limang minuto ang nakalipas. Biglang nagliwanag ang paligid. Subalit walang isa mang tao ang kwarto. At may mali sa pangyayari. Kaya mabilis siyang nagsalita sa suot a earpiece. Sinabi niyang isara ang ilaw.
Ilang segundo pa ang lumipas nakarinig sila ng ungol ng babae. Agad na pumasok si Lady Frozen sa isa pang silid. Dalawang babae ang nakahandusay sa sahig. Duguan ang mga ito at mukhang nasa paligid pa ang mga kriminal. Kaya sa halip na lapitan ay tinalon niya ang wall hanggang nakaakyat siya sa kisame.
Hindi nagtagal at muling nagliwanag ang paligid. Kitang kita niya ang isang lalaki. At hindi niya ito makakalimutan. May hawak itong dalawang silencer gun. Nang sumara ang pinto ay mabilis siyang tumalon. Sabay sipa sa hawak nitong baril, tumalsik ang nasa kanang kamay nitong baril. At nag pambunot na silang dalawa.
Ngunit bigla siyang nakaramdam ng kirot sa tagiliran. At alam niya daplis ng bala iyon. Nabitawan din niya ang lalaki at tinutukan siya nito ng baril. Nagngalit ang bagang niya sa galit. Ngunit hindi siya makakilos dahil isang maling galaw ay babarilin siya nito.
“Ayos, ang ganda mo pala. Mga kagaya mo ang magbibigay ng satisfaction sa akin.” sabay ngisi pa nito. Ngunit nang kakalabitin nito ang baril biglang tumalsik iyon mula sa kamay nito. Dalawang lalaki ang nakatayo sa nakabukas na pinto. At napamura siya ng lihim nang makilala si Liam Montemayor.
Kaya ng makalingat ang mga ito ay agad siyang tumalilis ng labas. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking yon dito? Biglang may nagsalita sa suot niyang earpiece.
“Mission abort, let’s go!” agad silang nawala sa dilim.
Isang minuto pa ang lumipas at narating niya ang kina paradahan ng mga motor nila. Nagkanya kanyang sakay at nang kumpleto na sila ay saka nila pinidot ang on engine. Saka sumibad na sila sa kadiliman ng gabi.
Pagdating sa sa highway ay bumagal ang takbo ng mga kasamahan. Naramdaman ni Micah, nag vibrate ang cellphone niya. Kaya agad na inaaccept ang call sa pamamagitan ng pag pindot sa gilid ng helmet.
“Isa sa tatlong kriminal ay paglalamayan na ng pamilya niya.” boses iyon ni Lady Beast.
“Sorry, pumalakpak ako.” aniya kay Lady Beast.”
“Ayos lang ang mahalaga napitas na ang isa sa tatlo.”
“Nailagay mo ba ang picture ng kapatid ko sa ibabaw ng bangkay niya?”
“Yeah.”
“Thank you, Armeh.”
“You’re welcome, Micah.”
“Magkita tayo sa penthouse ko, hihintayin ko kayo doon.” aniya.
“Copy.”
Pinasibad na niya ang kaniyang big bike. Pagdating sa basement parking ay agad na iniwan ang big bike niya at tinungo na ang private elevator. Hindi mawala sa isipan si Liam, ibig sabihin ba ay nasa misyon din ang SA? Pero sino ang target ng mga yon?
Pagpasok niya sa kaniyang penthouse ay nagulat siya naroon na agad si Lady Monster.
“Saan ka dumaan at nasaan ang big bike mo?”
“Aba hindi mo nakita ay nakaparada sa gilid ng sasakyan mong puti?”
“Oh, kaya pala hindi ko nakita doon ako nagparking sa mismong big bike parking.”
“Magluluto ako, halika tulungan mo ako sigurado mga gutom ang mga yon.” ani Princess Maxine Raccia.
“Sandali may daplis ako ng bala.” aniya.
“Ha? Saan at sino ang may kagagawan?”
“Ang lalaking target ko at kung hindi dumating si Liam, at kasama niyang isa. Baka pinag lamayan nyo na rin ako ngayon.”
“B*tch! Bakit ka ba naunahan ng gagong yon?”
“Sabi ko nga pumalpak ako sa misyon natin kaya ito ang nangyari sa akin.”
“Akina ako ang maglilinis at maglalagay ng bandage.” inagaw sa kaniya ni Lady Monster ang medical kit. Kaya naupo na lamang siya at hinayaan ito.
“Sa palagay ko iisa ang target natin at nang SA.” aniya sa kaibigan.
“Sa tingin ko tama ka, talagang timing pa ang pag lusob nila. Hindi ko lang sigurado kung nakita ng SA, ang ibang kasama natin.”
Na tigil sila sa pag uusap ng dumating ang buong tropa.
“Anong nangyari diyan sa tagiliran mo, Micah?” tanong ni Lady Samurai.
“Nadaplisan ng konti at mababaw lang naman ang tama kaya ayos lang ako.” hindi rin naman nagtagal at nalagyan na ng bandage. Kaya nagtungo na sila sa kusina, kasunod ang tropa.
“Anak ni Vice Governor Mendez, ang napitas sa tatlo. Buksan nyo pala ang tv, sigurado nasa balita na ang pangyayari.” ani Lady Beast.
Agad na dinampot ni Dyosa ng Kagandahan ang remote. Saktong pagbukas ay flash report, nakabalandra ang bangkay ng ikatlong anak ni Vice Governor Mendez. Nasa ibabaw ng katawan nito ang larawan nito habang ginagahasa ang isang babae.
Hindi napigilan maging emosyonal ni Micah, tumulo na naman ang luha niya. Ngayon unti-unti na niyang nakakamit ng hustisyan para sa kapatid.