NAGISING si Liam, sa ingay na naririnig. Pag sulyap niya sa orasan ay alas-tres ng hapon. Ganun katagal siyang nakatulog?
Nag iinat na bumangon at lumabas ng silid. Napakunot noo siya ng makita ang kapatid na panganay. Nasa tabi nito ang bunso sa kanilang tatlo na si Levi.
“Anong katarantaduhan ang pumasok diyan sa isipan mo at nag-hire ka ng napakaraming babae?” tanong ni Luke.
“Ha?” Halos magdikit ang kilay niya sa naririnig. At agad niyang sinulyapan ang driver bodyguard niyang si Mike.
“Boss Liam, dumating na ang mga babaeng pinalathala mo. Naroon sila sa basement at naghihintay sayo.”
“Oh, nakalimutan ko… teka bakit sa basement mo pinapunta?” Tanong niya kay Mike. Hindi niya pinapansin ang kapatid na panganay. Dahil pag sumagot siya sigurado lalo itong magagalit sa kaniya.
“Saan pala dapat, Boss Liam?”
“Dalhin mo sa hideout at susunod ako doon.” aniya kay Mike.
“Okay, wala ka na bang ibang ibibilin?”
“Tatawagan na lang kita kapag kailangan o may ipapagawa ako.”
“Sige, aalis na ako.”
Tumango na lang si Liam, at nang makaalis ang driver bodyguard niya ay humarap siya sa dalawang kakambal.
“Hindi ninyo ako maintindihan kahit sabihin ko sa inyo dahil hindi kayo ako. Hindi rin kayo ang may ganitong pakiramdam na parang nababaliw na sa araw-araw.”
“Bakit hindi mo ipaliwanag sa amin kung ano ang problema mo bago ka gumawa ka ng ganyan kagaguhan?” Galit pa rin sagot ni Luke.
Sa halip na sumagot ay tinalikuran niya ang dalawa at nagtungo siya sa coffee room. Ngunit sinundan siya ng kapatid na si Levi.
“Kuya Liam, ano ba talaga ang dahilan mo bakit ginawa mo iyon?”
“Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. At iyon lang ang paraan upang mahanap ko siya.”
“Sa akala mo ba makikita mo ang taong ayaw magpakita sayo?”
Lumingon siya sa kakambal, “anong ibig mong sabihin?” Kunot noo siya bakit parang may alam yata ang kapatid?
“Kahit anong gawin mong paghahanap sa kanya, Kuya Liam, kung ayaw ka niyang makita o makaharap. Hindi mo talaga siya mahahanap.”
“Bakit mo nasabi yon… unless may alam ka? O tamang sabihin na kilala mo siya?”
“Wala akong idea, pero baka alam niyang hinahanap mo siya kaya nagtatago.”
Napaisip si Liam, ganun pa man ay hindi siya susuko. Hahanapin niya ang tanging babae na nais niyang makasama sa buhay.
“Aalis na ako, alam ko nauunawaan nyo rin ako. Lalo at may asawa na kayong dalawa. Ang sakit dito sa dibdib at ang hirap sa kalooban. Yung alam mong sa kanya ka lang magiging masaya. At kahit hindi mo siya nakikita ay patuloy na umaasa ang puso mo. Kahit alam mong walang kasiguraduhan ay hindi ka pa rin sumusuko.” saka tumalikod si Liam at bumalik sa kanyang silid.
Matapos makapag bihis ay dinampot ang kaniyang cell phone at pinasok sa bulsa. Paglabas niya ay wala na ang dalawang kakambal.
Pagdating sa baba ay naghihintay na ang mga bodyguard niya. Pinagbuksan siya ng pinto ng mga ito. At nang makasakay ay binigay niya ang location. Ang lugar na kailangan nilang puntahan.
Dinukot sa bulsa ang cellphone at tinawagan si Mike. I will be there within a few minutes. I’m on my way.” bago muling pinasok sa bulsa ang cellphone. Sumandal at pumikit bumalik sa isipan ang sinabi ng dalawang kakambal.
Binalikan niya sa isip ang alaala ng gabing yon sa barko. Malinaw pa rin sa isipan ang dragon tattoo sa likuran ng babae. Na hanggang ngayon hindi pa rin nagpapa tahimik sa kanyang puso at isipan.
Tila nagulat pa siya ng huminto ang sasakyan at pinag buksan siya ng pintuan. Inayos ang suot na eyeglasses saka bumaba. Iginiya naman agad siya ng mga tauhan papasok sa loob. Nadaanan niya ang napakaraming babae. Lahat nakatingin sa kaniya ang mga ito. At hindi iyon lingid sa paningin niya. Makikita ang admirations sa mga mukha nito. Ang iba ay hantaran agad kung magpapungay ng mga mata.
Ganun pa man hindi siya apektado ang tanging hangad niya ay mahanap ang babaeng laman ng puso niya.
“Boss Liam, magsisimula na ba tayo?”
“Yes, lima bawat pasok nila dito… wait na briefing mo na ba sila sa kanilang gagawin?”
“Oo, Boss Liam.”
“Good! Magsimula na tayo,” saka siya umupo sa upuan malayo kung saan pupwestuhan ng mga babae.
Bumukas ang pinto at limang babae ang pumasok. Agad niyang pinagmasdan ang mga ito saka inutusan tumalikod.
“Remove your blouse.” balewala niyang utos sa mga ito. At isa-isang ginawa ang nais niya. Subalit ang isang babae ay biglang humarap. Walang takip ang dibdib nito at nakabuyangyang sa mga mata niya.
“Go!” taboy niya sa limang babae. Pagkatapos ay sumandal at pumikit. Ngunit agad din napadilat ng madama ang mainit na hangin sa kaniyang tenga. Pagmulat ng mata ay malapit na siyang halikan ng babae. Kaya mabilis itong tinulak palayo.
“Get out!”
“Why are you pushing me?” tanong pa ng babae.
“Malinaw ang binigay sa inyo na instructions. Likuran nyo lang ang nais kong makita! Get out!”
“Damn you, idiot!” pagmumura sa kanya ang babae. Kaya agad na suminyas siya kay Mike.
Limang babae ang muling pumasok at agad na tumalikod sa pwesto niya bago naghubad. Umiling siya at agad na pinalabas ang mga ito. Samantala ang babaeng nagtangka na halikan siya ay pinaupo ni Mike. Binigyan ng inumin at hinayaan ubusin nito iyon. Ilang minuto pa ay nakita niyang namumungay ang mga mata nito.
Agad na pinindot ang intercom. Nang pumasok ang isang tauhan ay mabilis na suminyas si Liam. At agad na binuhat nito ang babae pagkatapos ay tinulak ang salamin. Bumukas iyon at pumasok ang mga ito doon.
Lumipas pa ang bawat minuto, hanggang natapos ang checking. At bigo si Liam, wala sa mga babaeng yon ang hinahanap niya. Tumayo na siya at pinaubaya na niya kay Mike, ang p*****t sa mga babae.
Nang makalabas ay agad na sumakay sa sasakyan. Pagkatapos ay nag-send siya ng mensahe sa tauhan na kumuha doon sa babae. Kailangan niya ang video at walang dapat nakakita non.
Back to normal ang lahat. Balik siya sa trabaho. Ngunit hindi siya makapag focus. Kaya maagang nag out. Sakay ng sports car niya patungo sa racing field. Doon muna siya magbabad, alam niya naroon ngayon ang pinsan niya at nagpa practice. Manunood lang siya upang may paglibangan.
Hindi na siya nagsama ng mga bodyguard. Hindi naman kalayuan ang racing field.
Nasa highway na siya ng may namataan dalawang big bike. Mabilis ang takbo ng mga ito na tila may hinahabol. At familiar sa kanya ang mga gamit na big bike. Kaya sa halip na lumiko siya sa unang intersection ay hindi niya tinuloy. Sinundan ang dalawang babae.
Subalit parang nais niyang pagsisihan bakit naisipan niyang sundan ang mga ito. Dahil umabot na siya sa parte ng Laguna. Bigla din nawala ang dalawang naka big bike. Kaya nag minor siya at huminto nakikiramdam din sa paligid.
Ngunit talagang naglahong parang bula ang dalawa. Akmang aalis na siya ng may lumitaw na big bike sa harapan ng sports car niya. Tapos isa sa gilid ng sasakyan. Kaya hindi siya nakapag maniobra.
Kinatok siya ng isang nasa gilid, bagamat nakasuot pa ito ng helmet. Pero ang mga mata nito ay familiar sa kaniyang paningin.
Napilitan siyang buksan ang sasakyan at lumabas. “Anong kailangan nyo sa akin?” tanong niya sa dalawang babae. Ngunit dulo ng baril ang sagot ng mga ito.
“Ikaw ang dapat namin tanungin, bakit mo kami sinusundan?”
Mabilis na gumana ang isipan ni Liam. “at bakit ko yon gagawin? Sino ba kayo sa inaakala ninyong dalawa?”
“Shut up!”
Bago siya tinutukan ng baril. Sa bilis ng pangyayari ay nag-agawan silang dalawa. At nang mapalapit sa ilong niya ang mukha ng babae. Nalanghap niya ang kahalihalina nitong bango. Subalit bigla siyang tinulak ng malakas. Sabay sakay nito sa big bike at agad na nawala sa paningin ni Liam.
Naiwan siyang nakatingin pa rin sa likuran ng mga ito. Pero ilang segundo lang ay tuluyan ng naglaho ang mga iyon. Saka pa lang na realize ni Liam ang amoy ng babae. At napamura siya ng tuluyang luminaw sa alaala na ang amoy na yon ang babaeng matagal na niyang hinahanap.
Wala siyang nagawa kundi magmura at sisihin ang sarili habang papasok sa loob ng kaniyang sasakyan.
Tangna! Nasa kamay na niya nawala pa!” pagmumura niya bago pinaharurot ang sasakyan pabalik ng Manila.