EPISODE- 4

1416 Words
SA loob ng vip room dito sa isang sikat na bar. Ang tambayan nilang magkakaibigan. Dati hindi sila mahilig pumasok sa loob ng pribadong silid. Mas gusto nila sa bar counter maupo at uminom. Mula ng magkaroon ng isyu sa pagitan ng mga customer at staff. Sinubukan nilang gumamit ng kwarto na tanging sila lang ang naroon at nagagawa ang bawat naisin. “Saan ka ba galing, Armeh?” Tanong ni Micah.” “Sinundan ko si Savannah.” “Bakit anong meron sa kaniya at nasaan siya ngayon kung sinundan mo?” “Ayon naririto pala ang asawa niya at dinala na siya pauwi.” “Paano nalaman na naririto tayo?” “Hindi ko rin alam basta bigla na lang lumitaw.” “Sinong kasama ni JLM?” “Hindi ko rin alam, bakit iniisip mong naririto din ang lalabs mo?” “Wala ka bang alam sabihin kundi hindi mo alam? Saka bakit ko naman yon iisipin sa anong dahilan?” “Kung ganun halika at tingnan mo pinapapak na ng ibang babae si NLM.” “Akala ko ba hindi mo alam?” nakataas ang kilay ni Micah, habang nakatingin sa kaibigan kung ginogoodtime lang ba siya nito. “Akala ko din hindi mo siya iniisip?” nakangiting sagot ni Armeh, sa kaibigan. Hindi na sumagot si Micah, sinuot ang face mask at mabilis na lumabas ng vip room. Sinundan naman agad ni Armeh ang kaibigan. Pero hindi siya lumapit pinanood lang ang gagawin ni Micah. Samantala nang makalapit si Micah, sa table ni Liam at isang kasama nito. Malakas na sinapak ang babaeng nakapulupot sa leeg NLM. At naging sanhi iyon ng pagkahulog nito sa lapag. “What the f*ck! Sino ka ba bakit bigla kang nananakit?” Paninita ni Liam sa babaeng nakasuot ng facemask. Subalit sinapak din siya nito saka agad na umalis. Sa inis na Liam ay sinundan ang babae kaya lang biglang nawala. Ngunit nag kasalubong sila ng mata ng hipag na si Armedah. Kahit madilim ay nakilala niya agad ito. Pero bigla din itong tumalikod. Anong ginagawa ng hipag sa lugar na yon? Nawalan na siya ng gana kaya nagyaya ng umuwi. Ibig sabihin pala mag kasama ang dalawang hipag na sina Savannah at Armedah. Kaya lang inuwi na ni Levi, ang asawa nito. Sino kaya ang target ng mga ito na nasa loob din ng bar? “Boss Liam, sa penthouse na ba kita ihahatid?” “Yeah, sa palagay mo sino ang babaeng yon at bigla na lang nanapak? Pati ako nadamay pa pero bigla din nawala.” “Baka meron atraso ang babaeng naglalambitin sa leeg mo, Boss Liam?” “Baka nga pero bakit pati ako?” “Hum… hindi kaya isa sa mga naging babae mo at nagselos kaya ganun ang ginawa?” “Hindi ko rin alam pero kakaiba parang may pinaglalaban at malakas din manapak.” “Ewan ko sa babaeng yon, Boss NLM, wala akong idea kung sino talaga siya.” Napapaisip si Liam, kakaiba ang pakiramdam niya sa babaeng yon. Kaya nga sinundan niya pero agad naman nawala. Pagdating nila sa penthouse niya ay agad din umalis ang driver bodyguard niyang si Mike. Ilang araw itong wala dahil uuwi ng probinsya. May sakit daw ang ina nito kaya naman ay hindi niya na pinigilan. Naligo lang siya at agad na nahiga, pero hindi siya dalawin ng antok. Muli ay pumasok sa isipan si Frozen. Ilang taon na rin ang lumipas mula ng gabing yon. Pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ito natagpuan. Bukas, darating na naman ang mga babae para tingnan niya ang likuran. Ilang babae na ba ang binayaran niya para lang makita ang likuran ng mga iyon. Hindi na niya mabiling sa dami pero bigo pa rin siyang mahanap ang dalaga. Paano pala kung nag-asawa na kaya kahit anong gawin yata niya ay hindi na ito makita. Kagaya ng sina sa kaniya ng gabing yon, ikakasal na ang dalaga kaya ipinagkaloob sa kaniya ang virginity nito. Lihim siyang umusal ng dasal, sana lang wala pa rin asawa. At sana rin magkita na sila dahil tumatanda na siya. Ang mga kapatid ay may asawa at mga anak na. Kung sana kaya niyang ipagpalit sa ibang babae. Pero hindi niya kayang kalimutan o humanap siya ng iba. Matagal siyang nakatitig sa kisame ng biglang pumasok sa isipan si Lady Frozen. Oh, sh*t! Hindi kaya ang babaeng yon ang matagal na niyang hinahanap? Mabilis na bumangon at tinawagan ang kapatid. Pagkatapos ay agad na nagbihis at nagmamadaling bumaba sa basement. Agad na sumakay sa kaniyang big bike at pinasibad iyon palabas ng penthouse niya. Hindi alintana ang panganib basta ang nasa isipan ay makarating sa mansyon niya. Kanina sinabihan niya ang Kuya Luke niya na magkita sila sa mansyon niya. At nasa gitna lang ang bahay niya ng dalawang kakambal. Paliko na siya sa papasok sa eksklusibong lugar kung saan nakatayo ang mansyon nila ng dalawang kakambal. Nang masulyapan niyang may sumusunod sa kaniya na dalawang big bike. Kaya mas binilisan niya ang pagmamaneho. Hindi siya maaring malampasan ng dalawa. Sigurado may kalalagyan siya sa mga ito. Kaya ng natanaw na ang main gate ay agad siyang nagbigay ng signal sa mga gwardiya. Mabilis na lumabas ang mga ito sa post at sinalubong siya. Malakas na ingit ng gulong ang naririnig sa paligid. Natanaw pa niya ang dalawang big bike na huminto limang daang metro ang layo mula sa main gate. “Sino ang mga yon, Master NLM?” “Gusto yata akong patayin,” aniya bago tuluyang pumasok sa loob. Pagdating niya sa mansyon niya ay naroon na ang dalawang kakambal. Agad na pinindot niya ang remote at bumukas ang gate. Saka siya pumasok kasunod ang dalawang kakambal. Nang makababa siya ng big bike agad siyang inulan ng tanong. Kaninang tinawagan ang kapatid ay hindi niya sinabi ang tunay na dahilan. Basta ang bilin niya ay pumunta ang mga ito dito sa bahay niya. “Liam, anong kalokohan ito? Ang sarap ng tulog namin. Pagkatapos ginising mo kami nang wala ka naman sasabihin?” inis na tanong ni Luke. “Lady Frozen, sino siya? Alam ko kilala nyo ang babaeng yon dahil tropa ng mga asawa ninyo?” “Natural, kaibigan ng asawa namin ang babaeng yon. Isa din assassin, kaya bakit mo pa tinatanong… sandali, huwag mong sabihin na yon lang ang itatanong mo kaya ginising mo kami at pinapunta dito?” singhal ni Luke. “Ano sa palagay nyong dalawa kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita? Lumipas na ang maraming taon pero kahit anino niya ay wala. Dahil nagtatago siya sa mundo ng mga assassin? Tapos kaibigan ng mga asawa nyo? At ang mga hipag ko wala man lang sinabi sa akin? Ano dapat ba akong matuwa sa kanila?” “Anong ibig mong sabihin NLM?” salubong ang kilay na tanong ni Luke. “Tahimik ka Levi, dahil may alam ka ano?” “Wala akong alam, Kuya Liam at kung may alam ako bakit hindi ko sasabihin sayo?” pangangatwiran ni Levi. “Sandali, paano mo nakasigurado na si Lady Frozen at ang babaeng matagal mo ng hinahanap ay isang tao? May pruweba ka ba o patunay na siya iyon?” tanong ni Luke. “Wala, pero kung hindi siya bakit hanggang ngayon hindi ko siya nakikita. Unless, ayaw talagang magpakita. “Di ba Levi?” “Ahm… y-yeah, tama ka Kuya Liam.” nauutal na sagot ni Levi. “So, kailangan ko ng tulong ninyong dalawa. Gusto kong mahuli ang babaeng yon at dalhin sa hideout. At mangyayari lang yon kapag tinulungan ninyo ako.” “Anong tulong ang kailangan mo hindi naman natin pwedeng pwersahin ang babaeng yon. Alam mo na ang pwedeng mangyari sa aming dalawa ni Levi.” ani Luke. “Natural hindi natin yon gagawin. Pero ang mga asawa ninyo malaki ang magagawa nila.” “Ahm… p-pag-isipan ko kung anong diskarte ang tamang sabihin ko kay Savannah.” ani Levi. “Ako din, hindi pa naman madaling kausapin ang asawa ko.” ani Luke. “Kaya ninyong dalawa yon, ngayon ninyo gamitin ang galing sa mga babae. Bukas kailangan ko ng magandang balita. Good night, Kuya Luke, at sayo din Levi.” pagkatapos ay iniwan na ni Liam ang mga ito. Na sulyapan pa niya ang dalawang kapatid na biglang nagka problema. Ramdam niya may alam ang kapatid na si Levi. Pero ayaw nitong magsalita, kaya naman kailangan na niyang gamitan ng bluff.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD