EPISODE- 5

1220 Words
NAPAPANSIN ni Micah, iba ang kilos ni Savannah at Armedah. Kahit ang paraan ng titig ng mga ito sa kaniya ay iba rin. Parang may nais sabihin sa kaniya o baka naman siya lang ang nag iisip ng ganun? Patay malisya siyang lumapit sa mga ito at umupo sa tabi ni Savannah. “Bakit pala bigla kang nawala noong nasa bar VIP room tayo?” Tanong ni Micah, sa kaibigan. “Galing ako sa C.R, ‘di ba Armeh? Ang kaso pag labas ko nakasalubong ako sa pasilyo ng asawa ko. Ayon at hinila agad ako palabas. Ano raw ba ang ginagawa ko sa lugar na yon. Tapos may lalaki pang tumawag pansin sa akin. Mas lalong hindi ako binigyan ng chance magpaliwanag. Agad akong isinakay sa kotse niya at diretso sa mansyon.” “Bakit hindi ka man lang tumawag sa amin. Upang ipaalam na nakauwi ka na sa inyo?” Tanong pa ni Micah, sa lahat ng assassin, si Savannah, ang pinakamalapit sa kaniya. Siguro dahil siya ang dahilan kaya naging assassin din ito. “Sorry na, hindi ko nahawakan ang cellphone ko ng gabing yon. Umiral ang dugong Montemayor ng asawa ko. Baka raw may kinatagpo akong lalaki doon sa bar.” Napapa iling na paliwanag niya sa mga kaibigan. “Okay, forgiven.” Sagot ni Micah. Pero si Armedah, napansin niya hindi ito nagsasalita. Parang malalim din ang iniisip. Sino naman kaya ang pinoproblema nito o tamang sabihin baka ang asawa din nito? “Bakit tahimik ka riyan?” “Ahm… wala naman aayain ka sana namin ni Bilas Savannah.” Sagot ni Armedah. “Saan naman yon, party ba?” “Parang ganun nga, ano sasama ka ba?” Naninigurado na tanong ni Armedah. “Sige, kailan at saan?” “Ahm… b-bukas ng gabi.” “Sige ba saan pala tayo magkikita at anong oras?” “Six in the evening, sa JLM 5-Star Hotel, Room 0096. “Bakit doon ba gaganapin ang party?” “Y-Yeah, ano kasi yon shower party, dahil sa susunod na araw ay kasal ng pinsan namin.” “I see, sige diretso na lang ako doon pagkatapos ko sa boutique.” “Bakit busy ka ba bukas?” “May mga new arrivals bukas at kailangan ako doon. But don’t worry pupunta ako, total ala-sais pa naman ng hapon.” “Okay, sige hihintayin ka namin kapag kami ang nauna doon.” “Sure… wait sino pala ang hinihintay natin dito. Bakit hindi pa tayo mag-order ng mga pagkain?” “Ahm… oh, ayan na pala sila.” Sagot ni Armedah. Pag lingon ni Micah, upang tingnan ang mga dumating agad kumalabog ang dibdib niya. Ano ang ginagawa ni NLM dito? Naputol ang katanungan sa isipan niya ng makitang kasunod ang dalawang kakambal nito. “Ang tagal nyo gutom na ako.” Reklamo ni Armedah, sa asawa nitong si Mr. LAM. “Sorry, asawa ko, hinintay pa namin si Liam. Ewan ko ba dyan bigla na lang sumama.” “Okay, pwede na ba tayong mag-order?” tanong ni Armedah. “Oo naman asawa ko.” Sagot ni LAM. “Ahm… mauna na ako sa inyo hindi naman ako nagugutom…” “Mamaya ka na umalis, Ms. Micah.” Biglang sabat ni Liam para pigilan ang dalaga. “Oo nga naman, Ms, Micah, hindi ka naman siguro busy. Isa pa bihira lang naman ang lunch na magkakasama tayong lahat.” Pagsang ayon ni JLM. “O-Okay, pero punta lang muna ako sa rest room.” Saka mabilis na tumayo at halos tumakbo sa bilis ng hakbang. Basta’t makalayo lang agad sa presensya ni NLM. Samantala agad din tumayo si NLM. Hindi na niya ito palalampasin pa. Kahit tinawag siya ng mga kapatid hindi siya lumingon. Meron siyang nais alamin kaya agad na nagkubli sa gilid. Kung saan ang likuan doon siya tumayo. Ngayon malalaman niya kung si Micah, ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Ilang minuto siyang naghintay at agad na sumilip ng maulinigan ang papalapit na yabag. Muntik pa siyang nakita ng dalaga. Bumilang siya sa ilang segundo sa kaniyang isipan. Saka biglang naglakad paliko, sinadya niyang lakasan ang pagkabangga sa dalaga. At kundi niya ito agad na nayakap ay baka napa balibag ang katawan sa semento. Parang nag-slow sa paggalaw ang buong paligid. Mabilis ang akyat ng init sa katawan ni Liam. At tila nakalimutan niya ang lahat. Langhap niya ang kakaibang amoy na kailanman ay hindi niya makakalimutan. “L-Let me go!” Sabay tulak ng malakas dito ni Micah, palayo sa kaniya. Muntik na siyang ipagkanulo ng sarili dahil sa pagkakadikit ng kanilang katawan. “Sorry, Ms. Micah.” Ang tanging salita na lumabas sa bibig ni Liam. Bago nasundan na lang niya ito ng tingin. Ganun pa man ay masayang masaya ang kalooban niya. Sa wakas natagpuan din niya ang kaniyang mahal. Nagtagal pa siya ng ilang minuto bago magpasya na bumalik sa table nila. “Anong mukha yan, brother?” Tanong ng kakambal na si Levi. “Bakit anong meron sa aking mukha?” nagtataka na tanong ni Liam. “Ngumingiti kang mag-isa baka may makapansin sayo at mapag kamalan kang baliw.” “Wala, may naalala lang ako.” Padadahilan niya sa kapatid. “I see, akala ko bumigay na ang iyong pag iisip. Sapagkat hanggang ngayon hindi mo pa rin nakikita ang babaeng mahal mo.” “Malapit ko na siyang makita, brother.” “Talaga? Hmm… kung totoo ang sinasabi mo ano ang unang gagawin mo pag nagkita kayo?” “Itatali ko siya ng buong gabi sa ibabaw ng kama. Babawiin ko ang mga panahong pinag taguan niya ako.“ Biglang napaubo ng sunod sunod si Micac. Nasamid siya sa sariling laway. Agad naman siyang inabutan ng tubig ni NLM. At kahit ayaw niya iyon tanggapin ay wala siyang pagpipilian. Ito pa lang ang may tubig sa baso na nasa tabi nito. Matapos maubos ang isang basong tubig ay binaba niya iyon. Ngunit natigilan siya ng makitang sa kaniya lahat nakatingin ang mga kaharap. Unti-unting nag-init ang kaniyang mukha. At para hindi siya maging obvious mabilis kinuha sa bag niya ang cellphone. Kinalikot niya iyon kahit wala naman siyang titingnan sa email. Pero binuksan niya pa rin yon dahil iyon ang nauna niyang napindot. “Micah, sinong ka text mo o tamang sabihin sino pala ang ini-email mo?” “Ahm… a-ang assistant ko, meron akong ibinibilin sa kaniya.” dahilan niya sa kaibigan si Savannah. “I see.” sagot sa kaniya nito bago ngumuso sa hawak niya na cellphone. At saka lang niya napansin baliktad ang pagkakahawak niya. Pagsulyap niya sa kaibigan si Armedah, nagpipigil ito sa pagtawa. Nais niyang murahin at kutusan ang sarili. Bakit ba puro kapalpakan ang nangyayari sa kanya ngayon? Parang gusto na niyang lumubog sa kaniyang pwesto. Lalo pa at napansin niya nakatingin si NLM, sa kaniya. Pagkapahiya ang nararamdaman niya ngayon. Nagsimula na rin pagpawisan ang magkabilang palad ni Micah. Parang nais na niyang tumayo at kumaripas ng takbo. Pero pag ginawa niya iyon ay mas lalo siyang pagtatawanan ng mga ito. "Here, gamitin mo sa iyong mga kamay." Abot ni NLM, sa puti niyang panyo. Siguro napansin ng binata ang pamamawis sa kamay niya. At kahit ayaw ni Micha, kunin iyon ay napilitan abutin na lang sa kamay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD