Ang buong akala ni Mardy Lianna ay iyong sa hotel na ang huling pagkikita nila ni Gunter Santibañez. Tatlong araw na ang dumaan at halos wala na iyon sa isip niya. Ngunit sa hindi inaasahan ay magkikita sila ng lalaki sa lugar na pinuntahan niya. May kliyente kasi siya sa resort na iyon at kailangan niyang mag overnight din kasama ng kliyente dahil mas convenient, lalo na dahil hindi lang naman isa ang me-make-apan niya. Apat iyon na modelo sa isang nagsisimula palang na modeling agency.
Habang naglilibot sa resort at tumitingin-tingin sa paligid ay hindi niya mapigilang singhutin ang preskong hangin. Walang ganito sa Maynila kaya kahit overnight lang ay susulitin niya. Laking pasasalamat nga ni Mardy na binigyan siya ng raket nang kakilala niya dahil halos libri ang stay niya sa mamahaling resort na ito. Nakaharap sa dagat ang malaking pool na hugis otso at may malilit na villa sa iba't-ibang sulok ng lugar. May buliding din sa harap para sa mga mayayaman na gustong mag muni-muni sa terace sa taas. At doon nga ang kwarto niya. Katabi lang ng kwarto ng kliyenye para madali siya nitong mahahilap para bukas ng umaga.
Ang totoo ay ngayon lang siya nakakahinga. Tatlong taon na siyang kayod kalabaw at halos hindi na niya naiisipan ang salitang pahinga. Gusto pa nga sana niyang maglibot ngunit dahil sa tawag ng kalikasan ay nagmamadali siyang bumalik sa room niya. Halos takbuhin ni Mardy ang papasarang elevator. Mabuti nalang at nahabol pa niya. Ay yon nga, may kasama siya sa loob. Si Gunter Santibañez, na halatang nagulat din nang makita siya.
Hindi niya alam na nandito din ang lalaki. Pagkatapos niyang e-take out ang halos 8 thousand bill na kinain niya sa Liliy's ay tumatak na sa isip niya na iyon na ang huling beses na makikita pa niya ito. Hindi niya inaasahan na ngayon kung saan taeng-tae na siya, tang ina.
Ang bango pa naman nito! Parang laging fresh ang lalaki at parang ang sarap-sarap amuyin. Hindi katulad ng mga lalaki sa lugar nila na naglilimahid sa pawis pero nagawa pang mag cat calling.
"You're here." rinig niyang sambit nito. Tila naman nagising siya sa pagkakatulog at nanlaki ang mata na bumaling sa lalaki. Nakangiwi ang mukha dahil umaalburuto ang tiyan.
Shit. Bakit ko kasi inubos yong pagkain kanina! gigil na sita niya sa sarili.
"O-oo may kliyente ako." aniya na tinuro ang likuran. Kahit wala namang tao sa likod niya dahil nasa loob ng elevator sila.
"Client. What client?" hindi niya alam pero tila nagsasalubong ang kilay ng lalaki sa pagkakabanggit ng client.
"Kliyente. Marami akong raket." walang anumang sagot niya sabay kibit ng balikat. Nahaplos niya ang tiyan dahil muling tumunog iyon ng mahina.
"Like what?"
Nakakunot ang noong tiningnan niya ito.
"Teka, bakit andami mong tanong?" Nag co-concentrate siyang pigilan ang tiyan pero heto't tanong ito ng tanong. Nasa apat na floor palang sila at nasa 7th floor ang room niya. Malapit na!
"I just want to know." Malamig ang boses nitong sagot.
"Make up artist ako mula lunes hanggang byernes. May kliyente ako dito. Bakit ba?" iniripan niya ang lalaki. s**t, nagiging kubeta ang tingin niya sa mukha nito kaya kailangan na niyang makarating agad.
Hindi naman ito sumagot pero napansin nitong hindi siya komportable.
"You're sweating too much. Are you okay?"
Hindi! Lalabas na!" Gusto sana niyang isagot pero marunong din naman siyang mahiya.
"Ah.. H-hindi okay lang ako. Ang init kasi." Wala sa sariling napatitig siya sa numero ng elevator at halos gusto na niyang pukpukin iyon!
6 - 7th floor.
Ting!
Pagkabukas palang ay walang paalam na tumakbo si Mardy palabas. Wala na siyang pakialam sa iisipin ng lalaki basta't matapos lang ang problema niya. Naririnig pa nga niyang tinatawag siya ng lalaki pero patay-bingi siya dahil sa pagmamadali.
Nang matapos sa paglalabas ng sama ng loob ay humarap si Mardy sa malaking salamin sa banyo ng hotel. Nakasuot siya ng crop top na kita ang kanyang pusod. Kinulot ang mahabang buhok na nakalugay at may manipis na make up sa mukha. Ngunit halos himatayin si Mardy nang mapansin na iba na ang suot niya sa ibaba. Nawala na ang kanyang mahabang salawal! Ang tanging naiwan ay ang maong niyang pekpek short na palagi niyang ginamit. Sa sobrang fucos niya kanina sa pagpipigil ay nawala na sa isip niya ang salawal. Nakatali lang kasi iyon sa gilid at iyon talaga ang style ng damit. Parang cover up pero medyo makapal at mahaba. Baka sa sobrang gaslaw niya kanina ay nahubad ng hindi niya alam. Kaya din pala habang tumatakbo siya ay walang sagabal.
Maputi at makinis naman ang hita niya. Sa katunayan ay inggit na inggit ang kaibigan niya dahil sa natural na kurba ng kanyang katawan hanggang legs. Sadyang pinili niyang itago dahil yon ang kinamulatan niya.
Gago, s**t! Kaya pala tinatawag siya kanina ni Gunter! Mukhang sa loob ng elevator niya naiwan. Natutop niya ang bibig at nanlalaki ang matang tumingin sa salamin.
"Ang gaga mo, Mardy Lianna!" pagalit niyang sambit sa sarili.
Saktong kakalabas niya ng banyo ng may marinig siyang katok sa pinto. Napatigil tuloy siya sa paghakbang. Sino naman ang kakatok sa pinto?
At dahil gusto niyang malaman ay agad siyang nagpunta sa pintuan para tingnan iyon para lang mapanganga sa taong napagbuksan.
"You left this in the elevator." ang seryoso ng mukha nito habang hawak ang kulay pink niyang salawal.
Sa mga oras talagang iyon ay gusto niyang isarado ang pinto. Hindi niya alam na sa kapal pala ng pagmumukha niya ay marunong pa siyang mahiya. Siguro ay sumunod ito sa kanya palabas para ihatid sa kanya ito.
"S-salamat.. Sana hindi ka na nag-abala." nauutal niyang sabi.
"I don't want others stuff in my things." sambit nito na nasa kabilang bulsa ang kamay. Tuwid na tuwid din ang lalaki sa pagkakatayo kaya ang makinis na leeg lang talaga nito ang nakikita niya. Pati ang pagrolyo ng adams apple ng lalaki ay maganda!
"S-sige salamat talaga." kinuha niya ang damit at bahagyang inamoy. Amoy damit na matagal nang hindi naisusuot. Paano ay sa dami ng ganito sa aparador niya ay hindi na niya nasusuot lahat.
Wala sa sariling bumalik ang tingin niya sa lalaki. Nasa hita niya ang tingin nito at nakakunot ang noo. Nang makitang nakatingin siya ay namumula ang mukhang tumikhim si Gunter.
Tumaas naman ang isang kilay niya.
"Next time, tie your skirt properly." mababa ang boses nitong turan bago tumalikod at naglakad palayo.