PROLOGUE ( Mardy Lianna)
Isa lang naman ang hiling ni Mardy Lianna, alyas (Marge).Ang magkaroon ng mas maraming raket.
Bakit?
Kung wala siyang raket, wala siyang kakainin. Mag isa nalang siya sa buhay kaya kailangan niyang kumayod kalabaw para mabayaran ng buo ang bahay na tinitirhan niya. Sa dami niyang trabaho sa isang araw ay kulang ang bente kwatro oras. Buti sana kung pinatulan niya ang offer ni Aling Susana na maging hostess sa SugarBaby. Isa iyong club sa lugar nila na dinadayo ng mga matatandang walang ginagawa kundi humanap ng magpapatigas sa lantutay nitong junjun. May mga ibang lahi na gustong makatikim ng presko at masikip. Kung kaya lang niyang lunukin ay baka pwede pa, pero hindi talaga. Mas gugustuhin niyang kausapin ang patay habang mini-make apan ang mga ito kesa harapin ang kulubot na talong ng magiging customer niya kung sakali.
Siya si Mardy Lianna Madyoga pero hindi malaki ang dyoga. Hindi din maliit, yong sakto lang ng isang palad niya. Alam niyang bantot ang apelyido niya kaya hahanap siya ng maganda ang apelyido kung mag aasawa siya. Kawawa naman ang magiging anak niya kung bantot din ang pangalan ng lalaking pipiliin niya no. Pero sa ngayon, ang pagiging make up artist sa umaga, pagiging masahista at dealer ng iba't-ibang beaty product sa gabi ang pinagkakaabalahan niya. Meron pa pala, sa sabado at linggo ay isa siyang fortune teller. Binabasa niya sa pamamagitan ng tarot o cards ang gustong malaman ng tao sa buhay nito. Minana lang niya iyon sa yumao niyang Lola at nang mamatay ang matanda ay siya na ang pumalit sa pwesto nito sa palengke.
May iba na nagsasabi na nagkakatoo ang hula niya pero mas marami ang hindi. Aba, malay ba niya sa buhay ng mga ito. Pahulain ba naman siya kung magiging mayaman daw ba ito sa future. Eh paano kung nakadepende ito sa hula? Tapos hindi na kumikilos dahil masyadong excited yumaman? Nalintikan na talaga at siya pa ang lumabas na sinungaling.
"Hoy! Tulala ka ulit diyan? Iniisip mo ba 'yong offer ni Aling Susana?" Si Ada. Ito ang nag iisang kaibigan niya dito sa looban. Parehas silang ulila at katabi sila ng bahay. Medyo magulo at maraming tao ang lugar nila pero dito na siya lumaki kaya hindi na siya natatakot. Si Ada ay nagtatrabaho sa sugarbaby pero hindi niya ito ija-judge. Lahat naman talaga ay may iba't-ibang paraan para mabuhay.
"Gaga! Hindi yon. Iniisip ko lang na mag aasawa nalang kaya ako ng mayaman? Diba? Hindi naman imposible because I am confidently beautiful with a heart." aniya na ginaya pa ang winning line ni Pia Wurtzback sa Miss Universe.
"Oo tama! Tapos yong matandang hukluban na madaling tsugiin! Winner ka dyan te! matutulungan pa kita." sagot ni Ada na kumikislap pa ang mata.
Agad niyang sinapol ang noo ng babae dahil sa pinagsasabi nito.
"Ayaw ko nga sa matanda! Virgin pa ako like coconut owel tapos sa matanda ako mapupunta? Hindi ba pwedeng young and superpower?" nandidilat ang matang turan niya.
"Powerful yon, gaga! Anong super power? Ano yan si Superman?"
"Ah basta! Parehas din yon. Balang araw makikita ko din siya. My seatmate.." nangangarap pang sambit ni Mardy.
"Soulmate yon!"
"Huwag kang magulo! Alam ko, okay? Hindi ba pwedeng magkamali? No one is perfect! Oh diba? Akala mo hindi ako magaling sa pa english-english na yan ha." umirap pa siya sa kaibigan na tinatawanan lang siya.
"Oo na! Ikaw na si Mardy Lianna Madyoga. And reyna ng Looban na nagsasabing.."
"Dukha man ako sa iyong paningin, Huwag kang tumitig sa akin at baka ako'y iyong pangarapin!" aniya. Sabay palakpak nila ng kaibigan at sumunod ang malakas na halakhak.
Ganito sila parati. Umagang-umaga at nagkakape sila pareho sa labas ng bahay. Mamaya lang ay pupunta siya sa palengke dahil araw ng sabado.Malay niya at magkaroon siya ng kliyente kahit dalawa mab lang. 250 ang bayad kada hula at malaking bagay na ang 500 pandagdag sa ipon niya.
Napairap siya sa hangin nang makita ang grupo ng kalalakihan na patungo sa kanila. Nasa may gilid kasi ng daan ang bahay niya kaya dito dumadaan ang ibang kapit-bahay nila. Maangas na naglalakad si Gino patungo sa kanya. Umagang-umaga ay nasira na agad ang araw niya.
"Hala siya..Andito na naman ang anak ni Mayor! Taray mo girl!" ani Ada na kinikilig pa sa gilid niya. Pinandalitan naman niya ang babae.
"Hi Lianna.." anito sa kanya. Lianna ang tawag sa kanya ng lalaki.
"Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga? Magpapa make up ka ba?" mataray niyang sambit kay Gino.
"May gusto sana akong ibigay sayo." May pinakuha ito sa kasamang alalay sa kotse na nasa malapit lang nakapark. Si Gino ay anak ni Mayor na nakilala niya minsan noong nagmake up siya sa kapatid nito noong debut. Mula noon ay mukhang nabihag ito sa kagandahan niya at ayaw siyang tantanan! Pero hindi niya ito gusto dahil feeling yata ng lalaki ay lahat ng babae ay nababaliw dito. Gwapo sana pero may hangin naman ang utak.
Hindi din naman pahuhuli ang kanyang ganda. Syempre, kahit palaging bilad sa araw, makinis at maputi parin siya. Matangkad sa karaniwang height ng mga babae at hindi niya alam kung bakit medyo blond ang kanyang buhok. Kahit kailan ay hindi naman siya nagpakulay. Namumula palagi ang pisngi at may bilugan ang dalawang mata. Matangos din ang cute niyang ilong at manipis ang mapulang labi. Hindi niya alam kung saan siya nagmana pero ang sabi ng Lola niya ay maganda at gwapo ang mga magulang niya. Mga magulang na hindi niya nasilayan kahit kailan. Medyo mahina siya magsalita ng english pero nakaka intindi naman siya niyon. Hindi naman siya tanga, medyo lang.
"Gino, diba sabi ko sayo.. Huwag mo'kong pupuntahan dito?" napakamot siya leeg dahil gusto niya itong palayasin ngunit hindi pwede. Nangarap siya ng lalaking mayaman pero exempted si Gino. Ayaw niya sa lalaking ito. Period.
"Bakit naman Lianna? May magagalit ba? Sabi ko naman sayo seryoso ako." giit nito.
"Eh kasi ano.. Uhm maraming loko-loko dito baka mapaano ka." aniya sa kawalang masabi. Napangiwi siya ng kumislap ang mata nito. Akala yata ng lalaki ay nag aalala siya dito.
"Don't worry about me, Lianna. I have my bodyguards with me. Gusto ko talaga sa babae ay maalalahanin." anitong nakangisi.
Mas napangiwi siya at pinanlakihan ng mata si Ada na kinukurot siya sa gilid ng bewang. Putakteng babaeng ito!
May kinuha si Gino sa tauhan nito. Isang hindi kalakihang box. Naka ribbon pa iyon na parang regalo sa kasal.
"Para sayo.. Sana isuot mo dahil siguradong bagay iyan sayo."
Hindi niya tinanggap at itinulak iyon pabalik sa lalaki.
"Kasi, Gino.. Salamat pero hindi ko matatanggap yan. Pasensya ka na."
Baka gawin pa nitong dahilan iyon para makuha siya. Oo dyosa siya ng looban pero ayaw niyang matali sa lalaking may tililing!
Nakita niyang bumadha ang lungkot sa mata ng lalaki pero hindi niya iyon pinansin.
"Kung ayaw mo talagang tanggapin.. Sana hayaan mo akong ipahiwatig ang kagustuhan kong maging akin ka.."
"Sorry talaga, Gino..Pero sa ngayon ay wala pa yan sa isip ko.." Yon lang ang sinabi niya sa lalaki.
Hanggang sa makaalis na ang mga ito. Ayaw niyang bigyan ng dahilan si Gino kaya habang maaga pa ay alam na nitong ayaw niya.
"Umuwi ka na Ada! Kailangan ko nang pumunta sa palengke. Huwag kang talandi ha at baka sino-sinong lalaki na naman ang papasukin mo sa bahay mo! Sabihin mo kung wala silang pang motel ay magsariling sikap sila." bilin ni Mardy bago siya pumasok sa loob para maligo.
Natatawang tumango lang ang kaibigan bago naman ito pumasok sa sariling bahay.