Napalunok si Mardy nang tanawin ang sobrang laking building sa harap niya. Wala naman talaga siyang balak na pumunta pero sobrang na curious din siya kung bakit gusto pa siyang kausapin ng lalaking iyon. Ni hindi niya alam ang pangalan pero may kung ano talaga sa mata nito na parang hinihigop si Mardy.
Nasa harap siya ng isang malaking hotel. Dito ang address na nakasulat sa iniwan ng lalaki. Ang totoo ay gusto niyang malaman kung bakit nasabi ng mama nito na kamukha niya ang manugang nitong babae.
Napapaisip din siya na baka may pagnanasa ang lalaki sa kanya dahil bakit sa hotel talaga ito makikipagkita?
Medyo assuming siya, oo. Pero sa kanyang palagay naman ay hindi ganon ang lalaki. Kaya nga siya nandito.
Napakamot si Mardy Lianna sa likod ng tenga at nagdesisyong pumasok. Medyo late na siya sa binigay nitong oras at hindi niya alam kung andoon ba talaga ang lalaki sa loob. Syempre sisingilin niya ito sa pamasahi! Sobrang layo ng lugar nito sa bahay niya at mahal ang binayaran niya sa taxi kanina. Ang sabi pa naman ng Lola niya bago ito pumanaw dalawang tao na ang lumipas ay huwag siyang pumayag na maisahan. Sabagay ay ganon din daw talaga siya kahit noong bata, sabi ng kanyang Lola Endang.
Ang problema niya ngayon ay kung saan niya hahanapin ang resto na sinasabi nito. Baka abutin pa siya ng 7 days bago malibot ang buong hotel.
Mukhang na out of place pa ang outfitan niya sa lugar. Mahabang saya parin hanggang sakong ang suot niya at fitted na top. Wala na siyang anik-anik sa mukha at nakalugay lang ang kanyang mahaba at itim na itim na buhok. Sadyang ganito ang mga damit niya mula pa noon. Sa entrance ay tinanguan siya ng guard kaya walang hiya siyang nagtanong.
"Kuya guard, saan po 'yong Lily's?" medyo bulong na tanong ni Mardy sa nakatayong gwardiya malapit sa entrance.
Tiningnan muna siya ng guard na para bang sinusuri siya.
"Doon po maam. Lumiko ka po sa unang hallway at pagdating mo doon ay sumakay ka sa unang elevator na makikita mo. Tapos sa floor na iyon ay matatagpuan mo ang Lily's." sagot naman nito.
"Sige ho, salamat."
Naglakad na siya patungo sa hallway na sinasabi nito. Medyo distansya pa iyon mula sa kinatatayuan niya dahil sobrang laki ng hotel. Sa lawak ng sahig na pwedeng gawing salamin ay parang gusto niyang magdalawang isip kung tutuloy pa ba siya. Ang elegante kasi ng mga taong nakikita niya na wari may pupuntahang party. Kung hindi lang talaga makapal ang pagmumukha niya ay baka umuwi na siya sa mga oras na iyon.
Bakit ba? She has her own styling. Style? Stylish? Ah basta, yon na yon.
Salamin din halos lahat ng nakikita niya sa ibabaw at sa gilid. May naglalakihang chandeliers sa ibabaw na nakikita niya lang sa magazine. Nakakamangha! Nasa pugad talaga siya ng mayayaman!
Pagdating sa elevator ay agad siyang sumakay. Nag iisa lang siya doon kaya nakahinga siya ng maluwag. Sana naman ay hindi na siya mahirapang hanapin pa ang resto dahil mauubos na ang oras niya. Hindi pa naman siya rumaket dahil dito kaya sisiguraduhin niyang babayaran ng lalaki ang araw niya. Walang gwapo-gwapo sa panahon ngayon dahil hindi naman niya magiging ulam iyon kapag wala na siyang ilalafang.
Pagbukas ng elevator ay maraming tao sa labas. Mukhang naghihintay din para makasakay. Nagmadali tuloy siyang kumilos at lumabas din kahit halos magbanggaan na sila ng mga pumapasok. Walang pakialam ang mga ito kahit alam na may papalabas na tao.
"Pag mayaman talaga, walang sinasanto." iiling-iling niyang bulong sa sarili
Naglakad na ulit si Mardy para hanapin ang Lily's. Namilog ang kanyang mata nang sa ilang minuto niyang paghahanap ay nakita na rin niya sa wakas! Halos takbuhin niya ang kinaroroonan niyon dahil kanina pa talaga siya naghahanap.
May babaeng nakatayo sa entrance ng Lily's kaya hindi agad siya nakapasok. May suot na uniform na all white at may magandang ngiti sa mga guess at customer na pumapasok pero hindi sa kanya. Alam niyang out of place ang sense of fashion niya pero wala naman siyang nakikitang mali doon.
"Maam? Do you have a reservation?" Agap na tanong nito nang makitang papasok si Mardy. Nahipan niya ang ibabang labi at hinarap ang babae.
"May naghihintay sakin diyan sa loob." sagot niya sa pormal na boses. Ngunit parang hindi ito kumbisido sa naging sagot niya kaya hinarang siya nito ulit.
"Miss, teka lang po. Pwede ko bang malaman kung sino ang naghihintay sa inyo? Baka may reservations siya." sabi pa ng babaeng receptionist.
Anak ng-! Bakit kanina hindi naman tinanong yong ibang pumapasok? Mukha ba siyang kriminal? Sa pagkakaalam niya ay maayos ang kanyang mukha bago umalis. At isa pa, anong pangalan ang ibibigay niya? Nakalimutan niya nga ang nakasulat sa papel na pangalan.
"Miss, nakalimutan ko ang pangalan ng kakausapin ko pero hindi ako masamang tao. May kriminal bang ganito kaganda?" tinuro pa niya ang mukha at namaywang.
"Eh k-kasi maam.."
"She's with me." parehas silang napalingon ng babae sa boses na nasa likuran.
Nakatayo sa harapan niya ang isang matangkad na lalaki. Kailangan pa niya itong dungawin upang mas makita niya ang pagmumukha nito. Ganon ito katangkad. Samantala, ang babaeng receptionist ay nasasalamin sa mukha ang takot.
Natanong niya tuloy sa isip kung bakit kinakatakutan ang lalaking ito. Mukha naman itong mabait. Pero sabagay, ika nga nila, Don't judge the book by its cover. Nabasa lang niya iyon sa kung saan.
"Mr. Santibañez.. I'm very sorry, sir.. Maam pasensya na po talaga. Hindi ko po kasi alam." nanginginig ang boses na sabi ng babae.
Walang salitang tumango lang naman ang lalaki at bumaling sa kanya. Ngayon lang niya naalala na Gunter Santibañez pala ang pangalan na nakalagay sa sulat nito.
"You're ten minutes late." malamig ang mata at walang emosyon sa mukha nitong nakatitig sa kanya.
Tumayo naman si Mardy ng tuwid at tinaas ang isang kilay.
"Malay ko ba kung nasa dulo pala ng mundo itong restaurant na 'to. At isa pa, ano bang pag uusapan natin? May gusto ka ba sakin?" walang tigil na kuda niya hindi paman. Narinig pa niya ang pag ubo ng babaeng receptionist sa likod niya. Ang matangkad na lalaki naman ay napahaplos sa panga.
Bakit ba?
"Let's be sitted first." anito sabay talikod. Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Nasa pinaka sulok pala sila naka pwesto, yong tipong hindi sila naririnig ng ibang kumakain. Kahit medyo may pagtataka parin siya sa asta ng lalaki ay ipinag kibit muna niya iyon ng balikat.
Pagkaupo ni Mardy ay nilapitan agad siya ng waiter. Sa ganda at laki ng resto ay siguradong masasarap ang mga pagkain, at nasa loob pa ng isang engrandeng hotel.
"Can I have your order maam, Sir?" magalang na tanong ng waiter.
Tumingin muna siya sa waiter bago bumaling sa lalaki na hindi parin nagsasalita. "Gutom na ako. Ililibri naman siguro ako ng kasama ko."
"Give her all the foods that she wants, Jonas." anang lalaki sa naghihintay na waiter. Edi goods! Atleast may napala pala siya sa pagpunta dito. Dadamihan niya ang order at dadalhin niya sa bahay ang tira. Oh diba? Ang galing mo talaga, Mardy!
Habang hinihintay ang kanilang order ay naalala niyang kape lang ang sinabi nito.
"Hindi ka kakain? Marami 'yong order ko pwede tayong maghati nalang." Nakangiti pa siya ng sabihin yon pero hindi parin ito sumasagot. Nakatingin lang talaga sa kanya ang kulay brown nitong mata na parang i-ni-examine ang buo niyang pagkatao.
Ganyan siguro kapag maganda ka kaya pinabayaan na niya ang lalaki sa trip nito.
Nang dumating ang order ay wala na siyang sinayang na sandali. Nilantakan niya lahat ng iyon sa harap ng lalaki. Walang kahiya-hiya siyang sumubo dahil hindi pa talaga siya kumain bago nakipagkita dito.
"May kapatid ka ba? Kambal to be exact." sa pagitan ng paglamon sa seafoods na kinakain ay nagsalita ang kaharap.
Napatigil naman siya at binitawan ang kinakain. Sandaling nag isip.
"Meron." maya-maya ay sagot ni Mardy.
Nakita niya kung paano namilog ang mata ng lalaki sa naging sagot niya. Tumayo din ito ng tuwid na tila nabuhayan dahil sa sinabi niya.
Ang weirdo talaga ni Pogi.
"Really? Where is she? Saan siya ngayon?" sunod-sunod na tanong nito na ipinagtaka niya lalo. Tinagalog lang kasi nito ang sinabi.
"Kaso hindi siya pwedeng lumabas." Nakangiwi niyang sambit. Teka, ni hindi nga nito tinanong ang pangalan niya pero interesado ito sa kapatid niya kuno.
"What do you mean? Bakit hindi pwede? Can I talk to her?" Kanina ay sobrang tahimik nito tapos ngayon ay halos hinihingal ang lalaki kakatanong. Nandoon parin naman ang mata nitong walang emosyon pero medyo may nababasa na siyang kakaiba ngayon.
Umiling siya at sumeryoso ang boses."Kaso patay na siya." malungkot niyang turan.
"What..How? May picture ka ba niya?"
Hinugot niya ang mumurahing cellphone sa bulsa ng bag at nagpipindot doon bago pinakita sa lalaki. Ang kaninang nangingislap nitong mata ay bigla ulit dumilim matapos niyang maipakita ang litrato.
"You don't take it seriously, do you?" masama ang tingin nitong tanong.
"Bakit? Kapatid ang turing ko sa aso na yan. Maraming nagsasabi na parang kambal kami dahil parehas kaming ngumiti. Pero namatay siya dahil sa isang aksidente." nalulungkot ang boses na pahayag niya. Kinagat pa muna ni Mardy ang fried chicken sa plato bago humikbi.
Ang lalaki naman ay tila nauubusan na nang pasensya. Naihilamos nito ang palad sa mukha habang nagbubuga ng buntong-hininga.
"You really are imposible." anito na may kasamang pag iling.
"Teka, unang-una, hindi ko nga alam kung bakit mo'ko pinapapunta dito. Hindi pa nga ho tayo magkakilala at hinahanap mo na agad kung may kapatid ako. Adik ka ba?"
Bumuga ulit ito ng hangin bago tumayo.
"I knew that this is not a good idea but- anyway, I'm running late for my next meeting." sabay tatalikod na sana pero pinigilan niya ito.
"T-teka! Wala akong ibabayad dito." nahinatakutang sambit ni Mardy. Baka kahit hugasan niya buong resto ay hindi padin siya bayad kaya hindi siya pwedeng magpaiwan.
"It's on me. Thankyou for your time and I'm sorry for disturbing your day." sagot naman ng lalaki bago tuluyang tumalikod.
Sukat sa narinig ay bumalik siya sa pagkakaupo. Edi sana kanina pa nito sinabi. Kung sini-swerte ka nga naman. Libreng sosyal na almusal for today's vedio!