CHAPTER 4

1606 Words
Pupungas-pungas na bumangon si Mardy Lianna sa malambot na kamang kinahihigaan. Teka? Nasa langit na ba ako? Bakit para akong lumulutang? Ibinuka niya ng maayos ang mata at bahagyang kinusot. Puting at magandang kisame ang kanyang nakita. Sandaling nag-isip kung bakit hindi pamilyar ang kinaroroonan. Lumipat ba ako ng kwarto? tanong niya sa sarili. Muntik na siyang maghisterya kung hindi lang tumunog ang alarm niya sa cellphone. Full volume pa iyon kaya sobrang lakas, sakto upang magising ang kanyang natutulog na diwa. Natampal niya ang noo ng maalalang nasa isang resorts nga pala siya dahil may trabaho siyang gagawin. Sa sobrang hiya niya sa sinapit kagabi ay hindi na siya lumabas para kumain. Natulog nalang siya sa takot na masalubong pa niya ang lalaking gwapo. Sino nga iyon? Ah, si Gunter Santibañez. Mukhang malabo na niyang makalimutan ang pangalan ng lalaki pero hindi man lang yata siya nito kilala dahil wala siyang maalalang tinanong nito ang kanyang pangalan. Ipinilig ni Mardy Lianna ang ulo at bumangon. Kailangan niyang bilisan nag kilos dahil ilang oras nalang kailangan na niyang mag trabaho. Mabuti nalang at naunahan pa niyang gumising ang kanyang alarm. Magana siyang naligo sa magandang banyo at ginamit ang mga imported na sabon at shampoo na nandoon. Nagtataka lang talaga siya sa kutis niya, dahil kahit safeguard na green lang ang palagi niyang gamit ay makinis parin. Nakakamangha talaga dahil nang makita niya ang batang siya sa litrato ng lola niya sa baul nito ay medyo morena ang kanyang balat. Totoo nga sigurong kapag nagdalaga ang isang babae ay magbabago din ang kutis nito at magiging makinis. Pakanta-kanta pa siya habang nagsasabon. Sa isip ay kailan kaya darating ang araw na hindi na niya kailangan dumayo ng trabaho o di kaya hindi na niya kailangan maging kalabaw araw-araw. Mabuti nalang ay positibo siya palagi at sa sarili. Bago namatay ang kanyang lola ay ibinilin nito na maging matatag siya. Dahil malakas naman daw talaga siya kahit noong bata pa. Wala siyang kinagisnang magulang at ang naalala niyang kasama niya mula ng maaksidente ay ang kanyang lola. Isang taon lang niya itong nakasama at mahal na mahal niya ito. Marami silang litrato mula baby pa siya hanggang sa mag 20 anyos kaya nakatatak sa isip ni Mardy na ito lang ang nag iisa niyang pamilya. Sayang lang at hindi na nito naranasan ang mga pinangako niya. Nang matapos siyang maligo ay nagbihis siya ng mahabang saya. Kulay puti iyon at hanggang sakong ang haba. Pinarisan din niya ng thin sleeve crop top at flat na sandal lang sa paa. Sa aparador niya sa bahay ay marami pa siyang ganito pero minsan ay ni-li-level up niya ang kanyang fashion. Mas makaluma kasi iyong mga dati niyang gamit. Atleast ngayon, makaluma pero may touch parin ng modern. Nag lip balm lang siya at nag lips stick bago lumabas ng room. At dahil nasa kabila lang ang room ngga kliyente niya ay doon na siya dumeretso. Ang sabi ng producer ng project na iyon ay ang mga modelong imi-make-up niya ay modelo ng mga lingerie. Kaya pala sila nasa dagat dahil doon gagawin ang shoot. Kumatok siya sa pinto at agad naman itong binuksan ng nasa loob. "Hi, ako pala yong make up artist. Magsisimula na ba?" tanong niya sa baklang mukhang ilang linggo nang walang tulog. Nagmamantika kasi ang mukha nito dahil sa stress yata. "Kakalabas lang nila. Nasa tabing dagat. Bilisan mo! Huwag ka nang dumagdag sa problema ko.." pumilantik pa ang mga daliri nito sabay taboy sa kanya palabas. Mukhang manager iyon ng mga modelo kaya ganon ka stress. Hays Mardy! Dapat pala ala una palang gising kana! Pagalit niya sa sarili. Mabilis siyang tumakbo sa elevator ng buliding paraas mabilis siyang makarating sa baba. Habang lulan nga niyon ay hindi niya mapigilang alalahanin ang nangyari kagabi. Putcha! Mabuti nalang talaga napigilan niyang umutot, kundi sa hospital ang bagsak ng Gunter na iyon sa baho ng utot niya. Kumain pa naman siya ng maraming kamote bago umalis. 'Yon kasi ang lunch niya sa bahay bago nagpunta dito, maliban pa sa dami niyang kinain pagkarating. Sa labas ay ramdam ni Mardy amg lamig ng umaga. Foggy pa ang paligid at sobrang payapa ng lugar. Mga mga iilang taong naglalakad sa dalampasigan ay may ibang naglulunoy sa pool na nasa unahan. May naghahalikan din sa dagat na parang pag aari nila ang mundo. Hmp! Kainin sana ng piranha yang pwet niyo! Ke uma-umaga, walang respito sa katulad niyang naghahanap-buhay ng marangal! Umirap si Mardy. Oo na. Inggitira na siya. Natatawa lang siya sa sarili kung bakit wala talaga siyang nagugustuhan. Hindi niya din alam kung bakit parang bawal sa pakiramdam. Nang makita ang hinahanap ay agad siyang nagmadaling humakbang. Nasa tent na ang mga modelo kaya doon siya pumasok. Nagpasalamat siyang kakaupo lang ng mga ito. Hindi lang din pala siya ang make up artist dahil dalawa sila. Sabagay, hindi magiging madali ang trabaho kung mag isa siya lalo't apat ang modelo. "Oh, nariyan na pala si Mardy. Bakit ang tagal mo?" tanong ng isang bakla na kasali sa production team. "Sorry, mali kasi yong pag alarm ko. Akala ko alas kwatro ng umaga." paghingi niya ng paumanhin. "Oh siya, magsimula ka na. Kailangan natin matapos ang shoot bago mag 11 am." sagot nito sa kanya. Tumango agad si Mardy at nagsimula nang ayusan ang unang babae. Ang isang make up artist ay inaayusan ng buhok ang isa pa. Sila na ang bahala kung paano nila mas pagagandahin ang modelo basta matapos nila ito bago mag 6am. Dalawang oras nalang iyon kaya wala silang sasayangin na oras. Saktong alas 6 ng umaga ay natapos din sila. Tig dalawa sila nong isa pang make up artist. Sisiw lang naman ito kay Mardy dahil sanay siya sa ganito. Pangarap nga niya sana ay magkaroon ng opportunity na mas palawigin ang kanyang talent sa pag me-make up. Ang kaso sa ngayon ay maliliit na personalidad palang ang nagiging kliyente niya. Pasasaan ba't magkakaroon din siya ng sikat na suki para mas malaki ang kitaan. Seryosong nagmamasid si Mardy sa mga modelo habang gumagawa ng shoot ang mga ito. Naghihintay lang sila in case na kailangan ng mga itong e-retouch ang make up. "Taga saan ka beh?" narinig niyang tanong ng kasama niyang make up artist. Medyo may edad na ito, tantya niya ay nasa 30+ ang edad. Parehas silang nakaupo sa may gilid ng tent. "Taga Pasig." sagot niya. Nagsimula na siyang makaramdam ng gutom. Inilabas niya kasi lahat kagabi. "Ganon ba. Ako taga Marikina. Pinsan ko yong bakla kanina. Siya ang nagbigay ng raket na 'to sakin." "Ah." tanging sagot niya. Kapag ganitong gutom siya ay wala talagang matinong sagot ang mukukuha mula sa kanya. "Alam mo, may kamukha ka." sabi nito kapagkuwan kaya napalingon si Mardy sa babae. "Eh? Sino?" "Hindi ko kilala eh. Pero nakita ko lang sa magazine ng pamangkin ko dati. Hindi ko lang makalimutan dahil nagagandahan ako doon sa babae na nasa litrato. International yong magazine eh. Galing kasi sa france yong pamangkin ko non." "Ay malabo yan ate. Nag iisa lang tong ganda ko." taas noo niyang sambit habang natatawa. "Tama ka. Maganda ka naman talaga. Ang totoo, maganda ka pa sa mga modelong yan oh. Kaya nga iniirapan ka ng isa kanina. Insecure yata sayo." humagkihik pa ito ng patago. "Te! Wala akong pera dito! Joke lang yong sinabi ko, ikaw naman tinotoo mo." Natatawa niyang sabi sa babae. Alam naman niyang maganda siya pero hindi sa level na sinasabi ng babaeng ito. "Hindi naman ako nagbibiro ah. Maganda ka, kahit medyo modern manang ang suot mo. At saka simple lang ang mukha mo, walang masyadong make up, pero maaliwalas tingnan." "Naku ate, gutom lang yan." nakangising sambit niya. "Gutom na nga ako." reklamo nitong natatawa na din. Nang sa wakas ay narinig ni Mardy ang salitang "PACK UP" ay nakahinga siya ng maluwag. Makakakain na siya. Mamayang hapon ay uuwi na rin. Bandang ala 1 ng hapon ng papalabas na siya ng room para makauwi. Malaki ang kanyang ngiti dahil walong libo lang naman ang kinita niya ng araw na iyon. May panghulog na siya sa bahay at pang grocery ng dalawang linggo. Habang naglalakad siya sa hallway ay may naulinigan siyang boses. Pamilyar sa kanya ang buo at medyo paos na tinig na iyon. Nang lumiko siya malapit sa fire exit ay ang malaking likod ni Gunter ang kanyang nakita. May kausap ito sa telepono habang nakahawak ang isang daliri sa noo. "She was just another looked alike mom. Maraming ganon sa mundo. Mardy Hanna was prim and proper, while that woman is kinda weird." Napakunot ang kanyang noo. Mardy? Siya ba ang tinutukoy nito? Wala sa sariling naglakad pa si Mardy Lianna papalapit. Hindi niya alam pero parang may humihila talaga sa kanya. Ni hindi niya naisip ang sinapit niyang kahihiyan kagabi. Sakto namang lumingon ang lalaki nang mapansin siguro nitong may tao sa likuran nito. "Excuse me?" nakataas ang kilay nitong tanong. Na parang sinasabing anong ginagawa niya sa likuran nito. "Narinig ko kasing binanggit mo ang pangalan ko." turan niya. Hindi inaalis ang tingin dito. "What? I don't even know your name, woman." nagtataka nitong sagot. "Ganon ba?" Tsk, Mardy! Hindi ka nag iisip! Baka namali ka lang ng dinig eh. Akmang tatalikod na siya para umalis nang bigla nitong higitin ang kanyang braso. "What's your name, again?" kunot noo nitong tanong. Ilang beses na silang nag usap pero ngayon lang nito naisipang itanong ang kanyang pangalan. "Mardy Lianna Madyoga." Proud niyang sambit sabay ngiti. Kabaliktaran ng lalaki sa harap niya na nanlaki ang mata at natulala nalang bigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD