CHAPTER 1

1537 Words
Nakalugay ang mahabang buhok. Medyo fitted na top na may mga design ng maliliit na crystal sa dibdib at pinarisan ng mahabang salawal. Umabot pa iyon sa sakong niya, 'yong tipong pati ang kanyang paa at hindi na makikita. May suot pa siyang headband na kulay pula na bumagay sa manipis na make up na nilagay niya sa mukha. Iyon ang kadalasang outfit ni Mardy Lianna sa tuwing nasa pwesto niya siya sa palengke. Syempre kailangan niyang maging convincing siya sa unang tingin palang. May hindi kalakihang tent siyang nakapwesto malapit sa tindahan ng mga anik-anik. Kulay pula din ang lahat ng nakatabing sa kanyang tent at tanging apat na tao lang ang pwedeng makapasok sa loob. May hindi kalakihang mesa sa gitna at may mga tarots na nakalatag sa ibabaw niyon. Dim din ang ilaw sa loob at tanging ang dalawang malalaking nakasinding kandila lang ang nagsisilbing ilaw. Sa mga sandaling iyon ay mag iisang oras na siyang naghihintay ng taong papasok. Inaatake na nga siya ng pagka-inip at gusto niyang magsisi kung bakit hindi niya tinanggap ang raket na me-make up-an sa kabilang bayan. 400 per head ang make up niya at pinasa niya muna iyon sa iba dahil nga may pwesto siya ngayon dito sa palengke. Dahil wala siyang magawa ay sinindihan ni Mardy ang isang kandila na nasa kanyang harapan. Kulay pula din ang kandila na magsisilbing ilaw sa mga barahang kanyang babasahin. Hindi nagbilang ng minuto ay may narinig siyang nag uusap sa labas ng tent. "Mom, this is insane." boses lalaki na wari bagot ang kanyang narinig. "I told you to stop talking, hijo." mataray naman ang boses ang sumagot. Naexcite bigla si marge. Kung naririnig niya ang boses ng mga ito ay ibig sabihin ay nasa harapan ito ng kanyang tent. May customer na siya! "That is not real! Lolokohin ka lang ng mga yan." Aba't! Ngali-ngali niyang labasin ang lalaking nagsalita at tarayan ito ng bongga. Siya ba ang tinutukoy nitong manloloko?" "Isa pa, Gunter. Doon ka nga sa sasakyan!" "Hell no! Baka ano pang mangyari sayo diyan sa loob, ma!" "You're over reacting hijo." anang kausap nito. Hula ni Mardy ay mag ina ang nasa labas base sa naririnig niya. At ginawa pa siyang masamang tao! Nagngit-ngit talaga ang loob ni Mardy sa mga naririnig. Kung sino man ang lalaking nasa labas ay makakatikim talaga sa kanya ng mag asawang- Hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang tent. Wala naman talaga iyong pinto at nilagyan lang niya ng pulang kurtina para hindi sila nakikita sa loob. Unang bumungad ang isang babae. Siguro ay nasa 40's na ito o di kaya 50's? Hindi siya sure dahil mukhang matanda pa ng ilang taon si madam Susana kung mukha ang pagbabasehan. Sobrang ganda ng babae at mukhang si Dawn Zulueta. Kasunod nito ay isang matangkad na lalaki. Hindi lang basta matangkad kundi sobrang tangkad. Nasa 6 mahigit yata ang height nito dahil ilang dangkal nalang at aabot na ang buhok nito sa bubong ng tent ni Mardy. The man has a brooding eyes but intense at the same time. Kahit walang emosyon ang mukha ay napatulala si Mardy ng salubungin ang matiim nitong tingin. Nahiya ang mamumulang kutis niya sa makinis na pisngi ng lalaking ito. May ganito pala ka gwapong nilalang na ginawa ang Diyos? Sigurado si Mardy na bago ito nakarating sa tent niya ay nalawayan na ito ng tingin ng mga tao sa labas. Ito yong tipo ng lalaki na matatakot kang kausapin pero hindi nakakasawang titigan. Wala sa sariling tumuon ang tingin niya sa baba ng pantalon nito. Daks! Ang laki! Este ang haba ng... paa! Ngunit bigla siyang nagtaka ng tila parehas yatang nabigla ang dalawa ng makita siya. Natulala din ba ang mga ito sa kagandahan niya? Well, hindi na naman bago iyon para kay Mardy. "Hanna.." dinig niyang sambit ng lalaki. Tila wala sa sariling nanulas lang iyon sa bibig nito. Nakita niya rin kung paano ang igting ang panga nito. Hanna? Sinong Hanna? Tumikhim siya at inayos ang pagkakaupo. Pinagsiklop din niya ang dalawang kamay at pilit sineryoso ang ekspresyon sa mukha. "Magandang umaga. Ako si Mardy Lianna." pagbati niya sa dalawa na tila natuklaw ng ahas. "Dios mio! Ella realmente se parece, Hanna!" Sambit ng ginang na hindi maalis ang tingin sa kanya. Kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. "Magpapahula po ba kayo, ma'am sir?" tanong niya sa mga ito. Mukhang nakabawi na ang lalaki dahil tumingin na ito sa ina. Napatayo tuloy siya sa kinauupuan dahil sobrang bigat ng tensyon sa paligid. Feeling niya nasa pelikula silang tatlo at nagkokomprontahan. "Are you for real?" "Yes. Real na real." sagot kaagad ni Mardy. Tinitigan siya ng ginang bago nagsalita. Tila ba may tinatanya ito na hindi niya alam. "Hijo..Tell me, that she is not your wife." Wife? Ano bang nagyayari sa dalawang ito? Gusto na niyang mainis dahil parang nagsasayang sila ng oras. At sinong asawa ba ang sinasabi ng ginang? Imposibleng siya dahil hindi naman siya ikinasal kahit sa panaginip. Pero kung aayain siya ng lalaking ito ngayon ay baka negotiable pa. "She's not." matiim nitong sagot. "Ano pong nangyayari? Sino si Hanna? Asawa mo?" naguguluhang tanong niya at tumingin sa lalaki. Wala siyang narinig na sagot at dismuladong wala talaga siyang balak sagutin. "Bueno, Marami naman talagang magkakamukha sa mundo. By the way, magpapahula ako hija." turan ng ginang na mabait na ngumiti sa kanya. Naguguluhan at nagtataka man ay umupo siya ulit. "Umupo po kayo dito madam. At ibigay niyo sa akin ang inyong palad." seryoso niyang sabi. Kapag talaga nasa loob siya ng tent ay nag iibang tao siya. Syempre kailang niyang kumbisihin ang mga kliyente na totoo siya. Umupo nga ang ginang sa harap niya samantalang ang kasama nitong lalaki ay nasa gilid lang. Malapit ito sa mah kalakihang kandila kaya mas klaro ang kabuuan ng pagmumukha nito. Nakaka taranta ang paraan ng pagtitig nito kaya iniiwasan niyang mapunta ang tingin sa banda roon. Hindi niya maintindihan kung bakit parang galit ito sa kanya. Para bang may nagawa siyang kasalanan na hindi niya alam. Pero sigurado siyang ngayon lang sila nagkita ng lalaking ito. Hinawakan na niya ang malambot na kamay ng ginang at nagfucos sa ginagawa. "Gusto kong malaman kung hanggang saan aabutin ang buhay ko, hija.." Anito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag iling ng anak nito sa likod. Tila ba hindi nito gusto ang idea na malaman kung hanggang saan lang ang buhay ng nanay nito. Sino nga bang may gusto? Pero siguro ay ganito talaga ang mayayaman. Kapag wala nang magawa sa buhay ay naghahanap na ng thrill. Binaba niya ang palad at dinampot ang tarrots para basahin ang kapalaran ng ginang. "Sobrang swerte po ninyo, madam." paunang sambit niya. "Bago ko sabihin ang aking hula base sa inyong palad at sa mga barahang ito ay gusto ko munang sabihin na, Misteryo ho ang buhay ng tao. At tanging diyos lang ang makakapagsabi kung hanggang kailan niya ipapahiram ang buhay natin. Kung ano man ang kinalabasan ng hula ay maaring maputol o hindi mangyari ang kakahantungan lalo na kung ang diyos na ang kikilos." "I know hija.. It's good that you're honest." Tumango muna siya bago nagsalita ulit. "Aabot pa ho kayo ng sampong dekada. Nakikinita ko pa ho na makakapaglaro pa kayo ng inyong mga apo sa tuhod mo ." totoong 'yon ang nakita niya sa palad nito. Hindi man siya kasing galing ng lola niya sa paghuhula ay sinisikap naman niyang matutunan iyon sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga naiwan nito. "Talaga, hija.. I really hope to make it happen." masayang sambit ng ginang. "Manalig lang po kayo." Nang tumayo ang ginang ay nabigla siya ng kabigin siya nito yakap. Hindi kalakihan ang mesa na nakapagitan sa kanila kaya hindi mahirap na abutin siya. Pati ang lalaki sa likod ay halatang nabigla sa ginawa ng ina. Napangiwi si Mardy pero tinapik din niya ang likod ng ginang. "You're so beautiful, hija.. Wala ka bang kakambal? Kamukhang-kamukha mo ang nawalang manugang ko.." mahina at garalgal nitong sabi. Sasagot na sana siya nang sumabat ang lalaki kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin. Lumapit pa ito sa ina bago tumingin sa kanya ng matiim. Napaiwas tuloy siya ng tingin. "Let's go ma." "Maraming salamat. Salamat hija." Hanggang sa mawala sa paningin ni Mardy ang dalawa ay hindi parin siya kumikilos sa kinatatayuan. Siya? Kamukha ng manugang nito? Ah! Marami naman sigurong magkakamukha dito sa mundo! Wala sa sariling umupo si Mardy at tinampal ng mahina ang mesa. Doon din niya nasagi ang pera. Pera! Dahil sa tensyon kanina ay nakalimutan niya ang bayad! Mabuti nalang at ito na mismo ang naglagay. Ni hindi niya iyon nakita kanina. Mas nanlaki ang kanyang mata ng makitang sampung libo ang binigay nito! Ngunit napakunot siya ng noo ng makitang may kasama pa iyong papel. May sulat kamay iyon kaya agad na binasa ni Mardy. At nagilalas talaga siya sa nabasa. I have few questions about you. Meet me tomorrow. GUNTER SANTIBAÑEZ- Sa likod ay may nakalagay na lugar kung saan sila magkikita. Shet. Sinasabi na nga ba! Na love at first sight talaga sa kanya ang lalaking daks!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD