Kailangan ko na yatang masanay na sa tuwing magkakaroon ng interaksyon sa pagitan namin ni Ric, ay magkakaroon din ng ilang sandali ngunit nakabibingi namang katahimikan. Katulad ngayon. Nanahimik ang mga kaibigan ko habang nakatingin sa taong hindi nila inaasahan. Sigurado naman akong may mga pagkakataon pa rin na nagkakasama si Ric at ang mga kaibigan ko. Ngayon nga lang na narito na ako ay hindi nila mapigilang hindi makaramdam ng awkwardness. "Ric, Conrad... Gusto n'yong kumain?" Si Markiel ang unang kumilos. O baka mas tamang sabihin na s'ya lang naman ang hindi natulala. "Conrado, ang kaibigan naming siraulo!" Alfonso faked a laugh. Kaagad nga lang s'yang nasamid. Karma! "Nakita ko si Ric sa labas," wika ni Conrad. "Mabuti na nga lang at pauwi pa lang s'ya nang dumating ako. I a