"Where's Sabina?" Iyon ang kaagad kong tanong nang makababa kami ng sasakyan ni Markiel. Madaming tao sa labas ng mansyon ng mga Ricaforte at nakatambay din doon ang ilan naming kaibigan. Itinuro ni Alfonso ang loob ng mansyon. "Ang sabi ni Reymond ay may kailangan daw silang pag-usapan. Family matters, for sure." Lahat kami ay napatingin sa isa naming kaibigang papalapit sa amin. JC yawned. "Mga siraulo kayo! Bakit n'yo naman ako iniwanang natutulog sa itaas?" Napahawak na lang ako sa noo. Heto nga at makokompleto na kami pagdating ni Conrad pero ngayon pa lang ay nananakit na ang ulo ko. "Nasaan na nga pala si Letticia?" tanong ko nang mapansing wala si Letti ganoon din si Macky. "Umuwi na si Mackisig," ani Chris. "Kukuha raw s'ya ng gamit. Ewan ko ba sa gagong iyon, gusto ko t