bc

Temptations of an EX-Lover

book_age18+
5.5K
FOLLOW
48.8K
READ
billionaire
possessive
second chance
kickass heroine
CEO
boss
comedy
bxg
humorous
male lead
like
intro-logo
Blurb

Rated 18 (MATURE CONTENT)

Matapos ang tatlong taon na pagtatrabaho sa Canada at pagpili sa kanyang pangarap, muling bumalik si Gabriella sa Pilipinas para sa isang proyekto at wala s'yang pagpipilian kung hindi ang harapin ang kanyang nakaraan at ang lalaking sinaktan n'ya para sa pangarap— ang presidente ng Ocampo Group of Companies at ang lalaking malaki ang galit sa kanya— si Ric Aldrin Ocampo.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Ric!" Nakakunot ang noong nilingon ko ang tumawag sa akin. Katulad ko ay naka-toga rin s'ya at kasama ko rin s'ya sa pagmamartsa kanina. Hinihingal na lumapit sa akin si Yelena. Iniabot n'ya ang kamay. "Congratulations! Hindi pa rin ako makapaniwala na nakapagtapos na tayo pero hindi na ako nagulat na ikaw ang Summa Cûm Laude!" Tumango ako at kinamayan ang babae. Hindi ko na rin naman pinatagal ang paghawak sa kamay n'ya dahil pakiramdam ko ay magkakasala ako sa babaeng alam kong naghihintay din sa akin at sa araw na ito. "Congratulations too, Yelena," binati ko rin s'ya. "But I have to go, my girlfriend is waiting for me." Kinapa ko pa ang maliit na kahon na nasa bulsa para siguraduhing nandoon pa rin iyon. Ngumuso si Yelena. Bakas sa mukha n'ya ang disgusto sa narinig pero hinayaan ko na lang. Hindi lang naman ito ang unang beses na ipinaramdam n'yang interesado s'ya sa akin. Ilang beses ko na ring sinabi sa kanya na hindi ako interesado sa kahit kaninong babae. Literal na makulit nga lang ang babae. Hindi ko nga alam kung bakit sa sobrang dami ng makikita n'ya noong nanood s'ya ng graduation ng department ng Marketing Management apat na taon na ang nakararaan ay ako pa ang minalas na makita n'ya. Mula s'ya sa ibang eskwelahan at dahil lumaking spoiled ay sa halip na um-attend s'ya sa graduation ceremony ng kurso n'ya ay sa graduation ng San Sebastian s'ya pumunta. Nakita n'ya raw ako na nagbibigay ng speech sa stage kaya ini-stalk n'ya ako. At nang malaman n'yang mag-aaral ulit ako sa kursong Engineering ay kaagad s'yang nag-enroll. "Kailan kayo magbe-break?" Yelena asked. Hinilot ko ang sentido. "Hindi kami maghihiwalay ni Gabriella, Yelena. And iimbitahan kita sa wedding namin." Namutla ang babae. "I-Ikakasal na kayo?" Buong pagmamalaking tumango ako. "I'll ask her today so please, excuse me..." Pagkasabi niyon ay tinalikuran ko na s'ya. Hindi ko na rin nilingon ang pagtawag n'ya. "Kapag naghiwalay kayo, akin ka na lang!" I heard Yelena. Hindi ko na lang pinansin ang pagsigaw n'ya kahit pa ang mga taong napatingin sa akin dahil sa nangyari. Mabibilis ang mga hakbang ko at halos liparin ko na ang entrada ng San Sebastian. Marami pang estudyanteng bumati sa akin ngunit dahil nagmamadali ay tinanguan ko na lang sila. Hindi ako puwedeng magsayang ng kahit isang segundo. Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito at lalo pang gumanda ang pakiramdam ko dahil tamang-tama ang oras para sa okasyong magaganap mamaya. Apat na taon din ang ginugol ko sa pag-aaral sa pangarap kong kurso. Apat na taon akong naghintay para sa araw na ito at hindi na ako makapaghintay para mamaya. Lahat ay umaayon sa plano ko dahil hapon ginanap ang graduation namin at kung kakasihan talaga ako ng pagkakataon ay sasabay ang proposal ko sa paglubog ng araw— ang isa sa maraming paborito ng babaeng pinakamamahal ko. Napangiti ako nang makita ang isang pamilyar na sasakyan. Kalalabas ko pa lang at inakala ko talagang maghihintay pa ako. Kaagad akong pumasok sa passenger's seat. "Gian?" Nangunot pa ang noo ko nang makita ang lalaki. Noong graduation pa namin sa Marketing Management ang huling beses na nagkita kami at si Macky ang inaasahan kong susundo sa akin ngayon. "Congratulations," hindi ngumingiting wika n'ya. "Hindi ko talaga inaasahang mag-aaral ka ulit." Ikiniling ko ang ulo at isinuot ang seatbelt. "And I never expected you to be here." Binuhay n'ya ang makina ng sasakyan at nagsimulang mag-drive. "Coincidence lang. Dumaan ako sa restaurant ni Macky to get some news and nakita kong abala silang lahat doon. Letticia asked me to fetch you." Tumango ako. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ng girlfriend ko na naging kaibigan ko na rin. Mula noon hanggang ngayon ay nakasuporta pa rin sila sa aming dalawa ni Gabriella at sa relasyon namin. Isa sila sa dahilan kung bakit habang tumatagal ay mas tumitibay ang relasyon namin ng babaeng pinakamamahal ko. "So... You're getting married?" Hinubad ko ang suot na toga. Maayos na inilagay ko iyon sa backseat. "Hindi pa ako ikakasal. Magpo-propose pa lang ako." Umismid lang s'ya. "Akala ko naman ay ikakasal ka na. Abalang-abala ang lahat sa restaurant nina Macky." Naaaliw na tumawa ako. Lahat ng mga kaibigan namin ay naghihintay para sa araw na ito. Umuwi pa nga ng bansa sina Alfonso at Chris para tumulong sa pag-aayos ng venue ng proposal na gagawin ko which is sa restaurant nga ni Macky. Ang tanging hindi lang nakauwi ay si Markiel na nasa ibang bansa dahil sa laban ng team n'ya. At si Sabina na hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko nga alam kung anong trip ng kaibigang iyon ni Gabriella dahil literal na pakalat-kalat sa iba't-ibang bansa. "Nagkita na ba kayo ni Sabina?" I asked. Hindi ko alam kung ano ang score sa kanilang dalawa pero lalaki rin ako. I know there's something. "That woman is nowhere to be found." Gian's expression darkened. "Kahit ang Tito n'ya ay nag-aalala sa kanya dahil kung saan-saan na s'ya pumupunta." Tinapik ko ang balikat n'ya. "Pumunta ka sa kasal ko, siguradong a-attend si Sab. Patapusin mo nga lang ang wedding ko bago mo s'ya dukutin at dalhin sa kung saan." Napapreno si Gian. "What?!" I chuckled. "Effective 'yan. Gabriella did that to me. And when we returned, girlfriend ko na s'ya." Muling nagmaneho si Gian. "You're crazy, Ric. Love changed you a lot." Natatawang sumandal ako sa upuan. Tama naman si Gian. I'm crazy... Crazy in love. Muli kong dinama ang kahon na nasa bulsa. Pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako at hindi na talaga ako makapaghintay para sa araw ng magiging kasal namin ni Gabriella. "Narito na tayo," imporma sa akin ni Gian. Sinilip ko ang labas ng bintana. Nasa parking space na nga kami ng restaurant ni Macky. Iilan din lang ang mga sasakyang naka-park at halos kilala ko kung sino ang may-ari ng mga iyon. Mukhang lahat ng kaibigan namin ay nandito na. Buong araw na nakasarado sa customer ang restaurant ni Macky. Nirentahan ko iyon ng isang araw ngunit hindi pumayag si Macky na bayaran ko iyon. Nang malaman n'ya ang purpose ko ay s'ya na ang nagplano ng lahat. S'ya na rin ang nagsabi sa iba pa at nang malaman naman ng iba ay halos wala na akong ambag sa plano nila. "Maganda ang loob." Tinanggal ni Gian ang seatbelt. "Mukhang magaling talaga sa mga ganito si Letticia at cozy din ang lugar." Ngumiti ako. Tinanggal ko na rin ang seatbelt. "Ric..." Gian called my attention. "May pangalan ka na sa mundo ng negosyo. You're a successful businessman at sigurado akong magiging successful ka rin sa field ng engineering." Tumango ako. Umiling-iling si Gian. "Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo gugustuhing matali agad sa isang babae." Natawa ako. "Kapag nakita mo na ang babaeng gusto mong makasama habangbuhay, maiintindihan mo ang desisyon ko." Bahagya s'yang natigilan. Maya-maya pa ay umiling na lang s'ya at binuksan ang pinto. "Sasabay ka na ba sa akin?" Nakangiting umiling ako at ipinakita ang cellphone. "Malapit na si Gabriella. Hihintayin ko na lang s'ya." Umismid si Gian. "Ang alam ko sa mga ganito ay kailangan mong mauna sa loob then papasok ang babae. It's a surprise event, isn't it?" "Actually, hindi na ito surprise. Noong graduation natin four years ago, ipinangako ko na ito sa kanya. Wala pa lang akong singsing noon and wala pa rin akong napapatunayan." I smiled. "And pare, nami-miss ko na ang girlfriend ko. I want to see her first." "Crazy," Gian murmured. Lumabas na s’ya ng sasakyan at nauna na sa restaurant. Kalalabas lang ni Gian nang isang taxi ang pumarada sa tapat ng kotseng sinasakyan ko. Awtomatik na napangiti ako nang makita ang babaeng lumabas mula roon. Pakiramdam ko ay mas nagliwanag ang paligid dahil sa presensya n'ya. Kaagad na lumabas ako sa sasakyan. "Love!" Agad ang pagguhit ng ngiti sa mukha ni Gabriella nang makita ako. "Ricardo!" Natawa ako nang marinig ang isa sa mga tawag n'ya sa akin. "Congratulations!" Kaagad na niyakap n'ya ako nang makalapit ako sa kanya. "I'm sorry at hindi ako naka-attend sa graduation mo. Siraulo kasi 'yong kasama ko, bigla na lang nag-resign kaya ako ang sumalo sa lahat ng iniwan n'yang trabaho." Nagtatrabaho s'ya sa kompanya nina Alfon at kapo-promote n'ya lang noong nakaraang buwan. Isang taon pa lang s’ya roon pero maganda na ang performance n'ya kaya mabilis ang promotion n'ya. She's now a Marketing Executive Manager and sa tingin ko ay masaya s'ya sa ginagawa n'ya. At last, katulad ko ay nahanap na rin n'ya ang bagay na magpapasaya sa kanya maliban sa akin. Masuyong hinalikan ko ang noo n’ya. "It's alright. Hindi rin naman ako nagtagal doon." "Engineer Ocampo, bakit lalo ka yatang gumuwapo sa paningin ko?" she asked. I giggled. Iginiya ko s'ya sa sasakyan. "Gusto mo bang umupo muna or pumasok na tayo sa loob?" I pointed the restaurant. "Sa car muna tayo," Gabriella said. "May ibabalita rin ako sa 'yo!" Napangiti ako nang makita kung gaano s'ya kasaya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin n'ya pero natutuwa pa rin ako na makita s'yang ganito kasigla. Pumasok na kami sa sasakyan at pumuwesto ako sa driver's seat habang s’ya ay nasa passenger's seat. "Love..." Gabriella looked at me lovingly. "I got an exclusive offer!" "Really?" Hindi ko pa man naririnig ang offer na sinasabi n'ya ay nakaramdam na ako ng pagmamalaki para sa kanya. Isang envelope ang kinuha n'ya sa bag at iniabot sa akin. Kaagad kong kinuha iyon at binasa. Napapangiti ako habang binabasa ang nakasulat sa kontrata. Nasa mundo rin ako ng business at kahit na dalawang taon ko pa lang hinawakan ang kompanya namin ay alam kong maganda ang ang offer na nasa kontrata. Nabawasan nga lang ang ngiti ko nang mabasa ang isang bagay. I cleared my throat. Ibinalik ko sa envelope ang kontrata at tiningnan ang babaeng pinakamamahal ko. Punong-puno ng kislap ang mga mata n'ya. "Do... Do you want to go?" mahinang tanong ko. Maganda ang offer. But kasama roon ang paglipat n'ya ng branch sa ibang bansa. Nasa tatlo hanggang apat na taon ang posibleng tagal ng pananatili n'ya sa Canada. And I can't wait that long! Kaya ko naman s'yang suportahan pero naplano ko na ang buhay namin. Kasama ko s'yang nagplano roon at wala sa plano ko ang pananatili n'ya sa ibang bansa! Apat na taon kong hinintay ang araw na ito. Dahil gusto kong pagkatapos ng kalahati o isang buwan ay dadalhin na n'ya ang pangalan ko at magsisimula na kaming bumuo ng pamilya katulad ng lagi naming pinag-uusapan. Sunod-sunod ang pagtango ni Gabriella. "Ito na 'yong sign na hinihingi ko, Love. Hindi ba at ilang taon din akong hindi alam kung ano ang gusto kong gawin? Ilang kompanya rin ang pinasukan ko pero kinailangan kong mag-resign dahil pakiramdam ko ay nagiging robot lang ako. And this time, sigurado akong ito na iyon." Nagyuko ako ng ulo. Muli kong dinama ang kahong nasa bulsa ko. Alam ko kung ano ang sinasabi n'ya. She suffered from depression and anxiety. Na-pressure s'ya dahil pagka-graduate namin sa kursong Marketing Management ay bigla n'yang naramdaman na nawawala s'ya. Hindi n'ya alam kung ano ang gusto n'yang gawin sa buhay n'ya at natakot s'ya dahil doon. Nakita ko kung paano n’ya hinanap ang pangarap n'ya. Ako ang kasama n'ya kaya nakita ko ang pinagdaanan n'ya. Sinubukan n'yang magtrabaho sa ibang kompanya pero rin s'ya nagtatagal sa mga iyon dahil literal na wala roon ang puso n'ya. And one year ago, Alfon offered her a position in their company. Tinanggap iyon ni Gabriella at unti-unti kong nakita na nagkaroon s'ya ng pag-asa. And now, nakita na n'ya iyong nawawalang piraso sa pangarap n'ya. Nahanap na n'ya iyong gusto n'yang gawin na magpapabilis sa t***k ng puso n'ya dahil sa excitement. Pero... Bakit naman napaka-wrong timing? Bakit ngayon pa? Sa araw na ito talaga? "Love..." Napansin n'ya yata ang pananahimik ko. "May problema ba?" Kumurap ako at itinago ang sakit sa mga mata. "Alam mo ba kung anong araw ngayon?" Gabriella looked at me with confusion. "Your graduation day..." "Except for that," wika ko sa mababang boses. "Hindi lang naman graduation ko ang mangyayari sana sa araw na ito, Love. Naaalala mo ba ang ipinangako ko sa 'yo noong grumaduate tayo ng Marketing Management?" Bumakas ang kalituhan sa mga mata n'ya. Maya-maya ay nakita ko ang pagkawala ng kislap sa mga iyon. Mukhang naalala na n'ya ang pangakong binitawan namin sa isa't-isa apat na taon na ang nakararaan. "Ric..." She teared up. Lumarawan ang kalituhan sa maganda n'yang mukha. Inilabas ko ang pulang box na kanina ko pa dinadama. Mukha kasing ngayon na ang tamang pagkakataon para ipakita ko iyon sa kanya. "I waited for this day, Gabriella..." Ipinakita ko ang singsing na nasa kahon. "Dahil sa pangako kong magpo-propose ako sa 'yo sa araw na ito. I want to marry you as soon as possible. Hinintay ko lang talagang may maabot ako na pangarap ko talaga..." "I..." Gabriella shook her head. "I'm sorry, Love. N-Nakalimutan ko." Tumango ako. "May gusto ka bang sabihin sa akin?" "I..." Pinaglaruan n'ya ang mga daliri sa kamay. "I can't m-marry you right now..." Napahinga ako nang malalim. Halos maubusan ng hangin ang puso ko. Kaya ko s'yang intindihin. Ngayon lang n'ya nakita ang hinahanap ng puso n'ya and marriage can stop her from doing what she really wants. Kinuha ko ang envelope na nasa mga hita n'ya. "Do you really want to go?" Sobrang sakit na ng puso ko. Gustong-gusto ko na lang iyong dukutin at itapon para mawala na ang sakit. Hindi nagsalita si Gabriella. Nakita ko rin ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. She's confused and terrified. Alam kong sa oras na tanungin ko s'ya ay ako ang pipiliin n'ya. Sigurado ako sa bagay na iyon. Because she won't hurt me. But I'm not selfish. Hindi ko s’ya ilalagay sa sitwasyong kailangan pa n’yang mamili sa pagitan ko at ng bagay na matagal na n’yang hinahanap para sa sarili n’ya. She finally found her piece of herself and I'm blocking her way. Yeah. I'm blocking her way. "You can go." Inilagay ko ang kahon ng singsing sa nanginginig n'yang mga kamay. "I can't wait for another three or four years, Gabriella. Hindi ko kayang malayo sa 'yo nang ganoon katagal..." "R-Ric..." Naglandas ang mga luha sa magkabila n'yang pisngi. "Puwede naman akong tumuloy nang hindi naaapektuhan ang relasyon natin." Tumango ako at pinunasan ang mga luha n'ya. "I know... But alam ko ring sa oras na gawin natin iyon ay hindi ako makakatiis. Baka sundan kita kung nasaan ka man at pilitin kang talikuran ang mga pangarap mo. And I can't do that to you..." Tuluyan na s'yang napahagulhol. "Ayokong mangyari iyon, Gabriella. Ayokong pilitin kang talikuran ang pangarap mo para sa akin. At iyon ang mangyayari sa oras na ituloy pa natin ang relasyon natin." I cleared my throat. Gusto kong magwala. Gusto kong manakit pero ang tanging nagawa ko lang ay ang ikuyom ang mga kamay ko. Kumurap ako para pigilan ang pagpatak ng luha. "Ipinangako ko sa 'yong hindi ako ang magiging dahilan ng pagkakabali ng mga pakpak mo. I won't cut your wings, Love. I won't deprive you of your happiness." "R-Ric..." Hinawakan n'ya ang mga kamay ko. Gustong-gusto kong hawakan ang mga kamay n'ya ngunit kapag ginawa ko iyon ay baka hindi ko na iyon bitiwan pa. Baka ipagdamot ko sa kanya ang pangarap n'yang matagal din n'yang hinanap. Baka maging miserable s'ya at ayokong mangyari iyon. Nakita ko kung paano s'ya nawala noon. She almost lost her purpose and I can't let her experience that again. Ayokong maiwala n'ya ang sarili n'ya dahil lang naging sakim ako. Tinanggal ko ang mga kamay n'yang nakakapit sa akin. Sinong mag-aakalang masasaktan ako nang ganito? Galit ako sa sarili ko dahil magpaparaya ako. Pero siguro naman ay may karapatan din akong makaramdamn ng galit sa babaeng kaharap ko ngayon dahil nakalimutan n'ya akong isipin. But... I always told her to choose her happiness. So, am I the one to blame? "You can go, Love..." Nanginig ang boses ko. "P-Pinapalaya na kita." Iyon na yata ang pinakamasakit na mga salitang binitawan ko. Para akong sinaksak nang paulit-ulit. Para akong pinapatay. Bago pa ako maduwag at maging sakim ay lumabas na ako ng sasakyan. Mas dinakot ang puso ko nang marinig ang pag-iyak n'ya ngunit anong gagawin ko? Hindi ko naman s'ya puwedeng pilitin na magpakasal sa akin at talikuran ang pangarap n'ya. Hindi ko puwedeng isipin ang sariling kasiyahan kapalit ng sa kanya. At sa oras na ituloy namin ang relasyon namin habang nasa malayo s'ya, mababaliw ako. At baka magkasakitan pa kami. Walang buhay na naglakad ako sa direksyon ng restaurant. We just celebrated our fourth anniversary months ago and I should be shouting in joy right now. Ngunit kabaliktaran niyon ang nangyayari. Pakiramdam ko ay binabangungot ako nang gising. "Ric!" Sumalubong sa akin ang masayang mukha ng mga kaibigan namin. "Where's Gab?" Letticia asked me. Napalunok ako nang makita kung gaano kaganda ang buong lugar. Lalo na ang eksaktong lugar kung saan ay dapat na luluhod ako at magpo-propose sa babaeng alam kong hanggang ngayon ay umiiyak pa rin sa loob ng sasakyan. Hinilot ko ang sentido. "Bakit ganyan ang itsura mo? May problema na?" Conrad approached me. Tinabig ko lang ang kamay n'ya at dumiretso sa isang lamesa. Kinuha ko ang bote ng alak na naroon at kaagad na tinungga. "Pupuntahan ko lang si Gab." I heard Letti. Nang makalabas ang babae ay hinarap ko ang mga kaibigan namin. "I..." My eyes welled up. "Wala nang magaganap na proposal. We b-broke up."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.8K
bc

His Obsession

read
89.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook