Muntik na akong mapaigtad nang bumukas ang pinto ng elevator, tanda na nasa ikalabing-anim na palapag na ako. Kaagad na pinunasan ko ang gilid ng labi, hindi ko akalaing nakaidlip ako sa elevator! Sobra rin kasi ang antok na nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay wala pa akong maayos na tulog. Tumulong din kami sa pag-aasikaso ng mga bisita sa burol ng grandparents nina Sabina. Nailibing na kahapon ang dalawang matanda at ayoko namang umabuso kaya pumasok na rin ako ngayon kahit pa sinabihan na ako ni Road na bukas na lang pumasok. Dumiretso ako sa hallway at humihikab na tinungo ang opisina. As a Marketing Executive, hindi ko talaga maintindihan kung bakit nandito sa sixteenth floor ang opisina ko! Mataas ang posisyon ko ngunit hindi naman ganoon kataas iyon. Ang mga ka-level ko nga a