"So, inimbita n'yo ba kami rito para maglaro ng titigan? Ang unang kumura ay s'yang talo?" nang-aalaskang tanong ni Sabina. Stress na stress ang itsura n'ya at kahit hindi ko na itanong ay siguradong dahil iyon sa training n'ya sa trabaho. Wala na rin naman s'yang nagawa kung hindi ang pagbigyan ang kahilingan ng kanyang lolo at lola kaya nagte-training s'ya sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya. "Sabina, bakit parang hindi ka yata maganda ngayon? Parang hindi na ikaw iyong Sabina'ng nakilala namin— Hindi na natapos ni Alfonso ang sasabihin dahil binato na s'ya ni Sabina ng lemon. Natatawang napailing na lang ako sa kalokohan ni Alfon. Iilan pa lang kaming nandito. Ako, si Macky, Sabina, Alfonso at si Sebastian na mukhang pagkarating pa lang ay umiinom na. "Nasaan na nga pala si Mark