Markiel's Pov: "See? I told you, mag-e-enjoy ka rito. Dapat talaga ay lumalabas ka sa kuweba mo paminsan-minsan lalo na at hindi ka nagkakaroon ng tamang pahinga." Nakangiting tumingin pa sa akin si Gabriella bago muling itinuon ang atensyon sa siraulong sina Alfonso at Sebastian na sumasayaw na ngayon sa gilid ng lamesa. Dalawang oras na yata ang nakalipas mula nang sabay kaming dumating ni Conrad dito sa bar. Hindi nga lang kami kompleto dahil nasa out of town si Chris at hindi kinaya ng kanyang schedule ang pag-uwi. "You're right, dapat nga ay lumalabas ako minsan," pagsang-ayon ko habang pinanonood ang mga kaibigan namin na kumakanta. Sintunado naman ang boses ni Sebastian pero kulang na lang ay palitan n'ya iyong music. Magtatatlong buwan na yata mula nang magbakasyon ako para sa