Chapter 3

1232 Words
Napapailing na lang ako habang tinitingnan ang kanina pang tumatawang si Sabina. Halos magwala s'ya kanina sa loob ng bar at kahit sina Alfon at Seb ay hindi s'ya magawang pigilan. "Grabe ang babaeng 'yan!" asik ni Alfonso habang nakatingin kay Sabina na inaalalayan ni Sebastian. "Parang ang tagal n'yang hindi nakatikim ng alak kaya halos lunurin na n'ya ang sarili n'ya sa loob." I yawned. Nang tingnan ko ang relo sa braso ko ay alas dos na ng madaling araw. Grabeng night out ang ginawa namin kahit na hindi naman friday. Nag-off ako pagkatapos kong malaman na narito silang tatlo. Hindi ko nga inaasahan na maging si Sebastian ay maliligaw dito sa Canada. "Parating na ang tinawagan kong designated driver," imporma sa akin ni Alfonso. "Kaya ko namang mag-drive pero sigurado akong mumurahin lang ako ni Sebastian kaya tumawag na rin ako ng magda-drive para sa atin." Napatawa ako. "Baka masuntok ka ni Sebi, alam mo namang gustong-gusto n'yang mabuhay nang matagal." Humalakhak s'ya. "Nasabi sa akin ni Kuya na babalik ka na sa Pilipinas, totoo ba 'yon?" Nagkibit ako ng balikat at marahang tumango. "Yeah. Patapos na ang kontrata ko rito at hindi naman pumayag ang kapatid mo na i-extend iyon. He asked me to go back for a project..." Huminga ako nang malalim matapos sabihin iyon. "So, kung may choice ka pala ay mas prefer mong manatili rito?" Alfon asked. "At kung in-extend lang ni Kuya ang kontrata mo ay hindi ka talaga uuwi ng Pilipinas?" Nanatiling nasa dalawa naming kaibigan ang mga mata ko. Ramdam ko ang paninitig sa akin ni Alfonso kaya hindi ako nag-aksayang tumingin sa gawi n'ya. Ayoko nang dagdagan pa ang pagdududang alam kong naglalaro na sa isip n'ya sa mga sandaling ito. "Nasanay na ako sa buhay ko rito, Alfon." That's a safe answer. Wala rin naman akong puwedeng isagot dahil anuman ang maging sagot ko ay iba pa rin ang iisipin ng mga taong nakakakilala sa akin. "Nasanay ka na sa buhay dito..." Inulit ni Alfonso ang sinabi ko pagkatapos ay tumawa nang marahan. "Stop playing safe, Gabriella. You know that I won't buy that." Nagkibit ako ng balikat at sinulyapan ang kaibigan. "Ano bang gusto mong marinig na sagot mula sa akin? Na mami-miss ko ang maple trees o kaya ay nasanay na ako sa local maple trees kaya ayoko na ritong umalis? That's childish." Mula sa pagkakaupo sa bench na nasa tabi ng kalsada ay tumayo si Alfonso at namulsa. Tiningnan n'ya ang maliwanag at makulay na lansangan ng Vancouver. Madaming bar at iba pang establisyimento sa paligid ngunit pagkatapos namin sa bar na pinasukan namin kanina ay hindi na kami nagbalak pang pumasok sa iba. Hapon pa lang ay nasa isang VIP suite na kaming apat at ngayon nga lang kami lumabas. Ang bar na nasa gawing kanan namin ang pinanggalingan namin at doon na rin kami kumain ng meryenda at hapunan kanina. Kakaiba nga lang ang trip ni Sabina dahil literal na nagwala at nagpakalasing ang lokaret. Ni hindi naman s'ya nagsasalita kaya hindi namin alam kung ano ang problema n'ya. Hindi rin s'ya nagsabi ng kahit isang problema n'ya kaya wala talaga kaming alam sa kung ano ang talagang nangyayari sa kanya. "Maniniwala pa ako kung sasabihin mong ayaw mong iwan ang Niagara Falls," maya-maya ay sambit ni Alfonso. Natawa ako sa narinig. "That place is enchanting, nakapunta ka na ba roon? I mean, did you visit the falls in all ways?" "By land, air and water?" he asked back. "Ilang beses ko nang nabisita ang Niagara Falls. And water falling from it never come back..." Nanahimik lang ako. Muli kong pinanood ang pag-aasikaso ni Sebi kau Sabina. Kanina lang ay nagsusuka sa gilid ng basurahan ang babae pero mukhang ngayon ay nakabawi na s'ya. Pahihigupin ko na lang s'ya siguro ng mainit na sabaw mamaya. Siguradong kailangan n'ya iyon para mahimasmasan naman s'ya. "Hindi kayo nagkakalayo ni Sabina," Alfonso stated. "Pareho kayong ayaw bumalik sa Pilipinas dahil may ayaw kayong makita roon." Huminga ako nang malalim. "Alfon..." Napahinga rin nang malalim si Alfonso. "It's been years, I know that, Gab. Nandoon kami noong araw na iyon at alam mo ring kahit paano ay naging malapit sa amin si Ric. At hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin kami sa nangyari sa inyo pero pinili naming manahimik dahil desisyon n'yo naman ang nangyari noon..." Hindi ako nagsalita. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa aking kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras na mapag-uusapan ang nangyari noon. "Hindi naman namin kayo pipiliting mag-usap o kaya ay magkabalikan," dagdag pa ni Alfonso. "Iisa ang mundong ginagalawan n 'yo kaya malamang na magkakasalubong talaga kayong dalawa. We just want you back. Hindi lang naman ikaw, pati na rin ang isang iyan." Itinuro pa ni Alfonso si Sabina na halos balian na ng braso ang kawawang si Sebastian. "Babalik naman talaga ako," tugon ko at inayos ang pagkakasuot ng coat. Malamig na ang panahon at kahit makapal ang coat na suot ko ay nanunuot pa rin sa mga kalamnan ko ang lamig. "Tapos na ang kontrata ko, hindi ba? But, hindi ako sigurado kay Sabina. Mukhang imposibleng bumalik sa Pilipinas ang babaeng iyan." Pumalatak si Alfon. "That Gian, ano ba kasing nangyari sa kanilang dalawa at kulang na lang ay magtago sa ilalim ng mga bulkan 'yang si Sabina" Hindi na naituloy pa ni Alfon ang sinasabi nang tamaan s'ya sa mukha ng sapatos ni Sabina. "I have a feeling that you're badmouthing me!" hiyaw ni Sabina habang palapit sa amin. Sigurado naman akong hindi n'ya naririnig ang pinag-uusapan namin ni Alfon. Inis ma bumulong-bulong pa si Alfon bago pinulot ang sapatos ni Sabina. Sinalubong n'ya ang kaibigan namin at isinuot ang sapatos sa paa ng huli. "Wala pa ba 'yong driver natin?" Nakasimangot na tumingin sa amin si Sebastian habang hinihimas ang braso. "Kailangan n'yo yata akong dalhin sa ospital. Nabalian yata ako ng buto." Sabina glared at him. "Babalian talaga kita mamaya, Sebi!" Mabilis na nagtago sa likuran ko ang lalaki. "Grabe na talaga ang isang iyan, Gab. Ngayon ko na nga lang nakita, mananakit pa," dagdag pa n'ya kaya lalo s'yang inambahan ni Sabina. Hindi na natuloy ang pag-aaway ng dalawa dahil kaagad nang dumating ang designated driver na tinawagan ni Alfon. "Malapit dito ang hotel na tinutuluyan ni Sebi. Dumiretso na lang tayo roon para makapagpahinga naman tayo," pagbibigay-alam sa amin ni Alfon. Mabilis na binuksan ko ang backseat. "Alright. Mas mabuti pa nga dahil antok na ako talaga." Hinintay muna nina Sebi na makapuwesto kami sa loob mg sasakyan bago sila pumasok ni Alfonso. Si Alfonso ang umupo sa tabi ng driver at s'ya na rin ang nagsabi sa destinasyon namin. Si Sebastian naman ay pinanggitnaan namin ni Sabina kaya halos umiyak na s'ya lalo na at ginawa na s'yang unan ng lasing na si Sabina. Natatawa na lang ako sa tuwing maririnig ko ang pagrereklamo ni Sebastian. Nanatili ang mga mata ko sa tanawing nasa labas ng bintana ng sasakyan. Buhay na buhay ang parteng ito ng lansangan. Maliwanag ang bawat establisyimento at iba't-ibang uri ng kulay ang ibinibigay ng mga iyon. Wala sa sariling napahugot ako ng hininga. Wala na nga talaga akong pagpipilian. Ayoko man ay kailangan kong bumalik sa Pilipinas. Hindi lang dahil sa proyektong sinasabi ng kapatid ni Alfon kundi para harapin ang ilang taon ko ring pilit na tinatakasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD