Chapter 4

1283 Words
Hindi ko alam kung ilang beses na akong huminga nang malalim. Ni kahit yata maghapon akong humugot ng hininga ay hindi pa rin mawawala ang bigat ng kalooban ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay ganoon pa rin kabigat iyon. Muli akong tumingala. Maaliwalas ang kalangitan at maging ang paligid. Maganda ang panahon at kahit pahapon pa lang ay hindi ganoon kainit. Umihip ng hangin dahilan para magulo ang mahaba kong buhok. Ramdam na ramdam ko ang kaibahan ng temperatura rito, iba sa nakasanayan ko na. Mukhang hindi ko na kailangang sampalin ang sarili ko para ipaalala kung nasaan na ako. Narito na ako sa Pilipinas. Nakabalik na ako sa bansang minsan ay sinubukan ko ring ibaon sa limot. Tinanggal ko ang scarf sa leeg at basta na lang iyon inilagay sa loob ng bag. Maging ang coat na suot ko ay isinabit ko lang sa braso ko. Wala na ako sa Canada kaya hindi ko na kailangan ang mga iyon. Pinagpawisan na rin ako dahil sa kanina pa ako nakatayo rito. Nasa labas ako ng airport at kasalukuyang naghihintay sa sundo ko. Si Tita Malou at ang boyfriend n'ya ang dapat na susundo sa akin ngayon pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang kahit anino nila. Muli kong tiningnan ang oras sa suot na relo. Alas una y medya ng hapon, tama naman ang oras na ibinigay ko sa kanila. Tatlumpung minuto na ang nakalipas mula nang makababa ako sa eroplano kaya hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa sila. Traffic? Sabagay, nandito na ako sa Pilipinas kung saan ay normal na tanawin na lang ang traffic. Ngunit sigurado rin akong nag-adjust sila ng oras. Dahil sa inip ay nagpasya na lang akong dumiretso sa taxi lane. Magta-taxi na lang ako pauwi. Bago pa nga lang ako makalayo mula sa kinatatayuan ko kanina ay isang puting van na ang tumigil sa gilid ko. Bahagya akong natigilan at napatulala sa puting sasakyan. Bigla na rin lang bumalik sa alaala ko ang alamat ng kinatatakutang mga puting van noon. Nangunguha raw kasi ng mga bata ang mga sakay ng puting van at ibenebenta ang mga lamang loob ng mga batang nakuha. Kaagad nga lang bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang lumabas mula sa sasakyan ang mga taing hindi ko talaga inaasahang makikita ko sa mga oras na ito. "Welcome back!" malakas na hiyaw ni Christopher. May hawak pa s'yang isang lei na binubuo ng iba't-ibang uri ng bulaklak. Bago pa ako makabawi sa pagkabigla ay naisabit na sa akin ni Chris ang hawak n'yang lei. Hindi pa nga ako nakakapag-react ay inabutan naman ako ni JC ng ilang kuwintas na gawa sa Sampaguita. "Long time no see!" Galak na galak pa talaga ang walanghiyang si JC. Tinapik pa n'ya ako sa balikat. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang hawak na ilang pirasong kuwintas ng Sampaguita. "Buwisit talaga kayo!" Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa mga buwisit kong kaibigan. Bakit ko ba naisip na kahit paano ay nag-mature na silang lahat? Edad lang ang nagbago sa kanila pero nananatili pa rin silang mga siraulo! "Kadarating mo pa lang, mumurahin mo na kami agad?" Hinawakan pa ni Alfonso ang dibdib. "Puro mura na nga ang nakuha ko sa 'yo sa Canada." "Huwag mo nang pansinin ang mga iyan, Gab," ani Letti na kung hindi pa n'ya itinulak ang mga lalaki ay hindi ko talaga s'ya makikita. Kaagad na niyakap ko ang kaibigan. Miss na miss ko na s'ya at hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng guilt sa tuwing maaalala kong iniwan namin s'ya ni Sabina. "I miss you, Letticia!" Halos maiyak na ako at sobrang higpit talaga ng pagkakayakap ko sa kanya. Kumilos ang ilan sa mga walanghiya naming kaibigan at kinuha ang mga gamit ko. Isinakay nila iyon sa likod ng van at saka isinauli ang cart na ginamit ko. Tinanggal ko ang lei at iniabot sa tumatawang si Macky. Maging ang mga kuwintas ng Sampaguita ay ibinigay ko sa lalaki. "Anong akala n'yo sa akin, santa?" Inis na tiningnan ko sina Christopher. "Mga hayop talaga kayo!" Nagtawanan lang ang mga walanghiya. Hindi ko na lang sila pinansin at hinarap na si Letti na pangiti-ngiti lang. "Bakit nga pala kayo narito?" tanong ko. "Si Tita lang ang nakakaalam na uuwi ako ngayon." Humalukipkip si Letticia at sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. "Nagpakulay ka ng buhok. Wala na rin ang pagkakulot ng buhok mo." I touched my hair. Ruby Fusion ang kulay ng buhok ko ngayon at nagiging mas mapula iyon sa tuwing nasisikatan ng araw. Inalagaan ko na rin iyon para hindi na bumalik sa pagkakulot. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko," sabi ko na lang. "Sinabi ba sa inyo ni Tita ang uwi ko ngayon? Kaya pala kanina pa ako naghihintay sa kanila ay hindi sila dumadating. Hindi rin sila tumawag o nag-text man lang." Umirap si Letticia. "Nakakatampo ka na talaga. Hindi mo man lang kami sinabihan na uuwi ka ngayon. Mabuti na lang at bumisita ako sa inyo kahapon kaya nalaman ko." Tiningnan ko ang nagkakaguli naming mga kaibigang lalaki. Para pa rin silang mga takas sa mental facility Mga abnormal pa rin talaga. "Alam ko kasing mga busy kayo. Ang daming trabaho ng mga abno na 'to, bakit mo pa sila isinama rito?" Itinuro ko pa sin Chris na pinagtitripan na naman si Reymond. Kompleto ang mga kumag. Wala nga lang si Markiel dahil ang balita ko ay abala sa training sa Macau ang isang iyon. Wala rin si Sabina dahil matapos naming magkita sa Canada noong isang linggo ay bumalik na rin s'ya sa France. Umalis ang babaeng iyon nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko kung kailan s'ya uuwi rito sa Pilipinas o kung may plano pa ba s'yang umuwi rito. Mukha kasing nakapagdesisyon na s'yang manirahan sa France. "Wait, where's Conrad?" takang tanong ko nang makitang may nawawala sa mga baliw. "Oh, nasa Minadanao. May kailangan s'yang asikasuhin pero pauwi na iyon. Nasa gitna s'ya ng meeting nang tawagan namin kanina. Baka nasa ere na 'yon sa mga oras na ito," natatawang sagot ni Letti. "Hindi n'yo naman kailangang pumunta rito." I sighed. "Wala bang mga trabaho ang mga siraulong iyan?" "Nag-leave silang lahat sa mga trabaho nila," sagot ni Letti. "Iyang sina Chris at Reymond ay kauuwi rin lang mula sa ibang bansa noong isang araw. Na-bored ang mga 'yan kaya sumama rito." Napangiti ako habang naaaliw na pinanood ang mga abnormal kong kaibigan. Kung kanina ay mabigat ang pakiramdam ko, ngayon naman ay tila may mainit na kamay na humaplos sa puso ko. Hindi ko napansin ang tila butas sa puso ko noong pinili kong manirahan at magtrabaho sa Canada. Ngunit ngayong nandito na ako at nasa harapan ko ang mga kaibigan ko, nakaramdam ako ng pangungulila. Sobra-sobrang pangungulila. Paano ko natiis na hindi sila makita ng ilang taon? "Masaya kaming nakabalik ka na rito, Gab." Yumakap sa braso ko so Letti. Niyakap ko rin ang kaibigan. "Ayoko pa talagang umuwi, Letti. But, ngayong nakita ko na kayo, pakiramdam ko ay tama ang desisyon ko." "Sakay na kayo!" sigaw ni Reymond. "Mamaya na kayo mag-drama, wala namang camera!" Inis na binato ko ng bag ang kaibigan bago sumakay sa puting van. Kasasakay ko pa nga lang ay parang gusto ko na ulit bumaba. Bunabawi ko na ang mga naisip ko kanina! Parang gusto ko na lang bumalik sa Canada. Hayop kasing si Christopher, umutot nang pagkalakas-lakas at ang baho pa! Lahat yata ng bintana ng van ay binuksan namin. Hindi pa man kami nakakaalis ay napuno na ng halakhakan at mura ang loob ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD