"So... Ibig sabihin ay babalik ka na ng Pilipinas dahil sa ilang pirasong papel na ito?"
Mula sa pagsimsim sa juice ay itinuon ko ang atensyon kay Sabina. Hawak n’ya ang kontratang ipinakita sa akin ni Road kanina. Binasa na rin n’ya ang laman niyon at baka maya-maya ay gawin na n’yang eroplanong papel.
Tumango ako at inagaw ang kontara bago pa n’ya maisipang paglaruan iyon. Muli ko iyong ibinalik sa envelope at inilagay sa bag.
Narito kami sa isang coffee shop na katapat lang ng gusali ng Zaragosa Internationals. Kaagad na nag-day off ako nang malamang bumisita sila ni Alfon. Wala pa nga lang ang lalaki dahil kinakausap pa s’ya ng kuya n’ya kaya kaming dalawa lang muna ang pumunta rito.
"Bakit parang hindi ka masaya na makakauwi ka na?" Tumaas ang isang kilay ni Sabina. "Hoy, Gabriella, tatlong taon ka na rito, hindi ka ba nauumay sa maple syrup?"
Natatawang napailing ako. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lokaret.
Sabina is a model. Iba't-ibang bansa ang pinupuntahan ng babae dahil sa trabaho n'ya. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang pagmomodelo ang pinili n’yang maging karera. Lahat yata kami sa barkada namin ay nagulat sa naging desisyon n’ya.
She's good. Iyon nga lang ay halos hindi ko na s'ya makita. Paminsan-minsan lang kami nagkikita at halos wala na akong alam sa kanya. Hindi ko kasi alam kung bakit bigla na lang s’yang naging malihim sa mga ginagawa n’ya sa buhay n’ya.
"Oh, bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?" tanong n’ya bago humigop sa kape.
"Nagpakulay ka ng buhok," puna ko sa mamula-mula n’yang buhok.
Kaagad na ngumiti si Sab. "Ang ganda, ano? Kailangan ko nga lang itong ibalik sa dati dahil rarampa ako sa France next week."
I sighed. "Wala ka bang planong umuwi?"
Maasim ang mukhang umiling si Sabina. "Sa ngayon ay wala pa. Puno ang schedule ko at bad trip lang talaga ako sa agency ko ngayon kaya hindi ko sinipot iyong dapat na schedule ko ngayon. Mabuti na rin na na-badtrip ako dahil nagkaroon ako ng oras para bisitahin ka."
Nangalumbaba ako. "Bakit? May problema ba?"
Maarteng umikot ang kanyang mga mata. "They want me to stay at the Philippines for a month. May company na gusto akong kunin as their endorser."
Mas nagtaka ako. "Oh, anong problema roon? Ayaw mo ba noon at makakauwi ka na rin?"
"That’s the problem," she said. "Ayokong umuwi."
Napabuntong hininga na lang ako. Ang alam ko ay ako ang pinakamatigas ang ulo sa aming tatlo. Hindi ako aware na kinulang na rin pala sa turnilyo sa ulo itong si Sabina.
"Anong gagawin mo kapag nagkita kayo ng ex mo?" Sab asked after a while.
Nangunot lang ang noo ko.
"Well, madami ka nga palang ex." She giggled. "I'm talking about your almost husband. Si Richie Ric."
I gulped. Hindi ako sumagot at uminom na lang sa juice.
Pumalatak si Sab. "Maliit lang ang mundo n'yo, Gab. Lalo na at pareho kayong nasa business world. Magkakabungguan at magkakabungguan kayo kaya dapat ay ihanda mo na ang sarili mo para alam mo ang gagawin sa oras na magkaharap ulit kayo."
Sa buong durasyon ng pananatili ko rito sa Canada ay hindi na ako nakibalita pa kay Ric. Sapat na iyong sakit na naibigay ko sa kanya noon kaya hindi ko na talaga ginustong magkaroon ng balita tungkol sa lalaki.
Maging ang mga kaibigan ko ay tila nagkasundo na huwag na akong balitaan ng nangyayari sa lalaki. Hindi man nila sabihin ay alam kong sumama ang loob nila sa nangyari.
At katulad ng sabi ni Sab, maliit lang ang mundong ginagalawan namin ni Ric dahil kahit nandito ako sa Canada ay nakarating pa rin sa akin ang mga nangyayari sa kanya sa larangan ng negosyo. Magaling s’yang negosyante at enhinyero.
Ngunit iyon lang ang alam ko. Ang mga achievement n’ya, sa personal na buhay ay wala akong alam.
"Paano kung magkasalubong kayo and ma-realize mong mahal mo pa rin si Ricardo?" Sab asked again. "Parang nai-imagine ko na ang eksena. Ric will be, you left, remember?"
Inis na tinampal ko s’ya sa braso kaya agad s’yang humalakhak. Nasamid pa s’ya sa sariling laway.
Nangingiting tumingin s’ya sa akin. "Pasensya ka na sa akin. Hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin ako sa nangyari sa inyo. Hays. Dapat ay nag-aalaga na ako ngayon sa kambal n’yong anak."
Ako naman ang nasamid sa narinig.
"Walanghiya ka talaga, Sabina!" gigil na sabi ko sa tumatawang babae.
Tumatawang umiling s’ya. "Paano natin malalaman kung mahaba at malaki?"
"Gaga!" singhal ko sa lokaret na kaibigan.
She pouted. "Nami-miss ko na si Letticia. Hindi ko naman in-expect na talagang nakakapagod ang mundong haharapin natin after college."
Bumuntong-hininga ako. Pareho lang kami ng nararamdaman. I missed those years.
Iyong tipong ang problema lang namin ay kung saang bar kami pupunta para mag-chill. Kung anong letter ang pipiliin kapag may multiple choices. Iyong kung kailan at saang subject kami magcu-cutting.
Nagkakaroon kami ng malalalim na problema na related sa pamilya pero sama-sama kaming magkakaibigan. Laging laban lang dahil alam naming magiging maayos din ang lahat kinabukasan.
Ngunit nang harapin ko na ang mundo ng isang adult, sinampal ako ng katotohanan na walang madali sa buhay. Na hindi lang isang masayang paglalakbay ang buhay.
Para iyong trial and error. You'll have to face your fears alone. Walang tatapik sa balikat mo to tell you that everything will be alright.
"Nami-miss ko na si Mr. Damayo," sabi ko. "Kumusta na kaya iyon?"
Sab smiled. "I miss San Sebastian."
I eyed her. "Ang San Sebastian ba o si Gian?" I teased her.
Kaagad na pumilantik ang mga daliri ni Sabina. "Gabriella, please... Don't say bad words."
Napahalakhak na ako nang tuluyan. Gaga pa rin talaga ang kaibigan kong ito.
Natigil lang kami sa pagtatawanan nang makita namin si Alfon. Mabilis na lumapit sa amin ang lalaki.
Kaagad akong tumayo at sinalubong ng yakap ang kaibigan. Kahit paano ay nakikita ko si Sabina pero iyong mga kaibigan naming piniling magbase sa Pilipinas ay hindi ko pa ulit nakikita.
Ginulo ni Alfon ang buhok ko at gumanti ng yakap. "I miss you too, Gabriella Silang."
Natatawang kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "Anong masamang damo ang nagtaboy sa 'yo rito?"
"Dahon ng maple tree?" He laughed. Lumapit s’ya kay Sab at niyakap din ang babae. "Sabina, bakit balita ko ay hina-hunting ka raw ni Gian?"
Isang suntok sa panga ang natanggap ni Alfon na naging dahilan ng malakas kong pagtawa.