"Ano naman kaya ang magiging problema sa site?" Katulad kanina ay napasulyap na lang ako kay Alfonso. Kanina pa n'ya tinatanong iyon, mula pa nang tumulak kami pa-Batangas. Nakatutok ang buong atensyon ng lalaki sa daan. Seryoso rin ang kanyang mukha at alam kong sa tuwing tinatanong n'ya iyon, hindi naman iyon para sa akin. More on sa sarili n'ya s'ya nakikipag-usap. "Kumalma ka nga, Alfon," saway ko sa kaibigan. Mukhang wala pa s'yang planong tumigil sa pagmo-monologue. "Napapaisip lang kasi ako kung bakit at paano nagkaproblema samantalang kilala kitang gumawa ng project. Pulido at nakailang ayos ka sa bawat detalye. Napi-picture out mo rin kaagad ang mga possible problems na mae-encounter ng isang ongoing project at may solusyon ka kaagad sa mga iyon at hindi lang isa kung hindi