"Dalawang araw nang may asawa si Conrad ngunit hindi pa rin ako makapaniwala na ikinasal na ang siraulong iyon..." Nilingon ko si Alfonso, kanina pa s'ya nagsasalita at kinakausap ang sarili habang nakatingin sa kanyang dalawang daliri. Katulad ng mga araw na hindi s'ya busy, nandito na naman s'ya sa opisina ko at kakaiba naman ang trip n'ya ngayon. Hindi nga n'ya ako ginugulo pero para s'yang bubuyog na nakikipag-usap sa sarili. Nakasalampak s'ya sa sofa sa receiving area ng opisina ko, nakalilis ang parehong sleeve ng long-sleeve na suot at nasa sahig ang kanyang mga sapatos. Komportableng-komportable ang itsura n'ya at kung hindi ko s'ya kilala, iisipin kong nawawala na s'ya sa kanyang sarili. Ang lagi n'yang sinasabi sa akin ay mabilis talaga n'yang tinatapos ang kanyang mga tra