"So, sinasabi mo bang pinahihirapan ka ng ex mo kaya hanggang ngayon ay hindi ka pa rin makakuha ng appointment sa kanya? At nang may pagkakataon na dumating, bigla naman s'yang nagkaroon ng emergency kahit alam n'yang may naka-schedule s'yang meeting?" Mula sa pagkakasubsob sa lamesa ay nag-angat ako ng mukha. Ang nakaismid na mukha ni Letticia ang nabungaran ko. Naiiling na inilagay ni Letti ang mga cupcakes sa harapan ko. "And, you're assuming na this might be his revenge to you? For what you did years ago?" the voice fron my cellphone added. That was Sabina's voice. Naka-loud speaker ang cellphone ko dahil ayaw daw n'yang mahuli sa kung anumang pagtsitsismisan namin ni Letti. On the way pa lang kasi ang gaga kaya mas minabuti n'yang habang nagmamaneho s'ya papunta rito ay katawag