Today is Monday. Ang isa sa mga araw na minsan ay gusto ko na lang mawala sa kalendaryo. Simula na naman kasi ng linggo at marami talagang dahilan kung bakit minsan ay hindi ko gusto ang araw ng Lunes. Traffic, hassle sa trabaho at maging sa kahit anong aspeto ng buhay. Bukod pa sa katotohanang kanina pa tila binibiyak ang aking ulo, salamat sa pa-girl's night out ni Letticia noong Sabado ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw. Ewan ko ba sa babaeng iyon, idinamay pa kami ni Sabina sa paglalasing. Kami naman, sumama na lang dahil alam naming pareho kaming may malaking pagkukulang kay Letticia. We had a great time. Hindi namin ipinaalam sa mga kaibigan naming lalaki ang plano namin para naman makapag-solo kaming tatlo na nangyari nga. Letti and Sabina drank to their heart content. Ak